Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6th Charm (edited)

I immediately hid behind Stephen Curry's standee for Vivo smartphone before Giro could even look at my direction. I anxiously fixed my cap and the dark sunglasses that covered half of my face. I'm even wearing a face mask to complete my disguise. There's no way on the face of Earth that I'd let someone know that I'm stalking my ex- boyfriend and his ugly girlfriend!

Nang maramdamang hindi na nakatingin sa direksyon ko si Giro ay dahan- dahan akong lumabas sa pinagtataguan at muli silang sinundan. They stopped in front a famous and expensive boutique and it seemed like they were planning to buy a dress. Nagkataong may bench na halos katapat lang ng boutique kaya't nagmamadali akong lumapit doon at naupo. I pretended to be busily inspecting something on the plant beside me.

Naiinis na nakagat ko ang lower lip ko nang makita kung paano kumapit si homewrecker girl sa Giro ko. Itinuturo- turo pa nito 'yong isang white dress na nakasuot sa may mannequin sa display wall. As if namang bagay niya isuot 'yon! It's more suitable for a goddess like me!

Gulat na napabuga ako ng hangin sabay ng pagtayo ng makita ko ang pagtango ni Giro na para bang gusto pa niyang bilhin 'yong dress para kay ugly girl. I have to do something. Marami- rami na ding bitbit na shopping bags from different famous and expensive stores si Giro at sigurado akong pinabili lahat ng oportunistand babaeng 'yan lahat iyon! Ginayuma na nga nito si Giro ay huhuthutan pa niya? No, I definitely can't just stand here and watch her dig Giro's wallet!

Bago pa sila makapasok sa boutique ay mabilis akong lumapit sa kanila at sinadyang dumaan sa gitna nila para humiwalay ito ng kapit kay Giro ko. Ganoon ba ako kalakas para tumilapon si Rosenda sa wall ng boutique? Nagaalalang nilapitan ni Giro si Rosenda na patagilid na nakasandal sa salamin na wall ng boutique. Sa sobrang taranta pa yata Giro ay binitawan niya ang mga dalang shopping bags at nang bumagsak iyon sa sahig ay kumalat ang laman niyon. Mga long sleeves na panlalaki at iba pang male items ang laman ng shopping bags. Gosh! Nasaan ang mga pinabiling damit ni homewrecker?! Don't tell me wala siyang pinabili kay Giro? Impossible!

"Rose, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Giro sa babae na nakahawak sa kanang pisngi nito. Pero bigla din akong nataranta ng makita ang pagpikit nito na tila ba ay nanghihina talaga. Marami ng tao ang nanonood sa kanila at umuusyoso. 'Yong iba ay nakatingin ng masama sa akin habang nagbubulungan. My hands began to shake. Anong gagawin ko? Kailangan kong makatakas!

Mabilis akong tumalikod at hahakbang na sana paalis ng marinig ko ang galit na tinig ni Giro. Maya- maya pa'y naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at medyo marahas akong iniharap sa kanya. I almost recoiled when I was greeted by his dark gaze. Nakatagis ang mga bagang nito na tila ba'y nagpipigil ng galit ngunit halata din ang labis na disaapointment sa mga mata.

"Really now, Oreo? Pati ba naman dito?" He confronted in gritted teeth and my body froze. Perfect na ang disguise ko, paano niya nalamang ako 'to?! Nang hindi ako magsalita ay hinablot niya paalis ang face mask ko na ikinasinghap ko. Isinunod niyang alisin and baseball cap sa ulo ko kaya't napaatras ako ngunit kaagad niyang hinuli ang wrist ko. His chest was heaving fast. Halatang nagpupuyos siya sa galit base na rin sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin. Nang ibaba ko ang tingin sa kamay niya ay nakita kong hindi na ang couple's ring naming ang suot niya. He was wearing another ring now. My throat parched and I felt the burning of the sides of my eyes but I won't cry. Mamamatay muna ako bago ako umiyak sa harapan nilang lahat!

"You keep on making me disappointed, Oreo!" He hissed and I flinched with the sharpness of his voice, Mula sa likuran niya ay nakita ko si Rosenda na inaalalayan ng isang babae. Mukhang nanghihina pa rin ito. "Hanggang saan ba ang kaya mong gawin, huh? You really thought that I'm stupid enough not to notice you following us? Are you really this desperate now? The Oreo I knew would never do this pathetic act!"

Marahas kong binawi sa kanya ang kamay at pinigilang gumewang kahit pa nanginginig na ang mga tuhod ko. And I really thank that he didn't take off my sunglasses. My eyes really sting to the point of tears.

"Pinalampas ko ang pagsunod- sunod mo sa amin, Oreo. Pero please naman, iwasan mo namang maging bayolente." Sabi pa ni Giro na tila ba ay labis na ang pagka-aburido sa akin. Doon na lumapit si Rosenda sa kanya para hawakan siya sa braso, like she was trying to calm him. And when Giro looked at her, his expressions softened and it brought a sharp stab of pain in my chest.

"O- Okay na ako, Giro. U- Umalis na lang tayo dito, please." Pakiusap ni Rosenda sa nanghihinang tinig. That's when I wanted to roll my eyes. Hindi naman ako si Wonder Woman para tumilapon siya ng ganoon kalakas sa simpleng tulak ko. Should I award a grammy award for this ugly girl's perfect act? Kung mauuto niya si Giro, pwes ibahin niya ako!

Inalis ko ang sunglasses ko para makita niya ng mabuti kung paano ko siya taasan ng kilay. Wala na akong pakialam pa maski mukha na kaming celebrity na pinagtitinginan doon. Well, at least maganda ako. E yang Rosenda na 'yan?

"Excuse me, are you telling me na ako pa ang pathetic ngayon? E sino ba 'yang lampang humampas pa sa pader sa sobrang kalampahan?" I said, trying to sound uncaring. Ngunit agad ding nagbagong muli ang ekspresyon ni Giro at muli'y marahas na inabot ang kamay ko.

"Will you stop with your shitty brattiness, Oreonina!" He yelled at me and I gasped in surprised so as the nosy bystanders. "Konting- konti na lang at makakalimutan ko ng naging magkaibigan tayo!" Galit na singhal pa niya sa akin at pinigilan ko ang mapangiwi sa sumasakit na pagkapit niya sa palapulsuan ko.

"Giro, tama na please." Umiiyak na pigil ni Rosenda sa braso ni Giro na nakahawak sa akin at nais ko ng manghina ng tuluyan ng makita sa palasingsingan nito ang kapareha ng suot na singsing ni Giro.

"Sir, anong problema rito?" Tanong ng dumating na gwardya at bahagya namang nahawi ang mga pakialamerang nanonood. Napasinghap ako sa gulat nang marakas na bitawan ni Giro ang kamay ko na halos itulak ako palayo. Huminga ako ng malalim at pinigilang mapakurap upang mapigilan ang kanina ko pa pinipigilan na mga luha.

"Pakisabi lang po sa babaeng kaharap ko na tigilan na kami ng matigil na ang problema." Giro said sternly while looking at me with his cold sharp eyes. I bit my lower lip to suppress my sob. Tila nalilitong nagpapalit- palit ng tingin ang gwardya sa amin.

"Grabe si ate girl, desperada."

"Kaya iniwan 'yan dahil maldita. Maganda nga masama naman ang ugali."

"She deserved that."

"Buti na lang maganda. Kapag nagkataon lahat na lang pangit sa kanya."

"Bitch!"

"Ma'am, sumama na lang po kay sa akin para wala ng problema." Baling sa akin ng gwardya at akma ng hahawakan ang braso ko nang lumapit ang isang matangkad na bulto sa tabi ko upang maharangan ako mula sa gwardya.

"She's with me." Anang pamilyar na tinig na pwedeng mag- dub sa bidang lalaki ng mga Kdrama. Nanlalaki ang mga matang iniangat ko ang tingin sa lalaki.

"V- Vitto?" I managed to mumble in my shaky hoarse voice. Jeez! Bakit ngayon pa bumigay ang boses ko? Kanina ay kayang- kaya kong magpanggap na malakas pero bakit parang nanghihina na ng tuluyan ang mga tuhod ko ng dumating ang nerd na lalaking ito na nakasuot din ng hoodie gaya ko at pareho pang itim ang mga iyon! Napasinghap ako at muling dumaloy ang malakuryenteng pakiramdam sa balat ko ng hawakan niya ang kamay ko at bahagyang iniangat iyon na tila ba'y ipinapakita talaga sa gwardya.

"May allergies siya," Aniya pa at nagulat talaga ako ng makita ang pamumula ng kamay ko na parang may mga rashes na doon, "She needs immediate medical attention." He said in straight face, his voice free from any emotion.

"Gan'on ba, sir?" Tanong ng guard na napakamot pa sa ulo, "kung ganoon ay kayo na lang po ang bahala sa girlfriend niyo, sir."

"Hindi ko siya girlfriend."

"Hindi ko siya boyfriend!"

Sabay pa naming sabi at sabay ding nagkatinginan. Pinilit kong bawiin sa kanya ang kamay ko ngunit humigit ang kapit niya doon pero hindi sa puntong nasasaktan na ako. Napakalayo ng paraan ng pagkakahawak niya sa akin sa paraan ni Giro kanina.

Dahan- dahang nilingon ko si Giro. Malamig ang mga matang nakatingin siya sa amin. Mukhang hindi apektado.

"Deny ka pa more, obvious naman sa suot niyong couple's hoodie!" Komento ng isang usyosera kaya sinamaan ko ng tingin. Aba at inirapan din ako!

Muli'y nagulat ako ng lumapit si Vitto kina Giro ng hindi niya binibitawan ang kamay ko. Iniabot niya dito ang isang paper bag na may tatak na Watsons. Nakakunot ang noong napatingin si Giro sa iniabot niya samantalang si Rosenda ay parang tuko kung makakapit sa braso nito.

"I happened to buy a pain reliever and ice pack. That would help your girlfriend." Walang emosyong anito.

"Thanks, but no—"

"I insist." He cut Giro off and geez, he was taller than Giro with few inches. Ilang sandaling nagtitigan lamang ang dalawa ngunit hindi nito natalo si Vitto dahil sa huli'y tinanggap din nito ang iniaabot niya. Walang sabi- sabing hinila niya ako palayo doon at ako naman ay parang puppet na nagpapatianod na lang sa kanya.

"V- Vitto, s- sandali lang..." I whispered shakily. Huminto naman siya at walang emosyong nilingon ako. "M- My hand..."

Mabilis niya namang binitawan iyon at nagsimula akong mapahikbi ng makita ang rashes sa kamay ko. I started sobbing.

"Vitto, my hand!" Narinig ko ang malakas na pagpalatak niya, aburido na naman sa akin. Lahat na lang naaaburido dahil sa akin. Lalo pa akong napaiyak. Halo- halo na ang nararamdaman ko dumagdag pa ang pangit na rashes sa kamay ko. My breath then started hitching.

"Shhh... 'wag kang umiyak." Pagpapatigil niya sa akin at marahas ko siyang tiningnan para irapan.

"Bakit? Nahihiya ka rin bang napapahiya ka dahil sa akin?!"

"Mas lalo kang hindi makakahinga kapag umiyak ka." Aniya. I tried to stop sobbing but my hiccups were still there.

"P- pero... 'yong rashes k-ko—" I hiccupped as I looked at him like a sick puppy, showing my reddened hand to him, "a-am I g- going to die?"

"Tss!" Palatak niya at wala ano- ano akong kinabig palapit dahilan kaya sumubsob ang mukha ko sa didib niya. Jeez, bakit ba ang bango ng nerd na 'to?

"W- What are you doing?" Nagugulumihan at natataranta kong tanong sa kanya. Nang tinangka kong lumayo ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at ang isang kamay niya naman ay nakaalalay sa likod ng ulo ko.

"You want them to see how ugly you are when you're crying?" He challenged and I shook my head as I kept on hiccupping. Nang ma-realize ang sinabi niya ay marahas kong iniangat ang mukha sa kanya.

"Excuse me! Pretty pa rin ako when I'm cying!" Protesta ko at muli siyang pumalatak.

"Fine!" Mukhang ayaw ng makipagargumentong aniya, "let's do something about your allergies."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

"Here."

Napatingin ako sa inilapag na gamot ni Vitto sa harapan ko. Mga maliliit at puting tablets iyon. We're on a café and I'm currently having my Carrot smoothie and carrot cake. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ni Vitto na favorite ko ang carrots kasi siya naman ang um- order kanina. Kaya nagulat talaga ako ng i- served sa amin ang orders niya. Hindi na rin naman ako nakapagtanong dahil nagpaalam siya sandali kaya akala ko ay pupunta lang sa CR o kaya naman ay baka iniwanan na talaga ako doon. Pero heto at bumalik nga siya at may dala pang gamot.

But why is my heart fluttering? E mukha ngang napilitan lang siyang ilibre ako dito sa café at ng gamot dahil todo- simangot siya na para bang nalugi ng ilang milyon. Pero 'yong puso ko, kanina pa tumitibok ng malakas at mabilis. A, maybe, it was because of the incident with Giro a while ago. Baka nga.

Muling inabot ni Vitto ang gamot sa harapan ko at kumuha ng isa doon. May rashes din siya?

"Take it." He impassively said, like a superior commanding his subordinate. Dapat magsama si Heaven at ang lalaking 'to dahil pareho silang walang karomance- romance sa katawan. But geez! Why am I even thinking of romance with this man?!

Inirapan ko siya at padabog na kinuha sa kanya ang gamot, "Is this safe?" Hindi naman sa nagdududa ako pero gusto ko lang magtanong para sumagot siya. Crush ko kasi 'yong boses niya. 'Yong boses lang!

"Kung gusto mong kumalat 'yang rashes mo hanggang sa mukha mo, 'wag mong inumin 'yan." Malamig na aniya at sumimsim sa avocado shake niya sabay tingin sa labas. Humaba ang nguso ko sa inis ngunit ininom pa rin naman ang gamot na bigay niya.

Dahil nasa labas ang atensyon niya ay malaya kong natitigan ang buong mukha niya na ngayo'y medyo maaliwalas na dahil bahagya ng nakasuklay pataas ang mahahabang fringes ng buhok niyang madalas ay nakatabing sa mukha niya. He was still wearing his nerdy glasses, though. At pareho talaga kami ng hoodie na suot. Geez! Pero bakit gan'on? Ang kinis talaga ng mukha niya tapos 'yong lips niya parang pambabae! Pero baduy pa rin talaga siya e.

"Anong gamit mong sabon?" Bigla na lang ay tanong ko. Nakakunot ang noong tumingin siya sa akin. Napalunok ako, biglang nakaramdam ng pagkailang dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Mas maganda yata kung natatakpan ng buhok niya ang mga mata niya. "Uhm," alanganin kong itinuro ang pisngi ko gamit ang hintuturo, "k- kasi 'yong skin mo, a- ano—"

"I know you're going to tell me how bad my skin is." Putol niya sa sasabihin ko na ikinatigalgal ko.

"Bakit, manghuhula ka na rin ngayon?" Nakasimangot kong tanong.

"Kumain ka na lang." He dismissed my question.

Umismid ako sa kanya, "Paano mo nalamang favorite ko ang carrots?" Nagdududa kong tanong sa kanya. Baka naman nagkukunwari lang siyang walang pakialam sa akin at masungit pero ang totoo ay stalker ko talaga siya?

"Don't ever think about that, woman." Aniya na tila nababasa pa ang iniisip ko.

"Mind reader ka na din?!" 'Di makapaniwalang tanong ko at pumalatak siya.

"Alam mo, huwag lang kasing puro carrots ang kinakain mo para madagdagan naman ng sustansya 'yang utak mo." Komento niya at inis akong napabuga ng hininga.

"Excuse me with a capital W as in what?! Beauty and brains ako noh!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. Tamad lang siyang tumango na tila ba'y napilitan pang sumangayon sabay lingon ulit sa labas. Nakakainis! "You give me the anti- love potion na kasi!

Tumingin siya sa akin, "You're still really into it, aren't you?" Nakataas ang isang kilay na aniya, "Sa tingin ko ay kailangan mo ng gayuma kaysa sa hinihingi mong anti- love potion na 'yan."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig, "Excuse me! Bakit ko naman kailangang gayumahin pa si Giro? Sa ganda kong 'to?!" 'Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Muli siyang pumalatak. Trademark na yata niya iyon. Pero maski pagpalatak niya maganda ang tunog, nakakainis!

"E bakit ka iniwan?" He challenged and my knuckles paled as I fisted them.

"Kasi nga ginayuma lang siya ng panget na 'yon!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya.

"Ano ba 'yan! Ang ingay naman!" Commented an irritable fat girl who was sitting across us together with her equally irritable ugly gang. Hmp! Inirapan ko nga, nakakainis e. Epal!

"You didn't even know when to use the right tone when speaking." Vitto nonchalantly commented while lazily stirring his shake with the straw.

"Says the man who lacks facial expression!" Inismiran ko siya.

"And now I'm lacking patience, too. Take another tablet after three hours." Seryosong aniya at tumayo na sa kinauupuan. No way na iwanan niya ako rito! Bago pa man siya makaalis sa kinatatayuan niya ay mabilis na akong tumayo upang harangan ang daraanan niya. I even stretched my hands on the side to really block him. He sucked an exasperated breath.

"Let me out." Mahinahon ngunit madiing aniya.

"No can do." Nakangisi kong tugon sa kanya, "kailangan mo munang pumayag na gawan ako ng anti- love potion bago ka makalabas dito."

"You don't want me seeing so pissed off, woman." May pagbabantang sabi niya pero hindi naman nakakatakot ang dating no'n. Naging husky lang naman ang pagbaba ng tinig niya sa puntong parang nakakaakit pa iyon sa pandinig. Jeez! Why am I so drawn with this nerd's voice?!

I smirked at him, "Wala naman ding magbabago kasi you're always pissed off naman," I flipped my hair then crossed my arms across my chest, raising one eyebrow at him, "and you told me that it's rude to call names but here you are calling 'woman' when I even have a name."

"What part of my statement was rude? Woman is a common noun. I'm still using English." He argued and I puffed a breath in annoyance.

"Don't go smart on me, okay? Smart din ako kaya that attitude just won't do!" I replied trying to sound dignified. He smirked to mock me.

"Kung smart ka hindi mo sana pinagpipilitang hingin sa akin ang anti- love potion na sinasabi mo." Malamig na aniya na nagpatigil sa akin. Naramdaman ko na lang ang biglang pagtutubig ng aking mga mata tapos napaatungal na lang ako ng iyak na ikinanganga niya.

"You're so salbahe! Kung pumayag ka na sanang ibigay iyon ay hindi na ako magka- cry ngayon!" Pangaaway ko pa sa kanya habang umiiyak.

"Grabeng LQ naman 'yan!" Narinig kong komento ng isa sa mga customers ng café.

"Gawin mo na kasi ang gusto, pare, para hindi na umiyak 'yang girlfriend mo. Ang ganda pa naman!" Sabi pa ng isa na at kinagat ko ang ibabang labi upang pigilang mapangiti. Sa halip ay nilakasan ko pa ang pag- iyak. Bakas sa mukha ni Vitto ang pinaghalo- halong amusement ngunit mas nananaig doon ang iritasyon.

"'Pag 'di ka tumigil sa pagpapanggap mong umiiyak lalayasan talaga kita dito." Pabulong ngunit pagalit na anas niya. Awtomatiko ko namang itinikom ang mga labi ko pero hindi ko napigilan ang pagsigok- sigok.

Inis na napapalatak siya saka naiinis na kinuha ang natira kong shake sa mesa para iabot sa akin. Nakangusong kinuha ko iyon saka sumimsim sa straw. Naibsan naman ang pagsinok- sinok ko.

"Pwedeng favor?" Sumisinghot- singhhot kong tanong sa kanya. Inis at amused siyang napabuga ng hangin.

"What?"

Kimi ko siyang nginitian, "A pumpkin spice muffin, please."

His jaw dropped in utter amusement but in the end, he went to the counter to order the muffins and my lips felt like ripping out because of my huge smile.

So, there is also a cool side with that nerdy man. Interesting.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro