19th Charm (edited)
🐰19TH Charm🐰
"Oreo, sandali lang. Pagod na ako." Pagrereklamo ni Rosenda sa akin. Naiinis na tinapunan ko siya ng tingin. E mas maarte naman pala sa akin ang babaeng 'to e? Akala mo naman kung sinong maganda.
"Anong akala mo? Bus lang 'to? Maraming stop over?" I'm already done with her. Pagal na naupo siya sa nakausling ugat ng puno.
"P- Pero kung di naman sana tayo tumakbo kanina 'di tayo mas mapapalayo sa camp." Humihingal na aniya.
"Then you shouldn't have followed me, stupid!" Naiinis na sagot ko.
Nang may lumabas na maliit na animal kanina mula sa bushes ay tumakbo na ako palayo at sinundan naman ako ni Rosenda. Sa takot ko ay hindi ko na alam kung saan ako nagsusuot, so in the end ay mas lalo pa kaming naligaw. At itong kasama ko ngayon ay may gana pa akong sisihin matapos akong sundan.
Siguro'y may isang oras na rin kaming nasa loob ng kakahuyan. Once Vitto learned that I'm missing, he will surely go looking out for me. Yes. I trust him enough. Alam kong hinahanap na niya ako ngayon kahit pa nag- away na naman kami kanina.
"Paano na tayo babalik nito?" Nagaalalang tanong ni Rosenda habang lumilinga- linga sa paligid na tila ba'y natatakot na din.
Sasagot pa sana ako nang bigla akong matigilan. My breathing started to labor as I felt something itchy crawling up my hands up to my arms. Nagsimula akong kabahan nang bumaba ang tingin ko sa mga kamay. Hindi ko man lubusang nakikita ay alam kong naglalabasan na ang mga rashes doon base na din sa pangangati nito. It only means one thing—my allergies with leaf molds are attacking me!
"O- Oreo, anong nangyayari sa'yo?" Nasa tinig ni Rosenda ang pagaalala. And whether it's genuine or not, only God knows. She was about to get closer but I stepped back as I hid my arms on my back. I don't want her seeing me like this. I always hated my rashes every time my allergies attack me. My eyes started shedding tears when I felt the itch trailing up my neck and I started coughing.
"Oreo?" Nanlalaki ang mga matang nasapo ni Rosenda ang mga labi. Hindi ko namalayang sa paghakbang ko paatras ay natapat ako sa dakong nasisilawan ng sinag ng buwan kaya't sigurado akong nakita niya ang rashes sa mga braso paangat sa leeg ko. And seeing her reaction, I knew that my allergies had gone worse.
I continued coughing feeling the itchy rashes started travelling up to my face. My eyes started shedding tears.
"Oreo!"
Nang lingunin ang pinagmulan ng tinig ay tuluyan na akong napaluha.
"G- Giro?" Rosenda's voice was relieved yet shaky.
Mabilis na nakatakbo palapit sa akin si Giro at 'di na ako nakagalaw pa nang hawakan niya ang kamay ko at inspeksyunin iyon. He knew of my allergies to leaf molds but I always used to hide from him everytime I'm looking like this. I always want him to see the fabulous and beautiful me. But right now, I couldn't do nothing but stare at him as tears trickle down my hideous face. My coughs got even worse and I felt the rash trailing all over my body.
"S- Si Vitto?" Tanong ko kay Giro na napaangat ng tingin sa mukha ko, "H- he bought me medicine the last time my allergies attacked me." My throat tightened as I tried to stop coughing. Gusto kong si Vitto ang maghanap sa akin pero at the same time ay natatakot din akong makita niyang ganito ang itsura ko. This has been my worst allergy attack and I felt my face already swollen.
I want Vitto here. I wouldn't care on how ugly I look right now as long as Vitto's the one who's holding my hand right now.
"Here, take this." Natatarantang inilabas ni Giro mula sa bulsa ang isang medicine packet. Natigilan ako nang ma- realize na kapareho iyon ng gamot na binili para sa akin ni Vitto noon sa mall.
"Giro." Mahinang pagtawag ni Rosenda dito. Tila napapasong lumayo ito sa akin.
Giro's face was covered with worry, "J- Just swallow it, Oreo. Please take it now." There's a sense of urgency in his voice. Nang hindi ako kumikilos ay kinuha nito ang gamot sa akin saka ako inabutan ng isang tableta. Nanginginig na nilunok ko iyon at napapikit na lang sa dumaang pait sa lalamunan ko.
"G- Giro, n- nahihirapan akong huminga." Mahinang pagtawag ulit ni Rosenda kay Giro. Doon na natarantang binalingan nito ang kasintahan.
Gusto kong matawa ng mapait. Kasintahan. Tama, si Rosenda ang kasintahan ni Giro at hindi na ako. Pero kung may pait man akong nararamdaman ay hindi dahil sa nakikita ko kung paano alagaan ni Giro si Rosenda. Iyon ay dahil hindi ko kasama ngayon ang lalaking gustong- gusto kong mag- alaga sana sa akin.
Where are you, Vitto?
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
The moment we got back to the camp, my rashes had stopped spreading thanks to the medicine Giro had given me. Our camp leaders had found us when we're halfway back. May kasama silang paramedic na siyang nag- check sa amin ni Rosenda. After drinking some water, I felt somehow relieved but not enough to erase the fact that Vitto doesn't have even an inch of concern for me.
"Oreo, okay ka na ba?" Napalingon ako kay Giro nang tanungin ako nito. Rosenda was in his arms silently watching me.
"Yes, thanks for the medicine." I managed to spare him a small smile before walking past them. Pero agad din akong napahinto nang makita si Vitto at nasa tabi lang niya si Riza.
"Oreo—"
"Giro, gusto ko ng magpahinga." Rosenda cut Giro off. Giro looked at me before he hesitantly left with his girlfriend.
"Miss Acosta, magpahinga ka na rin. Ie- excuse muna kita sa mga activities bukas para maka- recover ka ng maayos." Sabi sa akin ng camp leader.
"Opo. Salamat." Matipid kong sagot. Tinanguan lang ako nito at umalis na din kasama ng paramedic. Iniiwas ko ang tingin kay Vitto at napagpasyahang lampasan na lamang siya.
Nakakailang hakbang na ako palayo pero gaya ng inaasahan ay hindi man lang niya ako pinigilan o sinundan man lamang. Gustong- gusto ko ng maiyak ulit sa labis na frustration. Dahil sa kasama niya ang Riza na 'yon ay hindi niya ako papansinin?
Nakuyom ko ang mga palad kasabay ng pagtatagis ng mga bagang. Huminga ako ng malalim saka umikot upang magmartsa pabalik sa kanya. Nakapagtatakang hindi man lang siya nagulat nang bigla akong sumulpot sa harapan niya.
Tinitigan ko siya ng masama pero mas masama ang tinging ipinukol sa katabi niyang si Riza. I want her to leave but this woman was intentionally acting clueless. Hindi din nakatakas sa akin ang pagtikwas ng isang kilay niya ngunit nang pukulin ko siya ng nagbabantang tingin ay tila natakot naman ito.
"Uhm, Vitto, iiwan ko muna kayo." Anito na hindi man lang pinansin ni Vitto. Walang nagawa ito kun'di ang iwan kami.
Vitto was looking at me with concern lacing his eyes but resentment had taken over the best of me.
"Am I really that unimportant for you? You didn't even go to look for me!" Naghihinanakit na wika ko.
"Let's talk about it some other time," He dismissed as he reached for my arm, "Let me check your rashes first—"
"Are you even aware that I'm there in the middle of that creepy woods while having the worst allergy ever?" Naluluha kong tanong. Natigilan siya kapagkuwa'y tumango. "Bakit hindi mo man lang ako hinanap?" Masama ang loob na hinaklit ko palayo sa kanya ang braso, "Ang sama mo!" That's when Vitto's expression suddenly turned hard.
"Shouldn't you be glad that he's the one who went looking for you?" There was a bite in his tone and I stiffened. "You volunteered because of him, right? You keep sticking around me because you have your own motives. You can't make me get you that stupid potion you want so you just decided to use me to make your ex jealous. But you know that you won't succeed unless you convince me to change so I could keep up with his physical appearance. You decided on my clothes and basically pushed me to a salon. I've had enough of your game. I'm not your freaking toy, Oreo!"
I breathed harshly, salty tears generously trickling down my cheeks. Pinilit ko lang naman siyang baguhin ang paraan ng pananamit at hairstyle niya dahil ayaw kong pinagtatawanan siya ng ibang tao. I'm sticking around him because I want to protect him from people who just wanted to use him. Kinukulit ko siya lagi dahil gusto ko siyang maging kaibigan.
"Ganyan naman ang tingin mo sa akin 'di ba?" I muttered upset, "All this time iniisip mo pa ring patay na patay ako at naghahabol kay Giro pero 'di mo nari- realize na kulang na lang itali ko ang sarili ko sa'yo! Akala ko ba matalino ka? Bakit lahat ng equations at mathematical problems naa- analyze mo pero bakit 'tong feelings ko sa'yo hindi? You're a huge idiot, Vitto! Why can't you see that I like you so much!?"
The revelation shocked him. . . and me both. I felt my throat gone dry as I gazed back at him with my eyes widened in shock of my own confession. Wala sa sariling napaatras ako. Wala pa rin akong mabasang anumang ekspresyon sa mukha niya at lalong ikinasikip iyon ng dibdib ko.
And what happens now after that unexpected slip? Iiwasan na ba niya ako? O baka naman ako na ang kailangang umiwas? Tila nag sink- in bigla sa akin lahat ng nasabi ko at ramdam ko ang pagkalat ng init sa buo kong mukha. At dahil sa unang pagkakataon ay nakadama ako ng kaduwagan, pinili ko siyang takbuhan.
Sigurado naman kasi ako kung anong isasagot niya. At hindi pa ako handang marinig iyon.
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
"Oreo, okay ka na?"
Gulat na napaangat ang tingin ko sa dumating. It was Yam, my co- sorority member. Lihim akong napabuntong- hininga. It was a relief that it wasn't Vitto. Hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan matapos ng nangyari kanina. Iniisip ko pa lang ay nagiinit na naman ang buong mukha ko sa hiya.
"Pwedeng pumasok?" She asked. I was inside my tent so I have to scoot over to give her some space. In good terms naman kami ni Yam kaya ayos lang na papasukin ko siya sa tent ko. She handed me a bottled drink and I managed to give her a small smile as I reached for it.
"Are you sure you're okay? You're flustered." Puna pa ni Yam sa akin. Wala sa sariling nasapo ko ang mga pisngi. Gosh! Gusto ko ng umuwi. Pero kung aalis ako, masosolo naman ng Riza na iyon si Vitto. Mas hindi katanggap- tanggap iyon! Pipiliin ko na lang na lunukin ang hiya ko kaysa hayaang masolo nito ang carrots ko.
"Uhm, Oreo, don't get me wrong huh? I'm not snooping around or something pero. . ." Yam trailed off and it made me curious.
"Anong real score niyo ni former Mang Kepweng na currently campus hottie rookie na ngayon?" Pagpapatuloy niya na ikinaawang ng labi ko.
"C- Campus hottie- rookie?" I frowned, even more confused now.
"You're not aware?" Tila nagtataka ding tanong ni Yam sa akin, "Well, hindi pa naman niya ka- level ang mga Elites in terms of popularity but he is popular. Naalis na din siya sa list ng mga Outcasts sa university forum. Lately kasama siya sa mga top five trending sa mga pinausong threads ng mga pa- famous na IT students. At lagi siyang number one as Heartthrob rookies in the campus."
I knew that he was gaining huge attention from the female population in school but I wasn't aware that almost the whole university has their attention on him already. I felt a twist of jealousy and selfishness. I want him only for myself. But now that lots of girls are after him, would he still like me by his side?
"Oreo, kayo na ba ni Blake Vitto Alonzo?" Yam's question woke me up from my trances.
"H- Hindi." Umiwas ako ng tingin sa kanya. How I wish na kami nga talaga. Pero hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang 'yong potion pa rin ang habol ko sa kanya. Well, kasalanan ko naman dahil 'yon naman ang dahilan kung bakit ko siya nilapitan noon. Pero paano ko ba babaguhin ang tingin niya sa akin? Lalo pa ngayong hindi ko alam ang magiging resulta ng sudden confession ko sa kanya.
"But the whole camp thought that there's something going on between the two of you." Nakahawak pa sa babang saad ni Yam na para bang nagiisip ng malalim. Kapagkuwa'y ibinaba niya ang kamay saka matiim akong tinitigan. "At tsaka nagtataka din ako kung bakit ka biglang nag- volunteer samantalang last year ay hindi ka naman nagpalista kahit pa isa sa mga volunteers 'yong boyfriend mo pa noon si Giro. Kaya nang makita ko kung gaano kayo kadikit ni Blake Vitto Alonzo nagkaroon na talaga ako ng speculation." Sabi pa nito, umaandar na naman ang pagiging journalist.
"Ano namang speculation 'yan?" I tried to sound uninterested but know that I' failing when she smiled knowingly at me.
"Na may relasyon kayong dalawa kasi hindi naman kayo mapaghiwalay!"
"Wala nga." Nakasimangot na sagot ko.
"Pero alam mo ba kanina, hindi mapakali 'yong future boyfriend mo. Pinuntahan ka niya kanina dito sa camp tapos nang malamang nawawala ka hayun dumiretso ba naman sa may loob ng gubat na para bang siguradong- sigurado siyang nandoon ka nga. Kaya nga nagtataka ako noong dumating ka nang 'yong ex mo ang kasama mo. Anyare 'te?"
"Y- You mean, hinanap niya ako?" Naguguluhan kong tanong.
"Oo nga, sis. Kaya nga hindi ako convinced na zero ang score niyo kasi nga hindi magaalala ng gano'n ang supladong lalaking 'yon ng wala lang noh."
Sa narinig ay tila may dumaloy na kuryente sa buo kong katawan. Mabilis kong isinuot ang sapin sa paa at nagmamadaling lumabas ng tent upang puntahan ang camp site ng mga lalaki. Hindi ko na pinansin pa ang nagtatakang pagtawag ni Yam sa akin.
So, I judged Vitto wrongly. He's worried about me afterall. Sinabihan ko pa siya ang ang sama niya pero ang totoo'y hinanap din pala niya ako. I should've just trusted him. Everytime I get myself into trouble, he was always there to bail me out. Ugh! Tuloy ay nauwi pa ang pagiging over- acting ko sa isang untimely confession!
Ilang metro lang naman ang layo ng boys' camp mula sa camp namin kaya hindi nakarating din ako kaagad. May mga lamp posts sa paligid kaya maliwanag ang buong camp idagdag pang kabilugan ng buwan ngayon. Napahinto ako sa tapat ng ikatlong tent nang maalalang hindi ko pala alam kung saan ang tent ni Vitto.
Jeez! Alangan namang isa- isa kong pasukin ang bawat tent dito? Duh! Over my beautiful strawberry sombre hair!
Bigla na lang may sumulpot na dalawang lalaki mula sa likuran ng isang tent at gano'n na lamang ang panggigilalas ko nang makitang nakasuot lang sila ng boxer shorts at may nakabitin pang tuwalya sa mga leeg.Gosh! Why am I seeing rated x?! I screamed at the top of my lungs and in surprise, the two men started screaming while looking at me, too.
Nahinto ako sa naeeskandalong pagtili nang biglang may palad na tumakip sa mga mata ko. Sa mabangong amoy pa lang ay sigurado akong si Vitto iyon. My heart raced even more, not with the almost naked bodies I saw but with the familiar warmth Vitto's body was radiating.
"You're not allowed to go here." Malamig ang tinig na sabi niya. Hinawakan ko ang palad niya na nakatakip sa mga mata ko saka mabilis na pumihit paharap sa kanya upang isubsob ang mukha sa dibdib niya.
"Oy, Vitto! Nakita na ng girlfriend mo 'tong virgin na katawan ko!" Narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Jeez, go and scram!" Taboy niya sa mga ito. Narinig ko naman ang pagtawa pa ng mga ito at maya-maya pa'y wala na akong ibang naririnig kun'di ang tibok ng puso niya.
"Safe na ba?" Mahina kong tanong sa kanya.
Napabuntonghininga siya, "You came here knowing that this is the lion's lair and you'd ask me if it's safe?" Amused na tanong niya.
Napasimangot ako, "I want to talk to you e."
"Not here." Aniya.
"Why?" Nagtatakang tiningala ko siya.
"Not with all those eyes looking at us." He muttered and curiously looked at the direction he's looking. There were some men with teasing grins watching us.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa lugar kung saan ko siya nakita bago ako mawala sa gubat. Huminto kami ilang hakbang ang layo mula sa lilim ng puno kung saan lumipad 'yong ibon kanina. 'Yong dahilan kung bakit niya ako pinaalis. Damn bird.
Binitawan niya ang kamay ko saka iyon isinuksok sa magkabilang bulsa ng suot na cotton jogger pants. Napatingin ako sa mga iyon.
"What?" Tila naiilang na aniya nang mapansing nakatingin ako sa mga bulsa niya.
Kinagat ko ang ibabang labi saka mabilis na lumapit sa kanya. Sa gulat ay wala na siyang nagawa ng alisin ko ang kamay niya sa bulsa at ang kamay ko naman ang ipinasok doon. Nanlalaki at naeeskandalong pilit niyang inaalis ang kamay pero huli na ang lahat. Nang makuha ang nais kunin ay mabilis kong inalis ang kamay doon saka ipinakita sa kanya ang nakuhang isang pakete ng gamot. It was the same medicine Giro gave me.
"Why did you lie to me?" I accused. "The medicine came from you!"
Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin habang tikom pa rin ang labi.
"Why did you make me believe that you didn't look for me?" Naghihinanakit kong tanong. "Kung ano- ano pa tuloy ang nasabi ko sa'yo." I sobbed.
He clicked his tongue, "Why are you crying again?"
"Kasi nga, I misjudged you!" I whined as I rubbed my eyes with my palms.
Vitto irritably reached for it, "Stop doing that." Aniya kapagkuwa'y tuluyan akong hinila palapit upang tingnan ang braso ko. May kaunti pang rashes doon. "You need to take another tablet after two hours." He said while gently rubbing my rashes with his thumb.
I bit my lower lip, "V- Vitto. . ." He looked at me and his melting brown orbs caught mine. I swallowed, my insides churning with growing tension. "T- The thing I—I said a while back. . ."
I suddenly felt hollowness when he let go of my arms and put his hands safely on his pockets. I tried to gather courage by breathing deeply.
"V- Vitto. . . g- gustong- gusto talaga kita." Gaya ng dati ay tila nabato na naman siya habang nakatingin sa akin. Nang subukan ko siyang lapitan ay awtomatiko naman ang pag- atras niya. I felt a sudden twinge in my chest.
Itinago ko ang mga nanginginig na kamay sa likuran saka dahan- dahang humakbang paatras upang ibigay ang distansiyang nais niya. I cleared my throat and nervously laughed when in reality I want to cry my broken heart out. I've only been broken hearted almost two months ago, and now, my heart seems to be more broken than ever.
"M- Mukhang hindi ka pa prepared," Nanginginig ang labing sabi ko habang dahan- dahang humahakbang paatras. "'Di bale, willing naman akong maghintay." Dugtong ko pa saka nagmamadaling umikot upang tumakbo sana paalis pero laking gulat ko nang hilain niya ako sa braso at hinila pasubsob sa dibdib niya.
"V-Vitto?" I whispered, confused why I'm suddenly in his arms.
"Stay. Kailangan mo pang uminom ng gamot." He said calmly but his heartbeats were so fast I'm afraid he's having arrythmia.
"Carrots, g- gustong- gusto talaga kita..." Usal ko. Iniangat ko ang mga kamay upang kumapit sa damit niya sa takot na itaboy niya akong muli.
"Ilang beses mo bang planong sabihin 'yan ngayong gabi?" Tanong niya.
Napasimangot ako, "Hanggang sa maniwala ka."
"From the very beginning it was only the potion that you liked from me." Aniya at nararamdaman ko ang paghagod ng palad niya sa buhok ko.
"This time 'yong totoong gayuma na hihingin ko sa'yo." Sabi ko at naramdaman kong bumaba ang tingin niya sa akin. Nakangiting tiningala ko siya."Para may magamit akong pang-gayuma sa'yo tapos magugustuhan mo na rin ako." I smiled cheekily at him. Pinitik niya ang noo ko saka at bumitaw ng yakap sa akin.
"Ouch!" Humaba ang ngusong nasapo ko ang noo.
"Puro ka kalokohan." Pagpalatak niya.
"But I like you talaga, carrots!" I insisted.
"It's really easy saying things like that for you, eh?" Tila nagdududa pa ring tanong niya sa akin.
"The only thing I consider hard aside from Math is lying. Do you think I'm lying?" I blinked.
"I think you're annoying." He said dryly making me pout.
"'Di ba sabi ko naman sa'yo I'm willing to wait? Pero you're not allowed to like other girls na kasi I'm gonna teach you to like me pa!" I demanded.
Hid frown was eased when I noticed the corner of his lips tugging up. He looked so glorious under the radiant moonlight. Hindi pa man ako nakaaahon sa pagkalunod na dala ng tipid na pagtikwas ng labi niya ay higit pa akong lumubog nang hilain niya ako at muling ikulong sa kanyang mga bisig.
"Then stay." He murmured making my heartbeats skipped one after the other.
"C- Carrots, g- gusto mo na din ba ako?" Tanong ko at bigla na lang siyang natigilan. Napangiti ako. "Okay, silence means yes!" I claimed. Bahagya akong lumayo sa kanya saka siya tiningala, "So, we're like MU na? Kasi I like you and you like me, too—"
Napahinto ako at nanigas sa kinatatayuan ng bigla niyang halikan ang labi ko. It was a fast touch of our lips but it was more than that for me. Our first kiss! And my first kiss on the lips!
"Y- You kissed me..." Hindi makapaniwalang usal ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
He blinked, clearly surprised.
"Y- You kiseds me, it means that we're more than MU now. That makes me your girlfriend!" I gleamed excitedly.
"What?" Nakakunot ang noong tanong niya. But I just smiled widely and hugged him.
"Carrots, from now on boyfriend na kita kaya off limits na si Riza sa'yo huh?" Naglalambing na sabi ko.
"What are you saying?"
Humiwalay ako sa kanya saka siya tinitigan ng masama.
"Do you like me as your girlfriend or not?" Tanong ko pero bago pa siya makasagot ng hindi ay inunahan ko na siya. "Girlfriend mo na 'ko 'di ba?" Pangungulit ko pa habang hinihila- hila ang braso niya. "'Di ba, carrots?"
"Bunny, masakit na." Pagrereklamo niya, and I get giddier after hearing what he said. I felt so happy I want to have a feast!
"You called me bunny!" Natutuwang sabi ko at nagtatalon pang parang bata, "So, I'm your official bunny now?"
Pumalatak siya, "Jeez, whatever you say so let go. You're ripping my arm off." Yamot na aniya ngunit hindi ko siya pinakinggan sa halip ay yumakap pa sa braso niya. Malawak ang ngiting tumingala ako habang naglalambitin sa braso niya.
"I like you, carrots!"
Instead of saying he likes me, too, he replied through a playful poke on my nose and it was the sweetest 'I like you, too' ever!
🌻
🔹🔸🔹
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro