3rd Charm (edited)
"Ano na? It's so hot na here? Matagal pa ba?" Pangungulit ko kina Peewee at Ricci na busy sa pag- scan ng mga threads sa internet forums ng school para hanapin si Mang Kepweng. Nandito kami sa isa sa mga gazebos ng mini park kasi the wifi here is so malakas.
"Magtiis ka, mahaderang baklersh 'to!" Nayayamot na irap sa akin ni Ricci, "hindi naman bigla- bigla na lang susulpot sa screen ng laptops naming 'yong Mang Kepweng na 'yon noh! Tsaka pelikula 'yon ni Vhong Navarro, bona!"
"Ricci, may Mang Kepweng nga dito e!" Nagpapadyak na pilit ko rito, "Kalidasa dela Cuesta, Lourd Ashton and Ceyx Iadanza told me!"
"For real? In flesh and blood?" Nanlalaki ang mga matang tanong ng hindi makapaniwalang si Ricci.
"Oo nga!"
"Traydor ka! Bakit 'di mo man lang kami isinama ni Peewee nang kinausap mo sila? Madamot ka, beks!" Irap pa sa akin nito. I rolled my eyes at him. Matagal na nitong crush si Kalidasa dela Cuesta, ang star player ng Soccer team ng school.
"May girlfriend na 'si Kali mo." Bitter kong sabi habang iniinspekyon ang mga kuko ko.
"WHAT?!" Exag nitong bulalas, "Ayoko na!" He pushed his MacBook away. "Bahala ka ng maghanap kay Mang Kepweng mo ng pare- pareho na tayong sawi!" Tumawa lamang si Peewee.
"Beks naman e!" Pumadyak- padyak na sabi ko. Naupo ako sa tabi nito at yumakap sa braso, "kailangan kong mahanap si Mang Kepweng para bumalik na si Giro sa akin." Niyugyug ko pa ang braso nito.
"Grabe ka, beks!" Naeeskandalong bulalas ni Ricci, "Oo na! Oo na! Lumayo ka lang sa akin, babae ka! Niyuyurakan mon a ang puri ko!" Tulak nito palayo ang noo ko pero matindi talaga ang kapit ko rito.
"Beks, nakita ko na." Peewee said and my back perked up. Itinulak ko si Ricci at excited na lumapit kay Peewee upang silipin ang Mcbook nito. Nakita kong may thread doon na tungkol sa mga Elites, nandoon pa nga ang pangalan ni Heaven. Sa ibaba no'n ay thread naman tungkol sa mga outcasts sa school. Peewee opened the thread and my eyes automatically darted on the first name of the list.
Blake Vitto Alonzo, Helix U's quack
Peewee clicked the name itself and a picture immediately loaded. Nanlaki ang mga mata ko at 'di pa nakuntento ay itinulak palayo ang mukha ni Peewee upang ilapit pa ang mukha ko sa screen ng Mcbook. Side view ang kuha sa lalaki habang inaamoy ang hawak na dahon. He was wearing a loose black hoody and his eyes were covered with big glasses and the fringes of his unruly hair.
Napahawak ako sa baba ko. Hmm... This Mang Kepweng looked familiar, though. Parang I saw him na somewhere. Parang siya 'yong. . .
Lalo pang nanlaki ang aking mga mata at nanggigilalas na nasapo ang aking mga labi ng maalala kung saan ko nakita ang lalaking nasa screen.
"Anong ka- OA- han na naman 'yan, beks?" Puna ni Ricci.
"Beks!" Lumapit ako kay Ricci at niyugyog ang mga balikat nito, "I know him na!"
"Ex mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito na agad kong ikinangiwi.
"Of course not!" Mabilis kong pagtanggi saka natutuwang hinarap si Peewee na nakakunot ang noo, halatang nahuhumaling na naman sa beauty ko. "I met him the other day, Peewee! Siya si Mr. Polka Dot!"
"WHAT?" Sabay pang bulalas ng dalawa.
"Siya 'yong lalaking nang-away sa akin dahil sa tissue!"
"A, 'yong lalaking anti- illegal logging ang trip." Tumango- tango si Peewee.
"Beks! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan niya akong gawan ng anti- gayuma as in now na!" Aligagang saad ko.
"Naniwala ka naman na kaya niya talagang gumawa no'n, beks?" Hindi makapaniwalang mulagat sa akin ni Ricci, "Hello! Sino pa sa mga generation X ang nagpapaniwala sa mga urban legend na 'yan?" Nakatikwas ang kilay na anito.
"Ako!" I shot back and Ricci's shoulders drooped.
"Beks, didn't you realize that some of the students had just labeled this guy as Mang Kepweng for fun? Kaya nga tinawag siyang outcast dahil lagi siyang nabu- bully. Hndi 'yan totoo." Mahinahong paliwanag ni Peewee. Gosh, ang gwapo na sana talaga e. Pareho nga lang kami ng bet. Sa kanilang dalawa ni Ricci ay ito madalas ang umiintindi sa mga drama ko sa buhay samantalang si Ricci naman ang basher ko.
"Hindi niya 'yan mari- realize, beks! Simpleng problem solving nga 'di niya ma- gets 'yan pa kaya?" Birada ni Ricci. Pinukol ko ito ng nakamamatay na tingin. Tumingin akong muli kay Peewee at nag-pout sabay puppy dog eyes. Hindi pa kailanman natalo sa kanya ang technique kong iyon.
"Beks, there's no harm in trying naman 'di ba? Can you bear your beautiful friend crying everyday because of a broken heart? Maaatim mo bang i- invade ng wrinkles at dark circles ang pretty face ko dahil sa stress?"
I heard Ricci snorted but I just threw daggers at him enough to make him shut up. Peewee then sighed defeatedly and I fought back my smile.
"Grabe ka, beks. Engot ka talaga. Paano kita naging kaibigan?" Sumusukong anito at sa tuwa ay lumingkis ako sa braso nito.
"You're the best talaga, beks! Walang wala si Ricci sa kagandahan mong taglay!" Tuwang- tuwang sabi ko at pinaikot lang nito ang mga mata samantalang si Ricci ay napaubo. Hindi nagtagal ay tila nandidiring itinutulak na rin ako nito palayo. Wow huh! Hindi talaga effective sa dalawang beks na 'to ang alindog ko. Muling humarap si Peewee sa Mcbook.
"Madalas daw siya sa botanical garden na nasa likuran ng College of Science." Sabi pa ni Peewee.
"Naku beks, dadaan lang ako ng botika." Si Ricci sa sarkastikong tinig, "bibili ako ng gamot sa migraine kasi tiyak kong pasasakitin na naman ng bruhang 'to ang mga ulo natin!"
I smirked as I flipped my long strawberry sombre hair in victory. Sige lang Ricci, bumili ka ng gamot sa migraine para naman may maibigay ako sa homewrecker na Rosenda Rosales na iyon sa oras na sumakit na ng husto ang ulo niya kapag bumalik na sa akin si Giro.
"Beks, 'yong totoo. Sa botanical garden ka ba pupunta o sa beach?" Nakatikwas ang isang kilay na tanong sa akin ng bungangera si Ricci. I smirked as I confidently flipped my hair and adjusted my wide- rimmed sunglasses covering almost half of my face. I am wearing a bohemian summer dress and a summer hat with flowers on it. My locker is like stocked with different outfits so yeah, I decided to change before going to the botanical garden to ask Mang Kepweng for my anti- gayuma.
"This is not a good idea, Oreo." Seryosong sabi ni Peewee sa tabi ko. Tinaasan ko ito ng kilay. Napakanegative talaga ng beks na 'to!
"I'm going to ask him politely naman e." I pushed.
"Asking him to do something absurd is a form of bullying, Oreonina." He said like he was lecturing a 5- year- old kid.
"Hayaan mo na siya, Peewee." Ricci barged in, "puntahan mo na lang kami, beks, kapag nakulam ka na ng Mang Kepweng na 'yan." Sarkastikong dagdag pa nito. Napasimangot ako sa mga ito. Walang kasupport- support. Nawawalan tuloy ako ng confidence.
"Iiyak ka na naman, beks!" Nalolokang saad ni Peewee, "Oo na, sinusuportahan ka na namin gaya ng pagsuporta ng cup C mo daw na bra sa tabla mo namang dibdib!" Tila napipilitan pang anito. Pinigilan kong mapangiti at hinayaan munang okrayin ang dibdib ko. Duh! Cup C naman talaga ako a! Tumingin ako kay Ricci, nagpapaawa pa rin. Noong una'y mataray pa rin ang ekspresyon ng mukha nito pero unti- unti ring bumigay dahil sa mahika ng maamo at maganda kong mukha.
"Nakakaloka ka, beks! Oo na nga 'di ba? We support you na with all our liver and lungs kaya gumora ka na bago ko pa sukahan 'yang mukha mo, bruha ka!"
Doon na ako ngumiti ang tuwang- tuwang niyakap ang dalawang beshies ko na napapabuntong- hininga na lang sa akin.
With all my confidence with a bit of a heart, I strut towards the entrance of the huge botanical garden of the College of Science. This is my first time entering this part of the university. Hindi naman kasi talaga ako huge fan ng plants but I love flowers as much as I love my sassy summer hat. Sinalubong ng berdeng kapaligiran ang aking paningin. There were lots of plants with different varieties around and I can't even name even a single one of them. Like duh! Fine Arts naman kasi ang course ko and not to mention I'm majoring in Visual Communication kaya I'm really innocent with these kinds of things.
Naglakad- lakad pa ako habang palinga- linga sa paligid. May mga plants na nakatanim sa paso at maayos ang pagkakahilera pero may mga nakatanim din sa lupa. Hindi naman sa maarte ako pero iniiwasan kong mapadikit sa mga leaves, for precautionary measures lang naman mga, besh. Malay ko ba kung may mga crickets dyan? Or worst caterpillars? Gosh! Iniisip ko pa lang ay napapangiwi na ako. I can't really stand anything slimy lalo na pag frogs! Like ew to the second power! Gano'n ka- extreme mga, besh.
"Hello! Anybody there?" Malakas kong sabi para makakuha ng atensyon sa sinumang naroon. Buti na lang presko dito kung hindi ay baka pinagpapawisan na ako ng bonggang- bongga. It's a big NO- NO, besh! Hindi pwedeng pagpawisan ang beauty ko.
I was starting to feel dizzy kasi kanina pa ako paikot- ikot dito pero wala naman akong makitang ni isang tao. Gosh! Feeling ko ay isang malawak na maze ang napasukan ko. Sa dami ng mga nakahilerang mga halaman at ang iba ay mga kasing-taas ko, hindi ko na alam kung saan 'yong una kong dinaanan! Lagi akong nasasabihan ng MAPEH teacher ko noong senior high school na wala daw akong Spatial Intelligence dahil ang bona ko na nga sa direksyon, wala pa akong alam sa space! Hello! Kaya nga nandito ako at hinahanap ang Mang Kepweng na 'yon noh kasi ayoko ng space. Ayoko ng space kay Giro! Ako lang dapat ang girlfriend niya at hindi ang Rosenda na 'yon na hindi ko ka- level sa kagandahan!
"Hello, people! Knock, knock!" Malakas ko pa ulit na sabi pero wala pa ring sumasagot. Tumigil ako at nafru- frustrate na tiningnan ang paligid ko. Mukha na talaga akong character sa Maze Runner kasi hindi ko na alam kung saan papunta ang iba't- ibang kanto na naroon lalo pa't may mga halaman na nakaharang. I started to feel nervous. Nakakainis, naliligaw pa yata ako. Paano na lang kung may mga animals pala na nandito at bigla na lang akong dambahin? Malinaw pa sa ala- ala ko ang takot na naramdaman ko ng makawala mula sa farm ng College of Agriculture ang mga alaga nilang mga tupa, kambing at kabayo sa field at nagkataong nandoon ako noon. Gosh! Kung hindi lang dahil kay Giro ay baka namatay na ako sa stampede na gawa ng mga animals!
Sa naalala ay naramdaman ko na naman ang pananakit ng lalamunan ko. I'm going to cry again. Naalala ko na naman kasi ang mga memories namin ni Giro. He's always there to protect me. Isang prinsipeng gaya niya ang nababagay sa isang prinsesa na gaya ko. Pero paano pa ako makakagawa ng paraang bumalik siya sa akin ngayong naliligaw na ako? I was going to call for help when I heard someone singing.
Go stop your crying it will be alright
Just take my hand, hold it tight
I will protect you from all around you
I will be here don't you cry...
It was actually a male singing. His voice was in between husky and smooth. Pwedeng- pwede maging vocalist sa band. Isa lang ang masasabi ko to sum up how beautiful his voice is—WOW. Gumalaw ang aking mga paa para sundan ang tinig. Nagpatuloy pa ang pagkanta ng lalaki.
For one so small you seem so strong
My arms will hold you
keep you safe and warm
this bond between us can't be broken
I will be here, don't you cry
He was singing softly, like a lullaby. Para akong hinihele ng tinig na iyon pero at the same time, hinihila din ako no'n palapit. He was singing Phil Collin's song like he owns it. I know that it was a song from the Disney's Animated Film Tarzan. I mentally scoffed. His mom probably always sings it to him. Lucky him for having a mother.
'Cause you'll be in my heart
Yes, you'll be in my heart
From this day on now and forevermore
You'll be in my heart
No matter what they say
You'll be in my heart
Always...
Minadali ko ang bawat hakbang patungo sa tinig. I suddenly feel excited meeting the owner of the voice. Surely, sa ganoon kagwapong boses, gwapo din dapat ang nagmamay- ari. Pero ganoon na lamang ang pagkadismaya ko ng marating ko kung saan nagmumula ang tinig ng kumakanta at nadatnan ko doon ang lalaking nakipagargumento sa akin kahapon dahil sa tissue. Si Mang Kepweng!
Halos malaglag ang panga ko sa nakitang suot nito. A loose plaid long sleeves and loose denim jeans. Gaya pa rin kahapon ang ayos ng maitim na buhok nitong tumatakip na sa naka-eyeglasses na mga mata. Nakaside- view siya sa akin kaya kapansin- pansin ang cute na pagkatangos ng kanyang ilong. May hawak itong pang- spray ng halaman at tila hindi pa rin nito maramdaman ang presensya ko, because he keeps on saying an alien language to the plants.
Seriously?! Pero this is not the right time to freak out with his weirdness. I need the anti- love potion for Giro! I cleared my throat trying to tell him of my presence but he was still oblivious it was making me more frustrated.
"Hello?" Sinadya kong palakasin ang boses at effective naman iyon dahil napalingon siya. Gaya ng inaasahan, halos matakpan na ng buhok niya ang naka- eyeglasses na mga mata niya. It makes me want to know the color of his eyes tuloy. Sabi ni daddy sa akin, kung mayroon man daw pinakanag-i- standout na ugali ko ay ang pagiging curious ko. Hindi talaga ako matatahimik kapag hindi nasasatisfy ang mga curiousities ko.
Tumingin lang siya sa akin tapos parang walang pakialam na binalik ulit sa halaman ang atensyon. Haller! Malayo namang mas maganda ako sa puro dahong halaman na 'yan noh! Nanggigigil na lumapit ako at bakas naman ang pagkagulat niya ng tapikin ko siya sa balikat. I removed my sunglasses and smiled sweetly at him. No one can resist Oreonina Acosta's smile!
Saglit siyang natigilan, pero hindi sa paraang na- aamazed sa ganda ko pero sa paraang nawiwirduhan sa akin. Gosh! Ngayon lang ba siya nakakita ng diyosa sa tanghaling tapat? He's really getting into my nerves. Pero kumalma ako. I should stay sweet especially that I'm going to ask something from him. I cleared my throat and collected my poise.
"Ikaw ba 'yong nag- sing?" Pag- usyoso ko.
"Anong sing?" Tanong nito. Hala, bobo ba si kuya? Sing lang hindi pa alam? Mai- stress yata ang brain cells ko sa kanya.
"Sing, kanta." I rolled my eyes at him and he just stared blankly at me. Tumikhim ako at mabilis na ngumiti sa kanya. Hindi ako pwedeng magmaldita ngayon, may mission pa ako. "Uhm, ikaw ba 'yong kumakanta kanina?" I asked nicely but he just stared at me. I even batted my eyelashes and smiled more sweetly at him to motivate him to speak but he just stared lazily at me like I was the most boring scene in the world!
"Pipi ka ba?" Naiinis ko ng tanong sa kanya.
Ibinalik niya ang atensyon sa halaman na kinakausap at ini- spray- han. "We just had a conversation the other day. It's so pointless to ask questions with obvious answers." He replied blandly making me irritated up to the second level. I heaved a deep breath to collect my remaining patience as I forced myself to smile.
"So, ikaw nga 'yong kumanta?" 'Di sumusukong tanong ko.
"Did you see me singing when you barged in my personal space?" Tanong niya, abala pa rin sa ginagawa sa halaman na puro lang naman dahon.
"Nope." I replied, popping the P.
Patamad siyang lumingon sa akin. "Paano kung ako nga 'yong kumanta?" He challenged and my eyes widened as my jaw dropped.
"Totoo?" Surprised kong tanong, "as in, for real?"
"No." Biglang niyang sabi na nagpakunot ng noo ko.
"Anong no?"
"Hindi." He answered a little impatient. Lumipat siya sa isang halaman at iyon naman ang ini- spray- han. Sinundan ko siya.
"Hindi ikaw ang kumanta?" Pangungulit ko pa ulit.
Inis niya akong nilingon. "Hindi nga? Ba't ba ang kulit mo?"
Napaismid ako sa hangin. "Kasi naman no, hindi ka maayos kausap."
"Then leave. Hindi naman ako naghahanap ng kausap." Masungit na aniya na ikinalaglag ulit ng panga ko. Ang sungit naman ng nerd na 'to?! Hindi bagay sa kanya 'yang pang- prinsipe na boses niya. Mas bagay sa kanya ang boses ng isang troll!
"Bakit ang sungit mo?" Naiinis na tanong ko. Hindi niya ako pinansin. Nakakagigil! Sige, palalampasin ko na lang. I have to be nice. I so need to have that anti- love potion na.
Muli akong tumikhim at inipit ang kumawalang buhok sa likod ng tenga ko. "Anyway, I'm Oreonina Acosta. Oreo for short. Nice meeting you, Mang Kepweng." Inilahad ko ang kamay sa kanya. As if on cue, napalingon naman siya sa akin kasabay ng pagkalaglag ng panga ko. Shocks! Bakit ko siya tinawag na Mang Kepweng?! Halatang nakakunot noo siya habang nakatingin sa akin pagkatapos ay sa nakalahad kong kamay.
"I- I mean—" Sinubukan kong bumawi sabay ng alanganing pagtawa, "—uhm, nice meeting you Blake Vitto Alonzo." I was still offering my hand. He just stared at me like he had no plan to accept my introductions at all.
"How do you know my name?" Tanong niya, parang hindi nagugustuhan ang narinig.
"Nakita ko sa university forum. Number ka nga sa mga outcasts e." Dire- diretsong buka ng bibig ko pero agad ko din itong itinikom ng ma- realize ang nasabi. Oh my gosh! Bakit ba ang daldal ko? Kahit hindi malinaw sa akin ang mga mata niyang natatakpan ng eyeglasses at ilang hibla ng buhok ay alam kong maaari akong mamatay sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.
Pasimple kong binawi ang pagkakalahad ng kamay bago pa man niya mapilipit iyon at kinakabahang natawa. "Uhm—" I tried to think of an excuse, "— ayaw mo no'n? Nasa forum ka ng school. Ibig sabihin sikat ka."
At sa labis na panggigilalas ay napatili ako ng bigla na lang niyang spray- han ng tubig ang mukha ko. My freaking face! Oh my god!
"Why the hell did you do that?" Super irritated kong tanong rito habang diring- diri sa tubig na bumasa sa precious kong mukha. Gusto kong hawakan ang mukha ko pero 'di ko magawa. Malay ko ba kung anong kemikal ang inilagay niya do'n? Imbes na mukha ko lang nalagyan ay pati mga kamay ko mahahawa!
"A fly just landed on your forehead." He nonchalantly said and I was literally fuming inside. Napapikit ako sa sobrang inis at frustration. Gosh! He's a first-rate asshole! Ew! Never pa akong dinadapuan ng langaw no! Sa ganda kong 'to?
Matapos ng lahat ay balewalang tinalikuran niya ako. Halos magpapadyak sa frustration na inilabas ko sa sling bag ang tissue ko at mukhang naramdaman iyon ng bwisit na nerd na lalaki dahil pumihit ito paharap sa akin at inagaw ang pakete ng tissue na hawak ko.
"What?!" Nagpapadyak sa inis kong tanong.
"Tissues are not allowed here." Sabi niya at bumagsak talaga ang mga balikat pati panga ko. Mataman nitong ininspeksyon ang pakete ng tissue at napakunot ang noo ng tumingin sa akin, "There are number of eco- labels designed to help consumers identify paper tissue standards which meet environmental standards and and I don't even see an ISO 14021 here. This is outrageous." Sabi pa niya na tila ba'y yamot na yamot sa hawak na pakete ng tissue. Could he even get weirder? Anong ISO- ISO ang pinagsasabi ng nerd na 'to?
Inilabas niya mula sa bulsa ng maluwag na jeans ang isang panyo at iniabot sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Tatanggapin ko ba? Paano kung amoy bleach 'yon?
"Staring at it won't help you dry your face." Tila nababagot na aniya at inis na hinablot ko sa kanya ang panyo at pikit matang maingat na idinampi iyon sa basa kong mukha.
My poor face. Buti na lang at waterproof ang mascara ko. Pero, hmm, in fairness, mabango ang panyo niya. It actually smelled like spring with a hint of lemon, bergamot and rose. I should know, fan ako ng perfumes. Especially the expensive ones.
"Thank you!" Mataray kong sabi dito. At ang bastos na lalaki walang pakialam na ipinagpapatuloy ang pag- spray ng mga halaman niya. Grabe, mukha ba akong halaman at kailangan nia pa talagang spray- han 'tong mukha ko?
Ilang sandali pa ay hindi na talaga siya umiimik at hindi ko kaya ang ganoong environment, 'yong walang nagsasalita. Kaya nga binasag ko na ang katahimikan bago pa kami mapanisan ng laway.
"Why do you need to spray all of those? Wala bang sprinkler dito?" Tanong ko. Hindi siya sumagot, pinagpatuloy lang ang ginagawa. Ano ba! Paano ko siya kukumbinsihin na gawan ako ng potion kung napaka- jerk niya naman pala? 'Di ba 'pag nerd usually mabait? 'Yong madaling napapakiusapan kasi nga natatakot siyang ma- bully? Pero bakit 'tong nerd na 'to mas may chance pang mang- bully kaysa ma- bully?
"Hey, Mr. Polka Dot!" Pagkuha ko ng atensyon niya. Itinigil niya naman ang ginagawa at madilim ang mukhang nilingon ako. I automatically flashed her my practiced sweet smile.
"I'm not wearing a polka dot." Aniya. I rolled my eyes.
"E 'di Mr. Plaid top."
"You know it's rude to call names." Sabi niya sa akin at agad naman akong na- guilty. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang piniperwisyo mo." Sabi pa niya saka humarap muli sa halaman niya.
"Anong peste? Ako?" Aba! Hndi ko naman yata matatanggap ang sinabi niya.Hindi niya ako pinansin kaya hinawakan ko ang balikat niya at pinilit siyang humarap sa akin at muling iniumang ang spray sa tapat ng magandang mukha ko na para bang i- spray na naman sa akin iyon kaya't agad akong natigilan. Bakas ang iritasyon sa mukha niya. Bumuntong hininga siya at ibinaba ang spray.
"Miss, wala akong time na sakyan 'yang trip mo. Go away and stop messing with me." Halata ang pagtitimpi sa boses niya.
Huminga ako ng malalim. "I need your help, okay? I am here because I need your help."
Para siyang tuod na nakatingin lang sa akin. I heaved another deep breath of my growing frustration. "My cousin's friends told me that you have this weird—I mean cool ability of using leaves as a means for cure." Alam ko, malakas ang pakiramdam kong tinaasan niya ako ng kilay pero itinuloy ka na lang ang sasabihin habang mukhang interesado siya ng slight lang, "Uhm, 'di ba kahapon nabanggit ko na sa'yong my boyfriend and I broke up?"
"Ex boyfriend." Pagtatama naman niya na lihim kong ikinaismid. Patience, Oreo. You need this weird guy. Patience.
I heaved a deep breath to calm my nerves and faked a sweet smile, "W- Well, ex then. As I was saying we broke up and the following day he was already with this durian- looking woman—"
"Walang taong mukhang durian." Putol niya ulit sa sinasabi ko at doon na umalpas ang pagpapanggap kong nice.
"Mukha talaga siyang durian no! I mean, she's not even pretty like me!" Naiinis na nagpapadyak ako. Natigilan ako ng mapansin ang bahagyang pag- angat ng isang sulok ng pinkish niyang labi. Is that a smile or a smirk? Or am I imagining things? Kumurap lang ako ay balik na naman sa dati ang mukha niya—expressionless. Malamang, imagination nga lang 'yon. Na- cute- an pa naman ako ng super slight sa smile niya.
"I like durian. It's not called the king of fruits for nothing." Komento niya na lalong nagpalukot sa mukha ko. I crossed my arms against my chest and huffed. So kailangan ko ring magmukhang durian para magustuhan niya rin ako? Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Bakit ko naman gugustuhing magustuhan ng bully na nerd na to?!
"Malamang, Oreo. Kasi may kailangan ka sa kanya." My other self noted.
"Fine! 'Di ikaw na ang may gusto ng durian!" Sabi ko sa kanya at bago pa man niya ako matalikuran ulit ay mabilis akong lumipat sa direksyong haharapan niya para kaharap ko siya ulit. Inis siyang napapalatak.
"Sabi ng mga friends ng pinsan ko pwede mo daw akong gawan ng anti- love potion." Sabi ko at bumuntong- hininga siya na para ba'y sanay na siya at the same time ay napapagod ng marinig iyon. "Malakas ang kutob kong ginayuma lang siya ng babaeng 'yon? Ang bilis naman maging sila? Tsaka ang ganda- ganda ko para lang ipagpalit sa mukhang— I mean sa hindi ko kasing-ganda!"
"Alam mo, miss, I think I really need to give you a potion." Mukhang kumbinsidong aniya na ikinaliwanag agad ng mukha ko.
"Really?" I beamed in delight as I bounced, my hands folded in front my chest.
"Oo. You need a potion to help you tone down your confidence. Masyado ka kasing gandang ganda sa sarili." Patamad na anito. My jaw dropped and my shoulders sag. Asshole!
"Hindi ka ba nagagandahan sa akin?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. I even flipped my hair and showed him my signature femme fatale pose but he just threw me a bored look.
"Sorry, but you're not my type." He said in a uninterested tone.
"Excuse me din, pero sorry, you're not my type, too!" I shot back.
"Well, that's a relief." He shrugged and went on spraying his plants again leaving me dumbfounded. Grabe na 'to mga besh! Nasasaid na ang white blood cells ko sa kanya! Sinundan ko siya at wala akong balak tumigil hangga't 'di siya pumapayag.
"Are you gonna help me or not?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Inilapag niya sa isang mesa na naroon ang sprayer saka humarap sa akin.
"For someone who asks for a favor, you should at least pretend to be nice."
"I can't pretend to be nice most especially when I'm really pissed." Nagtitimping sabi ko. Ang hudyo, may gana pang makipag- eye- to- eye sa akin e halos hindi ko nga makita mga mata niyang nakatago sa makapal na salamin at mahabang bangs!
"I can't really pretend to act nice for someone so boorish." He said bluntly and I was dumbstruck. Napanganga na lang ako habang humahagilap ng salitang pwedeng ibato sa kanya.
"One advice. Maybe you should try fixing your attitude first before fixing your relationship with your ex." Aniya saka ako nilampasan paalis.
Nang maiwan ako'y tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko. Huminga ako ng malalim at mabilis na sinupil ang luhang namumuo sa mga mata. Usually ay hindi naman ako naaapektuhan sa sinasabi ng iba. Bata pa lamang ako ay may mga naiinis na talaga sa akin dahil sa pagkamaldita ko. Kaya nga wala na lang sa akin ang magkaroon ng haters ngayong college na ako. Pero dahil boyfriend ko pa si Giro noon. I thought that having him is enough and I don't need another people in my life other than him, Heaven, my two best friends and my daddy who's basically always away for business trips. But this guy called me boorish. He even advised me to fix my attitude. I am so pissed off at how those affect me.
Hindi ko na napigilan pa ng kumawala ang ilang butil ng luha sa mata ko. Unawarely ay iniangat ko ang kamay na nakahawak sa panyo upang punasan sana ang aking mga luha ng mapako ang mga mata ko sa nakaburdang pangalan sa panyo.
Vitto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro