Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13th Charm (edited)


🐰13TH Charm🐰

"Seriously, I just wanted to be groupmates with him 'coz I'm only after the sure A positive mark, okay? Laging absolute A ang grades ng nerd na 'yon at gusto ko din namang maambunan noh."

Natigil ako sa tuluyang pagpasok sa Plant Preservation Laboratory nang marinig ang pamilyar na maarte at pang-pangit na boses na iyon ng isang babae. Sumilip ako sa loob. There was a group of four girls including the pale girl Riza and the two other labmates of Vitto. 'Yong isang babae ngayon ko lang nakita pero nava- vibes ko din ang dark aura nito. Dahan- dahan akong humakbang palapit sa mataas na cabinet kung saan ako nagtago.

"Kaya nga I did everything to go to this group e. I was so envious when your group get an A plus from that bald and harsh professor!" Maarteng sabi ng bagong babae. "Titiisin ko na lang ang kawirduhan ng Blake Vitto na iyon for the sake of my grade."

I fisted my palms. How dare them! Mga user! But wait—may kailangan din naman ako kay Vitto kaya lumapit ako sa kanya noon 'di ba? So I'm a user, too? Gosh! Hindi yata makaya ng konsensya ko iyon. But on second thought, I wasn't asking for the potion anymore for these past few days. I don't even think of Giro a lot anymore. Do I still need that potion?

"His fashion sense sucks, even his hairstyle. Yuck!" That woke me up from my trances. Nanggigigil na nakagat ko ang ibabang labi.

"Mukha siyang suman, laging balot na balot. Pero well, kailangan din naman talaga niyang ibalot ang whole body niya kasi ang pangit naman niya." Sabi pa ng kinaiinisan kong babae saka sila nagtawanan maliban kay pale girl Riza.

Aba! Namumuro na ang mga babaeng 'to a! Humanda kayo sa akin!

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses ni Vitto sa likuran ko.

"C- Carrots!" I anxiously called. Nakatingin lamang siya sa akin. "I—I was looking for you!"

"Obviously, I wouldn't hide in the cabinet." He looked blankly at me like he's already so done with my antics.

"Hayaan mo na. You're here na e!" I smiled and clung to his arm. He didn't push me away this time and I smiled even more. I felt like we got closer after he got sick and that was a week ago. I always cling to him and he would just glare at me but never pushed me away. Hindi na rin niya ako madalas pinalalayas kapag nandito ako. Minsan na lang. Masungit pa rin siya palagi pero at least may improvement 'di ba?

"Blake Vitto." A familiar timid voice called and I glared automatically at the owner. She was smiling at him as though they were not talking against Vitto behind his back. Backstabber! User!

"I already passed the report." Vitto casually said.

"R- Really? T- Thanks. Uhm—D- Do you want to have some coffee outside—"

"We have plans." Ako na ang pumutol sa sasabihin niya. As if namang papayag ako noh! Vitto frowned at me and I just smiled at him.

"Mitch, Fiona and Thalia wanted to eat with you. Pa- thank you daw sa big effort mo para sa project natin." Ayaw pa rin patalong sabi ni pale girl.

"Kakain tayong ice cream 'di ba?" Tila batang niyugyog ko pa ang balikat ni Vitto. If I know, niyayaya lang naman ng mga ito si Vitto para sa pansariling interes nila. Oo at may pansariling interes din ako sa paglapit kay Vitto but I'm not talking about him behind his back. And I'm not even nagging him for the potion now!

Pumalatak ito at masungit na inalis ang pagkakakapit ng kamay ko sa braso niya. Napasimangot ako. Pormal naman siyang humarap kay pale girl.

"I'm not really hungry. I'll see you at the library to talk about the project." Aniya at tila napipilitan namang tumango si pale girl.

"How about my ice cream?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya. He threw me a bored look.

"You go eat by yourself." Aniya at lumabas ng Plant Preservation Laboratory. Binato ko ng naiinis na tingin si Riza bago sinundan si Vitto.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

"Blake Vitto, how do I solve this? I cannot understand the formula."Maarteng sabi no'ng mahaderang Mitch na kanina lang ay leader sa pangba- back stab kay Vitto. I rolled my eyes and drew fangs at my drawing of her. Lalo pa akong nainis ng turuan naman siya ni Vitto. Annoying!

Kahit nandito pa kami sa library ay malapit ko na talaga itong singhalan. Kanina pa ito tanong ng tanong, mukha namang walang natatapos. Itong si Vitto lang naman ang gumagawa at, well, itong si Riza. 'Yong tatlo ay nagkukunwari lang naman na nagsusulat.

Pinilit kong sumama kay Vitto kaya in the end ay pinilit niya ring pasagutan ang ginawang equation sa akin para daw hindi lang nagpapa- aircon ang ginagawa ko doon. Kainis.

"Ako din hindi ko talaga maintindihan." Maarte ding pagrereklamo ni Fiona na katropa nitong si Mitch the devil.

"I'll do it." Matipid na sagot ni Vitto na abala sa pagta- type.

"Mas better kung ikaw na lang gagawa Blake Vitto para sure na hindi kami magkakamali sa formula." Said the new annoying girl named Thalia. Doon na umalpas ang pagtitimpi ko.

"Pumunta pa kayo dito kung si carrots—er— si Vitto din pala ang gagawa." Naiinis na sabi ko sa mga ito. Nakipaglabanan naman sila ng tingin. Akala nila aatras ako? Huh!

"E bakit ikaw, ni hindi ka namin classmate nandito ka?" Matapang na tanong no'ng Thalia.

"At kailan pa ako naging bawal dito sa library?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Use another table. Nakakaistorbo ka sa amin." Mataray na sabi no'ng Mitch.

"Paano kita maiistorbo e wala ka namang ginagawa kun'di magtanong lang ng magtanong kay Vitto like duh!" Naiinis na sabi ko na ikinalaki ng mga mata nito. Narinig ko naman ang pagpalatak ni Vitto saka inagaw ang papel na sinusulatan ko. Kumunot ang noo niya ng makita sa ibaba ng papel, kung saan siya nagsulat kanina ng equation na iso- solve ko, ang drawing ng mukha ng bitch na Mitch na may mga pangil at sungay.

Muli siyang pumalatak. "Do it again." Aniya saka ibinalik sa akin ang papel. Nagpapaawang ngumuso ko. Ayaw ko na. Ang hirap- hirap kaya tapos nakakabwisit pa 'tong mga babaeng kasama niya! Pero isang tingin at palatak lang niya sa akin ay parang batang sumunod naman ako agad. Nakita ko pa ang pag-ngisi nina Mitch, Fiona at Thalia sa akin. Bitches!

"Uhm, Blake Vitto, mukhang kulang tayo ng reference. Maghahanap lang ako." Akma ng tatayo si Riza nang magsalita si Vitto.

"Ako na." Aniya saka tumayo. I frowned at him and I frowned even more when I saw Riza holding back a smile. Ano 'yon? Kinikilg siya? Gusto niya ba si Vitto?! No way! Mabilis na hinila ko ang braso ni Vitto.

"Siya na lang." I cooed as I acted cutely without an effort, "Explain mo na lang sa akin 'yong problem para masagutan ko na." I smiled cutely at him but being the coldblooded that he is, he remained impassive.

"I'll check it after I get the book." Aniya at hindi na nagpapigil pang umalis. Napanguso ako sa inis saka tinitigan ng masama si Riza na agad namang nagbaba ng tingin mula sa pagtingin sa akin. Eksenadora!

I heard the Mitch the bitch smirked acidly, "So," she drawled as she looked at me maliciously, "you're also acting friends with that nerd guy for something huh?" Tumingin ito sa papel na sinasagutan ko. Tumikwas ang isa kong kilay.

"I know right." Fiona said smirking, "Who would keep up with that nerd? I wanna wince everytime I look at him." Maarteng anito.

My jaw clenched. I fisted my palms as my patience slowly slipped off.

"And it feels really weird when I talk to him," Said Thalia with a wince, "kung 'di lang talaga ako nagaalanganin sa subject na 'to never akong gugrupo sa kanya. He's an eyesore."

"You said it, girl. Ang baduy na nga niya ang wirdo- wirdo pa ng ugali. A first rate pangit." Komento pa ulit ni Mitch the bitch saka sila nagtawanan bukod kay Riza na tahimik na nakayuko lang at nakikinig.

Padabog na tumayo ako saka kinuha sa mesa ang mga papel at nanggigigil na itinapon iyon sa mga pagmumukha nila. May naisama pa ngang ballpen na tumama sa noo ng bitch na si Mitch. Bumasag sa katahimikan ng library ang maarteng tili nila.

"What the hell is your problem, bitch?!" Nanggagalaiting tanong ni Mitch at nanlalaki ang nanlilisik na mga matang tumingin sa akin. Galit na sinalubong ko ang tingin nito. My chest was heaving deep and fast in so much fury.

"Anong problema dito?" Pagalit na tanong ng assistant librarian pero sa galit ay hindi ko man lang ito nilingon.

"I'll take it from here, ma'am." Magalang na sabi ng pamilyar na boses. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ito. Giro!

"Ayoko nang mauulit pa ito or else I'll ask the head librarian to ban you here." Pagbabanta ng assistant librarian na istriktong in- adjust pa ang eyeglasses saka bumaling kay Giro, "I hope you settle this down, Mr. Arroyo." Magalang na tumango si Giro at umalis ang assistant librarian.

"My gosh, Giro! Bigla- bigla na lang siyang namamato ng walang dahilan!" Maarteng sumbong ni Fiona sa kanya sabay turo sa akin. I wanted to roll my eyes. Of course, I'm aware that almost everyone in the campus knew the SSC Vice President.

Nang tingnan ko si Giro ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. I wanted to acidly puff a breath but kept it to myself. He surely knows how much of a bitch I could get so I'm sure that he would just believe what he hears. Isa pa ay totoo namang nambato talaga ako. Pero hindi ko 'yon pinagsisihan kahit pa lalong lumayo ang loob sa akin ni Giro. Kung ibang pagkakataon lang siguro ay kanina ko pa ipinagtanggol ang sarili ko dito pero sa sobrang galit ko ay gusto ko pang sabunutan at bunutan ng kilay ang mga bitch na babae sa harapan mismo ni Giro.

"She's crazy, Giro!" Thalia exclaimed.

"Please calm down, Miss." Awat naman nito sa babae.

"How can we calm down if this bitch here is trying to kill us?" Exag na bulalas ni Mitch sabay duro pa sa akin at sa inis ay naibato ko sa kanya ang pink paper pad kong una kong nahagilap sa mesa. Sapul ito sa noo.

"Oreo!" 'Di makapaniwalang saway ni Giro. Itong si Mitch the bitch naman ay tuluyan ng nawalan ng composure. Kinuha nito ang makapal na Biochem book ni Vitto at akmang ibabato iyon sa akin.

"That's my book." It was Vitto. Nawala ang galit ko at napalitan iyon ng inis. Tama bang mas maging concern siya sa libro niya kaysa sa akin?! Nakasimangot na binalingan ko siya ng tingin. Lumapit naman siya at tila walang pakialam na kinuha ang aklat mula kay Mitch the bitch. Natahimik ang lahat nang ligpitin niya ang mga gamit namin sa mesa.

"Please pass the pink pad paper." Tila walang nangyaring sabi pa nito kay Mitch na nakanganga lang sa kanya. "'Yong pink na papel na nasa harapan mo." Tukoy pa niya sa papel na ibinato ko kanina sa mahaderang babae. Napapanganga pa ring inabot naman ni Mitch iyon sa kanya.

Sandali niya iyong pinasadahan ng tingin at nang makitang wala pa ring sagot ay patamad akong tiningnan, "No ice cream for you." He sternly said.

Napasimangot ako lalo, "Ang hirap naman kasi!" Pagrereklamo ko, nakalimutan na ang tensyong nangyari kanina. Ipinatong niya ang papel ko sa dalang aklat saka binalingan si Riza.

"Maybe I can work with the project all by myself. I'll give it to you tomorrow so you could double check it." Kaswal na aniya saka isinukbit na ang bag. Pati ang Louise Vuitton bag ko ay isinukbit na rin niya saka walang paalam na umalis.

Nang balingan ko ang mga bitch na babae ay nakanganga lang silang nakatingin sa papalayong si Vitto. Pinulot ko ang isang pad ng papel at muli iyong ibinato kay Mitch the bitch. Naglanding iyon sa mukha niya. Gulat na napatiling muli ang babae na mabilis namang dinaluhan ng mga kaibigan.

"Oreo!" Saway ni Giro sa akin na nakalimutan kong nandoon pala. I looked at him and nonchalantly shrugged my shoulders. Then I looked at the bitches with a proud smile and sassily flipped my hair before I left to follow my carrots.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

"Carrots, dali na. Walk faster." I was basically dragging Vitto with me. Matapos ang dalawang oras yatang pakiusapan ay napilit ko siyang sumama sa akin dito sa mall, of course, minus his big Biochem book kasi nga ayaw niya namang iwan na lang sa school 'yang pinakamamahal na backpack niya. I wanted him to comfortably walk around the mall most especially now that I'm making plans into reality.

Dahil hawak ko siya sa braso ay napahinto rin ako nang bigla siyang huminto. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"I think the café is over there." Tinuro niya ang kabilang wing ng mall. He thought that I want to eat sweets again. Napangiti ako.

"I want to buy some clothes." Sabi ko.

"Then I'll get going." Walang emosyong aniya saka tinalikuran ako pero mabilis akong kumapit sa braso niya.

"Carrots, samahan mo na ako, please. Please?" I batted my eyelashes.

"I don't wanna be your freaking chaperone." He said like he's so done of me.

"'Di ako magca- carry ng shopping bags. Sige na, please? I really got stressed with your evil groupmates so please, carrots, samahan mo na 'yon para ma relieved ang stress ko." Paglalambing ko.

"Hindi kita pinilit na sumama sa library." Walang emosyong sagot niya.

Napasimangot ako. Kung alam niya lang na pinoprotektahan ko lang naman siya sa mga users na 'yon.

"Sasagutan ko na ng maayos 'yong mga equations na ibibigay mo. Sige na." Ungot ko pa.

"Go shopping alone." Aniya at nagsimula nang humakbang. Nangunyapit ako sa braso niya at nagpabigat para 'di siya makalayo.

"Please, carrots!"Parang batang pakiusap ko. "Please, please, please!"

"Ang cute naman nila!" Komento ng isang babaeng mukhang high school student.

"Ang suplado ni boyfriend. Parang 'yong character sa binabasa kong webnovel!" Kinikilig pang sabi ng kasama nito saka sila naghagikgikan.

Tila napasong napatigil sa paglalakad si Vitto. Naramdaman ko din ang paninigas ng katawan niya. Marahil ay hindi komportable sa narinig na comments ng dalawang babae.

"Carrots." Nagpapaawang untag ko ulit sa kanya. "Samahan mo na ang bunny mo, please?" Sinundan koi yon ng cute na cute kong pout.

"Ang cute ng tawagan!"

"Ayiii! Kinikilig ako!"

He cleared his throat and adjusted his eyeglasses. He darted his cold eyes at me.

"Just this once." He said making me beam in delight. Lalo pa akong yumakap sa braso niya.

"Of course! Just this once for today. C'mon!" I heard him irritably groaned but never said a word as he let me drag him towards a shop of a famous clothing line.

Nang makapasok kami'y agad namang bumati ang isang sales clerk na sumalubong sa amin. Bumitaw ako sa kanya saka lumapit sa rack ng mga panlalaking damit.

"Hey, girl's wear is over there." Sabi niya sa akin mula sa likuran. Humarap ako sa kanya.

"You sit on the sofa over there muna." Sabi ko saka siya nilapitan. Iniabot ko sa kanya ang bag, "Here's my bag. Baka kasi bigla mo akong iwanan. I need assurance." I smiled.

He rolled his eyes on me but eventually complied. I took my time choosing clothes that would suit him. Tingnan ko lang kung ma- bully pa siya ng mga bruhang iyon. Maybe, I had really grown so fond of him that I cannot tolerate other people making fun of him. Usually ay hindi naman talaga ako nananakit. Kahit anong galit ko ay never ko pang pinagbuhatan ng kamay ang kahit na sino. Si Rosenda nga ay ni hindi ko nasabunutan kahit pa gigil na gigil ako sa kanya. Pero 'yong galit ko kanina mas matangkad na talaga sa akin. Those bitches deserved how bitch I was to them a while ago. Serves them right.

After choosing about five to seven shirts, I went to the sofa where Vitto was waiting. Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang mga dala ko.

"What's your waist line?" Tanong ko sa kanya at lalo siyang napakunot noo. He glanced to the shirts on my hand then to me and eventually realized my scheme.

"I'm going home." Matabang na aniya at akmang tatayo na pero mabilis akong nakalapit at bago ko pa narealize ang ginawa ko'y nakakandong na pala ako sa kanya.

"What the f—" He muttered against his breath and I froze. Tila napapasong mabilis siyang napatayo at napatili ako ng akala ko ay mahuhulog ako sa sahig ngunit agad na nahuli ni Vitto ang kamay ko at nahila ako. Sa isang iglap ay nakayakap na ang isang braso niya sa baywang ko, and my body was pressed against him intimately I could feel the ragged rhythm of his heart and ragged deep breathing. His scent had filled my nostrils making my knees tremble and turn into jell-o.

Ngunit agad ding natapos ang daydream ko nang bigla niya din akong itulak palayo. Nag- init ang buong mukha ko pero sa labis na kaba'y inunahan na naman ako ng bunganga ko.

"Sobrang bango mo lang pero 'di kita crush!" Bulalas ko na agad ding nagpalaki sa aking mga mata. Narinig ko pa ang tahimik na paghagikgik ng saleslady na naga- assist sa akin. Kill me now!

He frowned, his eyes turning into slits. "What?"

I swallowed, my fast heartbeats killing me. "I—I mean crush ko ang model ng fashion brand na 'to." Kaagad namang nahagip ng mga mata ko ang malaking poster ni Nam Joo Hyuk sa wall kaya mabilis kong itinuro iyon. "That's my oppa!" I faked enthusiasm. Lalo lamang nangunot ang kanyang noo.

"So, what's your waist line?" I beamed, trying to erase the awkwardness.

"Not going to tell you." Supladong aniya.

Napasimangot ako. "Sige na, para makahanap tayo ng bagay sa mga shirts na napili ko." Iniangat ko pa ang mga shirts na nasa hanger pa rin.

"What are you planning?" Nagdududang tanong niya.

I heaved out a breath and looked at him and he was still looking at me suspiciously. "Please?" I smiled nervously.

"Okay." Aniya na nagpanganga sa akin.

"O—Okay as in okay- okay?" 'Di makapaniwalang tanong ko.

"In return you shouldn't nag me for a day." Sabi pa niya na nagpasimangot na naman sa akin. Kaya ko ba 'yon? "Deal?" Tanong niya at hindi pa ako hinihintay na sumagot ay kinuha na ang mga shirts sa akin. "Okay." Sabi pa niya saka dumiretso sa mga jeans para kumuha ng size niya doon. Nakangangang sinundan ko na lamang siya ng tingin.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

To say that I was stunned was an understatement. I know from that very day when Vitto got sick that he was hiding something 'beautiful' in him but I wasn't expecting that that beauty was beyond what I can imagine. Considering that he was just sporting a simple black shirt and a light colored pants, he already looked so surreal that I wanted to take a photo of him and use it to replace Nam Joo Hyuk's picture in front the store. Lalo pa't nakahawi ang fringes ng buhok niya paitaas, at kitang- kita ko ang perpektong korte ng makinis niyang mukha. What's his reason for hiding such gift? Does he feel as if his too handsome face is a burden? Not in my eyes!

"Crush mo, ma'am?" Tila nanunuksong bulong sa akin ng sales clerk at nagpakurap- kurap ako. I felt my cheeks fluster but I don't have time to be embarrassed right now. Pormal akong humarap sa sales clerk.

"We'll take everything he had put on." Sabi ko.

"Okay po." Nakangiting sagot naman ng babae.

"I'm going to change." Walang ganang sabi ni Vitto.

"'Wag na. Bagay naman sa'yo e." Nakangiting sabi ko. Ngumiwi siya.

"Ni hindi pa 'to nalalabhan." Aniya.

I rolled my eyes. Ang arte din talaga e. "The sales clerk made sure that everything you put on is new. Walang ibang nagsuot niyan maliban sa'yo."

Nakasimangot na pumalatak siya. Ngumiti lamang ako. Naglakad ako pabalik sa sofa upang balikan ang bag ko. Nang tingnan ko ay nasa counter na si Vitto. Nagmamadali akong lumapit doon.

"How much, miss?" Tanong ko sa cashier.

"Okay na po, Ma'am." Nakangiting sagot ng babae sa akin. Nagtatakang napatingin ako kay Vitto. We purchased almost a 15- thousand worth of shirts and pants.

"What?" Bored na tanong niya sa akin, "It's my stuff. I should be paying for it." Aniya. Napaawang ang aking mga labi. So, he's rich? Or not? Kinuha niya ang mga paperbags at iniabot iyon sa akin. Nakaawang ang mga labing napatingin ako doon.

"You said you'll be carrying the shopping bags." Nakataas ang kilay na sabi niya.

"But those are your things!"

"Who forced me to go here?" He challenged with a raised brow.

Nakipagtitigan ako sa kanya pero sa bandang huli ay ako din ang sumuko. Kung magmamatapang ako ay baka ipagkanulo pa ako ng mga mata ko!

"Fine!" Naiinis na sabi ko sabay hablot ng mga paper bags. "Bad ka!" Padabog ko pang pahabol. Natawa naman sa amin ang cashier at sales clerk na naroon.

"Ang cute niyo pa ng boyfriend mo, Ma'am." Sabi ng cashier.

"She's not." Sabi ng malditong lalaki at walang sabi- sabing umalis.

Kahit kailan talaga!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Next stop. Salon! Syempre, katakot- takot na pilitan na naman ang nangyari. Muntik pa akong layasan ng bruhong lalaki. Kung may problema daw ako sa buhok niya ay problema ko na 'yon? Ang bait lang 'di ba?!

I was fidgety as I waited for the hairstylist to finish doing his hair. Hindi naman totally binago ang hairstyle, binawasan lang ng kaunti dahil medyo mahaba na. Kung hindi lang ako tinawagan ng pinsan kong si Heaven ay hindi pa sana ako lalabas ng salon. Hindi ko alam kung paano nito nalamang nasa mall ako. Nagpapabili ba naman ng aftershave at shower gel niya sa akin!

At dahil mabait akong pinsan ay nagpunta ako sa department store para bilhan ng aftershave at shower gel si Heaven. Medyo maraming tao kaya inabot din ako doon ng halos kalahating oras. Wala ng poise kung wala pero patakbo akong bumalik sa salon para lang malamang wala na doon si Vitto. Sinabi sa akin ng kinikilig na babaeng hairdresser na nag- assist sa kanya na lumabas na daw ito kanina pa. At mukhang alam ko na kung bakit ito kinikilig. Kinukulit pa nga ako kung anong pangalan ni Vitto para daw ma- add niya sa facebook at ma- follow sa twitter. Inismiran ko nga, ginigigil ako e!

So in the end I dialed his number and after what seemed like forever, he finally picked up.

"Iniwanan mo 'ko!" Nagmamaktol kong sabi.

I heard him clicked his tongue, a mannerism I found cute in him. "Nandito lang ako sa mall."

"Where?" Inilibot ko ang mata sa paligid.

"My optician sent my change of glasses in his shop here. Dinaanan ko lang."

"You changed glasses?" 'Di makapaniwalang tanong ko.

"Mababa na ang grado ng dati kong salamin. I change glasses every year." Sagot niya.

"Saan ka?" Excited kong tanong. Jeez! Alam kong masyado na akong obvious but I just can't help but to feel giddy. Kanina palang na damit ang nagtratransform sa kanya ay ang gwapo na niya. Paano na lang kaya ngayong new hair at new glasses na rin siya? I just hope it's not the old- fashioned eyeglasses he chose again.

"Here. Behind you." Sagot niya at agad naman akong napalingon sa likuran ko.

And my jaw dropped. Literally. This even exceed my expectation. His hair's cut in a normal slope, the hair on the side of his head shaved up to his temples. The top part of his hair was cut to a length that reached between his eyebrow and eye. It was parted in the middle, his fringes twisted downward giving the perfect curtain hairstyle. His eyeglasses were wide- framed that accentuated the shape of his face.

"What?" Tila naiinip na tanong niya.

"C- Carrots?" Tila paniniguro ko pang siya iyon.

He rolled his eyes. "C'mon, Oreo, you're shopping spree is making me all tired. I'm famished." Sabi pa niya saka nagpatiuna ng naglakad.

I grinned. Widely and proudly.

So he's really my carrots? My very own handsome carrots?

"Carrots!" I called delightedly as I run to keep up with him. Kumapit ako sa braso niya.

"So loud." Palatak niya.

"I want a carrot cake!" I beamed.

"What should I expect, you're a bunny afterall." Sagot niya na ikinangiti ko na lang ng malawak.

"Of course! I'm your bunny!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro