Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9th Charm (edited)


🐰9th Charm🐰

"VEN- VEN!" Malakas kong tawag sa pinsan kong si Heaven sa kabilang linya. Nakakainis dahil nakarami pa ng ring bago niya sinagot. I feel so lost. I feel so down. I feel like the world turned its back to me. I feel so stupid!

"Hey, little demon!" Tila nagmamadaling sagot niya and I don't have a chance to react on the nickname anymore when he immediately continued, "Something really bad came up and I need to fix this. Just go straight at our house after class and I'll buy you your favorite smoothie and muffins. Call?" Tila suhol pa niya sa akin.

Imbes na mapaiyak ay napasimangot na lang ako, "Fine! Sa Café Uno, huh?" I demanded. Even without seeing it, I know that he just rolled his chinky eyes on me.

"Masusunod, kamahalan. 'Wag kang pakalat- kalat d'yan sa campus! Lagot ka sa akin kapag gumawa ka na naman ng kalokohan! Will see you tonight!" And the call ended. I rolled my eyes. If I know ay 'yong ballerina na naman na iyon ang inaasikaso ni Heaven. Narinig ko kay Healia kahapon na may performance daw ngayon si Shey, 'yong nililigawan niya, sa UP together with the other ballerinas from different prime schools. Humanda sa akin mamaya 'yang taksil kong pinsan na 'yan na pinili pang manood ng pangit kaysa damayan ang napakagandang pinsan niya!

Nakasimangot na napatingin ako sa cellphone ko. Picture pa rin namin ni Giro ang wallpaper ko at wala akong balak palitan iyon. Call me pathetic but Giro is mine. Pero ngayong pinagsakluban ako ng langit at lupa ay ni hindi ko siya maisip. I need a friend! I need someone to cheer me up! I miss Peewee and Ricci so much!

Pero nagliwanag ang buong mukha ko nang makita si Vitto na naglalakad patungo sa library. At dahil katabi lang ng building namin ang library at nagkataong nasa labas ako ngayon ay mabilis ko siyang nahabol.

"Vitto!" Tawag ko sa kanya pero sa halip na huminto ay binilisan pa nito lalo ang paglalakad. Nakakainis! Umaandar na naman ang pagiging manhid! "Hey, Vitto!" Tawag ko pa ulit at nang makalapit ay agad na kumapit sa braso niya.

"What the hell are you doing?" Inis na anas niya habang pilit na inaalis ang mga kamay kong nakayakap sa braso niya.

"I need a friend right now." Tinodo ko na ang paawa face ko.

"I'm not your friend." Aniya at napatuwid ako ng tayo.

"Until now ba naman nasa denial stage ka pa rin?" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nang marahas na napabuga ng hininga at naglakad ay muli akong yumakap sa braso niya.

"They're looking at us, woman." He hissed.

"Who cares?" Nakasimangot kong tanong, "Kinahihiya mo ako?" Nagdadamdam ko pang tanong.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Inis siyang tumingin sa akin, "Ano bang gusto mo? Carrot cake?" Exasperated na tanong niya.

"Later na lang. 'Pag tapos na ako mag- cry." I pouted.

"It's been weeks, woman." He sighed, incredulous. "You're still not tired of crying?"

Sumimangot ako saka saglit na bumitaw sa kanya upang kunin sa Chanel bag ko ang output ko sa Business Communication with Technical Writing na puno ng red marks. Inabot ko iyon sa kanya at nagaalangan niya naman iyong tinanggap. Nang tingnan niya ito ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkakakunot ng noo. Ipinagpalit niya pa ang tingin sa akin at sa papel na tila ba'y 'di makapaniwala.

"How can you get an F so easily?" He asked and that was my cue to cry.

"I was so embarrassed, Vitto! My professor flashed my paper on the screen and compared it to a well written output! I wanna die in shame!"

Malakas siyang pumalatak saka ako hinila patungo sa bakanteng gazebo sa side ng library building. Nang makarating kami ay naupo ako saka ipinagpatuloy ang pag- iyak.

"Are you even sure that you really enrolled to a technical writing class? It's like you've only written what's in your imagination and even told stories about Little Mermaid and Peter Pan!" 'Di makapaniwalang bulalas niya na lalong nagpalakas ng iyak ko.

"K- Kasi nga the—they're my favorite D- Disney characters. T- They're my inspiration!" Pagda-dahilan ko sa pagitan ng paghikbi.

Tila aburidong napahilamos siya ng mukha. Muli niyang tiningnan ang papel ko kapagkuwa'y in- adjust pa ang makapal na eyeglasses na tila hindi makapaniwala sa mga nababasa.

"So, the task is to make a comprehensive investigation about the effectiveness of using Disney Characters to business advertisements for children's products?" Tila naninigurong tanong niya.

Nakasimangot akong tumango- tango.

Napakamot siya sa sentido, "You suggested that the Little Mermaid's wedding dress should be blue since it would make a great advertisement for Bear Brand?" Pag-uulit niya pa sa nabasa. Tumango ako ulit.

He cleared his throat and nonchalantly adjusted his eyeglasses. "It might be a good idea for you to take another year in college." Seryosong aniya saka tumalikod sa akin pero mabilis akong tumayo saka kumapit ulit sa braso niya.

"Pretty naman 'yong sinulat ko 'di ba?" Naghahanap ng kakamping sabi ko habang nakatingala sa kanya.

"Kaya nga sabi ko kumain ka ng gulay 'di ba?" Malamig na tugon niya. Humaba ang nguso ko.

"Is it my fault that I don't understand anything my professor was saying?" Pagdadabog ko na.

"Tsk! Get off. You're really a huge nuisance." Yamot na aniya habang hinihila ang braso pero yumakap pa ako ng mabuti doon. Aburidong napapalatak siya. I showed him my puppy dog eyes and my adorable pout.

"Help me, please. Tutor me in technical writing." Pagmamakaawa ko habang halos nangangalumbitin na sa braso niya.

He sucked in a breath. "Asa ka." Masungit na aniya saka naglakad pero nagpabigat ako kaya ang ending hila- hila niya ako habang humahakbang. Inirapan ko 'yong mga usyoserang nakatingin sa amin. Mga walang magawa sa buhay!

"Vitto, please. Pretty please." Hinila- hila ko pa ang braso niya at lalong nagpabigat para hindi na siya makahakbang. Panay lang ang palatak niya habang naglalakad. Nagulat ako ng bigla niyang hilain ang kamay sa akin at nahagip ko ang manggas ng polo niya kaya doon ako nakakapit. Hindi no'n kinaya ang pwersa ko kaya naman napunit iyon ng hilain ni Vitto ang kamay.

Pareho kaming natigilan. Mabilis akong napaayos ng tayo at agad na itinago ang hawak na piraso ng tela mula sa manggas ng polo niya sa aking likuran. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa punit na manggas ng checkered na polo niya na extra-large yata ang size.

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa akin at kinakabahan ko siyang nginitian. Kinagat niya ang ibabang labi na tila ba'y nagpipigil ng galit.

"S- Sorry na." I smiled meekly at him and he irritably heaved out a sigh.

"Tss!" Aburidong palatak niya saka walang salitang inalis ang pagkakasukbit ng strap ng bag sa balikat at inabot iyon sa akin. Gulat na nayakap ko iyon at halos mitumba ako sa bigat! Anong laman nito? Mga bato?! Pero in fairness, mabango din gaya niya.

My eyes widened in utter shock when he started unbuttoning his large long sleeves with a grim expression. He appeared to be stopping himself from bursting by keeping his lips pulled together in a rigid, thin line. I embarrassedly pursed my lips.

"Papalitan ko na lang ng bago 'yang button down mo. Promise, mas maganda ang ipapalit ko. Mas fashionable—" Nabitin na sa ere ang sasabihin ko nang tuluyang maalis niya ang pagkakabutones ng polo saka walang salitang hinubad iyon. Napaawang ang aking mga labi nang matira sa kanya ang isang manipis na puting t- shirt na sakto ang sukat sa kanya. Napalunok ako nang humangin at humakab sa kanya ang tshirt at bumakat ang tila maliliit na umbok sa kalamnan niya.

ANO 'YON?! ABS?!!!

Ngayon ko lang siya nakitang naka t-shirt at parang labanos sa kaputian ang mga braso niya. Bumagay sa kutis niya ang suot na silver necklace na may pendant na silver na singsing na malamang ay lagi ding nakatago sa loob ng mga baduy niyang polo. Pero bakit gano'n? Mas maputi pa yata siya sa akin! Cannot be!

Masama ang tinging kinuha niya sa akin ang bag at isinukbit muli ang mga strap sa balikat. Nanigas ako ng inis na ihagis niya sa aking mga kamay ang polo niya saka naglakad paalis.

Tila nawawala sa sariling iniangat ko ang mga kamay upang amuyin ang polo niya. Ang bango talaga. Amoy malinis. Wala sa sariling gumuhit sa mga labi ko ang isang ngiti habang pinanonood ang likuran niyang papalayo.

Sa ayaw niya man o hindi ay tuturuan niya ako ng technical writing kahit feeling ko ay mate- technical knock out na naman niya ako sa pagsusungit niya. Pero maski na!

Blake Vitto Alonzo! Hindi nagiging boring ang araw- araw ko dahil sa'yo!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Mula sa pagbabasa sa ni- revise kong comprehensive investigation ko ay hopeless na napabuntong- hininga si Vitto saka nilamukos ang papel ko na ikinalaglag ng aking panga.

"You're writing nothing but pieces of crap. Ayoko na." Sumusukong aniya at akma ng tatayo ngunit mabilis akong dumukwang upang pigilan siya sa kamay.

"Vitto, don't leave me here!" Napalakas na sabi ko at agad akong pinatahimik ng mga estudyanteng nasa tabi lang namin. I immediately pursed my lips as he glared at me. Nakalimutan kong nandito pala kami sa library.

Honestly ay hindi ako library- person kung may term bang ganoon. I don't like quiet places because it makes me feel alone. Kaya kapag nanonood ako ay malakas ang volume ng TV at ganoon din kapag nakikinig ako sa music. At syempre, inaamin ko naman na I'm a loud person.

"Bumalik ka na lang ng isang taon sa college. Nakakasira ka ng katinuan turuan!" Pabulong na asik niya sa akin saka kinuha ang bag sa katabing upuan. Nagmamadaling umikot ako para lumipat sa tabi niya. Kumapit ako sa braso niya at halos mangalumbitin na naman doon.

"I write better na this time, Vitto. Don't get mad na. Please, please, please?" Tinodo bigay ko na ang pagpapa- cute pero gaya ng dati'y pinukol lang niya ako ng masamang tingin. Naiiritang hinila niya ang kamay mula sa akin at padabog na naupo.

"Sit down. I'll explain it to you for the last time." He said gravely but still, I can't help but smile. Mabilis kong kinuha ang mga printed references ko at ang pink pad ko saka ngiting- ngiting naupo sa tabi niya.

"Your ballpen." Inilahad niya sa akin ang kamay, naghihintay sa ballpen. Inabot ko naman sa kanya ang ballpen kong may pink feathers sa dulo. Hindi tumitinging tinanggap niya iyon pero agad ding natigilan.

"What the heck is this?" Bulong niya. Napahagikgik ako.

"So cute 'di ba? That is a limited edition ballpen. Pinilit ko pa si Ven- ven na bilhin 'yan para sa akin." Masayang pagkwekwento ko.

"Ven- ven?" Tila walang pakialam niyang tanong habang nagsisimula ng magsulat sa pink pad ko.

"Heaven Jeon, my cousin. Famous siya dito sa campus for being the Baseball Czar." Proud ko pang pagkwekwento pero mukhang hindi naman siya interesado.

"You always have your way with anyone, eh?" Sarkastiko niyang tanong. I propped my elbow on the table and rested my chin on my palm. I smiled teasingly at him though he couldn't see it because his attention is on the paper he's writing on.

"Pati ba sa'yo?" Nanunukso kong tanong. Awtomatiko naman siyang tumigil sa pagsusulat at seryosong tumingin sa akin. Then he brushed off the feathers of my ballpen on my pretty face much to my surprise and I almost sneezed!

"Salbahe!" Naiinis kong bulalas sa kanya habang sapo ang mga labi.

"Sshh! Quiet!" Halos sabay- sabay na saway sa akin ng mga katabi namin at lalo akong napasimangot. Pero nang makita kong tumaas ang sulok ng mga labi niya ay natigilan ako. Was he smiling? Oo nga! He's smiling! Bigla na lang akong parang nag- panic pero hindi naman ako makagalaw. My chest was heaving fast as if I just finished running few lapses. Pero bakit gano'n. Feeling ko ay nakakagaan ng pakiramdam ang ngiti niya.

Agad din akong natauhan nang seryoso siyang tumingin sa akin. Wait, namamalikmata lang ba ako kanina?

"Here." Aniya saka inisod sa akin ang papel. Wala sa sariling napatingin ako doon. And I was awed seeing his handwriting. Gosh! It was so messy! Parang kinahig ng manok! Seriously, gusto ba niyang maging doctor?

"Ang pangit ng sulat mo." Nakangiwi kong komento.

"Mabuti na 'yan kaysa naman walang laman ang utak." He said straightly and I threw daggers at him.

"Tsk! Do you really want to learn or not?" Masungit na tanong niya sa akin.

"You're so stingy." Ismid ko.

"Because you keep on bothering me!" Pabulong niyang asik sa akin.

Napasimangot ako, "I will prepare something delicious for you in return."

"Don't. I still want to live." Maasim niyang sagot saka binalingan na ang makapal na libro ng biochem na siya palang laman ng bag niya kaya napakabigat.

"Tch!" Naiinis na palatak ko saka binalingan ang papel ko. He had written several questions there and I don't know what to do. I looked at him and poked his arms with the feathers of my ballpen.

"What?" He hissed quietly. I smiled meekly at him.

"What am I gonna do with these questions?" Tanong ko.

Naaaburido siya napabuga ng hangin. Hmm, in fairness, amoy mint.

"Where is your common sense, woman? Ano bang ginagawa sa mga tanong?" Exasperated niyang tanong.

"Sinasagot." Nakanguso kong tugon.

"'Di sagutan mo." He groaned. Inuubos ko yata talaga ang pasensya niya.

I nervously smiled at him again, "Then?"

"God!" He closed his eyes in frustration, "You seriously need to eat tons of vegetables to make your brain work." Tila hopeless nang aniya saka bumaling sa papel ko. Nakaawang ang mga labing nakatingin lang ako sa kanya. I realized, kung tititigan ng matagal ay hindi naman siya pangit. Nerd at baduy lang talaga siya. Pero ngayong naka 'normal' t- shirt siya minus the hair and the thick eyeglasses, masasabing may itsura din ang masungit na ito.

"Look at the paper not my face." He said sternly and I bit my lip in embarrassment. Gosh! Baka isipin niyang crush ko siya? Oo, crush ko ang voice niya pero hindi siya! Tumingin ako sa papel.

I've already read your related literatures and studies so I came up with few questions that would guide you in making your manuscript." Paliwanag niya.

"Manuscript?" Nahihiwagaang tanong ko, "This is technical writing, Vitto. Why are you teaching me to make a script?" I blinked.

Tila tinakasan ng lakas siyang napabuga ng hangin saka inalis ang salamin upang pisilin ang bridge ng ilong na para bang nagkaka- migraine na siya. Napanganga ako ulit. Luh, ang perfect naman ng korte ng kilay niya? Hinawi niya ang buhok paitaas gamit ang mga daliri saka mabilis na isinuot ang salamin.

Hmpf! Lugi naman, 'di ko pa nakikita ng mabuti 'yong mata e.

Huminga siya ng malalim na para bang nagiipon ng pasensya. "Manuscript is just another word for a document or a text. Paano ka nakarating ng college ng hindi mo 'yon alam?" Exasperated niyang tanong.

"Excuse me! I'm not stupid noh? I read novels a lot. I already read Twilight Series and After Series by Anna Todd—"

"Stop! Don't tell me about it." Putol niya sa sasabihin ko pa. Hindi na maipinta ang mukha at mukhang sumasakit na ang ulo. Na- guilty naman ako.

"Treat kitang smoothie later." I tried to bribe.

"'Wag na. Mas gusto ko kung hindi ka na magpapakita sa akin mamaya." Inis na sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nasaktan sa sinabi niya. Sanay naman akong itinataboy niya kaya nakakapagtaka talagang para akong sinipa sa puso nang marinig iyon. Bigla- bigla na lang ay tahimik akong napahikbi.

Seryoso ang ekspresyong tumingin siya sa akin kapagkuwa'y sa isang mesang katapat namin. Tahimik pa rin akong humihikbi nang sundan iyon at bigla akong na- freeze ng makita sina Giro at mahaderang Rosenda doon. Giro's forehead was furrowed while looking at me. Baka iniisip na umiiyak ako dahil sa kanya. At kakatwa talaga kasi hindi man lang ako makaramdam ng pagaalburuto ngayong nakita ko silang magkasama. Bagkus ay nagtatampo ako sa masungit na katabi ko na araw- araw na lang akong itinataboy at pinalalayas.

"So, you insisted going here because of them?" Tanong niya. Napalingon ako sa kanya pero hindi ako sumagot. Inirapan ko lang siya at tahimik na sinagutan na lamang ang mga tanong na sinulat niya sa pink pad ko.

Bigla akong tinamad magsalita. Bakit pa kung susupalpalin din naman niya ako? Nakakainis. Nakita pa tuloy ni Giro na umiiyak na naman ako. For sure ay iniisip no'ng umiiyak ako dahil sa kanya. Huling pag- iyak ko dahil sa kanya ay two weeks ago doon sa may park nitong school. Matagal- tagal na rin pala. Pero tapos na nga akong paiyakin ni Giro ay sumunod naman ang hudas na nerd na katabi ko.

Sisinghot- singhot na nagpanggap akong nagsusulat kahit wala naman talaga akong maisagot sa mga tanong niya.

"The first question is important so you can provide your thesis statement." Vitto said. Hindi malamig ang tinig niya pero lalo namang hindi rin malambing. Baka biglang mag- end of the world kung sakaling lumambing ang damuho.

"So difficult. Tapos you're so masungit pa." I sulked.

"I'll treat you whatever sweets you like if you finish that." Aniya kaya surprised na napaangat ako ng tingin sa kanya. He nonchalantly opened his Biochem book and started reading.

"Ven- ven will buy me a carrot cake later. Kaya don't force me to eat gulay for lunch na lang tomorrow." Nabigyang pag- asang sabi ko. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin. Ibig sabihin rejected!

Nakasimangot na tinuon ko na lang ang atensyon sa sinasagutan. Ilang sandali pa'y wala sa sariling napatingin ako sa direksyon nina Rosenda at Giro. Balita ko ay matalino daw itong Rosenda kaya duda ako kung kailangan pa nitong magpaturo kay Giro. Mukha namang masaya silang dalawa habang nag- aaral. I tried to assess myself. May panghihinayang,oo. Pero pagseselos? Teka, nagseselos pa ba ako?

"Start writing, woman." Untag sa akin ni Vitto at nang lingunin ko siya'y seryoso siya sa pagbabasa ng libro. Napangiti ako habang nakatingin sa walang ekspresyon niyang mukha. Magpapalibre na lang ako ng ice cream sa kanya mamaya.

Napadako ang tingin ko sa singsing na pendant ng kwintas niya. It doesn't look like it's an ordinary ring because I can see tiny diamonds engraved on it. I wonder who gave it to him. Perhaps, an ex... a girlfriend?! My chest throbbed achily like it was protesting from my thought. I looked at Giro and Rosenda peacefully studying a table across ours. No ache. Not like when we just broke up at least. Then I glanced back at Vitto, down the ring hanging from his necklace.

Throb.

Am I jealous?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro