Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16th Charm (edited)

🐰16TH Charm🐰


"Akala ko ba we'll go somewhere I don't pretend to be nice? Bakit tayo nandito sa mall?" Puno ng pagtatakang tanong ko kay Vitto na sinusundan ko lamang ng paglalakad. We went to Helix Square Plaza, a small shopping center which is actually just inside the campus premise.

"You've been acting capricious everytime we're in a mall. What's the difference now?" He asked in a flat tone.

Nangunot ang noo ko, "Hindi ako brat the last time we went to the mall!"

Huminto siya sa paglalakad at walang emosyon akong tinitigan, "You forced me to buy stuff I don't need."

My brow perked up. "Kaya ba 'di mo sinuot 'yong new clothes mo ngayon?"

"Because you've been a pain in the neck." He answered in a straight face.

I held back a smile, "You mean, hindi mo isusuot ang mga 'yon if I act bratty?"

He frowned, "Bakit masaya ka pa yata?"

"Kasi nga I don't want you to wear them." I muttered.

"So, you're basically telling me to just throw my money away?"

"That's not what I meant!" I stomped off my foot as I sulkily cross my arms against my chest, "Those girls start to stick around you and it's pissing me off!"

His left eyebrow raised, "You can't accept that it's not only you who can be irritating all the time?"

"Salbahe ka na naman!" I hissed, annoyed.

"Salabahe ka din naman lagi." Tugon niya saka humarap sa katapat naming clothing store, "C'mon." Yaya pa niya at nagpatiuna na sa loob na labis kong ikinagulat. Nagtatakang sinundan ko na lamang siya.

"Good afternoon, sir. Tell me whatever you need and I can assist you." Salubong sa kanya ng sales clerk na obviously ay nagpapa- cute. Napasimangot ako. Hanggang dito ba naman? Nagmamadali akong lumapit kay Vitto at kumapit sa braso niya. I threw the sales clerk a back-off-girl kind of stare. It seemed like she got the signal 'cause she stepped back a little and darted her gaze down the floor.

Vitto looked at me with his usual impassive expression. Now that I can see his whole face without his long fringes, I finally noticed that his eyes were the color of a melting dark chocolates. Sa kabila ng nakatakip na salamin sa mga mata ay kapansin- pansin pa rin ang mga pilik niyang tinalo pa yata ang akin sa kapal at lantik. It felt like those orbs of melting dark chocolates are creating mystic wonder in me that I couldn't break gaze in him. There is something in him that drew me deeper, probably a mystery, a puzzle I would love to spend my time unravelling.

"Go and pick a change of clothes so we can eat some lunch." He said and I blinked, breaking me from my magical trances.

"You like to pick something for me?" I beamed as I clung tightly on his arm.

He snorted, "It's you who's going to wear it. Pick something you'll be comfortable of."

I smiled. He wanted me to feel comfortable. Kikiligin na ba ako? Bumitaw ako sa kanya at kagat ang ibabang lumapit sa rack ng mga wide- sleeved cotton shirts. Hindi na ako nagdalang isip pa, I picked the red one then went to the racks of pleated skirts and looked for something black.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Vitto at gusto ko na namang magmaktol nang makitang dumami bigla ang customers sa loob at mga babae at binabae pa talaga lahat! He was still uncaring though, he was busy looking at a rack of men's cotton shirts.

I breathed out an annoyed breath and hastily walked towards Vitto while preparing a sweet smile for him.

"Carrots! I already picked something na." I showed him the pair of clothes I picked.

"Magpalit ka na. I'll be waiting for you here." Aniya. Pasimple kong tiningnan ang mga customers na obviously ay nandoon para makita si Vitto. 'Yong iba ay nakahawa na ng phones at alam kong lihim na silang kumukuha ng pictures niya! Mga picture thieves! Hindi ba sila aware sa Data privacy Act?!

Hinawakan ko siya sa kamay. "Hintayin mo na lang ako in front the fitting room." Pangungulit ko na ikinakunot ng noo niya.

"Hindi ka maliligaw sa loob so you don't need someone to guard you outside." He said quite impatiently.

"Malay ko ba kung sira pala 'yong lock tapos biglang may pumasok?" Hindi sumusukong sabi ko saka hinila- hila ang kamay niya, "halika na, carrots. Bantayan mo na 'ko, please?" I used my puppy dog eyes.

He clicked and tongue and threw me a sharp look. Wala na siyang nagawa ng hilain ko siya patungo sa fitting room. Iniwanan ko siya sa labas habang ako nama'y nagmamadaling nagpalit ng damit. Mahirap na, baka kasi sa paglabas ko ay may harem na naman ng mga babaeng nakapalibot sa kanya.

I tucked the wide- sleeved cotton shirt in my pleated black skirt. Napangiti ako nang makita ang repleksyon sa salamin. Sobrang pretty ko talaga! Sinuklay ko ang mahabang buhok gamit ang mga daliri saka umikot pa ng isang beses para makita ang istura sa salamin bago lumabas ng fitting room.

"Done!" I happily announced. Sinalubong ako ng sales clerk na nagpapa- cute kanina sa kanya dala ang isang paper bag at inilagay doon ang mga pinagpalitan ko. Hindi ko binigay sa kanya ang plaid shirt ni Vitto, ipapasuot ko 'yon sa kanya para match kami.

"Let's go." Sabi ni Vitto nang hindi man lang tumitingin sa akin. Grabe! Excited pa naman akong lumabas!

Mabilis akong humabol sa kanya at kumapit sa braso niya nang magpatiuna na naman siyang maglakad.

"Teka, babayaran ko pa 'to." Pigil ko sa kanya.

"Bayad na 'yan. Tayo na." Aniya na ikinanganga ko.

"You paid it na? I'll pay it back."

Hindi siya sumagot kaya ang ginawa ko ay bumitaw sa kanya para humarang sa unahan niya. Nang kunutan niya ako ng noo ay ngumiti lamang ako. Iniangat ko ang hawak na plaid shirt niya.

"Wear this na." Sabi ko. Tahimik niya namang kinuha sa akin iyon saka isinuot. Malawak akong napangiti saka lumapit sa tabi niya para muling kumapit sa braso niya.

"See? The colors of our clothes matched." I beamed proudly. He just clicked his tongue and leaned in to reach for the paper bag in my hand. I inhaled to trap his fragrance in my nose but immediately composed myself when he straightened. I bit my lower lip to hold back my smile.

My gosh! Kinikilig na talaga ako!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Nakagat ko ang ibabang labi at nagsimulang pagpawisan ng malamig sa kabila ng malakas na aircon ng laboratory. Bakit gano'n? Problem number 1 pa lang ay parang naghahalo na 'yong mga numbers sa words? Wala akong maintindihan!

Pasimple kong sinilip si Vitto sa tabi ko. He is busy scribbling something in his notebook. As usual ay abala na naman sa pagsusulat ng mga alien na formula. Napasimangot ako nang mapansin ang pagdukwang ni Riza upang sumilip sa isinusulat niya. Nasa gitna kasi nila si Vitto.

"Sa tingin ko mas mapapadali ang project natin kapag ginamit 'yan." Nakangiting komento ni Riza. Vitto stopped writing and looked at her.

The book you found helped a lot." Aniya at itong pabebeng Riza na 'to, kung makangiti ay akala mo naman nanalo sa Miss Universe! I cleared my throat loudly and poked Vitto's shoulder. He threw me a blank stare.

"Carrots, teach me sa problem number 1." I nagged. He's the one who made my worlsheets because I basically forced him to tutor me in Math. Isa pa, sinasadya ko talagang sumabay sa kanila sa tuwing may group meetings sila. Buti na lang ay natataon ding vacant period ko.

"Tch! Number 1 palang pero nahihirapan ka na?" He asked incredulously.

"Vitto!"

Napapikit ako sa inis nang marinig ang maaarteng tinig nina Mitch, Fiona at Thalia. Nadagdagan na naman ang e-eksana sa kanya. Kung kaninang itong si Riza lang ang kaagaw ko sa atensyon ay inis na inis na ako, paano pa kaya ngayong nandito 'tong tatlong haliparot na 'to? Kung makatawag sa pangalan ng carrots ko, akala mo naman ay hindi sila nambu- bully noon!

Kaagad na nakalapit ang tatlo at naupo sa mga upuan sa kabilang side ng lab table. Todo ngiti ang mga ito kay Vitto na wala namang pakialam sa kanila. Eversince Vitto's transformation, these three were included to the harem of girls who wanted Vitto's attention.

"Nagawa na namin 'yong part namin. We worked hard for that." Proud na sabi ni Mitch sabay abot ng folder kay Vitto. Kinuha naman niya iyon saka inilapag din agad para tingnan ang papel ko.

"Alalahanin mo 'yong tinuro ko sa'yo kahapon para masagutan mo 'tong number 1." He said as he handed me the worksheet back. The haughtily smirked at the three meanies. So what now, losers? VAko ang pinansin ni Vitto! Inirapan ako ng tatlong bruha. Mga pangit!

"Kung may ire- revise pa, Vitto, just tell it to us huh?" Fiona said sweetly while tucking some imaginary hair strands behind her ear. Trying hard lang ang peg ng bitch.

"Pwede na rin kaming mag- type kung may kailangan pa." Thalia said trying to sound cute. Kadiri!

"Uhm, Vitto, paki- check naman ito kung tama." Eksena naman ni Riza. Itinigil naman ni Vitto ang ginagawa upang bigyang atensyon ang ipinapakita ni Riza sa kanya.

I huffed and gripped on my feathered ballpen tightly. I'm getting annoyed na talaga!

"Your nose is already bleeding. Umalis ka na kasi." Nakairap na sabi ni Fiona sa akin.

"For sure wala din naman siyang naiintindihan sa mga ginagawa natin dito."Mayabang pang sabad ni Mitch.

"Bakit, may nagagawa ba kayo?" I raised my perfect eyebrow at them, "kung 'yong pageencode lang naman ang pinagyayabang niyo sa akin I can do that even when my eyes closed."

"Sagutan mo na lang 'yang worksheet mo, girl, para naman pumasa ka sa subject mo." Thalia said haughtily. Nanggigigil na pinulot ko ang spare ballpen ko sa mesa para ibato sana iyon sa mga ito ng mabilis na mapigilan ni Vitto ang kamay ko.

I was frozen. Mayabang na tinikwasan naman ako ng kilay ng tatlong bruha. Ugh! Pero ganon na lamang ang gulat ko nang ibaba ni Vitto ang mga kamay namin nang hindi binibitawan ang akin. Napapatungangang napatingin ako sa kanya. Tila walang nangyaring pinagpatuloy niya ang pagsusulat gamit ang kaliwang kamay samantalang nakahawak naman ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay ko.

I felt my whole face heat up making me flustered. Parang sinaksakan ako ng ilang dosage ng adrenaline dahil sa mabilis na pagragasa ng dugo sa buong katawan ko. His skin was so warm and it tingling the nerves of my hand up to my spines. Gosh? What is this feeling? Bakit sobrang kinikilig ako to the extent na hindi ko na maexplain ang nararamdaman?

"Vitto, I think magandang idagdag 'to sa questionnaire natin." Singit bigla ni Riza. I thought the he was going to let go of my hand but instead, he intertwined our fingers as he paid attention to Riza.

Nang muli siyang bumaling sa pagsusulat ay pasimpleng akong bumulong sa kanya at dahil sobrang lapit lang naman ng upuan ko sa kanya ay madaling gawin iyon.

"M-My hand. . ."

Halos tumalon palabas ang puso ko nang higpitan pa niya ang pagkakahawak doon. Gosh! I felt like I'm going to sweat a river! Huwag naman sana sa kamay ko, baka bigla siyang ma- turn off!

"Mabuti na 'yan kaysa mamato ka na naman." Malamig ang tinig na aniya pero hindi hadlang iyon para dumaloy ang nakakakilig na init sa buong sistema ko.

Kagat ang ibabang labing niyuko ko ang sinasagutang worksheet kahit duda akong may masagutan ako ni isa sa mga iyon. Parang ang gusto ko na lang gawin iyon ay pasagutin si Vitto.

🌻


🔹🔹🔸


Oreo😍

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro