18th Charm (edited)
🐰18TH Charm🐰
It's the first night of the camp but since everyone was tired from the trip, our camp leaders had let go of us after dinner to take our showers and rest early to prepare for the activities tomorrow. There were cottages some meters away from the campsite where there were the bathrooms are. And since it's really a 'camp' in all sense of the word, no one is allowed to rent a cottage.
"Nice pajamas." Riza admired in a what- seemed like friendly tone. Tumikwas ang kilay ko sa kanya. Katatapos ko lang magshower at pinatutuyo ko ang mahabang buhok ng towel since hindi naman kami pwedeng magdala ng hairblower dahil nga bawal magconsume ng electricity 'daw' sa mga hindi importanteng bagay. Duh! Para sa akin ay napakaimportante ng buhok ko noh. Nakakalokang camp 'to.
Anyway, dahil wala ako sa house namin ay isinuot ko ang bunny pair na sleep wear ko—a cotton pajama and a cotton t- shirt with bunny and carrot prints. Seriously, matutulog ba ang Riza na 'to o paparada pa sa mall? She's wearing a sleeveless cotton shirt and a cotton shorts. Akala ko ba prim and proper ang girl na 'to?
"Well, I know. Pero hindi naman tayo close so don't mention about it." I said coldly and walked past her. Kababalik lang ni Yam at ng isang kaibigan niyang nakasabay ko sa pagpunta dito kaya't kami na lang ni Riza ang natira.
"Why do you hate me so much?" She asked making me stop on my feet. I turned to look at her, one corner of my lips tugging into a sharp smirk.
"I'm glad that you know that." I answered dryly.
"Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Gaya ng dati ay mahinhin niya pa ring tanong na lalo kong ikinainis.
"'Yan. 'Yang pagiging pretentious mo." Sagot ko na ikinanganga niya. I acidly puffed out a breath, "How do you even act like someone so prim and proper in front Vitto when all the while, you have some hidden agenda like Mitch and the rest?"
"Matagal ko ng gusto si Vitto." Pag- amin niya na siya namang nagpatigil sa akin, "I have no hidden agenda or whatsoever, Oreo. I already liked Vitto since we're in first year but I'm so afraid to admit it to myself... I'm so afraid to admit it to him."
Mapait akong napangiti, "And now that you're seeing him slowly coming out his shell, you think that this time would be the most convenient for you to confess? Dahil hindi na siya 'yong outcast na binu- bully sa campus? Because you can proudly parade him in front your friends now?" I challenged.
Sa totoo lang ay natatakot ako. May nagkakagusto na kay Vitto nang panahong itinatago niya ang totoong itsura. It only means that there's someone other than me who see and knew of the goodness he has in him. Vitto is someone so special that you can only learn of the good in him once you get close to him. Does it mean that Riza was someone already close to Vitto before me?
There is this pang of jealousy seeping through me, of a desire to keep Vitto from the world, to just keep her for myself.
"Kaya nga natuwa talaga ako nang makita kong nakikipag- usap na din siya sa ibang tao," Riza continued, "Na nakikipag- usap na din siya sa'yo. Na may iba ng pwede siyang masamahan everytime na natatakot akong kausapin siya dahil duwag ako at iniiwasang malaman ng ibang taong gusto ko siya."
I bitterly smiled. "Pano mo nasasabing gusto mo siya kung takot ka namang mahusgahan noon dahil sa kanya? You're crazy!"
"Kaya nga nagsisisi na ako ngayon." Puno ng lungkot ang boses nito, "that's why I'm begging you, Oreo. Please help me get close to him again. Alam ko namang gusto niya rin ako e—"
"Wait!" Naiinis na pigil ko sa kanya, "Don't you think you assume so much? Vitto doesn't like you, you two- faced!" Nanggagalaiti kong bulalas. Iniisip ko pa lang na totoo ang sinasabi nito ay 'di ko na alam ang dapat maramdaman. Naiinis ako!
"How do you know that he doesn't like me?" Riza countered, "Halos three years ko na siyang nakakasama. I learned of his habits and mannerisms—"
"But not what he feels!" I cut her off. Selos na selos na ako sa mga pinagsasabi ng pesteng babaeng 'to! "Hindi dahil nakikipagusap na siya ng matino sa'yo ay gusto ka niya. Nakikipag- usap din siya ng matino sa akin!"
"So, you're saying na ikaw ang gusto niya?" Hindi makapaniwalang sabi nito, nakatikwas ang isang kilay. Kita niyo, lumalabas na ang totoong ugali.
"Ano naman sa'yo kung oo?" Hamon ko. "'Di hamak namang mas maganda ako sa'yo noh!"
Riza smirked as he shook her head, "'Di mo pa nga kilala si Vitto gaya ng pagkakakilala ko sa kanya. You think he would fall for someone so vain like you?"
"Wow, huh! I don't want to hear it from a pretentious woman like you. Stop pretending now, Riza. I can clearly see right through you!"
"At least that's not how Vitto sees me." Mapagmalaki pang sabi nito. Kung kanina ay akala mo kung sinong Maria Clara na nakikiusap, ngayon ay tinalo na si Doña Victorina sa pagiging kontrabida. This woman is literally crazy!
"Ikaw, kalat na sa lahat na isa kang loser na ex- girlfriend na habol ng habol sa isang lalaki." Maanghang pang dugtong nito. "And do you think Vitto would fall to a stupid loud woman like you? You couldn't even keep the SSC vice president. What made you think that you can be a girlfriend of a man way smarter than you ex?"
My mouth went slacked in surprise. How can this two- faced woman hide her fangs all these times? And why can't I think of any comeback?!
"Well, may the best woman win, Oreonina Acosta. Good luck. You need lots of those." She drawled with a sinister smirk. Binunggo pa ako nito bago umalis. Ugh, she's a devil!
Nagmamadali akong umalis doon. Baka puntahan ng demonyitang iyon si Vitto! Kailangan ko siyang maunahan! At dahil bawal ang cellphone ay walang ibang paraan para madali kong malaman kung nasaan siya bukod sa pagiikot sa buong camp.
Parang nagliwanag ang buong paligid nang makita ko si Vitto na nakatayo sa harap ng mayabong na halamang hindi ko alam ang pangalan.
"Carrots!" Tawag ko sa kanya at tinapunan niya ako ng masamang tingin nang lumipad ang isang ibon mula doon at lumipat sa katabing puno.
"You're so loud." Yamot na aniya saka tumingala sa may puno kung saan lumipad ang ibon. Napahinto ako, natakot sa ibon. But I'm more scared that he thinks of me the same way Riza does. Loud.
"Carrots,halika na. Baka i– bite ka ng bird!" I made the poor birds an excuse to try to put distance from him and Riza. She could be here anytime and I won't risk that. Not now that it seemed she's willing to go all the way seducing my carrots!
"It's just a small pigeon. Why in the world would it bite me? Isa pa ay wala naman silang ipin." Pangaral pa niya.
"Carrots, halika na. Baka maabutan tayo ni Riza dito at siya pa mag- bite sa'yo!"
"What?" Kunot ang noong tanong niya, halatang nawiwirduhan sa mga pinagsasabi ko.
"May pangil ang babaeng 'yon, carrots. Kaya mula ngayon i- avoid mo na siya." Sabi ko pa. Gosh, all this tension is making me thirsty.
Narinig ko ang yamot na pagpalatak niya. "Bumalik ka na sa tent mo."
"Ihatid mo ako do'n." Pangungulit ko. At dahil takot nga ako sa ibon ay 'di ako lubusang makalapit sa kanya.
"Kapag naligaw ka mahahanap ka nila agad sa ingay mong 'yan." He said wryly making me irritated.
"Hindi ka magwo- worry maski maligaw ako sa gubat?" Naghihinanakit na tanong ko.
"Bakit ka naman maliligaw e takot ka ngang pumasok d'yan?" Aniya na sa itaas pa rin ng puno ang atensyon. Saka lang siya bumaling sa akin nang marahil ay ngawit na sa pagtingala, "I said leave. Tinakot mo na 'yong ibon." Masungit na aniya.
"So, mas mahalaga pa 'yong ibon kaysa sa akin?"
Hindi siya sumagot.
"E sinong mas mahalaga, si Riza o ako?"
He darted me a bored look, "'Yong ibon." He replied without a second thought.
"Fine!" Naiinis na saad ko, "I hate you!"
"I know." He replied uninterestingly.
I pouted, "Expression lang nga 'yon!"
"Go away!" Inis na taboy niya sa akin. Nanggagalaiting nakuyom ko ang mga palad. Naiinis na tinalikuran siya at nagtatakbo. Sa labis na tampo ko ay 'di ko na tuloy alam kung saan ako nagsususuot.
Sumosobra na 'yang Vitto na 'yan. Nakakainis na talaga siya. Kukunin ko na ang cellphone ko sa camp leader. I'm going to call Heaven and ask him to fetch me here tomorrow. Akala niya ba kakausapin ko pa siya? Ico- cold treatment ko talaga siya ng one week! Pero teka— kaya ko ba 'yon? Sige, three days na nga lang. Basta 'di ko siya kakausapin ng three days!
Masyado siyang pa- obvious na ayaw niya sa akin. Sinong gusto niya, 'yong Riza na 'yon? Pagbuhulin ko kaya silang dalawa? Nakakainis sila!
Napahinto lang ako sa padabog na paglalakad nang mapansing hindi papunta sa camp ang daang tinatahak ko. Mas marami ng hindi pamilyar na puno sa paligid at mas madilim na dahil natatakpan ng mayayabong na dahon ng mga puno ang buwan. Napaatras ako at napatili nang may kumaluskos sa 'di kalayuan.
"Oreo."
Lalo pa akong napatili sa takot nang may tumawag sa pangalan ko. Nahihintatakutang naupo ako saka yumuptop sa aking mga tuhod.
"Oreo." Tawag pa ulit ng papalapit na tinig.
"Carrots! Ven- ven!" I shrieked in fright, my sobs already forming in my throat. I've never been in a very scary moment like this in my life. Not even when my favorite nail technician resigned from my favorite nail salon!
"Oreo, si Rosenda 'to."
Saglit akong natigilan saka marahas na napatayo. "Bakit ka ba nananakot!" Inis na sita ko rito.
"S- Sorry, hindi ko naman sinasadya." 'Yan na naman siya sa nanginginig at kunwaring nahihiya niyang boses. Nakakairita lalo. Parehong- pareho sila ng demonyitang Riza na 'yon. Kunwari mahinhin sa umpisa tapos kapag 'di nakuha ang gusto lalabas na ang sungay.
"Ano bang kailangan mo?" Naiinis pa ring sabi ko habang pinapagpag ang damit.
"G- Gusto lang sana kitang m- makausap." Anito. I incredulously looked at her. She's wearing a jogger pants and lose t- shirt. Can't she be fashionable even in her sleep?
"Kinakausap mo na nga ako 'di ba." I rolled my eyes.
Rosenda stilled, like she was gathering some courage to ask something to me. I just looked boredly at her. I should've reached for her hair by now, slap her or tell her words she deserved but I felt nothing but a impatience while waiting for her to speak.
"I—I'm sorry..." She started, "I'm sorry kung nasira ang relasyon niyo ni Giro ng dahil sa akin."
I distastefully heaved out a breath. What does she even mean by that? Was she proud that she's the reason why Giro cheated on me?
"Alam mo, Rosenda. Kung noon I really hate you because of Giro, right now I'm hating you because you're the Rosenda Rosales who got the guts to apologize to me after what you did."
"Alam kong mahal mo pa si Giro." Mahinang aniya ng nakatingin sa baba, tila hindi kayang salubungin ang mga tingin ko.
"Oo. Mahal ko pa siya." I straightly confessed without thinking and her expressions changed like she's relieved to hear a conformation from me but at the same time threatened. Well, siguro mahal ko pa si Giro. Honestly, I'm not even sure anymore. "He was there almost all my life, Rosenda. Everyday he's by my side so it's natural to get used to his presence. Pero kung sa tingin mo, 'tong pagmamahal na 'to ay sapat pa para tangkain ko pa siyang bawiin sa'yo, well, I'm really glad to tell you that I'm already over that thought. Happy?" Sarkastiko ko pang tanong.
"P- pero...h- hindi ba narito ka dahil sa kanya?" Tila nalilitong tanong pa nito. 'Di ko man makita ay halatang naluluha na base na rin sa paggaralgal ng tinig.
I rolled my eyes. "Kung sino man ang dahilan kung bakit ako nandito, hindi naman tayo close para malaman mo pa. Now, I'm done telling you some piece of my mind so scram and don't show your face to me anymore." Naiiritang taboy ko sa kanya.
"P- Pero sabi mo, m- mahal mo pa siya." She worriedly added. I heaved out a tired breath.
"Why are you so worried ba? Natatakot kang bumalik sa'yo 'yong ginawa mong pang- aahas ng boyfriend ng iba?" I dissed.
"I'm sorry." Nagsimula na siyang humikbi. Nakakainis lang kasi siya pa talaga ang may ganang umiyak. "H- Hindi ko naman sinadya. Mahal ko lang talaga si Giro. S- Siya lang ang tumanggap sa akin. H- Hindi ko siya kayang mawala, Oreo." Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at hawakan ang kamay ko. Naatras ako ngunit humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "Please, Oreo. 'Wag mo ng balikan si Giro. M- mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. A- Akin na lang si Giro, please. Akin na lang siya." Sabi pa niya sa pagitan ng paghagulgol.
"What the hell are you saying!" Alarmed na hinatak ko palayo ang kamay. Sa kalampahan niya'y nawalan siya ng panimbang at napaupo sa lupa. Doon niya ipinagpatuloy ang paghagulgol.
My god! Sa ginagawa niyang pag- atungal ay magigising niya ang lahat ng ibon sa gubat na 'to! Buti sana kung siya lang ang kainin ng mga ibon na 'yon! Paano kung matulad kami sa mga namatay na characters sa Kong: Skull Island?
But as she goes on crying, it's like I see myself in her. Nakakairita rin ba ako gaya nito kung umiiyak ako? Kaya ba laging napipikon si Vitto sa akin? Maya- maya pa'y nag- iba ang paghinga ni Rosenda, parang nahihirapan na hindi ko maintindihan. Nang sapuhin niya ang dibdib at habulin ang paghinga ay nagsimula na rin akong magalala.
Lumuhod ako sa harapan niya, "Hey, Rosenda, stop crying na kasi! Hindi na nga kita inaaway e." Sinubukan koi tong i-comfort. I was hesitating whether to rub her back or not. Hindi naman kami close kaya bakit ko gagawin 'yon? Pero paano kung may mangyaring masama sa kanya dito? 'Di ako na naman ang may kasalanan? Aawayin na naman ako ni Giro. Wala sa pangarap kong maging kontrabida na lang lagi!
I hesitantly rubbed soothing circles on her back. She was hiccupping like she's running out of breath.
"Kapag may nangyaring masama sa'yo, ako na naman ang sisisihin ni Giro. My gosh, Rosenda! Kung hindi ka pa titigil iiwan kita dito." Pagbabantako pa pero sa totoo lang ay natataranta na din ako dahil hindi siya matigil sa pag- iyak. Huminga ako ng malalim, "Giro is an adult who has his own dispositions. Maybe, when she chose you, it was really what he wanted."
Sa narinig ay huminto sa pag- iyak ang babae. Gosh! Naghihintay lang ba siya ng assurance na hindi ko talaga aagawin si Giro sa kanya? Talk about desperate. Ayoko mang aminin pero ganyan din ba ako kay Giro noon? The thoughts are making me cringe now.
"Fine!" Sumusukong pagbuntong hininga ko. Tumayo ako at humalikipkip. "At first, I was really planning to get Giro back. But I'm so tired with all the chasing, Rosenda. I still have my life outside his world. A beautiful woman like me sure knows how to move on like duh! Kahit isaksak mo sa baga mo si Giro!"
"T- Thank you." Gumagaralgal na aniya.
My jaw dropped, eyes widening in utter amusement. Nababaliw na ang babaeng ito.
"Alam mo, you better get up and show me the way back to the camp." Nawiwirduhang wika ko rito. I'm sure na alam nito ang pabalik dahil nasundan niya nga nito ako dito. Mahinhing tumayo si Rosenda at naiinis na pinaikot ko ang mga mata. Ano bang nagawa ko at nilalapitan ako ng mga mapagpanggap na mga babae ngayon?
"S- Sa totoo lang, hindi ko din alam ang daan pabalik e." Tila nahihiya pang sabi niya na ikinalaglag muli ng panga ko.
"What? Paano tayo makakabalik sa camp? We don't even have a cellphone or even a flashlight with us? Paano kung kainin tayo ng birds dito?!" Nawiwindang kong bulalas.
"Kainin ng birds?" Tila nahihiwagahang ulit ni Rosenda nang biglang may kumaluskos sa likuran namin. Sabay pa kaming napalingon at nahihintatakutang napaatras.
"Sa lakas ng iyak mo kanina nagising mo na 'yong mga birds!" Sisi ko kay Rosenda.
"P- pero wala namang mga ibong kumakain ng tao... u- unless may vultures dito." Mahinang aniya.
"Paano kung vultures nga iyon?" Nanlalaki ang mga matang baling ko sa kanya. "Ikaw ang una kong ipapakain!"
"P- Pero... w-wala namang vultures—"
Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang lamunin na ng sigaw ko ang kinaroroonan namin. Something showed up from the bushes and I knew right there and then that it was the end of my beautiful life.
🌻
🔹🔸🔹
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro