Chapter 12
Chapter 12: Innocent Evil
Zein's Point of View
Isang buwan na rin pala ang lumipas matapos kaming mapadpad dito. Hindi naging madali ang bawat araw sa amin, hindi kailanman magiging madali ang pananatili sa impyernong ito. Kung tutoosin ay maswerte pa rin kami na humihinga hanggang ngayon.
"Alam mo? Nakakapanibago sila." Sambit ni Vanessa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na binabati kami.
Nagagawa na nilang ngumiti sa amin. Iyon kasi ang utos ng Supremo, kailangan nila kaming pakitaan ng maganda. Kahit na alam kong napipilitan lang sila.
"Hayaan mo na. Masasanay ka rin." Sambit ko.
Dumiretso kami sa library kung saan sasamahan ko si Vanessa sa paghahanap ng libro para sa assignment nya. Si Mia naman ay masakit ang ulo kaya nasa dorm lang tapos ang mga boys? Ewan, gumagala siguro.
Agad na naagaw ng pansin ko ang librarian na matanda na. Nakangisi ito sa akin kaya ibinalin ko sa iba ang aking tingin. Anong meron sa ngisi nya?
Umupo kami sa isang table kung saan hinihintay ko si Vanessa na makabalik dahil hinahanap pa nya ang libro. Sandali kong inikot ang aking paningin, parang ordinaryong library, napakaraming sign ng katahimikan, may mga mangilan-ngilan ding estudyante ang narito.
"Ikaw si Zein?"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil paglingon ko sa kaliwa ay mukha agad ng librarian ang tumambad sa akin. Nakangisi pa rin ito sa akin. Hindi ko gusto ang ngisi nya.
"O-opo." Sagot ko.
"Totoo nga ang balita. Mabilis kang nagkaroon ng posisyon at naitaas sa ika-siyam na pwesto." Sabi nya habang nakatingin sa aking uniform.
Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi pa rin ako makaget over sa panggugulat nya sa akin.
"Parang nauulit ang lahat. Sana nga..." aniya. "Sana sa pagkakatong ito, magtagumpay na." Dugtong niya.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Mahaba ang buhok nitong kulot na puti, kulubot na ang balat nito at nababalutan ang mata nya ng makapal na eye glass. Nakalagay sa nameplate sa kaliwang dibdib nya ang pangalang 'Leonora'.
"A-ano pong sinasabi nyo?" Tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan. Anong sinasabi nyang mauulit muli? Ano ang tinutukoy nya.
"Kaibigan mo 'yon?" Tanong nya sabay turo kay Vanessa na nagkakalkal sa mga libro. "Alam ba nila?" Tanong nya.
"Ano po? Teka, ano po ba ang sinasabi nyo?" Wala talaga akong maintindihan.
"Nag-aaral sila ng mabuti para mapasali sa Highest 10, para makaalis dito. Pero ikaw, kasali ka na. Ano pang ginagawa mo sa impyernong ito?" Tanong nya sabay mahinang tumawa.
Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Natikom ang aking bibig.
"Alam mo na hindi ba? Nagpaniwala ka naman?" Tanong nya. "May mali sa bawat kwento, tandaan mo Zein, walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lang din. Kahit ang mga kaibigan mo, huwag kang magtitiwala. Ikaw din. Baka maulit ang nangyari dati. Mag-iingat ka."
Tumalikod na sya at pumunta muli sa upuan nya sa dulo kung saan naroroon ang kanyang table.
Hindi ko pa rin ma-absorb lahat ng sinabi nya. Hindi tama 'yon, kaibigan ko sila, dapat ko silang pagkatiwalaan. Ginugulo nya lang ako, tama! Ginugulo lang nila ako. Hindi ako makikinig sa kanila, pinagkakatiwalaan ko ang aking mga kaibigan gaya ng pagtitiwala nila sa akin.
"Oh? Anyare sa'yo? Tulala ka?" Tanong ni Vanessa na nakaupo na pala sa aking harapan.
Umiling na lang ako at pinanuod syang magbasa sa libro. Hindi nila ako kayang traydorin, hindi nila ako babaliktarin. Hindi talaga.
"Vanessa? Gaano mo kagustong makalabas dito?" Tanong ko.
Napatingin sya sa akin na nakakunot ang noo. Nakataas rin ang kaliwang kilay nito na parang nawi-weirduhan sa tanong ko.
"Ano bang klaseng tanong 'yan Zein? Syempre gustong-gusto" sagot nya. "Bakit ikaw? Ayaw mo ba?" Tanong nya pabalik.
"Syempre gusto!" Sagot ko sabay mahinang tumawa.
Ang sikip sa dibdib na kahit gusto ko talagang makaalis dito ay hindi na maaari. Hindi nila ako papaalisin. Hindi nila ako hahayaang makalabas ng humihinga. Kahit na anong gawin ko, mabubulok na rin ako dito.
Lumabas na ako ng library at iniwan si Vanessa na hindi pa rin tapos.
Naglakad-lakad ako at as usual at ngumingiti sa akin lahat ng makakasalubong ko. Hindi sinasadyang mapadpad ako sa music room kung saan may naririnig akong may tumutugtog.
Sumilip ako at nakita ang isang lalaking may hawak na gitara at kumakanta. Nakasalamin din ito gaya ng mga nerd.
Ang ganda ng boses nya kaya hindi ko na napigilang pumasok. Natigilan siya sa pagtugtog nang makita ako.
Mabilis siyang tumayo at binitawan ang gitara.
"S-sorry binibini." Aniya sabay yuko sa akin.
"Hindi. Ok lang, ang galing mo namang tumugtog." Puri ko.
Napaangat ang ulo nya at tumingin sa aking mga mata. Napakainosente ng kanyang mga mata at parang walang bahid ng kasamaan.
"S-salamat po." Aniya.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako po si Nazzer Lumia."
Napanganga ako matapos marinig ang pangalan niya. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang labi. Mali ang narinig ko hindi ba? Nazzer Lumia? Mali! Hindi iyon sya! Hindi sya ang leader ng Black Blood Gang. Not this innocent guy.
"A-ano?"
"Nazzer Lumia po." Ulit nya.
Inangat nya ang isang parte ng tela sa polo nya kung saan nakasulat ang number 3.
Sya nga. Siya nga ang leader ng BBG. Pero bakit ganon? Napakainosente nya? Parang hindi mo aakalain na isa rin syang demonyo. Shit!
"May problema ba?"
"Ikaw ang leader ng Black Blood Gang?" Tanong ko.
Mahina itong tumawa. Isang nakakakilabot na tawa. Isang tawa na parang mahirap kalimutan. Innocent evil. Hindi dapat minamaliit ang mga tao base sa itsura nila dahil hindi natin alam kung ano ang nasa loob nila.
"Ako nga binibini."
Nanuyo ang lalamunan ko. Ngayon ko lang din napansin ang tattoo sa kanang braso nya. Isang ahas na nakapako. Ito ba? Ito ba ang simbolo ng BBG? Makamandag ang pako. Kaya pala ganon nalang ang epekto non kay Matt.
"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, hindi lahat ng mabuti sa'yo ay totoo dahil minsan... mas demonyo pa sila sa mga inaakala mong demonyo."
Hindi ko nagawang makakilos sa kinatatayuan ko nang lapitan nya ako. Inayos nito ang eye glass nya at tinitigan ako sa mata.
Those eyes! Ang kaninang inosente na ngayon ay parang ang mata na ni Nicky. Hindi mo kayang titigan ito ng matagal dahil parang hinihigop nito ang buo mong lakas. Masyado itong nakakilabot.
"Number 9 huh? Kahanga-hanga ka. Pero wala ka ring kwenta para sa amin at sa kanila, mamamatay ka rin, maaring ako o iba ang gumawa no'n. Sayang ka, tatanungin kita." Aniya.
Nanatili ang mga mata nya sa akin habang ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumalabas na ngayon sa kanya ang totoong demonyo. Demonyong nakakubli sa loob ng inosenteng lalaking ito.
"Sumali ka sa amin. Gagawin kitang reyna. Ako mismo ang magliligtas sa iyo."
Napanganga ako. "Ayoko." Matigas kong sambit.
Ayokong maging reyna ng demonyo. Mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kesa sa sumanib sa kasamaan. Hindi ako kailanman sasanib sa kahit na sinong demonyo.
"Sayang ka. Mamamatay ka rin. Gusto mo ngayon na?"
Namutla ako nang tutukan nya ako ng pako sa leeg. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang sikip at pakiramdam ko na kahit isang galaw lang ay ikamamatay ko na.
"Demonyo ka rin, mas demonyo ka pa sa amin." Bulong niya.
Ramdam ko na ang tip ng pako sa leeg ko. Ang lamig nito. Nakakakilabot. Nanginginig na rin ako.
"Patayin mo na ako..." sambit ko.
Humalakhak sya at inalis ang pako sa leeg ko. Tinawanan nya ako na parang ang sinabi ko ay ang nakakatawang biro na narinig nya.
"Tama nga sila. You are not afraid of death at parang si kamatayan pa ang takot sa iyo. Pero, hindi ka muna mamamatay. Hindi muna sa ngayon na may silbi ka pa."
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang tatlong lalaki.
"Ayon sya!"
Nanlamig ako nang sugurin nila si Nazzer at paulanan ng suntok. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko.
Bakit hindi sya lumalaban? He is a monster too but why the hell is he not fighting back?!
"Itigil nyo 'yan!" Sigaw ko.
Natigilan sila at humarap sa akin. Halatang nagulat sila nang makita ako. Hindi ata nila ako nakilala kanina.
"S-sorry binibini."
Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako kay Nazzer na nakangisi. Putok ang labi nya.
"Bakit hindi ka lumalaban?" Tanong ko.
"Binibini! Layuan mo ang lalaking nerd na iyan! Basura sya!" Sigaw ng isang lalaki sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto. Hindi kaya.... Hindi nila alam na ang lalaking ito ay kasama sa H10 dahil tinatago nya ang numero sa polo nya.
Shit!
"Tama binibini. Hindi nila ako kilala, hindi nila kilala na ako ay isang demonyo."
Napaatras ako nang sugurin na naman sya ng mga lalaki. Hindi ko alam pero lumabas ako ng music room.
Kaya pala. Kaya pala nila sya ginaganyan dahil hindi nila alam kung sino sya. Na sya ang leader ng BBG! Na isang demonyo! Hindi nila sya kilala!
Hindi ko alam kung kanino ako maaawa. Kay Nazzer o sa tatlong lalaking iyon.
"Tapos na ba syang bugbugin?"
Napadako sa lalaking pula ang buhok ang aking tingin. Naaalala ko sya. Sya ang sinabi sa akin ni Mia na nakita nya ng mangyari ang pagpatay kay Rouge Silvenia.
May tattoo ito ng maliit na pako sa gilid ng kanyang braso na parang nakabalot sa isang koronang tinik.
"Isa ka rin sa kanila?" Tanong ko.
Sumilip sya ng bahagya sa pinto at napailing.
"Nakakainip naman. Hindi pa rin sya tapos bugbugin." Aniya sabay inat na animo'y inaantok na.
"Tulungan mo na sya." Sabi ko.
Sandali nya lang akong tinitigan sabay tumawa ng bahagya. Inayos nya ang buhok nyang pula bago umiling.
"Hindi pwede. Pero tandaan mo ang mukha ng tatlong lalaking 'yan.... sila na ang susunod sa yapak ng iba pang namatay."
Kinilabutan ako. Sigurado akong totoo ang sinabi nya. Pagbabayaran ng tatlong lalaking iyon ang kapangahasan nila.
Ang nerd na binubugbog nila ang pinuno ng isa sa kinakatakutang gang dito. Black Blood Gang, Nazzer Lumia. Ang pumapangatlo sa pinakamataas sa loob ng impyernong ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro