Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Preparation

Zein's Point of View

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi dahil sa ngiti ni Supremo. I mean, once in a blue moon lang 'yon, ngayon ko lang nakita pero ganon ang epekto sa akin.

Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Tumayo na ako nang magring ang bell, hudyat na lunch break na.

"Saan ka pupunta? Hindi ka sasabay sa amin?" Takang tanong ni Mia na nagliligpit na rin ng gamit.

"Hindi e. May gagawin kasi kami ngayon ni supremo."

"Gagawin?" Kunot-noong tanong ni Matt. "Anong gagawin nyo?" Emphasizing 'nyo?'.

"Gagawin, as in as a secretary. Gosh, Matt. Kailan pa naging marumi ang isip mo?" Naiiling na tanong ko.

Hindi ako slow kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin nya. Hindi ako inosente, hindi rin ako green-minded. Open-minded kaya ako.

"Kayo ah! Zein, baka naman..." Pinanliitan ako ng mata ni Vanessa. "May gusto ka ba kay supremo?" Nakangising tanong nya.

Napangiwi ako sa tanong nya bago umikot ang aking mata. "Matakot ka nga sa pinagsasabi mo Van. Hindi nga kami friends, lovers pa? Ewan ko sa'yo!" Kunwaring naiinis na sagot ko.

Pero, totoo naman kasi e. Paano naman ako magkakagusto kay Supremo e dinaig pa ang may period non, well except kagabi na sinapian sya ng kung sinong good spirit pero over all? He is still a complete monster. And I guess, that's an enough reason for me to hate him.

"Tss..."

Bigla nalang umalis si Matt na ginugulo ang kanyang buhok. Ginagawa nya lang 'yon kapag naiinis sya o galit.

Nagkatinginan sina Dave at Jerome bago natawa. What's with them?

"Nag walk out na si Boss! Alam mo ba kung bakit?" Tanong sa akin ni Dave na natatawa.

"Nagugutom?" Wala sa sariling sagot ko.

Wala naman kasi akong nakikitang rason para mag walk out sya. Maliban na lang kung nagugutom na talaga sya at hindi na makapagpigil.

"Or maybe, tawag ng kalikasan?" Sunod na sagot ko. "UGH! Nevermind, I have to go! Baka masermonan na naman ako." Paalam ko sabay sakbit ng back pack ko.

"Ingat ka. May magmamahal pa sa'yo!" Sigaw ni Jerome na hindi ko na lang binigyan pansin.

Baliw talaga ang mga 'yon. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang parating. Si Roxane at si Mr. Poser, I mean si Raze 'kuno'.

Tinaasan ako ng kilay ni Roxane bago inilingkis ang kanyang braso sa braso ni Raze at idinikit ang kanyang dibdib dito. Bitch.

Pinagmamalaki nya ba sa akin ang boyfriend nya? Leader ng DG W? King of HU?

Napailing na lang ako. Kung alam nya lang.

"Hi. Ms. Shion." Maarteng bati nya sa akin.

Sinulyapan ko si Raze na nag-iwas ng tingin. Pft. Guilty. Akala ko ba nakakatakot si Raze? Akala ko ba nakakakilabot sya? Bakit parang natatakot sya sa akin? HAHA.

"Kilala mo naman siguro kung sino ang kasama ko, right?" Maarteng tanong nya sabay tingin kay Raze na ngayon ay nakatitig na sa akin. "Natikman mo na ang bagsik nya. Tama?" Tumawa ito ng malakas.

"Yeah. And I must say, it tastes like hell." Nakangising sagot ko. "I was so scared that time." Dugtong ko.

Tumawa si Roxane ng malakas. "Sa susunod kasi, huwag na huwag mo na akong babanggain. Kung ayaw mong mabilis na mawala sa mundong ito. Lets go babe." Nilagpasan nila ako.

Hindi ko napigilan ang matawa. Kawawa ka naman Queen Roxane. Pathetic powerless queen. May alam akong hindi mo alam, isang sikreto na ikagugunaw ng mundo mo kapag nalaman mo.

Pagkarating ko sa SSG Office ay agad na bumungad sa akin ang isang gabundok na papeles na nakapatong sa aking lamesa.

"Para saan 'to?" Tanong ko kay Onel na busy rin sa ginagawa nya.

"Pakilagay raw sa stock room sabi ni Supremo." Sagot nito nang hindi man lang tumitingin sa akin. He must be too busy huh?

Dumapo ang aking tingin sa table ni Supremo na bakante. "Asan sya?" Tanong ko.

"Nagchecheck ng mga studyante at ng mga lumalabag sa rules." Natatawang sagot nito.

Walang ganang binitbit ko ang mga papeles na nasa lamesa ko. Lalabas na sana ako nang biglang pumasok si Fritzy na nakanguso.

"Hintayin mo ako!" Sambit nya sa akin bago kumuha ng mga papeles sa lamesa at nag bitbit din. "Hindi na nya ako secretary pero kung makapag-utos! Hmp!" Inis na bulong nya.

Natawa ako kaya sinamaan nya ako ng tingin. Inutusan din sya ni Supremo. Buti na lang dahil hindi ko alam kung makakailang balik ako bago matapos ang mga ito.

Sabay kaming naglakad at ang kasama ko ay bulong parin ng bulong.

"Ano? Masarap maging secretary ni Supremo?" Pang-aasar sa akin ni Fritzy na nang-iinis.

"Ok lang."

"Ok lang? Hindi ka nya pinagbibitbit ng mga papeles araw-araw? Pinabibili ng kung anu-ano? Sinesermonan? Hindi ka ba nakatikim ng mga masasakit na salita sa kanya?" Tanong nito sa akin.

"Tama ka. Well, ganon naman talaga sya. Anong magagawa ko?" Maikling sagot ko sa mahabang tanong nya.

Ganon naman talaga si Supremo e. Pero may kabaitan naman sya, kapag sinapian ng good spirit pero all the time ay evil spirit ang nakasanib sa kanya.

Bigla kong naalala ang ngiti nya kagabi. Mauulit pa kaya 'yon?

"Bakit kasi hindi na lang sya ang nagbitbit ng mga ito." Ngayon ay reklamo ko dahil malayo pa ang stock room.

"What? Si Supremo? Pagbibitbitin mo ng mga ganitong papeles? In your dreams! Hindi pa nga ata nagpunas ng sarili nyang lamesa 'yon e! Lagi nyang inuutos sa akin!" Reklamo niya.

Bigla ko naman naalala nong tinulungan nya akong magpunas ng mga table sa cafeteria. "Hindi naman." Sagot ko.

"Anong hindi?! Hay naku! Ewan sa'yo!"

Pagkarating namin sa stock room ay agad naming ibinagsak ang mga papeles at umalis roon dahil ang sakit sa ilong nang alikabok. Ilang dekada na kayang hindi nalilinis 'yon?

"Nakakapagod!" Sambit ni Fritzy na nag-iinat-inat pa. "Kuha muna tayo ng juice sa cafeteria." Sambit niya na hindi man lang hinintay kung sasang-ayon ako o hindi.

Ibang klaseng babae. Naiiling na sinundan ko na lang sya. Nauuhaw na rin naman ako. Nakakapagod ang mag lakad ng malayo bitbit ang mga papeles na basura na 'yon.

Maraming kumakain dahil lunch break pero hindi ko nakita ang mga kaibigan ko. Malamang na nasa dorm ang mga 'yon, mas gusto pa raw nila ang luto ni Matt kesa sa chef rito e.

Napangiwi ako ng biglang sumingit sa mahabang pila si Fritzy. "Ano ba?! Gorgeous first!" Sigaw nya kaya walang nagawa ang iba na umatras para mabigyan sya ng space.

Pumunta na lang ako sa likod ng pila dahil hindi naman ako katulad ni Frizty na over taker sa pila.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya sa akin.

"Nakapila. Obvious ba?" Pagtataray ko dahil nakataas rin ang kanyang kilay.

"May policy dito! Gorgeous first! Kaya dito ka sa aking likod!" Aniya.

Nakayukong pumunta na lang ako sa likod nya dahil ayoko nang marinig ang nakakabinging sigaw nya na abot hanggang sa labas ng cafeteria.

Saan naman nya nakuha ang policy nyang gorgeous first?! Ito talagang babaeng 'to, inventor maka singit lang. Nauuhaw na rin naman ako.

"Asan na ung order kong guava juice?! Masamang pinaghihintay ang dyosa, baka makatikim kayo ng pasa." Inip na sambit nya.

"Wait lang po miss..." sambit ng babae na nagbubuhos ng juice sa baso.

"5 seconds!"

Natawa na lang ako sa kaartehan at kamalditahan ng babaeng 'to. Inabot naman agad sa kanya ang baso na may juice.

It's my turn.

"Ano po sa'yo, Miss?" Tanong sa akin ng babae.

"Orange ju-"

"Give her, guave juice." Nanliit ang mata ko nang biglang nagsalita si Fritzy.

Wala na rin bang freedom to choose?

Tinignan ako ng babae na nag-alinlangan. Tumango na lang ako dahil alam kong hindi papatalo si Fritzy at hindi naman masama ang guava juice.

"Ayan! Partner tayo!" Masayang sambit ni Fritzy at pinagdikit pa ang baso namin.

Hindi naman masama ang lasa pero mas bet ko pa rin ang orange juice.

Hapon na nang matapos kami ni Fritzy sa paglipat ng mga papeles. Dumagdag pa kasi ang kaartehan nya na nagretouch pa, tapos nagpahinga pa sa bench, tapos nagtaray pa sa mga nakakasalubong namin kaya umabot kami ng hapon.

Paalis na sana ako sa SSG Office nang dumating si supremo na halatang pagod rin.

"Done?" Tanong nya. Tumango na lang ako.

Gulo-gulo pa ang buhok nito at tabingi ang salamin na animo'y ginahasa. Natawa ako sa iniisip ko.

"What is so funny?" Kunot-noong tanong nya sa akin na ikinatigil ko.

"W-Wala." Sagot ko.

Masungit na naman sya. Sabi ko na nga ba sinapian lang sya kagabi. Psh.

"Are you ready?" Tanong nya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

"Ready for what?" Tanong ko.

Umiling ito at nangalkal sa kanyang drawer. Aalis na sana ako nang magsalita pa sya.

"Wait." Inabot nya sa akin ang isang kahon na parihaba.

"Ano 'to?" Tanong ko. Regalo ba 'to? Bakit hindi naka gift wrap? Hindi ko naman birthday.

Itinago ko na lang ito sa aking back pack at naglakad na pauwi. Bigla kong naalala na bukas na mag-uumpisa ang bloody week.

Pagkarating ko sa dorm ay napatakip ako sa aking bibig. Marami kasing patalim ang nasa lamesa na pinagkakaguluhan nila Matt, Dave, at Vanessa.

"Para saan 'yan?!" Bulalas ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.

Lumapit ako sa kanila at pinagmasdan ang mga patalim. Sobrang talim ng mga ito na parang masusugatan ka agad kapag hinawakan mo.

"We need to prepare." Sambit ni Jerome.

"Ayoko! Kahit na anong mangyari, hindi ako hahawak nyan!" Sambit ni Vanessa na malayo sa amin.

Preparation for the bloody week? Gosh! Kahit ako ay hindi ko kakayaning humawak ng ganyan. Nakakatakot.

"This is just for emergency purpose only. We'll just keep it in our bags." Sambit ni Dave.

Tumingin ako kay Matt na halatang tutol rin dito.

"That's a bad idea." Sambit ko.

"Starting tomorrow, nasa tabi na natin si Kamatayan, kaya kung ayaw nyong sumama sa kanya, kukuha kayo ng isa sa mga 'yan at itatago sa inyong bag." Sambit ni Dave na halatang sya ang nagplano nito.

Nanliit ang aking mata nang makita kong kumuha si Mia. "Hindi ko ito gagamitin unless kailangan talaga." Anito.

Tumango naman sa kanya si Dave bago tumingin kay Vanessa na umiiling.

"Not me." Sambit nito nago naglakad papasok sa kwarto.

Napabuntong-hininga na lang si Jerome na kumuha ng dalawa. Para siguro kay Vanessa.

Ngayon ay sa aming dalawa na lang ni Matt sila nakatingin.

"Ayoko..." sambit ko.

Tumingin sa akin si Matt na halatang nag-aalala. "I'll get two, just incase na magbago ang isip mo." Sambit ni Matt.

"My mind won't change. Hindi ako gagamit ng mga patalim na 'yan. No matter what." Desididong sambit ko.

"We are in danger, Zein. Kung hindi natin tutulungan ang ating sarili, sinong tutulong sa atin? Wala." Sambit ni Jerome.

Umiling ako. "Basta ayoko." Paulit-ulit na tugon ko.

Wala na silang nagawa kaya niligpit na rin nila ang mga patalim na 'yon. Humiga ako sa tabi ni Vanessa na malalim ang iniisip.

"Do you think, we can survive this?" Wala sa sariling tanong nya.

Umupo ako at pinilit siyang paupuin din. Iniharap ko sya sa akin, pinanghihinaan na sya ng loob, kailangan ko syang palakasin.

"No one will die among us. Remember that." Sambit ko.

"How can you be so sure? Hindi na natin hawak ang ating buhay!"

Lumukot ang mukha nito at tumingin sa labas ng bintana.

"Nasa tabi mo lang kami, hindi natin iiwan ang isa't-isa magsimula bukas. We'll protect each other."

Tumingin syang muli sa akin sabay ngumiti. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti.

"Sana Zein, sana talaga..." sambit niya.

Hindi ako agad nakatulog at pinagmamasdan ko lang sina Mia at Vanessa na natutulog na.

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo." Sambit ko sa kawalan.

Napadako ang aking tingin sa back pack ko at naalala ang box na ibinigay sa akin ni Supremo kanina. Lumapit ako rito at binuksan ang bag ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang box na kahoy. Ano naman kayang laman nito? Bakit bigla na lang sya nagbigay nito?

Dahan-dahan ko itong binuksan. Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang kahon. Napatakip ako sa aking bibig at ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso.

Shit!

Ano 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro