1st Charm (edited)
Oreonina "Oreo" Acosta
"Ang sakit, mga beks! Ang sakit- sakit! Sa dami ng magagandang gaya ko bakit siya pa? Bakit sa babae pang pinaglihi sa durian ang mukha?!" Ngawa ko saka suminga sa huling piraso ng tissue paper na natira sa kahon.
"Kung 'di ka pa nagtigil dyan, Oreo, papasakan na kita ng langka sa bibig." Yamot na sabi ng nagmamaganda at malandi kong kaibigan na si Ricci na Ricardo naman talaga sa totoong buhay, "Gosh! Dalawang boxes na ng tissue paper ang nauubos mo, beks! Puro tissue na may uhog mo na ang laman ng basurahan, bruha ka!"
I started crying more when I heard that. After crying for almost an hour, my eyes and throat stung, yet I was unable to stop. Kahapon nawasak ang makulay kong mundo nang makipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko na ng dalawang taon na si Giro. I've dedicated my two years loving him! I worked with him on his Student Council campaign until he was elected vice president. I wouldn't think twice skipping class just to be with him. How could he do this to me when I was such a great girlfriend who was always there for him? Despite the fact that we just split up yesterday, I saw him earlier holding hands with another woman. They are mistaken when they claim that a better replacement hurts. To trade you for something undesirable would be more bitter!
"Wait ka lang 'dyan, beks." Si Peewee iyon, Peewee 'pag sa campus pero Pocholo 'pag sa bahay nila. Kung si Ricci ay madalas pa magdress kaysa sa akin, 'tong si Peewee ay hindi cross dresser kaya madalas pa ring pagkamalang straight lalo na at gwapo. Ikaw ba naman ang magkaroon ng tatay na sundalo at mga kuyang pulis? Tingnan ko lang kung kakayanin mo pang maglandi sa loob ng bahay niyo. "Hihingan kita ng tuyong basahan kay Manong Janitor para may pamunas ka sa uhog mo, dugyot na 'to!"
"Uwaaaaa!" I cried even harder then blow my nose on yet another fresh tissue. I already felt so bad yet these people I call bestfriends were still bullying me!
"Beks, sabihin mo lang kung tapos ka na, huh?" Sinundot pa ni Ricci ang yumuyugyog na balikat ko dahil sa paghagulgol, "Para makakain na tayong carbonara sa cafeteria. At dahil broken hearted ka, kami na bahala— kami ang bahalang umubos sa order mong hindi mo kakainin kasi nga brokenhearted ka— Ouch!"
Sa inis ay hinampas ko ng latest Dior bag ko ang bruha kong kaibigan.
"Naman kasi e!" Nayayamot na sabi ng matinis na boses ni Ricci, "magpasalamat ka na lang na sa lamang lupa ka pinagpalit, bakla! Baka magsuicide ka na kung pinagpalit ka pa sa dyosang katulad ko." Irap nito.
"Hoy bakla," Sita ni Peewee kay Ricci na hindi maipinta ang mukha, "kung lahat ng dyosa kasing ganda mo, magmamahal na lang talaga ako ng panget noh!"
"Uwaaa!" Ngawa ko pa ulit na ikinagulat ng dalawang beks. Nang suminga ako ulit ay sabay silang maarteng napangiwi, "Hindi ko na talaga 'to kaya mga, besh! I'm gonna die!"
My wailing paused when the handkerchief Peewee threw covered my face. "Tumigil ka na nga dyan, beks! Baka 'di kita matantya ipahalik na kita kay Ricci." Yamot na pagbabanta ng nakairap na si Peewee.
"Bruha ka! Ba't ako?" High pitched na sansala ni Ricci sa sinabi ng kaibigan, bakas ang labis na pandidiri sa mukhang puno ng kolorete, "Lalaklak na lang ako ng 1.5 liters na zonrox kaysa magpahalik sa murat noh!" Tila naeeskandalo pang anito.
I felt more depressed. Ganoon na lang ba talaga ako kadaling i- reject? Humuhulas na ba ang mala- dyosang kagandahang taglay ko?!
"Mga beks," Madrama pa akong humikbi, "panget ba ako? Kapalit- palit ba 'ko?"
"'Yang mukha mo hindi, pero 'yang ugali mo, oo!" The evil Ricci spat on my face. Kaibigan ko ba talaga ang isang ito?
"Grabe ka naman, beks!" Ibinato ko rito ang siningahan ko ng panyo ni Peewee na ikina- irit nito. Kung nakamamatay lang ang tingin ay nangingisay na siguro ako ngayon, "Maarte lang ako pero hindi ako bad girl no!"
"Gusto mo isa- isahin ko?" Hamon sa akin nito at ipinagpatuloy ang paggisa sa akin ng hindi ako nagsalita, "Bukod sa spoiled brat ka, maldita ka rin, beks! Bungangera ka, magaling mamintas, maarte sa pagkain, magastos, obsessed, possessive, bossy at higit sa lahat clingy! Beks, hindi mo ba nari- realize na baka ka pinagpalit ni Giro sa chakabels ay dahil wala sa'yo 'yong totoong gusto niya sa isang babae?"
Tila bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi ni Ricci. Natahimik ako ng ilang sandali at napaisip.
"Y-You mean—" I trailed off, my head slightly titling at the side, "mas bet ni Giro ko ang pangit kaya kailangang maging pangit rin ako?" I asked innocently. Ricci's shoulder dropped while Peewee's started to shake 'til he burst into laughter.
"Yan! Isa pa 'yan, beks." Si Ricci na bakas sa mukha ang frustration, "baka 'di na rin niya natagalan 'yang below sea level na IQ mo, te!"
Muli akong humikbi at nanghihinang yumakap sa braso ni Peewee dahil nasa tabi ko lang naman siya. Pero ang walang puso kong kaibigan, pinagpag ako palayo. Oo, inaamin ko, minsan may pagkabungangera ako pero kapag may nagpapa- cute lang naman kay Giro. Malamang magre- react ako, alangan namang panoorin ko na lang na landiin nila 'yong boyfriend ko no? Kaya nga kino- confront ko talaga 'yong mga mahaderang babaeng lumalandi sa kanya. Kaya nga ako nagiging clingy at possessive dahil doon. 'Yong obsessed, mahal na mahal ko lang talaga si Giro kaya napa- paranoid ako minsan. Okay, inaamin ko madalas. Pero 'yong pagiging maarte ko sa pagkain at pagiging magastos, natural na 'yon kasi nga mayaman ako no! Hello, doon na nga lang bumabawi 'yong daddy ko na lagi na lang busy sa trabaho niya e. Malamang susulitin ko na!
My thoughts were interrupted as my eyes narrowed to see who was coming—si Giro ko kasama ng babaeng hinugot sa ilalim ng lupa! Sa panggigigil ay napatayo ako, my maldita in me instantly stirred.
"Hoy, beks! Ano na naman 'yang pinaplano mo?" Tanong ni Peewee sa akin na hindi ko na pinakinggan. I marched towards the two traitors zoning out Peewee and Ricci in the picture. Ang akin ay akin. No one dared to cast off an Oreonina Acosta. Not now, not ever!
Pero bago pa man ako makalapit sa dalawang ahas ay naharangan na ako ng bultong higit na matangkad kaysa sa akin. I stepped on my left but the stranger did the same. I stepped on my right and he just mimicked my movement. My temper instantly rose to its boiling point.
"Hey! Go out of my way!" I said annoyed and raised my eyes with a deadly look at the man who dared blocking me. And my jaw dropped on the ground. Hindi dahil sa sobrang gwapo ng lalaking kaharap ko pero dahil sa sobra siyang baduy with a capital Y as in YUCK! The fashionista in me literally flinched with his fashion sense, kung masasabi pa bang fashion iyon! Bumagsak ang tingin ko sa mga paa nito at sumalubong sa akin ang isang black leather shoes na tinalo pa ang salamin ng compact powder ko sa kintab. When my eyes scrolled up, I winced with how he wore his polka dot long sleeves buttoned up to his neck and how could someone living in the 21st century wear such lose slacks?!
At ng gumawi ang mga mata ko sa mukha nito'y lalo pa akong napangiwi kasabay ng pagtikwas ng isa kong kilay. Confident akong itikwas 'yan kasi perfect ang pagkakalagay ko ng eyebrow liner d'yan like duh! Kilay is life kaya. Okay, back to this stranger's face, perfect naman ang pagkakatangos ng ilong nito, pati ang lips ay hindi naman dry, katunayan ay pinkish pa nga. Maputi at makinis din ang balat nito, hindi kababakasan ng anumang pores. Pero and hindi ko talaga ma- take ang napakalaking salamin nito na napaka- kapal ng lense idagdag pa ang buhok na pinagkaitan pa yatang madaanan ng suklay! It was set apart on the middle with fringes falling down his eyes. Gosh! A typical nerd with a capital E as in EW!
Before I forgot, bakit ba ako hinaharangan ng nerd na 'to?!
"Ano bang problema mo huh?!" Halos magpapadyak sa inis na tanong ko rito. Sa peripheral vision ko ay nakikita ko si Giro at ang pangit na bago niya na papalayo na.
"Miss, mukhang ikaw ang may problema." Anito and I froze, how could a nerd like him own a regal voice? 'Yong tipong pwedeng mag- dub sa bidang lalaki ng Kdrama! Pero kahit na, baduy pa rin siya! At kabilang na siya sa mga hadlang sa love life ko!
"Oo, marami akong problema at dumadagdag ka pa doon!" I huffed making him frown. Fine! Because his hair covered his forehead, I don't know if he frowned, I just know that he did! And speaking of that, he seems to be interested in my problem so I won't hesitate to share it with him. "My boyfriend dumped me for a... "I paused thinking of a more appropriate word to call it but it's only one word that comes my mind, "for a panget!" I continued with a stomp. "Can you imagine that? I'm so pretty na nga pero pinagpalit pa rin ako ng boyfriend ko. I would accept it if she's prettier than me, which will be almost impossible, but shockingly he prefers ugly women now!" I hyperventilated as I fanned myself through my fingers.
"I'm sorry but I'm not really interested with your love life." Sagot ng lalaki na ikinalaki ng mga mata ko. Buti na lang ay naglagay ako kanina ng kaunting eyeshadow at waterproof mascara kaya carry lang, besh! Pero itong nerd na lalaki sa harapan ko ang hindi ko talaga ma- carry! "And actually," He supplied, "you said that he just dumped you so basically he's your ex." Pagtatama pa niya sa sinabi ko kanina na ikinalaglag na ng panga ko. Di bale, naka matte lipstick naman ako kaya pak lang! I have to blink several times as if it would help me gather my thoughts.
"T- Teka nga! Ano ba talagang problema mo?" Iritableng tanong ko rito. Wala na! Nakalayo na sina Giro at ang bago nitong pet— este girlfriend!
"I was watching you for a while now and I saw you using two boxes of tissue." He muttered and I smiled in mocked amusement. E type naman pala ako ng nerd na 'to e. Kanina pa daw ako pinanonood! I mentally flipped my hair but what he said next woke me up from whatever self- praise I was thinking.
"The paper business has been charged with contributing to global deforestation through both legal and illicit logging. Don't you know that tissue sheets are one of the millions of trees that are taken down every year to make paper? It was as if you had dumped all those unfortunate trees in a landfill. Aren't you guilty at all?" He accused, at kung may ibababa pa ang pagkalaglag ng panga ko, I swear nasa paanan ko na iyon ngayon. I incredulously puffed out an exasperated breath.
"E anong gusto mo? Ibalik ko sa box 'yong mga gamit na tissue?"Nanlalaki ang mga matang sabi ko rito, "Like duh with a capital G as in G-R-O-S-S!"
Huminga ng malalim ang lalaki na tila ba ay hinahabaan ang pasensya sa akin, "Miss, the point I'm making is that you ought to have used a handkerchief rather than those tissues to blow your nose."
"Are you giving me a lesson because of a tissue?" 'Di makapaniwalang bulalas ko sa kanya. Environmentalist ba ang isang ito at gigil na gigil sa pagsinga ko sa tissue?!
"Correction. Two boxes of tissues."
"Hey!" Inis na inis na sikmat ko rito. "Alam mo Mr. Polka dot, 'yong peste kong ex dapat ang pinapangaralan mo kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko sana sinayang ang sipon ko sa kasisinga sa mga tissue na ipinaglalaban mo!" I erupted. Peste! Buti pa ang tissue pinaglalaban, samantalang 'tong kagandahan ko walang pagaalinlangang iniwanan!
"Give me his name." Anito na ikinagulat ko.
"What?"
"I said give me your ex- boyfriend's name." Seryosong anito.
"At bakit naman aber?" Nakapamaywang na tanong ko rito.
"I'm going to tell him to not let any woman cry," Seryoso pa ring sabi nito na ikinalunok ko. Was he really serious? "Kung walang lalaking magloloko, wala ng babaeng iiyak. Mababawasan ang pagputol ng mga puno dahil mababawasan ang konsumo ng tissue papers."
Seriously?!
"You know you can help save trees by avoiding the kinds of men that could potentially make you cry."
Dear Lord, just what kind of unlucky day is this?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro