4th Charm (edited)
Rosenda Rosales was with Giro Arroyo: feeling blessed
Thanks for coming to my life.
You are a dream come true.
I love you, Giro Arroyo©
"Tama ng pagi- stalk. Mamaya niyan magbigti ka na."
Kagat ang labing tumingin ako kay Peewee. Mukhang alam na nito ang sunod na gagawin ko dahil tinakpan nito ng daliri ang isang tenga.
"Pinagpalit na talaga niya ako, Peewee!" Atungal ko at wala na akong pakialam pa kung makita na nito ang ngala- ngala ko kasi ang sakit- sakit na talaga! Dahil wala din naman akong kasama sa bahay maliban sa mga maids at guards ay madalas na nago- overnight ako sa condo ni Peewee kung 'di ko trip ang matulog sa mansion nina Heaven. Sa katunayan ay halos mapuno na ng wardrobes ko ang kalahati ng closet niya at wala naman siyang reklamo doon. Umuuwi lang naman kasi siya sa bahay nila kapag dumarating ang daddy niya at mga kapatid niyang hindi dito sa NCR nakadestino. Kaya nga feel na feel ng beks ang freedom niya kapag nasa condo siya.
"O, anyare na naman dyan?" Tanong ni Ricci may dalang popcorn mula sa kitchen.
"H- Hindi k-ko na k- kaya, mga beks! I- I'm going to be dying with so much pain!" Sabi ko pa sa pagitan ng malalakas na paghikbi. Napapakamot na lang ng ulo si Peewee habang pinanonood ako samantalang si Ricci ay may gana pang kumain ng popcorn na para bang nanonood lang ng sine.
"O, tissue." Hinagis ni Peewee sa harap ko ang isang box ng tissue. Nakasquat ako sa maluwang niyang kama habang siya ay nakaupo sa gilid.
"N- No tissue. Panyo na lang, please." Request ko na ikinalaki ng mga mata ni Peewee.
"Choosy ka pa, beks! Dyan ka sa tissue suminga. Pati mga panyo ko pinagtritripan mo." Nalolokang aniya.
"Sinabi na kasing iwas muna sa social media, e." Sermon nitong si Ricci na nakiupo na rin sa gilid ng kama. "Maaano ka ba kasi kung hindi ka nakapag- post ng pictures mo ng isang araw?"
"G- Gusto ko lang naman ipakitang m- maganda pa rin ako k- kahit brokenhearted ako!" Humihikbing sabi ko.
"Tahan na, Oreo. Shopping na lang tayo bukas after class." Pag- comfort sa akin ni Peewee. Alam na lam niyang shopping ang stress reliever ko pero hindi magagamot ng anumang bagong bags or shoes ang sugatan kong puso ngayon.
"Oo nga, beks. Ililibre tayo ni Peewee ng bag." Sabi pa ni Ricci na agad ikinasimangot ng isa.
"Asa ka!" Ismid niya rito.
"Bakit? Sawi din naman ako a?" Ricci argued.
"Lagi kang sawi, Ricci, kaya don't me! Gugulangan mo na naman ako. Kung ililibre kita tuwing sawi ka baka pati virginity ko naibenta ko na kakalibre sa'yo!"
"E di wow!" Inis na sagot ni Ricci sa kanya bago bumaling sa akin. "Iwasan mo muna kasing magsocial media para hindi kung ano- ano ang nababasa mo," Pangaral pa nito sa akin, "Inaaway na naman tuloy ako ng masungit na Peewee paminta na 'to." Ismid pa nito, and Peewee only rolled his eyes.
"Mga beks, kailangan kong mapakiusapan si Mang Kepweng na gawan na ako ng anti love potion. Miss na miss ko na si Giro!" I sobbed loudly. Dumukot si Ricci ng tissue sa box at pinunasan ang luha ko. Kahit madalas na kontrabida sa buhay ko ang beks na 'to ay hindi nito ako ni minsan pinabayaan gaya ng pagaalaga sa akin ni Peewee. Magkakaibigan na kami since senior high. Aside from Heaven's mom and dad, these two has become my family. Si Ricci ang bungangerang mommy at si Peewee ang mabait na daddy.
"Sarap suntukin ng Giro na 'yon e." Bulong ni Peewee na narinig naman namin.
"Bakla, baka naman sabunutan ang ibig mong sabihin?" Pagtatama ni Ricci sa kanya.
"Sa tingin mo ba sapat na ang sabunot lang sa gagong 'yon?" Peewee said with conviction, his handsome face showing restraint anger. Peewee talaga is so gwapo pero so sayang din. Hindi niya iniipit ang boses niya na gaya ni Ricci na malandi lagi kung magsalita. Minsan nagtataka nga rin ako kung bakla ba talaga siya o hindi pero tuwing yumayakap ako sa kanya at nanginginig siya sa pandidiri ay nakukumbinsi ako agad na beks nga siya. Natutuwa akong may gaya niyang hindi man straight pero handang manuntok para sa akin pero ayaw ko namang suntukin niya si Giro ko.
"Kung hindi dahil sa kanya hindi tayo mabibingi sa kaiiyak ng babaeng 'to." Dugtong pa niya na ikinabagsak ng mga balikat ko. Sweet na sana e, dinugtungan pa! Mga lalaki talaga, straight man o hindi paasa pa rin.
"Peewee!" Hinawakan ko siya sa braso at niyugyog, "Help me talk to Mang Kepweng, please."
"Oreo, may pangalan 'yong tao. Huwag kang mambully lalo at may kailangan ka sa kanya." Saway niya sa akin sabay tapik palayo ng kamay ko. Umismid ako.
"Ako ang binully ng nerd na 'yon! Sabi niya I should fix my attitude before fixing my relationship with Giro." Nakangusong sumbong ko.
"E, may point naman kasi siya do'n." Sabi ni Ricci na abala na sa pagkain ng popcorn niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumaling ako kay Peewee kasi alam kong siya lang ang maaasahan ko sa ganitong bagay. Umubra na naman kasi ang villain tendencies ni Ricci.
"Peewee, sige na." Tila batang ungot ko sa kanya, "Tulungan mon a 'kong i- convince siya."
"Paano nga, Oreo? E ni hindi ko nga kilala 'yong tao." Tila naaaburido ng sagot niya, when a brilliant idea popped up my awesome mind.
"Magaling kang magluto, Peewee. Cook for him!" I beamed. The easiest way to a man's heart daw is food. Tama ba ako? Pero don't get me wrong! Hindi ko bet 'yong nerdy guy na 'yon. I just have to get to his soft side so I could already ask him to make my anti- love potion.
"No way!" Masungit na sagot ng beks na ikinilaglag ng mga balikat ko.
"Pero kung gwapo 'yang Mang Kepweng na 'yan, sure akong hindi mo na kailangang makiusap pa 'dyan kay Peewee paminta para ipagluto siya." Nakatirik ang mga matang komento ni Ricci.
"Itigil mo na nga 'yang kalokohan mo, Oreo." Naiinis ng sabi ni Peewee na nagpasimangot sa akin, "Mas mukha ka ng desperada kay Ricci."
Sa narinig ay nagsimula na naman akong humikbi saka umatungal na naman ng iyak. Aburidong napatakip na ng tainga si Peewee pero sinadya ko pang lakasan ang exag na pagiyak ko.
"Oo na, oo na! Magtigil ka lang dyan sa kakangawa mo!" Yamot na aniya at tumigil naman ako sa pagiyak. "Grabe ka, Oreo! Nai- stress ako lagi dahil sa'yo!"
Hindi ko na napigilan pang mapangiti sa narinig ko. Mabilis akong yamakap sa mga braso niya at gaya ng dati ay nandidiring pinagpag nito ako palayo.
"Ayan na. Bongga na!" Komento naman ni Ricci na tumayo at excited na kinuha ang bag at may inilabas na hairband doon. "Beks, ibraid kita tomorrow huh? Binilan kitang hairband para mas pretty." Excited pang sabi nito.
Tuwang- tuwang lumapit din ako kay Ricci at yumakap at wala na akong pakialam pa kahit nagtitili na siya na para bang nari- rape. At least I have my two best friends. At hindi magtatagal ay babalik na sa akin si Giro.
"Hi Mang— I mean hi, Vitto!" Masiglang bati ko kay nerdy guy kahit gustong- gusto ko na siyang singhalan dahil sa pagpapahirap niya sa akin sa paghahanap sa kanya. Bakas ang gulat sa mukha niya sa pagkakakita sa akin. Matamis ko siyang nginitian kahit malapit na akong himatayin sa hingal. Sino naman kasing hindi hihingalin kung naikot ko na ang buong school cafeteria maging halos ng buong College of Science pero wala pa rin akong Blake Vitto Alonzo na nakikita?
Nang marahil ay mahimasmasan mula sa pagkagulat ay walang salitang tinalikuran ako ng magaling na lalaki at tuloy- tuloy na pumasok sa isang bungalow style na silid. Gosh! Sino ba siya sa tingin niya para magpahabol sa isang magandang dyosang gaya ko? May nakalagay na signage sa bandang itaas na bahagi ng door with a Plant Preservation Laboratory inscribe in bold green letters.
Nilampasan niya ang ilang mahahabang mesa na may mga dahong hindi ko mapangalanan at patuloy siyang sinundan hanggang sa huminto siya sa isang pahabang mesa sa isang sulok ng silid na katabi lamang ng isang malapad na glass- paneled wall na tumatagos sa berdeng tanawing nasa labas. Ibinaba niya ang backpack sa mesa at iritadong biglang humarap sa akin kaya gulat na awtomatikong nailayo ko paatras ang mukha ko sa kanya. At dahil sa tangkad niya, malamang ay kasingtangkad ng pinsan kong si Heaven na nasa anim na talampakan, ay kailangan ko pa siyang tingalain.
I swallowed as my heart thumped loudly while he was giving me a stern stare. I suddenly have the desire to lift my free hand and pull his thick- lensed sunglasses but he was able to catch my hand just before I can do it.
Flickering volts assaulted my veins making my blood flowed sinuously up my flustered face. Tila napapasong binawi ko ang kamay sa kanya saka natatarantang napaatras pero my mesa pa pala sa likuran ko kaya naman tumama iyon doon. I winced in pain as I hugged the lunch box, my free hand massaging my pained pack.
Narinig ko ang pagpalatak ni nerdy guy. Inis na hinila niya ako palayo sa mesa saka hinila ang isang mataas na silya na naroon.
"Sit." Madiin niyang utos sa akin at masyadong masakit 'tong likod ko para magpakipot pa. Pero sa taas ng stool ay kailangan ko pang tumiklay at lalong nananakit ang muscle ng likod ko. I heard him tsked again as he wordlessly held me by the waist lifting me up the high stool making me gasp. At sa pagsinghap kong iyon ay nanuot sa ilong ko ang katulad na preskong bango ng pinahiram niyang panyo sa akin. Refreshing yet sophisticated. The scent alone was enough to give me the experience of all four seasons in one.
Namalayan ko na lang na wala na siya sa harapan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang nararamdaman ko pa rin ang mainit na mga palad niya sa baywang ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko kasabay ng lalo pang pagragasa ng dugo sa aking mukha. Inilapag ko ang lunch box sa mesa at windang na tinakpan ng palad ang nakaawang kong mga labi.
"Ito." Napaigtad ako sa gulat ng sumulpot na lang sa harapan ko ang kamay niya na may hawak ng cold compress. Umangat ang tingin ko sa walang ekspresyong mukha niya. Teka, saan siya nakakuha ng ice? "Mabuti ng maagapan para hindi mamaga." Dugtong pa niya. Nawiwindang pa rin na inabot ko ang cold compress sa kanya at wala sa sariling inilapat iyon sa nagiinit kong pisngi.
"Kailan pa naging pisngi ang likod?" He asked amused and realization hit me hard. Napapikit ako sa frustration at agad na inilayo ang cold compress sa pisngi ko. He averted his gaze to me but I noticed the corner of his lips tugged up.
"Are you laughing at me?" Naiinis at napapahiyang bulalas ko sa kanya. He looked at me, his face blank.
"Narinig mo ba akong tumawa?" Papilosopong tanong niya. I fisted my hands as I shrieked in annoyance.
"Darn it, woman! What are you doing?" He irritably snapped while rubbing his left ear. Lalo pa akong nainis kasi feeling ko mas gumaganda pa 'yong voice niya kapag lumalakas.
"Screaming!" Malakas na sagot ko, "You want me to do it again?!"
"God! I hate you, brat!" Napipikon na sagot niya na siya namang nagpatigil sa akin. I'm getting used with having haters but it doesn't stop me from feeling a pang of pain pricking my chest. Ano daw? He hates me? Well, I hate you, too, weirdo!!!
Padabog na hinila niya ang isang high stool palayo sa akin at naupo doon. I closed my eyes as I heaved a deep breath taking into me the positive aura I brought with me before coming here but all I could feel was the negative vibes coming from him! Ugh! He's so getting into my nerves!
I opened my eyes and looked at him pointedly. My forehead furrowed as he gets his lunch box from his bag. Seryoso ba siyang dito siya kakain sa— inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. There were I think 7- 8 lab tables including the table we occupied. 'Yong ilang tables may mga nakapatong na dried plants. Mayroon pa ngang mukang dried seaweeds sa isang table. Tapos sa may bandang likuran namin ay saradong pintuan na may nakalagay na Research Laboratory sa bandang itaas. Kung hindi lng siguro sa pabango ng sungit na nerd na 'to ay mangangamoy halaman sa buong silid na iyon.
Bumalik ang tingin ko sa kanya at tinititigan niya lang ang nakasara pang lunch box niya. Doon ko naalala ang dala kong lunch.
"I prepared something for you." Bumalik ang siglang sabi ko. Bahagyang nahawi ang mga hibla ng buhok niyang kadalasang nakatakip sa kilay niya kaya nakita ko ang pagtikwas no'n. Hindi ko na lang pinansin kasi ayaw ko ng i- stress ang sarili ko lalo pa't ang ganda ng pagkaka- French braid ni Ricci sa mahaba kong strawberry sombre hair at may cute pa akong hairband na may mga crsytals.
Excited na inilabas ko ang lunch box mula sa lunch bag at binuksan ang takip no'n saka nagmamalaking tumingin sa kanya. Kahit sino ay magugustuhan ang meat adobo ni Ricci. Magpapanggap na lang akong ako ang nagluto no'n. Sorry Papa God, ngayon lang naman e kaya pagbigyan mo na ako.
"For you." Malapad ang ngiting offer ko pero binato niya lang 'yon ng wirdong tingin. At unti- unting nabura ang ngiti ko ng bawiin niya ang tingin at binuksan ang lunch boxes niya. Napangiwi ako ng makita ang laman n'ong isa. A freakin' ampalaya with egg! Hindi ako makapaniwala ng tila kumislap pa ang mga mata niya habang nakatingin sa ulam niya.
For real? Is this nerdy guy poor? Not to mention that he has this peculiar taste on fashion, he also has a peculiar taste of choosing a place where to eat. Kaya ba nandito siya sa halip na sa sosyal na cafeteria ng school ay dahil nahihiya siya sa ulam niya? Hindi niya ma- afford 'yong mga ulam doon? Buti na lang nagdala ako ng ulam pero bakit parang ayaw niya naman nito?
"Hello!" Malakas kong tawag sa kanya kahit halos katabi ko lang siya, "'Dinalan kitang food, o." Inilapit ko pa sa kanya ang lunch box but to my surprise, his cute upturned nose crinkled. "What?" Naiinis ng tanong ko.
"I'm a following a strict diet." Aniya na lalong nagpakunot ng noo ko. He tsked, "It's not my schedule to eat meat today. Don't mess with my routine." Sagot niya sa paraang tila ang bobo ng kausap. Aba!
"E 'di sorry po!" Inis kong gagad sa kanya.
Pumalatak lamang siya. Humarap sa pagkain niya pagkatapos ay sa akin, "Don't you have any plan of leaving me alone? I'm going to eat. Privacy, please." He was sarcastic.
Mabilis akong nag- isip. Hindi pa nga kami nakakapagusap about sa potion pinaaalis na ako kaagad? Tumikhim ako at seryoso siyang tinitigan, "Since you don't like meat today, akin na lang 'to. Let's eat together." I smiled sweetly at him and he gaped at me in awe. Nang makahuma ay kumurap siya at nagsalubong na naman ang mga kilay.
"Looke here, brat, if you're nagging me again about that stupid potion—"
"I'm not nagging you, okay? I'm asking you." Pagtatama ko sa sinabi niya.
He smirked and I felt a kick on my gut. Iba talaga ang nagagawa sa kanya ng matipid na pagngiti- ngiti niya.
"It looks like asking and nagging falls in one place in your case." He attacked me again so I just puffed out an annoyed breath as I faced him eye- to- eye.
"Stop acting so irritable all the time, Vitto. Baka ma- fall ka sa akin niyan." I challenged with a smirk and he stilled like he was just hit by a bullet. Lumawak pa ang ngiti ko ng bumukas ang kanyang labi na tila ba'y may nais sabihin pero muli na lamang niyang itinikom iyon. Nagdidiwang ang kaloobang inilabas ko sa separate na lalagyan ang fork at spoon at spoon. Nang lingunin ko siya ay nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sa tissue na nakabalot sa mga kubyertos. Mabilis kong inalis iyon at agad na ibinato sa loob ng lunch box.
Narinig ko ang naiinis na pagbuntong- hininga niya at nagumpisa na siyang kumain. Tahimik lamang siya sang kumakain at hindi ko makayanan ang katahimikang bumabalot sa amin kaya nga ako na ang nagboluntaryong magkwento kasi baka nga naman nahihiya lang siyang magtanong. Nasa kalagitnaan na ako ng kwento ko ng last vacation ko sa Paris ng marahas siyang bumuntong- hininga. Awang ang mga labing napatingin ako sa kanya. Nakatakip na ang lunch boxniya, tapos ng kumain ng ampalaya.
"Alam mo ba kung bakit mas gusto ko pang kumausap ng halaman?" He asked and my spirit lifted up. Gosh! Was he starting to open up to me? Nakukuha ko na ang loob niya? Konting push na lang at mapapasa akin na ang anti love potion para kay Giro ko!
"Bakit?" I asked sweetly.
"Dahil sa mga taong kasing- ingay mo." Iritableng aniya saka inilagay sa loob ng bag ang baunan at nagmartsa palayo.
I was left dumfounded. Again.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
"Hey, Mr. Polka dot!" Tawag ko kay nerdy guy habang pilit na umaagapay sa mabilis na paglalakad niya. Hindi siya nakikinig sa akin, lalo pa niyang binilisan ang paglalakad. Nakarating na kami sa parke ng school at tuloy pa rin ang pakikipagmarathon ko sa kanya. At dahil lunch break ay walang masyadong tao dito dahil kung wala sa school cafeteria ay sure akong sa labas ng campus kumakain ang mga estudyante rito.
"Mr. Plaid top!" Muli kong tawag ngunit wala pa rin. Sumasakit na ang mga paa kong nakasuot ng three inches wedge sandals dahil sa pagpapabebe niya! Humihingal na huminto ako at muling sumigaw, "Mr. Nerdy guy!"
Halos mapaatras ako sa takot ng marahas siyang humarap sa akin, bakas sa mukha ang labis na iritasyon. Mabigat ang mga hakbang na lumapit siya sa akin pinigil ko ang paghinga hanggang sa makarating siya sa harapan ko.
"Is it really making you happy when you bully someone?" Nagaapoy ang tingin na tanong nito sa akin. His jaw was tensed and he was gritting his teeth, a sign that he was containing his temper. Sa itsura niya ngayon ay kinabahan na talaga ako. Kasalanan niya! Hindi naman kasi niya ako pinapansin kaya napilitan akong tawagin siya ng ganun!
I swallowed as I grasp something to say, "I- I'm not bullying you."
He smirked, the way the corner of his lips tugged up was full of sarcasm, "Yeah, and I'll pretend as if I didn't hear you call me names.
"S- Sorry na." My lips quivered, feeling the stinging on the sides of my eyes. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako ng galit niya.
"Easy for you to say." Mapait pa rin niyang sabi, "Don't ever show your face to me again." He said sternly before turning around to march away. I swallowed just before I could sob. Gosh! What's happening to me?
"Wait lang!" Tawag ko sa nanginginig na boses pero hindi siya huminto. Wala ding lakas ang mga tuhod ko na sumunod sa kanya. "Vitto!"
As if on cue, he halted and I saw his back tensed. Sinamantala ko na ang pagkakataon. "Sorry na nga 'di ba? Babawi ako sa'yo, promise!" Teka! Bakit ko sinabi 'yon e hindi naman kami close? But I feel the need to say it to him. Naiinis akong pati siya ay katulad din ng iba na naiinis sa akin.
My thoughts ended when I saw Giro on my peripheral vision. Lumakas agad ang kabog ng dibdib ko ng makitang hindi nito kasama ang pet nitong gorilla. It must be my chance! Nagmamadaling humakbang ako para maabutan si Giro na papalayo na.
"Giro!" I called but he didn't hear me. "Giro, wait!"
Napangiti ako at nakahinga ng maluwag ng humarap siya sa akin. I couldn't interpret the expression on his handsome face but what I'm quite certain was that he wasn't wearing that fond and loving expression anymore everytime he looks at me before. The thought twisted my chest into painful knots but I chose to smile at him, trying to hide the pain I was suffering inside. He knew me as a tough person, ayokong lalo siyang ma- turn off sa akin dahil sa pag- iyak ko sa harapan niya.
Humakbang ako palapit at nanatili itong nakatingin sa akin na tila ba ay isa akong estranghero na nagpipilit makipagusap.
"Giro." I called his name happily when I finally crossed our distance.
"What is it again, Oreo?" He asked, his voice tired and fed up. I swallowed the painful lump in my throat and smiled at him.
"Nami- miss na kita." I murmured and he heaved a breath.
"Oreo, na- miss din naman kita—"
"Kaya nga bumalik na tayo sa dati, Giro." Putol ko sa sasabihin niya ng makakuha ako ng pagasa sa narinig na miss niya rin ako. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hindi naman siya tumanggi. I knew it, mahal pa rin talaga niya ako. Medyo napagod lang siya sa pagiging maldita ko minsan.
"Oreo," Pinisil niya ang kamay ko, "you're beautiful. Marami pang lalaki na pwede mong makilala at mahalin ng higit sa pagmamahal mo sa akin." He patiently said and I desperately shook my head. Inabot ko pa ang isang kamay niya.
"No, Giro. Ikaw lang ang para sa akin. We are meant for each other. I will try to be nice now, Giro. Hindi na ako magiging super madaldal, slight na lang. Hindi na rin ako mangaaway ng mga nagpapacute na girls sa'yo. Please, bumalik na tayo sa dati." My voice strained and I saw how Giro's face showed worry. Pero nais manlambot ng mga tuhod ko nang bumitaw siya sa pagkakahawak ko.
"I'm so sorry, Oreo. How I hope that it was as easy as that."
Doon na umalpas ang pinipigilan kong galit. "For real, Giro?" I bitterly puffed a breath, "Can't you think of other line aside from that?"
"I just realized that we are not compatible, Oreo."
"Screw that stupid compatibility, Giro! Damn you!" My voice rocketed as my chest heaved with pain and hate.
"Oreo!" Tila naeeskandalong saway nito sa akin.
"Ano? Sesermunan mo na naman ako? Oreo, that's what a lady supposed to act, that's not how a lady laugh, those aren't the words a lady like you should speak." Panggagaya ko sa mga linya nito sa akin noon at nanlaki ang kanyang mga mata habang 'di makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Oreo, you're making a scene!" Inis na saway na nito. Mapait na tinitigan ko ang iilang estudyanteng nakamasid sa amin.
"Ano? Ngayon lang kayo nakakita ng dyosang nagtataas ng boses?" Galit na sikmat ko sa mga usyosero at nagbubulong- bulungang umalis naman ang mga ito.
"Oreo, tama na 'yan! Nakakahiya!" Galit na saway nito sa akin pero mas galit ko siyang tinapunan ng tingin.
"That's rich coming from someone who replaced me to a woman with embarrassing face." I shot back and he let out an exasperated breath.
"Stop talking to her like that!" He hissed in gritted teeth and I almost cried with the way he raised his voice at me.
"Nasasaktan ka kasi totoo?" Ayaw papigil na sikmat ko.
"I said stop!"
"Paano ka maglalakas loob na ipakilala kina tito't tita ang isang babaeng may ganoong klaseng mukha—"
"Damn you, Oreo! I said shut the hell up!" He screamed at me making me stone hard. That was the highest of voice I had heard of him so far and it was killing me to think that it was all for me. My knees buckled but I tried so hard to smother my tears as I controlled my shaking. He stared at me hatefully, his chest heaving fast because of fury. Hindi ko kayang makita siya ng ganoon. Hindi ko kakayaning magalit siya sa akin. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at inabot ang kamay niya ngunit marahas niyang tinabig iyon na ikinasinghap ko.
"G- Giro?" I breathed shakily.
"You know what, Oreo?" Mapait itong napangiti, "I can't imagine the level of patience I had to swallow to deal with your brattiness. I tried so hard to understand you. I did everything to keep up with the lifestyle you want. But there's a limit for everything, Oreo. Rose happened to my life and that's when I realized that I could no longer be with you."
A sob escaped my lips upon hearing the way he pronounced that girl's name. It was full of admiration, of love. And hearing him say those things are enough to kill me over again.
"P- Pero... a- ang bilis mo naman a- akong pinalitan, G- Giro?" Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko. Wala na akong pakialam makita man akong umiiyak nito o ng mga tao sa paligid namin. Wala na akong pakialam magbago man ang tingin nila sa akin. I need Giro back in my life. I don't know how to deal with the all the shits of my life without Giro.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya, guilt clouding his handsome face. "I- I'm so sorry, Oreo." He breathed his voice strained and I sobbed harder. "M- Matagal ko ng mahal si Rose. Matagal na kaming may relasyon hindi pa man tayo naghihiwalay."
My tears froze. Everything was coming to me so slowly. My system can't absorb his confession for it was already filled with pain. I didn't get over the pain yet and here comes another one. How could he betray m? Gusto kong magwala, gusto ko siyang sigawan at murahin ngunit iba ang lumabas sa aking mga labi.
"I- I love you, Giro..."
"I love you, too, Oreo," He whispered waking up my dying sobs, "But I love Rose more. I'm so sorry." Pagkatapos sabihin no'n ay tinalikuran ako nito upang maglakad palayo.
My knees buckled my body shaking 'til it fell limply on the ground. I was crying soundlessly, my eyes still on Giro's back. Sa sobrang sakit ay naghalo- halo na ang iba pang emosyon sa sistema ko at hindi ko alam kung paano ko iyon ilalabas. How can Giro love me, and hurt me and betray me all at the same time when I did for him was to love him?
My trailing thoughts was interrupted when someone outstretched his hand to offer me a handkerchief. Unti- unti kong iniangat ang tingin sa bulto ng katawang nasa tabi ko. Vitto.
"Naaawa ako sa mgapuno, hindi sa'yo." Anito at doon na tuluyang yumugyog ang mga balikat ko saisang malakas na paghagulgol
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro