Chapter 14
Chapter 14: Death
Zein's Point of View
Agad na nagtakbuhan kami sa direksyon kung saan namin narinig ang sigaw. Malakas ang tibok sa dibdib ko. Alam kong may masamang nangyari na naman.
Agad na bumungad sa amin ang isang lalaking nakabulagta na. May saksak ito sa likod ng tatlong beses. Malamang na sinaksak sya ng patalikod nang hindi nya namamalayan.
"Alisin nyo na nga ang bangkay na 'yan!" Nagulat kami nang nasa harap na pala namin si Teacher Kath na halatang inis na inis sa nakikita nya. "Nakaharang sa daan!" dugtong niya.
Dumating ang mga guard at iginuyod ang walang buhay na lalaking iyon. Iginuyod nila ito na parang walang pakialam sa bangkay. Hindi na nga nila ginalang ito, nilapastangan pa nila. Walang puso.
"At kayo!" Turo sa aming lahat ni Teacher Kath. "Ano pang tinutunganga nyo?!" aniya na mabilis na ikinalaho ng mga estudyante.
Kaming pito lang ang natira dito, kasama si Liam na inaaya na kaming umalis.
"Wala kayong gagawin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mia.
Maging ako ay nagulat sa ginawa nila. Parang wala lang sa kanila na may namatay na estudyante na hindi alam kung sino ang gumawa.
"Anong gusto mong gawin namin? Pag-aksayahan ng oras ang isang walang kwentang tao? Kung gusto nyo, kayo na lang. Excuse me."
Dumaan ito sa harap namin na nakataas ang kilay. Naiwan kaming pitong muli ay hindi makapaniwala.
"May namatay pero wala silang pakialam?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Mia.
"Ipinapakita lang nila na walang kwenta lahat ng andito, na hindi dapat tayo pinag-aaksayahan ng panahon." Ani Matt na malalim ang iniisip.
"Ganyan naman talaga sila e, wala silang pakialam sa mga namatay at lalo na sa pumatay." sabi ni Liam na ngayon ay nakangiti ng muli.
Anong meron sa lalaking ito at nagagawa nya pa ring ngumiti? Demonyo rin kaya sya? Katulad nila? Anong itinatago nya sa loob nya?
"Mas mabuti pang bumalik na muna tayo sa dorm." suhestyon ni Dave.
"Sige mauna na ako," Pagpapaalam ni Liam na nakatingin kay Vanessa na hindi nakatingin sa kanya.
Anong meron? Totoo kaya? Baka naman may pinaplano lang sya?
"Mauna na kayo, may gagawin pa ako sa office," sabi ko at pinauna na silang makalakad palayo.
Muli kong sinulyapan ang sahig kung saan hanggang ngayon ay may dugo pa rin. Isa na naman ang namatay at hindi alam kung sino ang pumatay.
Agad na nakuha ang atensyon ko ng mga patak ng dugo na papunta sa isang building. Naramdaman ko na lang na sinundan ko na ang patak na ito.
Sa kakasunod ko ay dinala ako ng mga paa ko sa isang kwarto na mukhang matagal ng hindi ginagamit. Sinulyapan ko ang pasilyo na walang tao bago ibinalik sa seradula ng pinto ang aking paningin.
Mapanganib kung bubuksan ko ito. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin, kapahamakan? Maari, pero alam kong wala rin akong magagawa kapag binalot na ako ng kuryosidad.
Naramdaman ko na lang na pinihit ko na ito at unti-unting itinulak. Mejo mahirap na itong buksan at lumalagatok ang pinto kapag tinatangka kong itulak. Habang itinutulak ko ito ay naramdaman ko na agad na hindi ako nag-iisa.
Madilim na kwarto ang bumungad sa akin. Kinapa ko ang sindihan ng ilaw, mejo kinilabutan ko ng maramdaman na mejo mabasa-basa ang switch. Patay-sindi lang ang ilaw at isang magulong kwarto ang tumambad sa akin.
Namutla ako nang makita ang kamay kong pinambukas ng ilaw na may dugo. Sinulyapan ko ang switch at may dugo nga ito na sa tingin ko ay hinawakan din ng killer kanina.
Pigil ang hininga ko sa tuwing mamatay ang ilaw at lumalakas ang takot sa akin kapag sumisindi naman ito. Ang patay sinding ilaw na mejo mahina na ay parang kahit na anong segundo ay kusa na lang mamamatay.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Tama nga, isang lumang silid-aralan, ito. Nakatumba ang mga upuan maging ang table ng teacher. Masakit sa ilong ang maalikabok na amoy nito.
Asan sya?
Namutla ako at sandaling tumigil ang tibok ng puso ko nang may biglang nagsara ng pinto. Naramdaman ko na lang na may humablot sa akin at marahas akong isinandal sa pader.
"Bakit mo ako sinundan?!"
Nawala rin ang kaba sa aking dibdib nang mamukhaan ko itong lalaking ito kahit na patay-sindi ang ilaw.
Siya ay isa sa tatlong lalaking nambugbog kay Nazzer. Malamang na ang lalaking may saksak kanina ay isa sa tatlong ito pero bakit? Bakit nya pinatay ang sarili nyang kaibigan?
"B-Bakit? Bakit mo pinatay ang kaibigan mo?" Tanong ko.
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking tuhod dahil sa pagkagulat.
Parang natauhan naman ito at binitawan ako. Sinipa nito ang isang nakatumbang upuan na lumikha ng malakas na ingay.
"Hindi, kailangan kong patayin si Raven. Kailangan nyang mamatay." anito.
Ngayon ko lang napansin na hawak nya pa pala ang kutsilyo na sa tingin ko ay ang ginamit nyang panaksak kay Raven.
Ang damit nito ay puno rin ng dugo. Ang kamay nya na may hawak na kutsilyo ay puno rin ng dugo.
"Bakit?" Tanong ko.
Humarap ito sa akin kasabay ng pagbukas ng ilaw na panandalian lang. Umiiyak ito at parang nagsisisi sa ginawa nya.
"Kung hindi ko sya papatayin, ako. Ako ang papatayin nila." sagot nito.
Shit! Ito ang tinutukoy ng red hair na iyon. Sinabi nya na mamamatay ang tatlong lalaking ito at malamang na sya ang nanakot sa lalaking ito.
"Pero labag sa batas ng tao, lalong lalo na sa batas ng Diyos ang pagpatay."
"Alam ko, wala akong pagpipilian. Kailangan ko syang patayin para mabuhay ako."
Bigla itong lumabas ng kwarto kaya mabilis ko syang sinundan. Mabuti na lang at oras ng klase ngayon kaya walang estudyante ang nakakalat kundi ay makikita nila ang dugo sa damit ng lalaking ito.
"Sandali!" Pigil ko ngunit parang wala itong narinig at angdire-diretso lang.
Halos tumakbo na ako sa bilis nyang maglakad. Hawak pa rin nito ang kutsilyo.
Napahinto ang nang makita kung sino ang parating, ang ikatlong lalaking kasama sa nambugbog kay Nazzer.
"Paulo? Bakit may hawak kang kutsilyo?" Tanong nito habang nakatingin sa kamay ni Paulo. "Narinig mo na ba ang balita? Pinatay si Raven." malungkot nitong sambit.
Nanatili akong nakatayo sa gilid nila na animo'y naghihintay ng susunod nilang gagawin.
"Alam ko Julse, ako ang pumatay sa kanya." Sagot ni Paulo na ikinatigil ni Julse.
Natahimik sila ng ilang segundo.
Inilahad ni Paulo ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo sa harap ni Julse. Kumunot ang noo nito.
"Gamitin mo 'yan para makaligtas ka." anito kay Julse.
"A-ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong nito.
"Alam kong 'pag hindi mo ako pinatay, ikaw ang papatayin nila." sambit ni Paulo.
Maging ako ay natigilan matapos kong marinig iyon. Ibang klase, manipulator talaga sila. Binlockmail nila ang tatlong lalaking ito para sila-sila mismo ang magpatayan. How cruel.
Nanlaki ang mata ko nang makitang may hinugot si Julse sa kanyang likod, huli na para mapagtantong kutsilyo ito dahil sinaksan na nya si Paulo na ngayon ay bumulagta sa na sa lupa.
Napakabilis ng pangyayari, sa isang iglap ay wala na ring buhay si Paulo.
Dito na ba talaga nagtatapos ang lahat? Ligtas na ba talaga ang natitirang lalaking ito na si Julse?
"Ligtas na ako," sambit nito sa sarili at parang wala sa sariling napangiti.
Mali. Hindi pala sya ligtas, maaring sa kapahamakan ligtas na sya ngunit ligtas ba sya sa konsensya?
Katulad ng kaninang nangyari sa bangkay ni Raven, kinuha rin ng guard ang bangkay ni Paulo na parang basura lang.
Bigla namang nawala si Julse.
Hindi sya paliligtasin ng kanyang konsesya.
Bumalik na ako sa SSG Office at wala akong dinatnan na tao roon. Umupo ako sa aking table at pagod na isinandal ang likod ko sa upuan.
Muling bumalik sa akin lahat ng nangyari kanina. Nagsimula ang lahat dahil sa maling akala, maling akala na isang ordinaryong lalaki lamang ang binugbog nila. Nagkamali sila at ito ang nagpadali ng buhay nila.
Umangat ang aking tingin nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"How's investigating Ms. Shion? Nalaman mo nga kung sino ang pumatay? May napala ka ba?" Tanong ni Teacher Kath na papunta sa kanyang table. "Wala 'di ba? Wala kang napala. So, bakit pa namin pag-aaksayahan ng panahon ang isang tao kung alam naming wala kami mapapala." Karwiran nito.
Ganon ba talaga ang trato nila sa lahat? Kapag wala lang silbi, wala silang pakialam sa'yo. Ganon ba talaga ang prinsipyo nila?
"Kahit na, at least dapat binigyan nyo pa rin ng pansin ang pangyayaring 'yon, buhay ang pinag-uusapan Teacher Kath," sambit ko.
"Buhay na walang kwenta. Maswerte nga sila eh," anito. "Hindi nila mararanasan ang delubyong darating." dugtong niya.
Meron delubyo? Ito na ba? Ito na ba talaga ang katapusan namin?
"Isang delubyo na walang sinasanto."
Natigilan kami sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at pumasok sina Fritzy at Onel.
"Hay naku! Nakakastress na ah! Pakalat-kalat na ang mga bangkay. Kadiri." maarteng sambit ni Fritzy.
"May namatay na naman?" Tanong ko.
"Nagpakamatay to be specific. Oo, tumalon sa rooftop hanggang ground floor." sagot ni Onel.
"A-Anong pangalan?"
"Ayon sa narinig ko, Julse daw."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro