Chapter 27
Chapter 27: Saved
Zein's Point of View
Muli kong kinuha ang aking bag pack at sinulyapan si Matt na mahimbing ng natutulog dahil sa kalasingan.
Bumuntong-hininga na lang ako at napailing. Hindi naman kasi basta-basta umiinom ng alak si Matt, ewan ko nga ba kung bakit naisipan nyang magpakalunod sa alkohol.
Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko, ngunit kahit na isa man sa kanila ay wala akong natanaw.
Asan na ba ang mga 'yon?
Naglakad ako patungo sa wide space kung saan alam kong nakatambay ang lahat. Kapansin-pansin ang pag-iiwasan ng lahat. Kapag may makakasalubong sila ay pareho silang lalayo ng ilang metro na animo'y takot na baka may basta sumaksak na lang sa kanila.
"Hoy!"
Sinamaan ko ng tingin si Jerome nang gulatin nya ako ngunit tinawanan nya lang ako.
"It's not funny!"
"I know." Nakangiting sagot nya. "Aalis na sana ako rito pero nakita kita." Dugtong pa niya.
"Asan ang iba?"
Nginuso naman nya ang isang bruhang may kasamang lalaki na nakaupo sa isa sa mga benches dito sa wide space.
"Sinong kasama ni Van?" Tanong ko.
Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya hindi ko mamukhaan.
"Liam." Tipid na sagot nya.
Kumunot ang aking noo bago napagtanto kung sino ang Liam na 'yon. Siya 'yong lalaking tinukso ko dati kay Van sa cafeteria. 'Yong lalaking pasimpleng sinusulyapan ng mga babae.
Bumalik ang tingin ko kay Jerome na hindi magawang sulyapan ang dalawa. I can smell something kaya hindi ko nagawang pigilan ang pagngisi. Hindi naman nahalata ni Jerome ang ngisi ko dahil sa iba sya nakatingin.
"I know what you are thinking." Sambit niya na hindi man lang sumusulyap sa akin.
Pft.
"Samahan mo na lang akong hanapin ang iba." Suhestyon ko. Tumango na lang sya at sabay kaming naglakad.
"S-Sino ang iyo?" Tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag sa aking isipan ang tanong na 'yon at hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ko naitatanong.
I really can't control my curiosity.
"Anonymous." Biro nya. Naramdaman nya atang hindi ako natawa sa sinabi nya kaya isang mabigat na hininga ang pinakawalan nya. "May mga bagay na hindi na natin kailangang malaman, bagay na hindi natin dapat pagtuonan ng pansin." Banggit nya.
Natahimik ako. Bakit ba kasi napaka matanong ko? Kahit naman ako siguro ang nasa sitwaston nya ay hindi ko magagawang sagutin ang tanong na 'yon. I must keep it a secret at mahirap isiwalat ang pangalan ng taong dapat mong patayin.
Sigh.
Pero ang sure ako ay may pangalan syang nakita. Definitely, alam nya kung sino ang dapat nyang puntiryahin para makaligtas sa kapahamakan.
"C-Can you kill that person?"
Shit! Zein Shion! Hindi mo talaga kayang pigilan ang bibig mo. Sermon ko sa aking sarili.
"Uh. Sorry. Ok lang kahit hindi mo sagut-"
"Why not?" Nalagutan ata ako ng hininga matapos marinig ang diretsong sagot nya. "If that is the only way. I must." Dugtong nya.
Nanuyo ang lalamunan ko. Itinikom ko na lang ang aking bibig at hindi na nagtanong pa.
"How about you?"
Mariin akong napapikit dahil inasahan ko na talaga na babalik sa akin ang tanong ko. I should be careful next time, nangangapa ako ngayon ng sagot.
Psh.
"I don't know." Malamig kong tugon
I really don't know. Baka nga bigla na lang akong bumulagta dito e.
"That's bad." Tumingin na sya ngayon sa akin at tumigil sa paglalakad. "Alam ba ito ni Matt?" Nakakunot-noong tanong nya.
Isa pa ang lalaking 'yon. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa kanya. "He was drunk, hindi nyo alam?" Tanong ko.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. That's I think was his answer. Hindi nya alam. So, Si Matt lang talaga ang naglasing.
"Ano namang paki ni Matt?" Ngayon ko lang napagtanto ang nakapaloob sa tanong nya.
"You really don't know huh?" Isang ngisi ang kumawala sa labi nya.
I am not slow pero hindi ko talaga alam ang sinasabi nya at ayoko ng mag-isip pa ng idadagdag sa sasabog ko ng utak.
Ibinalin ko naman sa iba ang aking paningin at saktong nakita ko si Mia na tulalang naglalakad. Kakaway na sana ako pero natigilan ako nang makita ang isang babaeng lumapit sa kanya.
Huminto si Mia sa paglalakad at hinarap ang babae. "Shit!" Bulalas ni Jerome nang makita ang inilabas na patalim ng babae.
Saglit na huminto ang tibok ng aking puso bago naramdaman ang mga paa kong mabilis na tumatakbo papalapit sa kanila.
Parang bumagal ang galaw ng lahat. Gusto kong sumigaw pero ayaw bumuka ng bibig ko.
Mia! Damn!
Inambahan sya ng saksak ng babae na agad na naiwasan ni Mia pero nadaplisan sya sa braso at agad na kumawala ang napakaraming dugo mula rito.
Napahinto ako sa pagtakbo ngunit dumiretso pa rin si Jerome na halatang sobra na rin ang kaba.
Hinabol ko ang aking hininga nang makita ang pagkuha ni Mia ng patalim mula sa kanyang bag at mabilis na itinurok ito sa binti ng babae na bumagsak sa sahig.
Sakto naman na nakarating na sa kanila si Jerome na inilayo si Mia sa babaeng nagsisisigaw sa hapdi. Kahit na hinihingal ako ay pumunta na rin ako sa kanila.
"Hey! Look at me! Are you okay?!" Mahinang tinapik ni Jerome ang pisngi ni Mia na hanggang ngayon ay tulala pa rin, hindi alintana ang malalim na sugat sa kanyang braso na gawa ng patalim.
Nabalik naman ako sa realidad at lumapit kina Mia at Jerome.
"H-Hindi ko sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Mia sa babaeng masama ang tingin sa kanya.
Pinilit inalis ni Mia ang pagkakahawak namin ni Jerome sa kanyang kamay para lapitan ang babae.
"A-Are you okay?" Tanong ni Mia na nanginginig pa ang bibig.
"I will not be okay until I kill you." Mabilis na tumayo ang babae para ambahan muli ng saksak si Mia. Naging alerto si Jerome para ilayo si Mia pero naunahan na sya.
Mabilis na kumawala ang napakaraming dugo sa dibdib at bibig niya. Ni hindi ko nga gaanong nakita ang lahat dahil napakabilis ng pangyayari basta ang alam ko lang ay bumagsak na sa sahig ang nakabulagtang babae.
Mabuti na lang at naunahan na sya ni Mia.
"Ah!" Mabilis na sinalo ni Jerome si Mia nang aktong matutumba ito. Ngayon nya lang ata naramdaman ang hapdi ng braso nya na wala paring tigil sa pagdurugo.
Lumapit ako sa kanila. "Dalhin na natin sya sa Clinic." Sambit ko. Nabitawan ni Mia ang kutsilyo pero hindi na kami nag-abalang pulutin ito baka kung mapano pa si Mia kung hindi namin sya agad nadala sa clinic.
Sinulyapan ko ang babaeng nakabulagta sa sahig at nagkalat ang dugo na malapot.
Mia killed her. She is now saved.
But knowing Mia. She will never forget this. It will takes time for her to get fully recover from this incident. It will scar her experience. Basta ang mahalaga, ligtas na sya.
Pagkarating namin sa clinic ay agad na sinalubong kami ni Nurse Cha na nakakunot ang noo.
"Anong ginagawa nyo rito?"
Kung pwede lang ay sinapak ko na sya sa mukha. "It is a fucking clinic, dammit!" Sigaw ko.
"But clinic is closed until tomorro-"
"I don't fucking care!" Sinulyapan ko si Mia na nakatingin lang sa amin at mejo nakamgiwi. "Heal her wound, please." Halos lumuhod na ako sa harap nya.
"I am so sorr-"
"Pagsisisihan mo habang buhay kapag may nangyaring masama sa kaibigan namin." Babala ni Jerome na nagpipigil ng galit.
Maging ako ay matinding pagpipigil ang ginagawa ko. Baka kung hindi sya ang unang mapatay ko. Dammit.
"Utos ito ni Headmistress ." Sagot pa nya. Kinwelyuhan ko sya ngunit hindi sya nagpatinag. Nanginginig ako sa galit.
Mukhang hindi talaga sya kikilos kaya naisip ko ang isang taong maaring makatulong sa amin. Inalis ko ang pagkakahawak sa kwelyo nya at mabilis na lumabas sa clinic.
Fuck them! Isinara nila ang clinic dahil alam nilang maraming mangangailangan ng tulong lalo na't bloody week ngayon.
Halos itulak ko na lahat ng nakaharang sa daan bago nakarating sa SSG Office kung saan nadatnan ko sina Teacher Kath, Onel at Ace na nag-uusap-usap.
Naagaw ko naman atensyon nilang lahat. "Here you go, buti naman at dumat-"
"Sumama ka sa akin."
Mahigpit na hinawakan ko ang braso ni Supremo na nakakunot ang noo. Alam kong kawalang respeto ang ginawa ko at baka nakalabag ako ng rules pero wala na akong pakialam.
"What are you doing?!" Galit na sigaw ni Teacher Kath pero hindi ko sya tinapunan ng tingin dahil nakatingin ako kay Ace na nagsusumamong sumama sya sa akin.
"Please." I added.
"May pinag-uusa-"
"Come with me." Namutla ang lahat ngunit nanatiling kalmado si Supremo, hindi alintana ang nakatutok na patalim sa kanyang leeg.
Hindi sya natakot o nasindak man lang at mukhang wala syang pakialam sa kung anong nakatutok sa kanya! Dammit! What am I thinking?! Si Supremo pa talaga ang tinakot ko e sya nga itong hindi takot kay kamatayan!
"Miss Shion. You are breaking the number 1 rule." Hindi ko alam pero ramdam kong natuwa si Teacher Kath.
Wala na akong pakialam sa kung ano ang nalabag ko. Even the most prioritized rule as long as I can save my friend.
"You know what will be the punishment?" Tanong nyang muli.
"You seem so desperate, Miss Shion. You badly need me huh?"
"Please, kailangan ko ng tulong mo." Naibagsak ko na ang kutsilyong hawak ko dahil sa nanginginig kong kamay.
Napayuko na lang ako dahil parang kahit na anong segundo ay babagsak na ang luha ko, Dammit!
"Saan mo nakuha ang kutsilyong 'yan?!" Gulat na tanong ni Teacher Kath. "That's owned by--"
"I am going with you, but you have to face the consequences of this." Hinawakan nya ang aking kamay at ramdam ko ang higpit ng hawak nya rito.
Inangat ko ang aking tingin bago ngumiti ng mapait. Yumuko sya at pinulot ang kutsilyong ibinigay nya. "Keep it." Nanginginig na ibinalik kong muli sa kahon ang patalim bago ako hinila ni Supremo palabas.
"What do you want?"
Sa halip na sagutin ko ang tanong nya ay hinila ko na lang sya. Nanginginig ang tuhod ko at ramdam ko ang titig nya sa likod ko. Shit! Hindi mawala sa isip ko ang kapalit ng kapangahasan ko.
Pagkarating namin sa Clinic ay nakaawang na talaga ang bibig ni Mia at halatang nahihirapan na. Marami nang nawalang dugo sa kanya.
"Supremo, please save her." Pagsusumamo ko.
Tumitig kami kay Nurse Cha at ramdam kong nataranta na rin sya at hindi makatingin kay Supremo.
"Heal her wounds." Walang emosyong sambit ni Supremo.
Napatingin sa kanya si Nurse Cha at ramdam ko ang pangangatog ng tuhod nya just facing Ace.
"S-Supremo, mahigpit na ipinagbabawal an-"
"Nurse Cha, Hindi mo gugustuhing banggitin ko pang muli ang inutos ko." Ramdam ko na ngayon ang awtoridad at pagbabanta sa napakalamig na tinig ni Supremo. "I will count."
"No need! Gagawin ko na, Supremo."
Napahinga naman ako ng maluwag nang tumalikod na si Nurse Cha para kumuha ng mga gamit. Lumapit naman ako kay Mia at mahinang tinapik ang pisngi nya.
"Gagaling ka na. Just don't sleep, okey?" Mahinhin kong sambit na ikinatango nya. Ngumiti sya sa akin at inilabi ko ang katagang salamat.
"How come?" Hindi makapaniwalang sambit ni Jerome habang nakatingin kay Supremo na nakatayo sa pinto ng clinic. Bumalik ang tingin nya sa akin na nakakunot na ang noo.
Nagkibit-balikat na lang ako. Tumabi kami nang dumating na si Nurse Cha at sinimulang gamutin ang patuloy na dumudugong braso ni Mia. Napapikit si Mia sa hapdi kaya iniwas ko ang aking tingin dahil parang ako rin ang nasasaktan.
Nilingon ko si Supremo na seryoso lang na nakatingin sa akin. Nagkasalubong ang tingin namin at isang iling lang ang natanggap ko na parang binabalaan na ako sa kapalit ng paghila ko sa kanya at worst, ang pagtutok ko ng kutsilyo sa Supreme Student Government President.
Anong klaseng parusa ang haharapin ko?
Biglang may pumasok na lalaking hingal na hingal. Ngumiti ako ng mapait sa kanya. Dumapo ang mata nya sa babaeng ginagamit ng nurse.
"Damn!" He cursed. Nilapitan nya si Mia kaya mejo umatras si Jerome para makalapit si Dave. "Hey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.
Isang tango lang ang nakuha nyang sagot kay Mia dahil halata parin ang panghihina sa kanya bunga ng maraming dugo na nawala sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako bago humarap kay Supremo.
"Parusahan nyo na ako." Mapaklang sambit ko. Hindi sya nagsalita at nanatiling seryoso ang kanyang tingin sa akin.
Halos pabulong lang ang pagsambit ko no'n dahil ayokong marinig ng mga kaibigan ko 'yon, especially Mia. Baka sisihin nya ang kanyang sarili.
"Why are you always like this?" Tanong ni Supremo. "Careless." Dugtong nya na mejo napapailing.
Hinila ko sya palabas para makapag-usap kami ng masinsinan. Dinala ko sya sa likod ng Clinic kung saan walang makakadinig sa amin kahit na magsigawan kami.
"Dragging me as always, ikaw lang ang nakagawa ng ganito sa akin." Naiiling na sambit nya.
Hindi ko alam kung pagbabanta ang sinabi nya o pagkahamangha.
"Anong parusa? Lilinisin ko cafereria nang 2 months? Lilinisin ko ang buong University nang isang linggo?" Tanong ko.
"No. Wala roon ang parusang nakalaan sa'yo." Sumeryosong muli ang titig nya. "Kamatayan." Dugtong nya.
Napasandal ako sa pader bago unti-unting dumausdos pababa. Napasapo ako sa aking noo at parang sirang plakang paulit-ulit na nagfa-flashback sa isipan ko ang sinabi ni Supremo.
'KAMATAYAN.'
Unti-unting umunat ang aking labi hanggang sa namalayan ko na lang na tumatawa na ako hanggang sa humalakhak na ako.
Nakatingin lang sa akin si Supremo na seryoso lang. Parang nakatingin sya sa isang babaeng nawala na sa katinuan. Isang babaeng, bilang na ang araw.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mata ko pero patuloy pa rin ako sa paghalakhak hanggang sa unti-unting naging hikbi na ito.
"Don't worry, I'll give you until Saturday to live, magkita tayo ng sabado ng gabi, dito." Aniya.
Mariin kong pinunasan ang aking mata bago tumayo. Lumapit ako kay Supremo. "Don't tell anyone about this. Ang huling hiling ko." Sambit ko bago nilisan ang lugar na 'yon.
Mamamatay ako nang walang nakakaalam. I guess, this is really my end at least, I saved my friend.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro