Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: Control

Zein's Point of View

Sa lahat ng napagdaanan ko, naming magkakaibigan, ito ang pinakakakaiba, at buwis-buhay sa lahat. Sanay na kaming laging nalalagay sa alanganin ang buhay namin, we love playing with death. We love dangerous adventure, we are the badass group you will see walking on the street with a smirk on our faces.

Hell University. This is where we are right now. We are stuck in this place. We don't even know how to get out(if there is). We almost lose hope, almost. Nawawalan na ako ng pag-asa na makalabas kami sa lugar na ito but whenever I see my friends, nagkakaroon ako ng lakas ng loob, nabubuhayan ako ng loob. My friends are my souce of strenght and definitely, my weakness. I promised to myself, I will fight as long as they are on my side. I will protect them, as long as I can.

"Hey! Tulala ka na naman..."

Kinuha ko ang inalok sa aking juice ni Mia na tumabi sa akin. We are at the wide space. Ang malawak na open-space na ito na nagsisilbing tambayan ng lahat. Nakatirik ang araw pero may silong ang lahat ng bench dahil sa nagtataasang puno sa paligid.

"Asan sila?" Tanong ko.

Nginuso nya ang paparating na apat na nagtatawanan. Kumaway sa akin sina Vanessa at Dave habang isang ngiti lang ang isinalubong nina Jerome at Matt. Magsimula kanina na nag-umpisa ang bloody week ay hindi na namin iniwan ang isa't-isa but I know may mga gawain rin kami na hindi namin magagawa ng sama-sama. Halimbawa na lang ang tungkulin ko sa school.

"I need to go..." Paalam ko.

"Akala ko ba walang iwanan?" Nakangusong tanong ni Mia.

"Wala naman talaga. Sino bang nagsabing iiwan ko kayo. Magkikita pa tayo mamaya, may kailangan lang akong gawin. You know? Sexytary." I tried to be funny to divert the topic.

Tumango na lang ako bago naglakad palayo. Leaving them even in just a couple of hours is really hard for me. I may be strong for them, but I am weak inside. Natatakot din akong minsan na iwan sila at hindi na muling makita ang isa sa kanila.

Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Anu-ano ang iniisip ko.

Pagkarating ko sa SSG Office ay si Supremo lang ang dinatnan ko at masamang titig agad ang isinalubong nya sa akin.

Problema nito?

"Always late. Get that papers and follow me."

Bossy. Kinuha ko ang mga papel na itinuro nya kabilang ang log book kung saan nakasulat lahat ng pangalan ng mga estudyante kasama ng mga kasalanan nila. Seriously, Ace? Manually?

Naglakad lang kami nang dahan-dahan pero lahat ng taong madadaanan namin ay agad na umiiwas. We won't eat you, people.

"Where are we going?"

"Somewhere."

Nice. Very well answered, Supremo. You enlightened me, you answered my question direct to the point. Somewhere? Somewhere where everywhere? The heck?!

Natigilan ako nang makita ang isang bangkay ng lalaki na hila-hila ng guard. Bumubula ang bibig nito. Mukhang nilason ito ng kung sino. Lumapit kami ni Supremo sa guard kaya tumigil ito.

"Alex Mendoza, supremo." Biglang sambit ng guard.

"Find it, Miss Shion and mark it with x."

Natigilan ako. Alam ko ang ibig nyang sabihin pero hindi ako kumilos. Pinagmasdan ko lang ulit ang lalaking nanginginig at bumubula ang bibig.

"Do it." Medyo nairita na si supremo.

"He is still alive for pete's sake!"

Maari pang mailigtas ang lalaking ito sa kamatayan. Buhay pa sya pero kung tutunganga lang kami rito ay malamang na matuluyan na ito. Tumingin ako kay Supremo na poker face lang na nakatingin sa akin. Itinaas nya ang isang kilay nya na naghihintay na gawin ko na lang ang ipinag-utos nya.

"We are wasting so damn much time here, Miss Shion." Inip na sambit nito.

Kahit na ayoko ay hinanap ko agad sa list ang pangalan ng lalaking naghihinalo na. Nanginginig na nilagyan ko ng x ang buong pangalan nito. Tumango si Supremo sa guard kaya nagpatuloy na ito sa pagbitbit sa lalaking wala ng buhay ngayon.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Napakahalaga ng buhay ng isang tao, hindi ito nabibili ng salapi o napapalitan. Pero sa loob ng impyernong ito, walang kwenta ang buhay ng isang tao. Malaki ang chance ng lalaking iyon na makasurvive, pero--- Wala.

"If you were me, what would you do?" Tanong sa akin ni Supremo na animo'y curious sa kung ano man ang iniisip ko.

"I would help him! He is still alive!"

Napailing si Supremo na parang mali ang suhestyon ko. "Do you think, who poisoned him? What do you think the purposed of that person?" Tanong ni Supremo.

That hits me! I know his point. Naiintindihan ko ang ibig nyang sabihin.

"What if we help him. Yes, he survived. What do you think will happen then? Mauulit lang ang nangyari. Likas sa tao ang hindi makuntento, sa tingin mo, hahayaan syang makaligtas ng kung sino mang gustong pumatay sa kanya? Definitely no, then, Miss Shion. Why would I waste my time on saving someone that should have died in the first place? You can't save everybody, even you are supernatural. Everything has a limit, at hanggang dito lang ang kaya natin."

Naging tikom ang aking bibig. Hindi maipagkakaila na nasa kanya ang malaking point. He thinks logically. He is one hell of a kind leader. Every second is important to him. Malawak ang isip nya, hindi ko kayang makasabay.

Hindi ko napansin na nakahinto na pala ako sa paglalakad. Hinanap ko si Supremo na nakikupag-usap na pala kay Sir Alvarez.

"You are ten minutes late for your next subject, Mister Alvarez." Walang buhay na dinig kong sambit ni Supremo.

Hindi naman nagpatinag si Sir Alvarez na nakatingin sa akin. "May ginawa lang ako, Supremo." Sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin.

Alam ko ang ibig sabihin ng tingin nya kaya nahihiyang napayuko na lang ako. Wala pa akong naitutulong sa kanya at alam kong hinihintay nya lang ako. Masyadong tahimik si Supremo, maging sina Teacher Kath, wala akong mahanap o makitang kakaibang pinupuntahan nila.

"Unprofessional." Dinig kong sambit ni Supremo kaya napatingin ako sa kanila.

Naikuyom ni Sir Alvarez ang kanyang kamao bago nilagpasan kami. Ang sakit naman kasing magsalita ni Supremo, below the belt. Words are much more powerful than anything, it can ruin something in just a snap.

"What is your connection with him?"

Napatingin ako kay Supremo at sandaling napakurap. Ako ba ang kinakausap nya? Sino? Si Sir Alvarez? "Teacher?" Patanong na sagot ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Sinenyasan akong huminto ni Supremo kaya huminto ako. Nagpatuloy sya sa paglalalad. Pinaningkitan ko ng mata kung sino ang kinausap nya.

Isang babae na matangkad ng konti sa akin. Maputi, makinis, at maamo ang mukha. Napairap na lang ako sa hangin.

Seriously? Anong importanteng pag-uusapan nila at ayaw pa niyang marinig ko? Really, Supremo? Malandi ka rin pala.

Mas naningkit ang aking mata nang makita kong itinuro ako ng babaeng 'yon. What?! Gusto mong maputulan ng daliri?

Gosh.

"Makakaalis ka na," Halos mapanganga ako nang biglang kinuha sa akin ni Supremo ang logbook at ibang mga papel. Saglit kong sinulyapan ang babaeng nakatayo pa rin malayo sa amin na hinihintay si Supremo.

"But, I am not yet done with my duty!" I almost rolled my eyes.

The fuck! I should be glad! Tapos na ang pagtatrabaho ko ngayon sa kanya at makakasama ko na ulit ang aking mga kaibigan, but the fact na kasama nya ang babaeng 'yon ay hindi ko matatanggap.

"Kami na lang ni Angelica ang tatapos nito," Iritang sambit nya nang ayoko pang bitawan ang isang papel na halos malukot na.

Really, Angelica? Tinawag nya ito sa first name! While me? Tinawag nya lang ako sa aking pangalan, once! Miss Shion! What is really happening to me?!

"Edi 'yan! Isaksak mo sa baga mo! .... malandi." Halos pabulong ko na lang sinabi ang huling kataga pero alam kong narinig nya.

Ano bang paki ko kung narinig nya? Totoo naman e! Damn flirt, Supremo! Akala mo sinong nerd! Nasa loob lang pala ang kulo!

"Go to your Matthew now..."

"Talaga!"

Napairap na lang ako bago pinitik ang aking buhok. Tumalikod na lang ako pero lumingon akong muli sa likod para irapan si Supremo na nakakunot ang noo.

Natigilan ako sa paglalakad nang maalala na may klase ang mga kaibigan ko ngayon. Wala akong choice kung hindi hintayin na matapos ang oras at makasama na ulit sila.

Pumunta na lang ako sa cafeteria para kumain. Nasa gitna ako ng pagkain nang makita kung sino ang parating. He is in his usual poker face while the angelic girl smiling. The Devil and the Angel. They really suits each other.

Mabilis na tumalikod na lang ako at nilisan ang lugar na 'yon. Hindi ko pa rin matanggap ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Supremo para sa babaeng 'yon. Don't get me wrong, ako kaya ang secretary nya!

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng cafeteria nang may humila sa aking braso at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Halos manlamig ako at ramdam ko ang malakas na kalabog sa aking dibdib.

Nagsigawan ang mga tao na ngayon ay nakapalibot na sa amin. Nababaliw na ang lalaking 'to!

"Huwag kayong lalapit! Mamamatay ang babaeng 'to!" Sigaw nya at mas diniinan ang kutsilyo sa leeg ko. "Ilabas nyo ako sa impyernong ito!"

Hindi ako makagalaw at ramdam ko na ang lamig ng patalim na nakatutok sa leeg ko. Isang maling galaw ko lang ay alam kong ikamamatay ko na.

Hinanap ko sa crowd ang taong gusto kong makita pero wala sya. Siya lang ang makakatulong sa akin. Kailangan ko sya, pero wala sya. Malamang na kasama nya pa rin ang babaeng 'yon.

Pigil ang hininga na ginagawa ko pero nabuhayan ako ng loob ng makita ko na sya, pero nilagpasan nya lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ang inaasahan kong taong tutulong sa akin ay hindi ako pinansin.

Napangiti ako ng mapait. Wala nga palang kwenta sa kanila ang buhay ng kahit na sino, maging ako. Hindi ko alam pero parang unti-unting namumuong muli ang galit sa loob ko na matagal ng natutulog.

Oo nga pala. Bakit nya ako tutulungan? We are not even friends. I am just his secretary. Gaya rin ako ng iba, wala lang ako sa kanya.

"Pakawalan mo ako,"

Halos hindi ko na makilala ang boses ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang napakalamig na boses na 'yon. Akala ko, iba sya pero katulad din pala sya ng iba. Halimaw.

Hindi ko sana hinayaan na mapalapit sa kanya. Kaibigan na ang turing ko kay Supremo kahit na hindi ganon ang turing nya sa akin. That was my biggest mistake! Wala akong magiging kaibigan sa loob nito kundi ang mga kaibigan ko na bago pa man kami mapadpad dito.

"Manahimik ka!"

Ramdam ko ang pagbaon ng kutsilyo sa aking leeg ngunit imbes na matakot ako, napangisi ako. Nagbabalik na naman ang dating Zein Shion, the girl who is not afraid of death.

I promise to myself now. Walang sino ang makakalapit sa akin sa loob ng campus na ito. Walang sino man ang mapapalapit sa akin.

Siniko ko sa tyan ang lalaking nakahawak sa akin kasabay nang pagharap ko at pagsipa sa sikmura nya. Nangangalaiti ako sa galit. Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili.

Halos mamaluktot ito sa sakit ngunit hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko ang kutsilyong hawak nya at umupo sa kanyang tabi. Itinutok ko ang kutsilyo sa leeg nya.

"You should have killed me while you still have the chance, but you are too slow." Idiniin ko ang kutsilyo sa leeg nya. Ramdam ko ang takot sa kanya, ang mga mata nya na nakatingin sa akin. Halos manginig ito ng ibinaon ko ang kutsilyo sa leeg nya. Umagos ang dugo mula rito and I can't help but to smirk.

I could feel the eagerness to kill him now.

"Shit!"

Naramdaman ko na lang na may humila sa akin palayo sa lalaking humihinga pa. Sinamaan ko ng tingin si Jerome. Andito na pala sila, hindi ko namalayan.

"Anong nangyayari sa'yo, Zein?" Tanong ni Vanessa.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Matt sa leeg ko kung saan may dugo rin na gawa ng lalaking nagtatatakbo sa takot.

"You almost killed him!" Halos pasigaw na sambit ni Mia.

"Almost, he is still alive."

Tumalikod na ako para maglakad palayo nang bigla akong hinigit ni Matt palapit sa kanya. He is in his not usual serious expression.

"You are bleeding, can't you feel it?" He asked.

Napahawak ako sa batok ko. Nakaramdam nga ako ng konting hapdi gawa ng pagdiin ng lalaking 'yon ng patalim sa leeg ko.

"I can feel it, but it is just a blood. Hindi ako mamamatay." Halos matawa ako sa sagot ko pero nanatiling nakakunot ang kanyang noo.

Hinila nya ako kaya hindi na ako nagpumiglas. Nakasunod sa akin ang iba ko pang kaibigan. Yes, sila lang dapat ang itrato kong kaibigan. They are the one who cares for me after all. Only them.

Pumunta kami sa clinic. Sinalubong kami ni Nurse Cha ng nakangiti ngunit hindi namin sya pinansin.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong nito.

"Stop asking as if you care. Give me your first aid kit."

Naitikom ni Nurse Cha ang kanyang bibig at hindi na nagsalita pa. Tahimik na ibinigay nya kay Matt ang first aid kit.

Sinulyapan ko si Vanessa na naiiling lang habang si Mia ay nakatingin kay Nurse Cha na pinapanood ang ginagawa ni Matt. Dahil sa mahinhin na paggamot ni Matt sa sugat ko sa leeg kaya hindi ko namalayan na tapos na pala.

"T-Thank you." Nahihiya kong sambit.

"You may rest her-"

"Will you please, leave us alone, Nurse Cha?" Putol ni Mia kay Nurse Cha na walang nagawa kundi ang lumabas.

Halos mamaluktot ako para lang maiwasan ang mga mata nilang masama ang titig sa akin. Parang nasa isa akong paglilitis at nakagawa ng isang karumad-dumal na krimen. Hindi nga ba?

"What was that for?" Tanong ni Dave na halos hindi pa rin makapaniwala.

Hindi ko rin naman alam kung paano ko nagawa ang kanina. Nagising lang naman ako sa katotohanan. Nagalit lang naman din ako sa lalaking gagamitin pa ako para makalabas sa impyernong ito. Geez. He deserve more than that!

"When I saw you earlier. Nakakatakot ang mata mo, Zein. Halos hindi nga ako agad nakakilos para mahila ka sa lalaking halos patayin mo na." Sambit ni Jerome na nakakunot pa rin ang noo.

Hindi ko alam kung nag-o-over-react lang siya. Totoo kaya? Kaya ba ganon na rin ang takot ng lalaki kanina habang nakatingin sya sa aking mata?

"You lost your temper. You were furious unconsciously." Sambit ni Mia.

What is it? Parang alam ko na kung saan patungo ang mga sinasabi nila. Mariin akong napailing.

"You are being monster when you are angry. You lost your control."

"No Matt, mali ang iniisip nyo!"

Shit!

"Natatakot ako para sa'yo, Zein. Natatakot akong baka mas malala pa ang magawa mo sa susunod."

Hindi ko na talaga nakayanan lahat ng sinasabi nila kaya lumabas ako. Susundan pa sana ako nila ngunit pinigilan sila ni Matt.

Isinandal ko ang likod ko sa pader sa likod ng clinic.

Totoo kaya ang sinasabi ni Nicky?

Am I being a monster? Or worst a demon? Hindi ba ako naiiba sa kanila?

"Looks like the little devil is now showing up..."

I gave Nicky a death glare. She was holding a nail on her right hand. It was not actually just a simple nail, it was well-designed to kill anyone in just a snap. The Black Blood Gang symbol.

"But it will never be enough. You have to let the devil out completely, now."

"Not so fast," Kumunot ang noo nya kaya hindi ko maiwasang mapangisi. "If I were you, hindi ko gugustuhing makita ang demonyong sinasabi mo." Lumapit ako ng konti sa kanya.

"If I were you, learn to control that devil, it could eat you, Zein Shion."

"Yes, I know. It is too dangerous that even I, myself can't control it." I added. "Don't worry. Makikita nyo na ang demonyong hinihintay nyo." Naglakad na ako palayo.

If being a monster or worst a demon is the only way for me to protect my friends, even if I have to hold a knife and to take lives.

I will!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro