Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3: Break the rule

Mia's Point of View

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa silya sa gitna nila Jerome at Dave. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa teacher na nagsasalita sa harap, kami lang ata ni Matt ang hindi mapakali.

"Sa tingin mo okay lang kaya siya?" Tanong ko kay Matt na seryosong nakatingin sa labas.

Hindi siya sumagot at alam kong kinakabahan din sya. Mag-isa lang si Zein sa subject na iyon plus na babae pa sya kahit na amazona iyon.

Pinagpawisan akong muli nang maalala lahat ng nangyari kanina. Iyong ngisi sa akin ng lalaking pula ang buhok.

-flashback-

Kasalukuyan akong nakatingin sa labas. Nakakabored ang Math subject. Psh.

Kumunot ang noo ko nang biglang may sumulpot na lalaking pula ang buhok sa gilid ko, bale nasa labas siya ng bintana. Nakangisi siya sa akin.

May earings ito na halos lahat ng parte ng tainga nya ay meron. Maputi ito at matangos ang ilong. Matangkad at malapad ang katawan.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Ni hindi ko magawang lumingon kay Zein na kanina pa ako tinatawag. Ilang minuto syang nakatayo roon at muling sumilay sa labi nya ang isang ngisi. Nakakakilabot.

Mabilis ang pangyayari at nawala sya sa paningin ko at may lalaking nakatali sa silya na. Nabigla ako kaya hindi ko maiwasang mapayakap kay Zein at humagulgol.

-End of Flash Back-

Sino sya? Ginawa nya lang ba iyon para lituhin ako at mailagay nila ang lalaki sa silya na iyon? Bakit nila ginawa iyon? Anong gusto nila?

"Miss Almia Mendez? Are you with us?"

Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa hiya na kanina pa pala ako kinakausap ng teacher namin.

"Sorry." Magalang na paghingi ko ng paumanhin.

Hinawakan ni Dave ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa harap.

--**--

Zein's Point Of View

Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nasa isa akong paglilitis.

"Are you okay?" Nakangising tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Sino sya? Anong kinalaman nya sa Black Blood Gang na simbolo ang pako? Shit! Kasabwat ba sya sa pagpatay?

"You want to know everything?" Bulong nya sa aking tainga na nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Pinagpapawisan ang palad ko.

Teka. Ano bang sinasabi nya? Tungkol ba sa HU?

"Nah. Malalaman ko lahat sa aking sariling sikap. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Matapang na sagot ko.

Isang nakakabinging halakhak ang lumabas sa bibig nya. Ni hindi man magawang lumingon ng mga kaklase namin sa kanya na animo'y ikamamatay nila kapag tumingin sila sa kanya.

Sino ba sya? Anong ranggo nya sa HU?

"Your curiosity will kill you Zein but if you really wanna know... find out by yourself, break the only rule." bulong nyang muli.

Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan at hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa napakabigat na presensya ng babaeng ito.

Dumating ang prof namin na kabadong-kabado. Pawis na pawis ito at lumilingon-lingon sa paligid na animo'y may pinagtataguan.

"You are late Mr.Dimatalo." Sambit ng babaeng katabi ko.

Mas lalo itong pinagpawisan. Halatang nanginginig din ito. Ano bang problema nya? May humahabol ba sa kanya? Shit! Curiosity is killing me.

"I am sorry." Sagot nito bago nag-umpisa.

Hindi ako maka-focus sa sinasabi nya dahil lumilipad ang aking isip sa napakaraming bagay. God! Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip!

Ano ba talaga ang meron sa Hell University?

"Poor girl. Kung ako sa'yo ay huwag ka na lang makialam, mapapaaga ang paglisan mo sa mundo." sambit ng katabi ko.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago siya binalingan ng tingin. Nakatitig ako sa itim na itim nyang mata.

"Who are you?" Tanong ko.

Ngumisi ito bago inalis sa akin ang tingin.

"Sabihin na natin na isa ako sa pinakakinatatakutan dito, walang sino man ang nangahas na sigawan ako gaya ng ginagawa mo. Alam mo ba kung bakit? Syempre hindi kaya hahanap ka ng sagot, tama? Go! feed your curiosity, ngayon pa lang ay napahanga mo na ako Miss Zein Shion, ano pa bang susunod mong gagawin na mas magpapahanga sa akin?"

Buong klase ay tulala ako sa kawalan. Last subject namin ay between 5:00-6:30, 30 minutes bago ang bloody night. Hindi ako pumasok at alam kong nag-aalala na sa akin ang mga kaibigan ko.

Mabilis na nagtago ako sa isang poste, palipat-lipat ako ng pwesto para hindi makahalata ang babaeng demonyo na sinusundan ko sya.

Tama ba ang ginagawa ko? O mas nilalapit ko lang ang aking sarili sa kapahamakan? Shit! Kinakain ako ng takot pero mas nangingibabaw ang kuryosidad.

Masyado akong naging lutang at nawala sa paningin ko ang babae. Lumabas ako sa kinatataguan ko at nagpalinga-linga.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. May nakatutok na sa aking leeg na pako at maling galaw ko lang ay masasaksak na ako nito.

"Handa ka na bang mamatay?"
Nanginginig ako sa takot at ramdam kong nanginginig na ang aking mata. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang tip ng pako na idiniin nya sa gilid ng leeg ko.

Shit! Hanggang dito na lang ba ako?

"Mapangahas ka. Anong akala mo sa akin? Maiisahan mo? Hindi mo pa talaga ako kilala. Marami na akong napatay, gusto mong masama?" Tanong niya.

Nakakakilabot ang tono ng pananalita nya. Tama nga sya. Kaya pala kinakatakutan sya ay skilled din sya. Nagawa nyang mawala sa aking mata sa sandaling segundo.

Sino ba talaga sya?

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang pakawalan na nya ako. Muli nyang itinago sa kanyang bulsa ang pakong gamit nya.

"You wanna know my name?" Tanong niya. "Well, I am Nicky Colt. Remember my name, bitch." katulad ng nangyari kanina ay mabilis na nawala siya sa aking paningin.

Napaupo ako sa sahig. Mabilis pa rin ang paghinga ko at animo'y hinabol ako ng asong lobo. So dangerous.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Nanghihina pa rin ako.

"Wala kang pasok?"

Napagitla ako at napatayo nang may nagsalita sa likod ko. Mabilis na humarap ako sa kanya.

Isa itong lalaking nakasalamin. May hawak itong notebook. Para siyang nerd na lalaki pero bakit ganito? Dumoble ang pangangatog ng tuhod ko.

"Full name please."

"Zein Shion."

Binuklat niya ang notebook na dala niya at hinanap roon ang pangalan ko. Nakakunot ang noo nito habang naghahanap.

Normal na estudyante lang naman sya pero bakit ang bigat ng dating niya.

"Boom!"

Napatili ako ng sumigaw siya. Tumawa siya ng tumawa habang ako ay nakahawak sa aking dibdib. Grabe sya...

"Ba't ka ba nanggugulat?!" Sigaw ko.

Nagseryoso siyang muli at inayos ang eye glass niya.

"May pasok ka ah, bakit andito ka?" Tanong niya.

"Ano bang pakialam mo?!" Aalis na sana ako nang hawakan nya ang braso ko at hawakan ng mahigpit.

Nakangisi pa rin sya. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sakit ng mas higpitan nya pa ang kapit sa braso ko na parang bunabakat na ang kuko niya rito.

"A-Aray..."

Ilang segundo ang nakalipas bago nya ako pakawalan. Muli akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina.

Isang kamay lang ang gamit nya pero halos magkalasaw-lasaw na ang buto ko. Halimaw ang lakas niya.

Nagtatakata ngayon ako. Ordinaryong estudyante lang ba talaga siya?

"Tumingin ka sa iyong braso..."

Nanlumo ako ng makita ang bakas ng kamay niya roon. Bakat din ang kuko nya.

"That's the first warning Miss Zein Shion, sa oras na makita pa kitang pakalat-kalat sa oras ng klase, baka tuluyan na kitang alisan ng isang braso.." Ngumisi ito at tumalikod na sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Ace Craige. I am the Supreme Student President of Hell University. Nice meeting you Ms.Shion..."

Pinagmasdan ko lang hanggang sa mawala na sya sa aking paningin. Patuloy pa rin na nagpa-process ang utak ko.

"P-President? Ace?"

Siya ba? Siya ba ang sinasabi sa akin ni Nicky nung nalate ako. Siya ba ang dahilan kung bakit takot na takot ang mga estudyanteng malate at maging ang mga teacher?

Isa lang siyang nerd kung tignan pero sa loob nito ay nakakubli ang isang demonyo na may pambihirang lakas. No wonder kung bakit siya kinakatakutan.

Damn! Napapaligiran kami ng nga demonyo.

Nakahawak ako sa aking braso habang papunta sa last subject namin. Tinignan lang ako sandali ng teacher namin bago dumapo ang tingin nya sa braso ko at umiling.

Dumiretso ako sa likod kung saan naghihintay ang mga nag-aalala kong kaibigan.

"Saan ka galing?! Shit Zein! Papatayin mo ba kami sa alala?" Bungad sa akin ni Vanessa.

Hindi ko nagawang sumagot dahil sa mga after shocks na nangyari kanina. Nakasagupa ko lang naman ang dalawa sa pinakakinakatakutan sa HU, Si Nicky na muntik na akong patayin at si President Ace na muntik ng durugin ang braso ko. Ang swerte ko.

"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ni Matt. Marahas na inalis nya ang kamay ko na nakatakip dito.

Nakarinig ako ng mga bulungan sa buong klase na nakatingin sa braso ko. Ano bang problema nila? Pati ba naman ito ichichismis nila? Psh.

"What happened?!" Alalang tanong sa akin ni Mia na pinagmamasdan ang braso kong sobrang pula at bakas ang kuko ni Ace.

"That's the Supreme Mark Warning Number 1."

Napatingin kami sa teacher namin na napapailing na lang. Inabutan nya kami ng first aid kit na kinuha ni Jerome upang gamutin ang nasa braso ko.

"What does it mean?" Tanong ni Dave sa akin.

"Si Supremo ang may gawa niyan. Huwag na huwag mo lang hahayaang magkaroon ka pa ng dalawang warning, sa hukay na ang bagsak mo."

Halos matawa ako sa sinabi ng teacher namin. Spell OA? Duh! Maypawarning-warning pa silang nalalaman! Psh.

"Supremo? Sino?" Sunod na tanong ni Dave.

"Ace Craige." Maikling tugon nito.

Nag-umpisa ang klase namin na walang kumikibo na animo'y mga natatakot kumilos kahit na konti. Nakaramdam ako ng awa sa mga estudyante rito.

Ilang araw pa lang kami rito pero hindi na kami gaanong makatulog tuwing gabi, paano pa kaya sila na matagal na rito? Anong kahayupan na kaya ang nasaksihan at naranasan nila?

Sino pa ba ang mga tao sa likod ng HU? Sino-sino ang myembro ng Black Blood Gang at Devil God Warrior, sino ang nasalikod ng mga ito? Shit!

"Your curiosity will kill you Zein but if you really wanna know... find out by yourself, break the only rule." Ito ang muling salitang binitawan ni Nicky na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.

Gusto nya bang suwayin ko ang nag-iisang alituntunin ng HU? Pero ang rule ng HU ay legal ang pagpatay sa pagsapit ng 7:00pm hanggang 5:00am.

Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin?

Gusto nya bang lumabas ako ng bahay sa ganong oras? Gusto nya bang lumabas ako kapag sumapit ang Bloody Night?

Shit! Parang.... parang may nagtutulak sa akin na gawin iyon. Masama ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro