Chapter 23
Chapter 23: Bloody Week
Zein's Point of View
Nakakapanibago. Sanay na akong nakikitang tahimik ang lahat pero iba ngayon, ramdam ko ang takot at pangamba sa kanila. Bakas sa mukha nila na hindi talaga sila mapakali.
Hindi naman pwedeng hindi pumasok dahil baka si Supremo ang magdala sa kanila sa kamatayan.
"Nangingilabot ako," sambit ni Mia na nakayakap sa kanyang sarili habang nakatingin sa mga dumadaan.
"Shh. Ang mahalaga ngayon ay sama-sama tayo. Walang hihiwalay sa atin." Pagpapaalala ni Matt.
Andito kami sa wide space, nakaupo sa mga bench. Makulimlim ang langit at parang ikinukubli ng mga ulap ang araw na mas nagpapadagdag sa aming kilabot.
"'Yon palang mga pang depensang ibinigay ko sa inyo. Huwag nyong ilalabas unless kailangan talaga." Muling pagpapaalala ni Dave.
Muli kong naalala ang kahon na ibinigay sa akin ni Supremo. Ang laman nito ay isang ibang klaseng patalim. Hindi ko 'yon dinala, iniwan ko sa drawer ko. Hindi ako hahawak ng patalim, kahit na bigay ni supremo.
"Ahhh!"
Napatayo kami sa kinauupuan namin nang marinig ang isang sigaw mula sa isang silid-aralan. Agad naming natunton ang silid-aralan na 'yon dahil sa mga studyante na tumakbo rin papunta roon.
Ipinagsiksikan ko ang aking sarili sa karamihan ng mga nanunood na estudyante.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa nakikita ko.
"W-Why are you doing this?" Tanong ng isang babae sa babaeng nakatayo na may hawak na kutsilyo.
Ang babaeng nakaupo sa sahig ay naliligo sa kanyang sariling dugo galing sa kanyang braso na sa tingin ko ay ang babaeng may hawak na kutsilyo ang gumawa.
"Bakit?! Mang-aagaw ka!"
"Wala akong inaagaw sa'yo!"
Mariin akong napapikit nang biglang tinadyakan ng babaeng may hawak na kutsilyo ang sikmura ng babaeng nakaupo kaya halos mamaluktot ito sa sakit.
I can't just stand here! I need to do something! Baka mapatay nya ang babaeng 'yon.
Mariin akong napapikit bago naglakad papunta sa dalawa ngunit dalawang hakbang palang ang nagagawa ko nang hilain ako ni Matt.
"You can't do anything to save her, Zein. Baka mapagbuntungan ka rin nya ng galit."
"Pero Matt. Kung hindi ako kikilos, mapapatay nya ang babaeng 'yon." Turo ko sa babaeng umuubo ng dugo dahil sa muling pagsipa ng babae sa kanyang sikmura.
"What is the purpose of this bloody week if no one will die? Zein, wala tayong magagawa. Legal ang pagpatay ngayon!"
Muli ko na lang ibinalik sa eksena ang aking mata. Tama sya, legal na pala ang pagpatay ngayon, wala ako, kaming magagawa kundi ang panoorin silang magpatayan.
UGH! This is insane!
"Sorry. You should die now."
Tumalikod na ako at naglakad palayo nang inambahan na ng saksak ang babaeng nakaupo sa sahig. Malamang napatay na nya.
"Zein!"
Hindi ko pinansin sina Mia na tinatawag ang aking pangalan. Nakakainis! Wala akong magawa!
Napahinto ako sa paglalakad nang harangin ako ni Vanessa na masama ang tingin sa akin.
"Nag-uumpisa palang Zein. Hindi mo pa talaga nasasaksihan ang mas malala pa rito pero bumibigay ka na agad." Sambit nya sa akin.
Naglapitan narin sina Dave, Mia, Matt at Jerome na nakatingin sa akin.
"Hindi ko kaya..." pagsasabi ko ng totoo. "Hindi ko kayang makitang may mamatay." Napasabunot na lang ako sa aking buhok.
"Hindi natin 'yon mapipigilan o maiiwasan. Magpakatatag ka Zein, hindi pa nag-uumpisa ang totoong laban." Sambit ni Jerome.
Napayuko na lang ako dahil sa katotohanang, nag-uumpisa pa lang ang lahat. Nag-uumpisa pa lang pero bumibigay na ako. Pilitin ko mang magpakakatag ay hindi ko pa rin mapigilan ang mangamba.
"Zein."
Muli kong iniangat ang aking ulo sabay bigay ng pilit na ngiti. Napadako sa bangkay na hila-hila ng mga guard ang aming paningin.
Sumikip ang aking dibdib nang makita na ang dalawang babaeng kaninang nagpapatayan ay wala ng buhay ngayon. Kapansin-pansin ang kutsilyong nakatusok pa rin sa puso ng babaeng may hawak kanina ng kutsilyo ang kutsilyong ginamit nya.
Posible kayang pinatay nya rin ang kanyang sarili? Shit!
Nagring na ang bell hudyat na para sa susunod na subject. Nagpaalam muna ako na magc-cr at mauna na sila.
Lutang na naglalakad ako papunta sa cr nang harangin ako nang babaeng naging human tester. Mas pumayat na ito at ang kanyang balat ay kumukulubot. Ganito ba talaga ang epekto ng isang hindi perpektong formula?
"Sumunod ka sa akin." Aniya sabay lakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pero sumunod ako sa kanya.
Pumunta kaming muli sa lugar kung saan nya ako hinila dati.
Tumingin-tingin pa ito sa paligid namin na animo'y takot na takot na may makarinig kung ano man ang sasabihin niya sa akin. Pumirmi na ang kanyang mata sa akin nang matapos syang magmasid.
"Iyong laboratoryo nila," Umpisa nya. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo.
Maging ang aking palad ay nagpawis matapos marinig ang salitang binitawan nya.
"Tell me please." Pagsusumamo ko.
Tumingin sya diretso sa aking mata. "Ang hinahanap mong laboratoryo ay---" Bigla na lamang itong tumumba sa sahig at umagos ang dugo mula sa kanyang likod na may nakatusok na pako.
Halos mapatili ako buti na lang at natapalan ko agad ang bibig ko ng dalawa kong kamay. My knees were trembling in shock as well as my heart.
"Noisy."
Automatic na dumapo ang aking mata kay Nicky na nakasandal sa puno habang pinaglalaruan ang isa pang pako. Tumingin ito sa akin na nakangisi.
"She will also die anytime, kaya pinadali ko na ang paghihirap nya and one more thing, andami nyang alam kaya nararapat lang na manahimik na sya."
Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. She killed this girl! Wala namang ginawa sa kanya. Hindi ko pa nalalaman ang hidden laboratory. Damn you Nicky.
"Why are you doing this?! You crazy bitch!" I gritted my teeth in anger and this bitch just smirked.
"I am just saving you, us."
Mariin akong napapikit at pilit na pinapakalman ang aking sarili. She wants us to save? But she just killed the key for us to find the hidden laboratory!
Muli kong sinulyapan ang babaeng walang buhay sa aking harapan. Agad ko ring binawi ang aking tingin dahil hindi ko masikmura ang nakatusok na pako sa likod nito.
"Save us? Well, congrats! You saved us!" Note the sarcasm. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palayo.
She was always a hindrance! Why the hell was she blocking my way! Chance ko na 'yon para malaman ang hidden laboratory nila at maipagbigay alam 'yon kay Sir Alvarez nang hindi na makumpleto ang pinagkakaguluhan nilang formula!
Inis na nilagpasan ko na lang ang cr na sya namang dapat ay pupuntahan ko. Dumiretso na lang ako sa class room namin at naabutan na nag-uumpisa na ang klase. Saglit silang natigilan nang makita ako at ang galit kong mukha.
Umupo ako sa tabi ni Vanessa na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Pabagsak na ibinaba ko ang aking bag at humalukipkip.
"What's wrong?" Tanong ni Mia na nakasilip sa gilid ni Vanessa.
Maging ang boys ay nakakunot na rin ang noo habang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako bago itinuon ang atensyon sa teacher namin na nagtuturo.
Nakakapanghinayang lang talaga na makukuha ko na sana ang impormasyon na kailangan ko pero naudlot dahil kay Nicky.
Bakit nga pala ayaw nyang malaman ko? Kasama rin ba sya sa mga taong gumagawa ng formula? Kasabwat din ba sya? That bitch!
"That's just a simple question, Ms. Romualdez!"
"I-I am sorry."
Agad naagaw nina Teacher Riza at Kris Romualdez ang aking atensyon.
"Sorry?! Ang bobo mo naman!"
Napayuko na lang si Kris sa kahihiyan dahil sa sinabi ni teacher Riza. That was below the belt. Kahit na hindi nasagot ni Kris ay hindi nya dapat ipahiya ito sa harap ng klase, sa harap namin.
"That's just a piece of cake! Idiot! Hindi ka kasi nakikinig kaya wala kang alam! Panget ka na nga, bobo ka pa!"
Tatayo na sana ako para awatin si Teacher Riza pero napako ako sa kinauupuan ko ng biglang sinampal ni Kris si Teacher.
"How dare you!" Gulat na sigaw ni Teacher Riza.
"Sige! Lumapit ka!" Nanlaki ang mata ko kasabay ng paglunok ko nang makita ang inilabas ni Kris sa kanyang bulsa. Isang kutsilyo.
"Pagod na pagod na ako! Lagi na lang ako ang nakikita mo! Lagi mo na lang akong pinapahiya! Wala na akong natirang dignidad sa aking sarili!"
Bumuhos na ang luha sa mata ni Kris habang nakatingin kay Teacher Riza na nanginginig habang umaatras palayo kay Kris na lumalapit sa kanya.
"B-Bitawan mo 'yan. Hindi magandang biro 'yan." Kinakabahang babala ni Teacher Riza ngunit parang binging hindi nagpatinag si Kris na nakangisi na ngayon.
"Oo, bobo ako! Ikaw? Matalino ka? Sige nga! Sagutin mo ang simpleng tanong ko..." Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. "Hulaan mo kung kailan ka mamamatay." In that que. Ibinaon na ni Kris ang kutsilyong hawak nya sa dibdib ni Teacher Riza.
Halos mapapikit ako sa nasaksihan ko.
Bumagsak ito sa sahig habang nakaturok pa ang kutsilyo sa dibdib nito. Umagos sa sahig ang malapot na dugo nito.
Nanlaki ang mata ni Kris na animo'y nahimasmasan na. Pinagmasdan nito ang kamay nya na may dugo bago tumingin sa walang buhay naming guro.
"H-Hindi." Wala sa sariling bigkas nya bago napaupo sa sahig at niyakap ang sarili.
Humagulgol ito at nagsisigaw na animo'y nawalan na ng tino sa sarili.
Walang nagtangkang lumapit sa amin sa kanila o tumayo man lang. Parang nakagat namin lahat ng aming dila. Bakas pa rin ang gulat sa mata namin.
This bloody week is worse that I expected dahil kami lang rin mismo ang nagpapatayan.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Posible kayang kami rin? Mariin kong ipinilig ang aking ulo.
Oo, sila-sila lang din mismo ang magpapatayan. Grudge to grude but my friends and I are an exception. Wala kaming sama ng loob sa isa't-isa. Hindi namin gagawin ang ginawa ng iba.
Hindi kami magpapatayan at kung sakali man, ako na lang mismo ang sasaksak sa aking sarili. Hindi ko kakayaning makitang may hawak na kutsilyo ang isa sa amin habang nakatutok ito sa isa pa sa amin.
I'd rather die than to witness that.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro