Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31: Sorry

Zein's Point of View

Akala ko may mas sasakit pa sa nakita kong expression ni Matt nang nilagpasan ko lang sya ng tingin. Hindi ko alam na masakit pa pala na umiiwas na rin sya sa akin.

Sa ilang araw, mga oras na lumipas. Hindi kami nag-uusap, he is even avoiding my gaze. Alam kong nararamdaman din ito ng iba pa naming kaibigan pero pinili na lang nilang manahimik.

Kaibigan? May magkakaibigan pa bang ganito? We even rarely see each other. Busy ako dahil sa darating na foundation habang sila ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

"A penny for your thoughts,"

Nabalin sa katabi kong bagong upo rito sa bench sa wide space. Agad na kumunot ang aking noo pero iniwas ko rin ang aking tingin sa kanya.

"Hay. Napaka komplikado talaga ng mga bagay." Inip na sambit nya sabay unat.

Psh.

"Komplikado na nga, mas pinapakomplikado pa natin."

"What fuck do you want, Liam?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I want a peaceful place where I can refresh my mind.

"Nah. I am just wondering. Why do feelings suddenly fade?"

Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya. "Why are you trying to say?" Tanong ko.

"Why do people suddenly change?"

Isinakbit ko na muli sa aking likod ang bag pack ko at tumayo na. "Because there is no permamanent in this world." I answered all his non-sense queries.

"Even a friendship?"

That hits me! Hindi agad ako nakahakbang palayo doon. It seems that a huge hard rock hits me. All his questions were also the questions flying through my mind and I answered the questions through my own mouth.

"Ikaw na mismo ang nagsabi nyan." He left me dumbfounded.

It takes a several minutes before I step away from that place though his words are still following me. Damn it!

There's no permanent in this world. Everything might change in a snap. Even the one you built for the rest of your life.

"Do you have any suggestions, Ms. Shion?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang aking pangalan sa bibig ni Supremo. Nakalimutan kong nagmemeeting pala kami para sa Foundation Day dahil lutang ako. My mind is not with me, it always fly away from many such as.

"H-Huh?"

"Are you with us? Ikaw dapat ang nagpaplano nito, Ms. Shion dahil ikaw ang secretary, we are just here to approved your suggestions." Teacher Kath lectured me.

I focused my mind.

"I guess, a leisure games will do." I suggested.

"Like what?" Tanong ni Vice Ty.

I stood infront and list down on the white board all the events I suggests for the week of foundation that will end on saturday. The day I will just fade.

Gumilid ako para makita nila lahat ng isinulat ko. Nakita kong ngumisi si Teacher Kath habang si Supremo ay nakatingin sa akin. Sinabayan ko ang titig nya kaya agad syang umiwas.

Ok. What was that?

"I approved." Sambit ni Supremo na hindi man lang sinusulyapan ang ginawa kong event plan sa white board.

He approved it even without throwing just a glanced! UGH!

"I must say, you have a brilliant idea." Sambit ni Teacher Kath bago tinapos ang meeting at naunang lumabas.

Woa! Pinuri nya ako. Bago 'yon a.

"She seems happy with your idea huh?" Sambit muli ni Vice Ty.

"Thanks."

"I told you. She is really qualified to this position." Sambit ni Supremo na animo'y nagmamayabang na tama ang pagpili nya sa akin.

I suddenly felt uneasiness nang ngumisi si Onel sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay para itanong kung bakit sya nakangisi pero umiling lang sya bago kinuha ang kanyang bag at lumabas na rin dito sa office.

"I have to go" Pagpapaalam ko rin. I want to spend my remaining days with my friends.

"Are you ready?" Sa ikalawang beses ngayong araw ay muli akong napako sa aking kinatatayuan.

"If you are talking about my death. I told you, I am a-always." Parang nabarahan ng kung ano ang aking lalamunan.

Now, I am thinking. Am I really?

"You sure? You still have 5 days to go. Aren't you going to beg for my help?"

Kumunot ang aking noo sa sinabi nya. Ano ang ibig nyang sabihin don? Matutulungan nya ba ako kung sakali mang humingi ako sa kanya ng tulong para maligtas ang buhay ko?

"You can't do anything about it." Wala sa sariling sambit ko. Hindi hawak ni Supremo ang batas dito. Yeah, maybe sya ang nagpapataw ng parusa pero walang exemption ito. Hindi sya maaring kumampi at iligtas ang isa dahil makakaapekto ito sa posisyon na mayroon sya.

He wouldn't risk the position he has just for the sake of some stupid newbie.

"Ganon ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?" Now I know he is serious. "You must know, I am not named Ace without one." Nauna na syang lumabas sa akin.

Napanganga ako kahit na naguguluhan ako sa sinabi nya. He has an ace? Anong alas nya? Anong itinatago ni Supremo?

'Pagkarating ko sa Dorm ay halos mapasigaw ako nang makitang hinampas ni Vanessa ng walis tambo si Hoy.

"What the hell?!"

"Waa! Lumayo ka sa kanya, Zein! Multo 'yan!"

Binuhat ko si Hoy at hinaplos ang balahibo nito. Damn, Van. Animal harassment ang ginagawa mo. Kawawa naman si Hoy.

"He is not! He is Hoy!" Protesta ko.

Binitawan naman ni Vanessa ang walis tambo at lumapit sa akin. Tinitigan nya si Hoy kaya ibinalin na lang sa akin ni Hoy ang kanyang tingin.

"Tignan mo, nagkaphobia sya."

"Sabi ni ate Allison, di ba? Multo ang itim na pusa!"

Hay naku. 'Yon din ang inakala ko nong una pero hindi naman e. Hindi ko tuloy alam kung totoo lahat ng kinukwento sa amin ni Ate Allison.

Nakiliti ako nang dilaan na naman ni Hoy ang aking kamay kaya hindi ko maiwasang mabatukan sya.

"Luh. Bakit mo binatukan?"

"Friendly-batok lang naman e." Pagpapalusot ko. We laugh together pero alam ko sa sarili kong may malaking tinik pa rin na nakasagabal sa aking lalamunan.

I need to talk to him.

"Nakita mo si Matt?" Tanong ko. Ibinaba ko si Hoy kaya nagtago sya sa ilalim ng lamesa.

Natakot tuloy kay Vanessa. Hampasin ba naman ng walis tambo.

"N-No. May problema ba kayong dalawa? May tampuhan ba kayo?"

Alam ko na kanina pa talaga kating-kating magtanong ang isang 'to. Nagkaroon lang sya ng lakas ng loob nang inumpisahan ko ang topic kay Matt.

"Wala." Sagot ko.

Wala naman talaga kaming problema. Hindi kami nagkatampuhan or maybe ako, nagtampo ako pero wala na 'yon. Kaya nga gusto kong makausap si Matt. I need to talk to him in person. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon na ito. Hindi na nga kami gaanong nagkikita pero kapag nagkita naman kami ay hindi kami nagpapansinan.

"Wala? Pero bakit nag-iiwasan kayo?" Sunod na tanong nya.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sumagot nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Matt. Tinapunan nya lang ako ng saglit na tingin bago ako nilagpasan.

Mabilis na tumayo ako at hinawakan sya sa braso. Huminto sya sa paghakbang ngunit nanatiling nakatalikod sa akin.

"W-We need to talk." Nauutal na sambit ko. Sa tanan na magkasama kami ni Matt, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at nautal sa kanya.

It seems everything is new to me.

"Wala tayong dapat pag-usapan."

Halos manlambot ako sa sagot nya at sa katotohanang napakalamig ng boses nya. Ni hindi ko na nga mabosesan ito. Parang hindi nanggaling sa kanya ang katagang 'yon.

Muli na namang sumikip ang aking dibdib.

"A-Ah labas muna ako," Dinig kong pagpapaalam ni Vanessa sa akin ngunit hindi ko sya nagawang tapunan ng tingin.

Nanatiling nakatitig ang aking mata sa likod ni Matt.

"Sorry."

Hindi ko alam pero ang katagang 'yon ay bigla na lang lumabas sa aking bibig. Naginhawaan ako kahit papaano dahil sa pagbigkas non pero hindi pa rin sapat para makahinga ako ng maluwag.

Humarap sya sa akin. Napakurap ako ng makitang nakangisi ito sa akin. Halos mabatukan ko sya dahil sa ngisi na ibinibigay nya sa akin.

"Ang galing ko talaga, napapaniwala kitang nagtatampo ak- Ah!"

Hinampas ko sya sa braso ng malakas kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Lumukot ang mukha nito at iniinda ang pagpalo ko sa braso nya.

"Sorry kung naging malamig ako sa'yo nitong mga nakaraang araw. Marami lang akong iniisip." Sambit ko sa kalagitnaan ng pag-iyak.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking bewang upang ilapit sa kanya. Hinawakan nya ang baba ko para iangat ang aking mukha at gamit ang kanyang hinlalaki ay pinunasan nya ang luha sa pisngi ko.

"You don't need to say sorry. Wala akong pakialam kung bakit mo ako iniiwasan. Uunawain kita. Hindi mo kailangang humingi ng kapatawaran dahil wala kang kasalanan. Ang paghingi ng tawad ay para lang sa nakagawa ng kasalanan."

Damn! Nakagawa ako ng kasalanan sa'yo. Saglit na nawala ang tiwala ko sa'yo. Iniwasan kita kahit na wala namang dahilan. Hindi kita pinansin, huwag kang magkunwaring wala lang sa'yo ang lahat dahil nakita ko sa mata mo na nasaktan ka.

"I hate myself, Matt. Naiinis ako sa sarili ko."

"Sshh. It's nothing, patawad kung naramdaman mo ito."

Hinampas ko ang dibdib nya sa inis. Inis na bakit laging ganito si Matt. May dahilan sya para magalit o magtampo pero pinili nyang isawalang bahala na lang ito. Wala ka bang ego, Matt? Pwede kang mag galit-galitan dahil may rason ka!

"I hate you," Muli kong sambit. I hate you because I can't trust you the way you do.

Damn! Pinagdudahan ko si Matt. Malaki ang kasalanan ko sa kanya.

"I know you have a reason, Zein. Hindi kita pipiliting sabihin ang rason mo kung bakit naging malamig ka dahil wala naman akong pakialam doon. Ang importante sa akin ay alam kong sa bandang huli, sa akin ka pa rin yayakap."

Ikinulong nya ako sa kanyang braso kaya mejo umangat ang manggas ng kanyang damit kung saan nakatatak na ang simbolo ng BBG.

Humigpit ang yakap ko kay Matt at mas bumuhos ang luha ko.

Maybe, I was wrong but it is never too late. Kung ano man ang rason mo, nagtitiwala ako sa'yo. Matthew Hart.

Sinulyapan ko ang paghiwa na ginagawa ni Matt sa bawang at sibuyas. Nakakamangha talaga sya. Ang bilis nyang maghiwa.

"Try," Ibinaba nya ang kutsilyong hawak nya at gumilid para bigyan ako ng espasyo. Napansin ata nyang hindi ko hinahawakan ang kutsilyo kaya muli syang nagsalita. "Come on, Zein." Hinila nya ako kaya wala akong nagawa kaya kinuha ko ang kutsilyo.

Lumunok ako dahil hindi ko alam kung paano maghiwa. Hindi ko pa naranasan ang ganito. Laging si Mommy o kaya si Ate Allison ang nagluluto at ako lang si tagatikim at tagakain.

"Just be gentle." Pagpapaalala nya na sya namang ginawa ko.

Hindi ko alam pero biglang bumuhos ang luha ko habang hinihiwa ng dahan-dahan ang sibuyas. Bakit ganito? Tears of joy?

Suminghot ako pero patuloy pa rin ako sa paghiwa. Gentle. Bakit ganon? Sa bawat paghiwa ko ay humahapdi ang mata ko at hindi ko maiwasang mapaluha.

"Pft."

Sinulyapan ko si Matt nang marinig ang pagsinghap nya. Nakalobo na ang pisngi nya at halatang nagpipigil humagalpak.

"Ano ka ba! Tears of joy 'to. Ang saya palang maghiwa."

Tumawa na talaga sya ng malakas kaya ibinaba ko na ang kutsilyo at hinugasan ang aking kamay. Sinulyapan ko si Matt na tawa pa rin ng tawa.

Sa totoo lang? Pinipigilan ko ang aking sariling maitapon sa kanya ang hiniwa kong sibuyas.

Anong nakakatawa?!

"Tears of joy?" Natatawang utas nya. "Ganyan talaga ang sibuyas, parang pag-ibig, nagpapaluha!" Muli na naman syang tumawa.

Nagdatingan na ang apat at ikinwento sa kanila ni Matt ang encounter ko sa sibuyas. Nakapoker face lang ako habang pinapanood na mamatay-matay sa kakatawa ang lahat.

Seriously?!

"Tears of joy." Pang-aasar sa akin nina Dave at Jerome habang si Vanessa ay nilalait ang hiniwa kong sibuyas na sobrang taba raw. Parang sa isang sibuyas ay tatlong beses ko lang daw hiniwa.

"Matututo rin akong magluto! Makikita nyo." Pagmamayabang ko kahit na wala naman talaga akong interest sa pagluluto.

Kasalanan talaga ito ni Matthew! May nalalaman pa syang try alam naman nyang bago ako sa kusina tapos tatawanan pa nya ako. Naku lang, Matt.

Pagkatapos naming kumain na halos isang oras ata ay pumunta na kami sa kwarto namin.

"Meow."

Halos mapatili ako nang dinilaan ni Hoy ang paa ko. Natawa ako kaya kinuha ko ito at ipinatong sa kama namin.

"Hoy! Baka may lisa 'yang pusa mo naku lang." Pagbabanta ni Vanessa.

"Waah! Ang cute talaga ni Hoy." Pinisil-pisil ni Mia ang pisngi ni Hoy at wala namang magawa ang pusa kundi ang tumulala.

Pinalo ko ang kamay ni Mia dahil nasasaktan na nya si Hoy.

"Animal harassment." Sambit ko.

"Binatukan mo nga kanina 'yan e." Pag-epal ni Vanessa.

"Hinampas mo nga sya ng walis tambo e." Ganti ko.

Kawawa naman si Hoy. Masyado syang naabuso sa dorm namin. Ang sadista naman kasi ng mga babaeng 'to e.

Bigla kong naalala ang eksena namin ni Ace. Hindi pa rin ako makapaniwalang takot sya sa pusa. Pft. Hindi ko maiwasang mamula nang magsimula syang magbilang at dahil sa naistatwa ako ay bigla nya akong binuhat.

Pinamasahe nya ang balikat nya! Tapos sinamahan ko pa sya sa cr para magpalit ng pants. Hindi naman ako makapalag dahil sa famous line nyang 'This is an order from the highest Supreme Student Government and you can't do anything about it.' UGH!

Napahinto kami sa paghaharutan nang biglang tumalon si Hoy pababa ng kama at tumakbo palabas. Mabilis na nagsuot ako ng sapin sa paa para sundan sya.

Hindi naman gaanong mabilis ang takbo nya kaya nasundan ko sya pero napahinto ako nang mapagtanto kung ano ang tinatahak namin.

Ang likod ng HU kung saan naroon ang masukal na bahagi ng HU. Dito rin makikita ang Dark Hell Jail.

Pumasok sa loob ng gubat si Hoy hanggang sa nawala na sya sa aking paningin pero may narinig ako.

Someone whistles. And I think, tinawag ng kung sino si Hoy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro