Chapter 25
Chapter 25: Birthday
Zein's Point of View
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Kahit na ipikit ko ang mata ko, gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog, may bumabagabag sa akin, alam ko.
Napatingin ako sa bintana. Nakalock ito dahil bloody night na. The time when killing is legal. Everyone is afraid of this range of time, so am I. Kinakatakutan ng lahat ang gabi, pero para sa akin? Gustong-gusto ko ang gabi, tahimik, parang normal lang ang lahat. Masarap isipin na nasa ordinaryong paaralan lang ako. Nag-aaral to make my family proud.
Masarap isipin na isang bangungot lang ito. Sana nga, sana isa na lang itong bangungot. Sana magising na lang ako sa panaginip na ito.
Mariin kong ipinilig ang aking ulo. I need air but it is not safe outside. Lumabas ako ng kwarto at iniwan sina Mia at Vanessa na mahimbing na natutulog.
Kumunot ang aking noo nang makita na bukas ang kwarto ng boys ngunit walang laman ito. Dali-dali akong pumasok at iginala ang aking mata. Shit!
Asan sila?!
Nanlamig ang katawan ko nang makita na hindi nakalock ang front door. Ayokong isipin na--- Hindi, mali ang iniisip ko.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Ayoko! Sana panaginip na lang talaga ito! Ayokong isipin na--- Hindi!
Napaupo ako sa sofa at tulala na napatingin sa kawalan. Kailan pa? Matagal na ba silang nawawala tuwing mahimbing ang tulog namin? Pero bakit? Lumabas ba sila? Pero bakit? Anong ginagawa nila?
Bloody week. Walang pinagkaiba ang gabi sa umaga ngayon pero alam kong delikado ang gabi kung ikukumpara sa umaga. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat ko ngayong ikatakot.
Ang umaga at masaksihan ang krimen o ang gabi pero bulag kami sa katotohanan?
Kailangan ko silang hanapin.
Maingat na bumalik ako sa kwarto. Mas lalong nanlamig ang aking sistema nang makita ang mulat na mulat na mata ni Vanessa. Nakatingin ito sa nakasaradong bintana.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
"Umalis na naman sila?" Isang mapait na ngiti ang pumorma sa labi ni Vanessa. Hindi sya nakatingin sa akin ngunit ramdam ko na nanginginig ang boses nya.
Halos sumabog ang utak ko sa kakaisip. Anong ibig nyang sabihin? Bakit ganito? Anong nangyayari sa amin? Akala ko ok kami? Akala ko walang nagbago sa amin? Masyado ba akong nagpakatanga?
"N-Nasaan sila?" Halos walang lumabas na tinig sa aking bibig.
Ang panlalamig ng aking katawan ay umabot na sa puso ko. Ang pintig ng puso ko ay unti-unting bumabagal. Umabot na rin ang lamig sa aking utak na ayaw gumana. Shit!
Anong nangyayari?
Tumingin sa akin si Vanessa. Nakangiti pa rin sya, mapait na ngiti. Nanginginig na ang labi nito ay kahit na anong segundo ay kakawala na ang nararamdaman nya pero pinili nyang pigilan para hindi magising si Mia.
Lumapit ako sa kanya at hinila sya palabas. Pumasok kami sa kwarto ng mga boys at itinulak siya sa kama. Pinaningkitan ko sya ng mata kaya wala syang nagawa kundi ang yumuko.
May kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko at mahirap na tanggapin na nakakanginig ng laman ang bawat detalye na nabubuo.
"Sabihin mo." Lumuhod ako sa harapan nya at hinarap ang mukha nya sa mukha ko. "Anong nangyayari dito?" Tanong ko.
Hindi sya sumagot pero unti-unting bumagsak ang mga luha nya. Tumayo sya at isinara ang pinto na animo'y nag-iingat na walang makarinig ng pag-uusapan namin.
Ngayon ay parang nagsisisi na ako sa itinanong ko. Ano ba ang dapat kong piliin?
Takpan ang tainga ko at magbulag-bulagan sa katotohanan o malaman ang katotohanan?
"Z-Zein. Natatakot ako." Ang unang lumabas na kataga sa kanyang bibig.
Napaupo na lang ako sa kama at napayuko. Ayoko syang tignan. Ayokong malaman ang nalalaman nya. Ayokong marinig ang sasabihin nya.
"Ilang araw na rin, lagi akong nagigising na wala sila." Nanginginig ang boses nya na mas nagpapalala ng kaba na nararamdaman ko. "Minsan si Matt, Minsan si Dave, at Minsan si Jerome. Hindi ko alam!" Naguguluhang sambit nya na animo'y gusto na nyang sumigaw sa pagkalito.
Lumalabas sila ng gabi? Anong ginagawa nila sa labas? Bakit ganon? Ang daya! Akala ko ba magkakaibigan kami! Bakit naglilihim sila sa amin?!
Gusto kong magsisigaw sa pagkadismaya. Ang mga kaibigan ko, masyado ba akong naging panatag? Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?
Tumayo ako sa pagkakaupo kaya napatingin sa akin si Vanessa na humahagulgol sa gilid. Nakatakip ang kamay nito sa kanyang bibig at pinipigilan ang makagawa ng ingay na makakagising sa taong hindi na dapat pang madamay sa nangyayaring ito.
"A-Anong gagawin mo?" Pumipiyok pa ito. Ang kanyang noo ay nakakunot na animo'y nagtatanong.
"Aalamin ko ang nangyayari." Wala sa sariling sambit ko. Lumabas ako ng kwartong 'yon para pumunta sa kwarto namin para kunin ang blazer ko.
Bago ako umalis ay sinulyapan ko si Mia na mahimbing pa rin na natutulog. Ibabalik ko sa dati ang mga kaibigan ko. Ibabalik ko ang dati.
Pagkalabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin si Vanessa. Mariin nyang hinawakan ang aking braso ngunit ang aking tingin ay nanatili sa malayo. Ayoko syang tignan.
"Z-Zein. Please, huwag." Nanginginig na pakiusap nito.
Ayokong tumingin sa kanya. Ayokong panghinaan ng loob. Ayokong makita na umiiyak ang isa sa mga kaibigan ko. Mas nasasaktan ako.
"Aayusin ko 'to. I will fix this shit."
Unti-unti kong inalis ang kamay nya sa braso ko ngunit nakakailang hakbang palang ako patungon sa pinto nang bigla syang lumuhod sa harapan ko.
Mariin akong napapikit at ramdam ko na ang init sa gilid ng mata ko. Shit! Walang kwenta ang luha. Kahit na isang galloon ang iluha ko ay walang magbabago. Kailangan kong kumilos.
"D-Dito ka na lang please. Zein, I'm begging you. Stay with us."
Hearing those words from her is tearing me into pieces. It is a bullshit feeling that I can't hold longer! I want to hug her and to cry with her but--- Hindi ko ipapakita na nanghihina na ang loob ko. Ayokong mawalan ang katiting na pag-asa na pinanghahawakan ko.
Napakawala kong kwenta. Ipinangako ko sa sarili ko na po-pretektahan ko sila! I promised that shit to myself! I am not going to break the bullshit!
"Babalik ako, pangako." Mariin akong napapikit nang marahas kong tinanggal ang kapit nya sa binti ko at binuksan ang pinto.
Malamig na hangin ang tumambad sa akin. Madilim sa labas ngunit nang dahil sa buwan ay may konting liwanag. Muli kong sinulayapan si Vanessa na sana ay hindi ko na lang pala ginagawa.
Nakaupo sya sa sahig, nakatalikod sa akin. Nakatakip ang kamay nya sa bibig nya. Dinig na dinig ko ang ipit na paghikbi nya.
Parang pinipiraso ang puso ko kaya hindi ko napigilan ang bumalik at isarado ang pinto.
Lumuhod ako sa harapan nya at niyakap sya ng mahigpit. Mariin kong ipinikit ang aking mata nang magbadya na ang mainit na likido sa aking mata. Hindi ako iiyak. Shit!
"Z-Zein. Don't leave us please. Tama na, please." Paulit-ulit na sambit nito.
"Sshh. Tahan na, please." Napakagat na lang ako sa aking labi nang gumaralgal ang aking boses. "Walang mangyayaring masama sa kanila." Sambit ko.
Wala na akong pakialam kung isangla ko kay kamatayan ang buhay ko para masiguro lang na ligtas ang aking mga kaibigan. Wala na akong pakialam sa akin. Ano pa bang magiging silbi ko kung mabubuhay ako ng wala ang isa sa kanila or worst sila.
Hindi ko alam kung paano ko nadala si Vanessa sa kwarto. Ini-lock ko ang pinto para hindi marinig ang pagdating nila. Ayokong makita, iisipin ko na panaginip lang ang lahat.
Kung kailangang mabuhay ako sa isang panaginip, gagawin ko.
"Wala kang babanggitin sa mga nangyari ngayon, Van. Walang nangyari ngayon."
Tumitig ako sa mga mata nyang maga. Tumango ito. "I will. Stay with us, Zein." Paulit-ulit na sambit nito na animo'y mawawala ako sa kanila.
Pero kung 'yon lang ang tanging paraan para mabuhay sila. Nakangiting ibibigay ko ang akin.
Naalimpungatan ako dahil sa anong ingay sa labas. Kinusot ko ang aking mata. Tumingin ako sa gilid ko at wala na sina Mia at Vanessa. Sumisilip na rin ang liwanag sa bintana kaya binuksan ko na ito. Nakakasilaw na liwanang ang tumambad sa akin.
"Good morning..." bati ko sa aking sarili.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sumabog ang isang conffeti. "Happy Birthday!" Masayang bati nilang lahat.
Naka party hat pa sila at may hawak na cake si Matt na todo ngiti. Napatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa kawalan ng masasabi. I am so speechless, hindi ko alam. Hindi ko namalayan na kaarawan ko na pala. Masyado akong maraming iniisip.
But, you know what is the best feeling? You forgot something special to you but your friends remembered it. Hay. Heaven.
"Wee! Happy birthday, secretary!" Sigaw ni Jerome na may torotot pang hawak.
"Thank you! Kayo ah! May paganito-ganito pa kayo!" Sambit ko at hinalikan sa pisngi sina Mia at Vanessa na medyo umiwas pa.
"Eww. Magtooth brush ka muna!" Nakangiwing sambit ni Vanessa na ikinatawa ko.
Sana ganito na lang lagi.
"Happy Birthday, Zein. Kiss ko?" Tanong ni Matt na lumapit sa akin at hawak ang cake.
Eh? Kung kina Mia at Vanessa ay wala lang sa akin kung halikan ko sila nang hindi nagtooth brush pero iba si Matt. Nakakahiya!
"Eh? H-Hindi pa ako nagtooth brush!" Nahihiyang sambit ko.
Napangiwi naman sina Mia at Vanessa. "Ganon? Sa kanya conscious ka tapos sa amin kahit na ikamatay namin, ok lang?" Nakangiwing arte ni Vanessa.
"You don't need to be shy when in fact, it will be a pleasure to me. Zein."
Wah! Ano daw? Si crush naman e! Pinapakilig ako!
"Sige na, pakipot ka pa e." Sambit ni Dave na nakangisi.
Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako. Abnormal talaga.
"Sure k-" Natigilan ako nang maramdaman ang malambot na labi ni Matt sa aking pisngi.
Nagsisigaw ang mga bruha habang ako ay halos mamaluktot sa kilig. UGH! Matthew! It was just a one swift kiss.
Bitin!
"Happy birthday, wish!" Sambit ni Matt na mas lumawak ang ngisi.
Wish? Kailangan ko pa bang humiling kung lahat ng hiling ko ay nasa harapan ko na? Ang makasama ang aking mga kaibigan, may ngiti sa labi, kumpleto. 'Yon lang sapat na pero kung may isa akong hiling.
'Sana ganito na lang kami lagi.' Nakangiting sambit ko sa aking sarili.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi habang naglalakad kasama ang aking mga kaibigan na tawa ng tawa. Paano 'yong cake kanina na ginawa pala ng boys ay walang lasa. Hahaha.
"Ayos na sana ang effort e, nilagyan nyo na lang sana ng lasa." Natatawang turan ni Mia na nakakapit sa aking braso.
I can't stop smiling but the smile suddenly faded when I saw him walking towards us.
Hinawakan ko sa braso si Mia para hindi sya huminto ngunit hinarang kami ni Supremo na nakakunot ang noo. I gave him a cold stare.
What now, Supremo?
"It is too early but it seems that a bad weather came to destroy the day." Dinig kong sambit ni Matt.
Alam ko kung ano ang pinagsasabi nya kaya humarap na ako sa kanya. "Bad weather?" I asked.
Lumapit ako sa kanya at kumapit sa kanyang braso. "Nevermind. There is so many damn reason to be happy." Sambit ko.
"Syempre, kami ang kasama mo e." Sambit ni Dave. "Sino ba ang makakapagbigay ng ngiti sa'yo kundi ang mga kaibigan mo." Dugtong nya.
"I know right." Sambit ko.
Narinig namin ang pagtikhim ni Supremo kaya napatingin kami sa kanya. "Oh! Supremo, andyan ka pala." Sambit ko.
Andito ka na pala Supremo, kailangan mo na ba ako? Kailangan mo na ba ang secretary mo?
"Yeah, it seems that you are having fun together but would you mind if I interrupt you, guys? I need my secretary."
MY
"Oh? Secretary? Are you reffering to me? I thought you have a new secretary oh anyway, anong maipaglilingkod ko sa inyo, Supremo?" Tanong ko.
Kumunot ang noo nito kaya sinenyasan ko na ang mga kaibigan ko na mauna. "You don't know how happy I am. Kita tayo mamaya!" Masayang sambit ko.
Narinig ko pa ang mga pagkadismaya kina Mia at ang pasimpleng pag-irap ni Vanessa kay Supremo. Nginisian naman nina Matt at Dave si Supremo habang si Jerome ay diretso lang na sumunod kina Mia.
Kumaway pa ako sa kanila nang hindi pa sila nakakalayo.
"Why are you so damn happy?" Takang tanong ni Supremo.
"It is none of your business." Ano nga bang paki mo sa akin? Ano ngayon kung masaya ako?
Ano naman sa'yo?
"Watch your words." Biglang naniningkit ang mga mata nya kaya hindi ko naiwasang mapairap. Like as if I still care.
Hindi na ako natatakot sa'yo, Supremo. Simula nang iniwan mo ako sa gitna.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa SSG Office. Kating-kati akong magtanong. Gustong-gusto kong itanong na asan na ang anghel?
Where is the lucky girl, Supremo?
"It's been 3 days since the Bloody week started. 30 students already died." Sambit ni Onel pagkaupo ni Supremo.
30 students? Ano bang paki ko? Kahit magpatayan silang lahat, ano bang paki ko? I am not a super hero to protect them all.
I am no longer a hero.
"Crap it. I am not asking and I don't care." Sambit ni Supremo.
Gusto kong mapangisi. Kailan ka ba nagkapake sa paligid? You are just too numb and heartless. That is why, I am starting to hate you, Supremo.
Ano namang gagawin ko dito? Wala namang inuutos si Supremo.
"What is the occasion now?" Biglang tanong ni Supremo kay Onel.
It is bloody week, Supremo. Nothing special. Pero, hindi ko maiwasang magtaka. Ano namang pakialam ni Supremo kung anong meron ngayon? Wala naman a.
"I think your secretary must be the one you should ask for that," Sambit ni Onel na halatang busy dahil sa mga bitbit nyang papeles. "I have to go." Sambit nito bago lumabas ng pinto.
Tumingin sa akin si Supremo na animo'y naghihintay ng isasagot ko. "What?" Iritang tanong ko.
Wala naman kasing okasyon ngayon. Sa susunod na linggo pa ang foundation day.
"What is the occasi--I mean to celebrate--Err. Nevermind." Inis na napasubsob ito sa desk nya and I am like. OMG. Nababaliw na si Supremo.
Sige lang Supremo, magpakabaliw ka. Pinapasaya mo ako.
"What's with your smile earlier?" Napalingon na naman ako sa kanya. "You seemed so happy." Nakakunot na noong sambit nito.
Wala na ba akong karapatang sumaya? Pati ba naman ngiti ipagkakait mo sa akin, Supremo? You are just too heartless.
Wait. Why am I acting weird? UGH.
"There's nothing special today, Supremo. Next week pa na ang foundation day." Walang buhay kong sambit.
Bubuka pa sana ang bibig nito at gusto pang magtanong pero pinili na lang nyang manahimik. What is it? What's bothering you? Why are you asking for an occassion suddenly? What is with you and you are acting really weird?
Hindi talaga sya mapakali habang nagbabasa ng maraming papel tungkol sa student's information. Err? Ano bang hinahanap nya?
Pasimple syang tumingin sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay.
Dammit! Maging ako ay nacu-curious na sa kung ano ba ang hinahanap nya? Ano bang gusto nyang itanong at mukhang hindi sya makakatulog hanggat hindi nya nahahanap ang sagot?
Ngayon ko lang nakitang balisa nang ganito si Supremo sa isang bagay. Is that too important to him?
Narinig ko pa ang mga pasimple nyang pagbuntong-hininga. Sumasakit na rin ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang iniisip nya.
You are really hard to read. And-- Why am I even bothering to read him?
Is it me or him, the one who is weird here?
"Leave me alone."
Halos mapanganga ako sa sinabi nya. Halos ibagsak ko ang desk ko sa sinabi nya. Ano daw? 'Leave me alone?' Gago ba sya? Sya nga itong nagpapunta sa akin tapos--- UGH!
"Leave me alone!"
"Oo na nga! Hindi ka makapaghintay?! Heto na nga oh! Aalis na! Peste!"
Hay naku. Napapasakit talaga nya ang ulo ko. Pumunta na lang ako sa cr para mag-ayos ng sarili. Nakakasira ng poise ang hayop na 'yon. Sinuklay ko lang ang buhok kong nakalugay at itinali.
Natigilan ako nang makita kung sino ang bagong pumasok dito. Napakaamo talaga ng mukha nya kaya hindi ko alam kung paano sila napalapit ng isang demonyo.
Minadali ko na ang pag-aayos dahil hindi ako kumportable na kasama sya.
"He's right, you are weird."
Ako lang ang kasama nya kaya obvious na ako ang kinakausap nya, maliban na lang kung nawawala na sya sa katinuan para kausapin ang kanyang sarili.
But, who the heck is weird? Ako?
Nakumpirma ko ang hinala ko nang humarap sya sa akin. Nakangiti ito kaya hindi ko kayang magsungit dahil para talaga syang anghel. Hay.
"Zein, right?" Tanong nya pero hindi ako nag-abalang sumagot.
"You amazed me." Bigla itong ngumiti ng malaki. "You are really one of a kind." Dugtong nya.
Ok. Ano ang sinasabi nya?
"Nakita ko kung paano mo ipagtanggol ang sarili mo kahapon." Sabi pa nya. "Isa lang ang masasabi ko, naniniwala sya sa'yo. Kahit na gusto na nyang tumulong, pinigilan nya ang sarili nya. Sa una nagduda ako na kaya mo pero it was a mistake, no doubt. Pasensya na, marami na akong nasabi. Una na ako." Muli syang ngumiti bago nagmadaling umalis.
Natigilan ako. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi nya. Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Mali, mali ang mga iniisip ko. Ayokong maniwala pero bakit ganon?
Nakakainis aminin na, hindi ko magawang magalit sa kanya. Kahit na sinusungitan ko sya kanina ay alam kong hindi ako galit o ano.
UGH! Nababaliw na ako.
Napagpasyahan ko munang pumasok sa library since wala rin naman ang aking mga kaibigan na pumasok sa kanilang mga subject. Mas naging komplikado ang schedule ko since naging secretary ako. Halos hindi ko na kaklase ang mga kaibigan ko.
Ngumiti sa akin ang librarian kaya ngumiti na lang din ako. Pumunta ako sa dulong bahagi ng library kung saan walang gaanong pumu-pwesto.
Umupo lang ako at inisip ang ginawa ng aking mga kaibigan. They made my day very special and I really don't remember that today is my birthday.
"Pwede ba akong makiupo?"
Umangat ang aking tingin at nakita si Celine na may hawak na libro. Tumango na lang ako kahit na kating-kati akong sabihin na napakaraming bakanteng lamesa para tumabi pa sya sa akin.
"Kamusta?" Tanong nito.
I almost rolled my eyes. Gusto kong magpahinga pero sa tuwing pupunta naman ako ng library ay si Celine the weird ang tumatabi sa akin. How lucky I am? UGH!
"It seems like something is bothering you." Kumunot ang noo nito. "Something that might ruin your world." dugtong pa nya.
"Will you please shut up?!" Gigil na sambit ko. "Just shut up or leave me alone." I added.
Namilog ang mata nito at maya-maya ay mahinang natawa. Naikuyom ko na ang aking kamao. This girl is getting into my nerves. UGH!
"You look so strong but deep inside? You are so fragile." Natatawang sambit nya and I can't help but to glare. "You must release the beast first if I were you. You can't hold the fragile one too long that you might break." Dugtong nya.
"What do you mean?"
"Release the beast first before the fragile one so that you can handle it without breaking yourself."
That words from Celine kept poping into my mind every now and then. She is just crazy! I should not believe in her. Pero hindi maipagkakailang may punto sya. I can't handle everything if I am weak, I must be strong enough to face it. The beast? Monster? Demon?
Natapos ang buong araw na lutang akong muli dahil sa aking mga kaibigan. Nakalimutan ko ang lahat dahil kasama ko sila. I find time too short when I am with them. I wish, I could extend this.
"Ang tanda na natin." Biro sa akin ni Jerome.
Pabalik na kami sa dorm dahil tapos na lahat ng subject. 30 minutes na lang at bloody night na pero wala na lang sa amin dahil sa bloody week na ito.
Napahinto kami nang makasalubong na naman namin si Supremo. Hindi katulad kanina ay nawala na ang pagkabalisa sa mukha nya pero halatang pagod sya.
"Can I talk to you?" Tanong nya sa akin.
"No." Sagot ni Matt.
Hinawakan ko si Matt sa braso para pigilan. Kumunot ang noo nya pero tumango na lang ako. "Mauna na kayo." Sambit ko.
"Tss."
Nauna ng naglakad palayo si Matt na sinundan naman nilang lahat. Ngayon ay kami na lang ni Supremo ang andito.
Mejo madilim na at lumalakas na ang ihip ng hangin na tinatangay ang buhok ko. Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa akin.
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko.
"Hindi mo talaga sasabihin sa akin?" Tanong nito na ikinakunot ng aking noo. "Kailangan ko pa talagang alamin? Kailangan mo pa ba akong pahirapan?" Ginulo nya ang buhok nya na dati pang magulo.
Ano bang sinasabi nya? Tinutukoy ba nya ang dahilan ng pagkabalisa nya kanina? Kung bakit hindi sya mapakali sa paghahanap ng info sa mga papel kanina? Kaya ba mukhang pagod na pagod sya?
Ano namang kinalaman ko doon?
"I know there's something with your smile."
"What are you talking about?!"
"Happy birthday, Zein."
That made me speechless and in a snap, I found myself seeking for more air.
You know what is the better feeling than your friends remembered something special to you? It is the feeling that someone who is not special to you made an effort for you.
Damn you, Supremo!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro