Chapter 19
Chapter 19: Late Headmaster
Zein's Point of View
Half day lang kami in-announced kanina dahil magkakaroon ng general meeting na gaganapin sa gymnasium at dahil bilang secretary, kasama ko ang mga SSG Officers. Si Supremo ay kausap si Teacher Kath habang kami ni Onel ay nakaupo na sa harap at nakatingin sa kabuuan ng mga estudyante na hindi man lang nag-aabalang lumikha ng anumang ingay. Lahat sila ay nakaupo lang at taimtim na naghihintay kung para saan ba ang general meeting na ito.
Mas bumigat ang presensya nang dumating na sina Madame Violet at Sir Francisco na kapwa nakangiti sa mga estudyante, lahat ng madadaanan nila ay hindi nagagawang tumingin sa kanila na animo'y ikamamatay nila kapag nakipag eye contact sila sa isa man lang sa dalawa.
"Good morning, Madame, Master Francisco." Magalang na bati ni Ace sa kanila na yumuko pa ng konti. Tumayo naman si Onel para yumuko rin kaya tumayo na rin ako pero hindi ako yumuko.
A.yo.ko.
"Is that how you greet us, Miss Shion?" Nakangiting tanong ni Francisco.
Ano bang in-e-expect nila? Yumuko rin ako? Lumuhod? Ano sila? Diyos? Never, I will never ever bow my head on them, they don't deserve it and will never be. They wont earn a respect from me.
"Good afternoon," Ang tanging lumabas sa bibig ko.
I guess, that was enough. At least, I still showed respect, even just a bit.
"Samantha..."
Napatingin ako sa sinabi ni Madame Violet. Nakatingin sya sa akin habang nakangisi. Anong sinabi nya? Samantha? That's not me, ulyanin na rin ata ang isang 'to.
"Madame, let's start."
Tumango na lang si Madame Violet kay Ace bago ibinigay ang mic dito. Pumunta sina Madame Violet at Francisco sa harap kaya umupo na kami sa aming respective places. Kumaway ako kina Mia at Vanessa na nakatingin sa akin. Kumaway naman silang lima sa akin na nakangiti.
"Focus." Dinig kong sambit ni Ace.
Umayos naman ako ng upo at hindi na tumingin sa likod.
"Good afternoon students," Panimula ni Francisco. "Today, we gathered to celebrate the 5th death anniversary of the Late Headmaster Dominique Valdez!" Biglang nagkasigla si Francisco.
Nakarinig ako ng mga violent reaction mula sa crowds. Sa loob ng ilang araw na pamamalagi naming dito ay ngayon ko lang narinig ang pag-apela ng mga estudyante. It was more like nainsulto sila sa sinabi ni Francisco.
"Nakakatuwa na sa loob ng ilang taon na pamumuno ng tangang pinuno ay nakalaya na tayo, hindi ba nakakatuwa?" Tanong ni Madame Violet.
No one bothered to disagree. Who would be? Una, hindi dapat magsaya dahil namatay ang dating headmaster, pangalawa, nakakawalang respeto ang pagtawag nyang tanga sa dating pinuno. That's insulting.
"Because of that! Natutuwa kaming i-announce ang pinakamalaking event na mangyayari sa Hell University after so many years!"
Hindi ko alam pero kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. Biggest event, it will be a bloody one. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang delubyo na parating? Totoo ba? Malapit na nga ba ang katapusan?
Anong mangyayari?
"Hindi!"
Napagitla kaming lahat nang marinig ang sigaw mula sa mga estudyante. Tumingin kami sa likod at isang lalaking nakayuko at nakatayo ang agad na nakaagaw ng aming pansin.
"Hindi sya namatay! Pinatay nyo si Headmaster Valdez!"
Kumunot ang noo ko. Tumingin ako kina Madame Violet at Francisco na nagtatawanan, nakuha pa nilang mag-apir sa harap namin. "Sino ba kasing nagsabing namatay sya? You are right, we killed him, at susunod ka na." dinakip ng dalawang lalaki ang lalaking sumigaw.
Tumingin ako kay Supremo ngunit nanatili ang kanyang mata kina Madame Violet at Francisco, poker face na nakaupo. Parang walang nangyayaring kaguluhan sa paligid.
"Pakawalan nyo ako!" Nagpumiglas ito ngunit hindi nya kinaya ang dalawa.
Dahil lang sa pagsigaw nya ay mapaparusahan sya ng kamatayan. Parang masyado naman ata 'yon.
"Sobra naman ata 'yon!" Nanlaki ang mata ko at dumoble ang kabog ng dibdib ko nang Makita kung sino na ngayon ang nakatayo. "You killed the late headmaster, hindi ba parang baliktad? Dapat kayo ang maparusahan ng kamatayan." Sambit ni Vanessa.
Shit!
"We are not stupid to kill ourselves. Ang tanga rito ay ang lalaking 'yon," Turo nya sa lalaking bitbit na palabas ng gymnasium. "At ikaw." Turo nya kay Vanessa.
Nanlaki ang mata ni Vanessa nang may humawak sa kanyang dalawang kamay. Nanlisik ang mata ko nang makitang binigla nilang hinablot ang braso ni Vanessa na dahilan ng pagkaumpog nito sa pader na katabi nila.
My heart skipped a bit when I saw how she fainted. That's too much.
I glanced at Ace. Umiling ito sa akin na parang binabawalan ako sa gagawin ko. Damn! Ang init na naman ng pakiramdam ko, parang nangyayari ulit ang nangyari sa akin no'ng kay Roxane. I am losing my temper, I am out of control of myself, again.
"Touch her once more, or you will regret it." Sambit ko nang aktong hahawakan na naman nila ang walang malay na si Vanessa.
Sinenyasan ko sina Matt, Jerome, Dave at Mia na buhatin na si Vanessa at dalhin sa dorm dahil wala namang kwenta ang clinic dito.
"First of all, Wala kayong karapatang magpataw ng parusa, because the Supreme Student President lang ang pwede," Umpisa ko. I've read once the manual of Hell University and according to this, ang president lang ang maaring magpataw ng parusang kamatayan "Second, the way you stand in front of us shows disrespecful now tell me, how can you earn respect from us?, and lastly, I am the Supreme Student Secretary and definitely, I also have the power to against on your decisions"
I am just stating the truth that compare to the Hell University Headmaster, SSG President is much more powerful.
"How rude Miss Shion, Alam ko naman na i-a-approve ni Supremo ang aking sinabi. Right, President?" Tanong ni Madame Violet kay Ace na hindi man lang nagsalita. "President Ace? Anong sa tingin mong parusa ang maaring ipataw natin sa Secretary?" Tanong niya.
I remained silent.
"Punishment? Are you kidding me?" Natatawang sambit ni Ace na nakatingin kay Madame Violet. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi nya. "Why would I punish MY secretary if she deserves an award?" Tanong ni Ace.
Maging ako ay naguluhan na rin. Ano bang sinasabi ni supremo?
"W-What do you mean?" Nakakunot-noong tanong ni Madame.
"I mean, honestly, Miss Shion amazed me. Sa lahat ng naging secretary ko, sya lang ang nakakaalam na ako lang ang maaaaring magpataw ng kamatayan. Amazing, right madame?"
Silence ate the whole gymnasium.
"Ace Craige," sambit ni Francisco na parang binabalaan si supremo na nagkibit-balikat lang. Well, hindi naman talaga marunong masindak ang isang 'to, sya pa nga ata ang dapat katakutan. "Well, the biggest event I am talking about will happen for a week." Ngayon ay nakangiti na itong muli.
"Lets call it a bloody week, where killing will be legal even in day time. Good luck everyone, I guess half population of HU will be lessen."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro