Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17th Charm (edited)

🐰17TH Charm🐰





I was forcing myself not to cringe as I look at the moist ground to where I'll plant a mahogany sapling. I silently looked at the busy students around me who are now digging the soil preparing to embed theirs. And when I saw Riza putting hers in the crevice she dug, my spirit hyped up.

Kung mauuna itong matapos magtanim, sure akong pupunahan na naman nito agad si Vitto para magpa- cute. Hindi ako makapapayag! Hindi ako sumama all the way dito sa Nueva Vizcaya para lang hayaang ma- solo ng pabebeng Riza na 'yan ang carrots ko.

The moment I learned that Vitto volunteered in a 2- nights, 3- days trip for an annual tree planting project and retreat here in Nueva Vizcaya, I never hesitated to sign in my name although I don't trust myself about having a green thumb. At mas hindi ko 'yon pinagsisihan nang malamang nagpalista din ng pangalan si Riza. Kaya nga kahit labis na ipinagtaka ni Heaven na sumama ako sa isang environmental project for the very first time at balak pa talaga akong ipadala sa espesyalista dahil baka daw naalog ang brain ko. I just rolled my eyes with his absurdities and shrugged off my psychotic cousin.

I caught sight of Giro who was sweetly helping Rosenda in planting. Todo alalay ito na akala mo'y ikamamatay ng babae kapag pinabayaan. A, may sakit nga pala ito sa puso. Bakit ko ba nakalimutan? Syempre, dahil ito ang may sakit ay ito ang damsel in distress. Kaya akong maldita ang laging kontrabida.

I should have felt jealous or irritated but weird cause I felt nothing. There may be a small pang of bitterness but it wasn't enough to make me want to confront them and slap to that Rosenda's ugly face the truth that I'm far more, way more beautiful than her. Probably, I got tired. Or maybe, I had already let go.

Mula sa malalim na pagiisip ay labis kong ikinagulat nang biglang may magsuot ng sombrero sa ulo ko. Paglingon ko ay nakita ko ang papalayong likuran ni Vitto. The corner of my lips automatically tugged up in a smile. Mabilis ko siyang hinabol para kumapit sa kaliwang braso niya.

"Carrots!" Paglalambing ko habang halos maglambitin na sa braso niya. Nakakunot ang noong ibinaba niya ang tingin sa akin. "Help me plant the sapling, please."

"May gagawin pa ako." Bahagya niya pang iniangat ang dalang mahogany sapling. Ngumuso ako pero hindi na nagreklamo. Bahagya akong tumingkayad para hawiin sa gilid ang fringes ng buhok na bahagyang tumatakip sa makakapal ngunit magaganda niyang kilay.

"'Yan, better." Nakangiting sabi ko ngunit agad ding napasimangot nang marinig ang pabebeng boses ni Riza.

"Vitto, amin na 'yan para maitanim na natin." Anito. Ano daw? Natin?!

Mabilis akong tumingkayad ulit para guluhin ang inayos na fringes ni Vitto. Tuloy ay tumakip ulit sa mga kilay niya.

"Tch," Palatak niya saka ibinaba ang visor ng cap na isinuot niya sa akin dahilan para matakpan ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagkawala niya sa hawak ko sa braso niya kaya't lalo akong napasimangot. Nang lingunin ko siya ay magkasama na sila ni Riza na nagtatanim. Padabog na bumalik ako sa pwesto ko at kahit pa nandidiri ay hinawakan ang pangbungkal ng lupa.

Pero 'di pa man ako nakakapag- umpisa ay pinukol ko ng masamang tingin ang kinaroroonan nina Riza at Vitto. Itong pabebeng Riza ay pa- demure pang patawa- tawa habang nagtatanim. Ano naman kaya nakakatawa sa pagbungkal ng lupa? Duh with a capital P as in papansin!

Nang makitang tumatama ang sikat ng araw kay Vitto ay nawala ang inis ko. Nagsisimula na ring mamula ang mga cheeks niya dahil sa init. Mabilis kong binuksan ang sling bag ko saka inilabas ang cute ruffled pink umbrella ko na binili ni Healia para sa akin nang makipag- compete siya sa Japan. I opened the umbrella and went to Vitto.

Nagtatakang napalingon siya sa akin nang isukob ko siya sa payong. I raised the hand holding the umbrella when he straightened to keep his head from hitting the umbrella's top.

"What are you doing?" He asked frowning.

"Your cheeks are red now." Sa halip ay sagot ko nang bigla na lang niya akong hilain paakbay saka inagaw sa akin ang payong.

"Pasensya na,brad! Nagmamadali lang!" Sabi ng lalaking walang habas na dumaan sa likuran ko at halos banggain na ako kung 'di lang ako nahila ni Vitto.

My chest fluttered erratically with our closeness. Oo at madalas ako ang dumidikit sa kanya at pakiramdam ko ay normal iyon, ngunit kapag siya ang dahilan ng paglalapit namin ng ganito ay parang nagwawala sa kaba ang dibdib ko.

"Tch! Ang tigas kasi ng ulo." Yamot na sabi niya sa akin. Napapangangang iniangat ko ang tingin sa kanya. Gosh, he really smells so good. And he looked more gwapo when he's this close.

"Vitto, tapos ko ng itanim." Sabi ni Riza mula sa likuran namin, handa na namang umeksena. Kaya agad akong kumapit sa braso ni Vitto. Napasimangot ako lalo nang lingunin naman siya ni carrots.

"Can you handle the rest?" He asked and the woman's jaw dropped. Duh! Vitto turned to look at me.

"Let's go." Yaya niya sa akin.

"Saan?" I looked at him inquisitively.

"You're sapling is waiting for you. C'mon." Masungit na aniya at dahil nakaabrisete ako sa braso niya ay sumunod na lang din ako.

"You'll plant it for me?" Hopeful kong tanong.

He looked at me grimly, "I'll hold your umbrella and you plant."

Napasimangot ako pero tiningnan niya lang lalo ako ng masama. Napipilitang bumitaw ako sa kanya.

"Sandali." Pigil niya sa akin nang akmang uupo na ako sa harapan ng itatanim ko. Nakasimangot akong humarap sa kanya. Napaawang ang labi ko nang iabot niya sa akin ang hawakan ng payong na nahihiwagaan ko namang kinuha. Inalis niya ang cap sa akin saka ay hinawi ang buhok kong nakakalat na sa mukha ko. He then gathered my hair and slid it out the closure so it would look like it was tied in a ponytail when he pulled the cap down my head.

Nang matapos ay kinuha niyang muli ang payong sa akin.

"Go back to work." He said like a boss and instead of getting annoyed, I smiled like a crazy love sick high schooler. I'm so kinikilig!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Mahigpit akong napakapit sa kaliwang braso ni Vitto nang makita ang pahabang mesa na nalalatagan ng mga dahon ng saging kung saan nakalagay ang rice sa magkabilang gilid at sa gitna ay ulam. There are lechong manok and grilled fish but mostly are steamed vegetable. There are also tomatoes and red- shelled eggs. Then there is this what they call bagoong. God! How am I gonna eat with all of those smelly foods? They say that this is a 'boodle fight' daw and when I asked carrots about it, he told me that we will eat using our hands and use the banana leaf as our plates. So, it's as if all of us will be eating in a one large plate. I never imagined myself sharing my plate with everybody!

I swallowed, "I—I'm not hungry." I murmured enough for Vitto to hear. He snorted.

"You keep nagging me about your empty stomach a while ago."

Nakikiusap akong tumingala sa kanya. "I can't eat without spoon and fork; I even don't have my own plate!" Mahinang pagmamaktol ko.

He looked sullenly at me, "That's the very essence of it. Besides, you'd volunteered in an environmental- friendly camp so don't expect that they'll give you your luxuries here. You'd be dealing with what the nature can give you for the following days."

My eyes widened in utter shock. "How about the nice warm tub and shower?"

"There's a clean river nearby." He shrugged.

"Don't worry, Oreo. May mga shower rooms malapit sa camp natin." Sabi ng dumaang si Yam na ka- sorority ko. Malamang ay kanina pa nakikinig sa amin.

"I hate you, carrots!" I sulkily said and he just shrugged off as he slipped off his arm from me to walk away.

"Be my guest." He lazily drawled making me stomped in annoyance.

"That's just an expression!" Naiinis na humabol ako sa kanya. Nakakainis lang na wala man lang siyang reaksyon kapag sinasabi ko iyon. Parang gustong- gusto pa nga niyang marinig.

Hindi siya sumagot. Nakabusangot na tumigil ako sa paglalakad para paunahin na lang siya tutal hindi din naman ako kakain. Pero bigla na lang siyang huminto saka tumingin sa akin. Pinagkrus ko ang mga kamay sa dibdib saka siya inismiran. Nakakainis siya.

"Vitto, tabi na tayo sa may mesa." Narinig kong yaya ni Riza sa kanya na ikinamulagat ko. Nalaglag naman ang mga balikat ko nang tumango ang magaling na lalaki. Nakakainis talaga! 'Di magsama kayo!

Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang seryosong lumapit sa akin si Vitto at hindi na ako nakapag- react pa nang hawakan niya ako sa kamay saka ako hinila palapit sa hapag- kainan. Hindi lang panga ko ang nalaglag habang nakasunod sa kanya. Pati yata puso ko.

There were less than a hundred who volunteered. 'Yong iba kasi ay nadestino naman sa Isabela at Nueva Ecija. Kaya naman sa dami namin ay 'di maikakailang sutil din madalas si tadhana, heto lang naman at katapat namin ni Vitto ang ex kong si Giro at si Rosenda na nakapagtatakang nabawasan na ng tigidig sa mukha. Don't get me wrong, please. Hindi ako insecure noh. 'Yan na nga't at nasasabi ko ng ex ko si Giro e. Hindi ako naiinis kasi lahat ng inis ko napunta na kay pabebeng Riza na nasa kabilang side lang ni Vitto. Maski harap- harapan ko ng iniirap- irapan at pinapadalhan ng signals na lumayo- layo ito sa amin ay manhid lang ang peg ng ale!

The camp leader led the prayer and the the 'feast' began. Napapangiwi na lang ako habang nakatingin sa pagkaing kinakamay ng mga kasama ko. Sa dami namin ay hindi lang naman ako ang maarte doon noh! At saka maarte is not the right term, it should be pihikan!

Napangiwi pa ako lalo nang makita ko kung paano asikasuhin ni Giro si Rosenda. Pabida naman itong si Rosenda dahil panay naman ang kain ng gulay. Palihim akong napaismid.

"Hindi ka mabubusog ng panonood sa kanila." Malamig na sabi ni Vitto.

I groaned, "Actually ay naumay na nga ako."

"Kumain ka." Utos niya. Nalukot ang ilong ko ng lagyan niya ng dahon at tomato ang tapat ko.

"Anong leaf 'yan? Ayoko niyan." Halos magmaktol kong sabi kay Vitto.

"Talbos ng kamote 'yan, Oreo. Masarap naman e." Pagbibida pa ng eksenadorang si Riza. Gusto ko siyang supalpalin ng 'am I talking to you?!' Tila nagpapakitang gilas pa itong sumubo ulit. Mukhang sanay sa pagkakamay.

Pinaghimay ako ni Vitto ng fish saka ipinatong sa may talbos ng kamote as Riza said at tomato. I swallowed hard. Baka kapag nakita ni Vitto na palpak din ako sa pagkakamay ay mainis na naman siya sa akin tapos mas magustuhan niya na si Riza! No way! Titiisin ko na lang ang gutom kahit pa mukhang masarap 'yong tomato tsaka fish na hinimay ni Vitto.

Tumikhim si Riza, "Um, Vitto, pakiabot naman ng isda, please." Tila paglalambing nito sa kanya na ikinalaglag ng panga ko. Ito namang manhid na si Vitto ay inabutan pa talaga ng isda ang pabebeng babae! Sa inis ay inismiran ko si Riza nang mapatingin sa akin pero parang nangaasar na inosenteng nginitian lang ako nito. Ugh! Bumaling ako kay Vitto.

"Carrots," Parang batang pakiusap ko sa kanya habang hinihila- hila ang sleeves ng polo niya.

"Hindi kumakain si Oreo ng gulay."

Sabay pa kaming napatingin sa nagsalita. Si Giro. Himala, napansin niya palang katapat niya lang ako? Itong si Rosenda ay napatigil din sa pagkain habang nakatingin sa akin. Inirapan ko. Nakakainis e.

"Dapat sana hindi ka na lang sumama dito." Vitto said coldly, disregarding Giro's presence.

"Sumama si Riza e." Nagmamataktol na sabi ko.

"Dati na akong nagvo- volunteer." Sagot ng nagpapabidang si Riza. Lalo akong napasimangot. Tahimik lang na kumakain si Vitto, mukhang napipikon na sa akin.

"Carrots." Mahinang untag ko ulit sa kanya.

He heaved a deep breath like gathering his remaining patience before looking at me, "Oreo, wala tayong mahahanap na café dahil nasa bundok tayo."

"Hindi nga kasi ako marunong magkamay." I grumbled. Ayoko namang mapahiya sa harap niya lalo na at nagpapasikat pa 'tong si Riza sa pagkakamay!

Umiwas ng tingin si Vitto, "Kumain ka na. Pagdating natin sa Manila iaangkas na kita sa bike ko." Aniya.

"Talaga?" I beamed, my mood perking up. Matagal ko na siyang kinukulit tungkol sa pag- angkas sa bike niya kaso ay lagi lang niya akong dini- deadma at tinatakbuhan.

Tumango lang siya nang hindi tumitingin sa akin. I started eating. In fairness, masarap naman pala. Binigyan ako ni Vitto ng tummy part ng grilled fish tapos sabi niya masarap daw kapag may kamatis at bagoong. Totoo pala. Nahinto ako sa pagsubo ng talbos ng kamote ng makitang nakamasid sa akin si Giro. Nangunot ang noo ko. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin.Sumubo ako saka bumaling kay Vitto.

"Carrots, look o. I eat gulay na." Pagmamalaki ko.

"Maigi 'yan, nang madagdagan 'yang sustansya sa utak mo." Kaswal na bulong niya, enough para ako lang ang makarinig. Napasimangot ako.

"Bilhan mo akong carrot cake pag- uwi." Ungot ko.

"Asa ka." Anas niya.

"Di make my worksheets easier na lang." I smiled sweetly at him.

He threw me a sullen look, "Eat."

"Sungit!" Ismid ko.

"Ang kulit." Anas naman niya. Ngumiti lang ako saka ikinapit ang isang kamay sa braso niya.

"What?" He asked, frowning.

"Para hintayin mo akong matapos." Sabi ko saka sumubo ng kamatis. Pumalatak lamang siya pero hindi na nagsalita. Napangiti ako. This is probably the most delicious meal I ate ever.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Kulang na lang ay ibato ko sa lupa at apak- apakan ko ang itinatayo kong tent. Patapos na sa ginagawa ang mga kasama ko pero ako ay parang kapag sumasagot lang ng Basic Stat problems, walang matapos- tapos.

"Sis! You need help?" Tanong ng ka- sorority kong si Yam. Tapos na kasi niyang i- assemble ang tent niya. It got my hopes high so I smiled at her but when I caught a sight of Riza independently putting up her tent, my resolve changed.

"Thanks, but I think I can do this." Sagot ko kay Yam. Tinanguan naman ako nito. Mamaya ay magpapasikat na naman tiyak 'yang si Riza kay Vitto. Kailangang masabi ko ring ako lang ang nagtayo ng tent ko.

"Kung 'di mo maitatayo 'yan tiyak 'kong dito sa labas matutulog ngayong gabi."

Gulat na napalingon ako sa nagsalita.

"Carrots!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ko. Nakahilig siya sa katawan ng puno ng mahogany habang naka- krus ang mga braso sa dibdib.He was just wearing a simple printed shirt underneath a plaid top but he slayed it like a model in a photoshoot.

Bumaba ang tingin ko sa hawak na bahagi ng tent saka natatarantang itatago sana iyon sa likuran ko pero sa laki no'n ay makikita niya pa rin kahit gaano ko pa itago. Matiim lang siyang nakatingin sa akin. Bumagsak ang mga balikat ko.

"Paano ba 'to?" I asked in frustration shi. Lumapit naman siya showing him the part of tent I couldn't figure out where to put. He straightened and grabbed it from me.

"Manood ka para sa susunod alam mo na." Aniya. Napangiti ako. Subconsciously ay napakapit na pala ako sa laylayan ng polo niya habang pinanonood siya sa ginagawa. It was like beginning of a hard habit to break. It makes me feel closer to him.

"You think safe dito 'pag gabi?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga punong nakapaligid sa amin. Gulat na napakapit ako sa kaliwang braso niya nang magliparan ang mga ibon mula sa isang puno at humuni ng nakakatakot. Tumingin siya sa akin.

"Carrots, bakit mukha silang birds sa movie na Kong: Skull Island? 'Yong kumakain ng human?" Nahihintatakutang tanong ko sa kanya.

"They're just normal birds. Isa pa, hindi sila kakain ng taong hindi marunong kumain ng gulay." He answered lazily.

"Pero I ate gulay naman kanina!"

"Well, good for you." Patamad na sagot niya saka inalis ang kamay ko sa braso niya. Sinimulan niyang itayo ang tent.

Still not confident with the place, lumapit ako ulit saka kumapit sa laylayan ng plaid shirt niya. Pasimple akong tumingin ulit sa mga puno. I tugged the hem of his shirt, "Carrots, later show me your tent huh?"

He puffed out a a breath and incredulously looked at me. Agad naman akong pinamulahan ng mukha nang ma- realize ang nasabi ko.

"I mean show me your tent para alam ko kung saan ako tatakbo if ever those birds attacked me." I even cringed with the thought.

He heaved out a tired breath, "They're way smaller than you. Paano ka naman sasaktan ng maliliit na ibon na 'yon?"

"Bakit ganyan ka?" Naiiyak na tanong ko, "Gusto mong makain nila ako?"

"They can't even swallow you." He stated incredulously.

"What if tukain nila ako 'til I die?" I cringed, tears seeping through the corner of my eyes.

"Tsk! Bawasan mo ang panonood ng kung ano- ano." Naiinis na aniya.

"Carrots, natatakot ako dito." Pag- amin ko na.

"Call your cousin, magpasundo ka na." Aniya.

"Uuwi na tayo?" Nabuhayan ng loob na tanong ko.

"Uuwi ka na." Pagtatama niya saka humakbang palayo para itali ang isang bahagi ng tent. Nabitawan ko ang laylayan ng damit niya at naiwang nakatayo.

"'Di masosolo ka naman ni Riza!" Pagmamaktol ko.

"We are less than a hundred here. Paano niya naman ako masosolo?" Aniya habang inaayos ang ituktok na bahagi ng tent para tumayo.

"Makakagawa siya ng paraan kasi nga she's a hokage!" Pagmamaktol ko at halos ipadyak na ang paa sa inis.

Vitto looked at me in utter bewilderment, "Hokage—what?"

"Basta! Something like ninja moves!" I stomped my foot mopingly.

"You're crazy." Naiiling na aniya.

"Takot nga kasi ako do'n sa birds!" Pero mas natatakot akong ma- fall ka kay Riza kapag umalis ako! Nais pang idugtong ng utak ko pero pinigilan ko ang sarili. Sa labis na frustration ko ay naiiyak na naman ako. Narinig ko ang pagpalatak niya saka siya lumapit sa akin.

"Mas maririnig ka ng mga ibon na 'yon kapag umiyak ka." He said in a poker face and I whimpered in fear.

"Carrots!" I stomped my feet sulkily.

Kinuha niya ang isang kamay ko, "C'mon."

"Saan?" Nakasimangot kong tanong.

"Sa tabi ko." Sagot niya na nagpatigil sa tibok ng puso ko.

My gosh! Nawala bigla 'yong takot ko sa mga ibon at napalitan ng takot sa heart attack. How can he make my defenses crumble everytime!

"S- Sa tabi mo?" I stupidly stuttered in tension.

"I told you to watch me put up the tent so you'll know what to do next time. Paano mo 'yon makikita ng malayo ka sa akin?" Masungit na aniya. Pinigilan ko ang sariling mapangiti—'yong ngiting kinikilig.

"Pero I'll hold the hem of your shirt dapat." I demanded, pouting.

"Whatever you like." Masungit na aniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Whatever I like daw. E pa'no 'yan, it's him that I like? I bit my lip to contain a giddy smile.

I was just holding the hem of his shirt while he's putting up my tent. And the place suddenly felt safer. I glanced at Vitto and finally allowed my smile to slip. It's safe because he's here. What's not safe is my heart.

🌻

🔹🔹🔸

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro