Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11th Charm (edited)

🐰11TH Charm🐰


I was so problematic while looking at my Math assignment. Nangalumbaba ako sa lamesa at mahaba ang ngusong nagmumuni- muni kung paano ko sasagutin ang equation na hindi ko malaman kung anong significance sa buhay ko. Giro used to do my assignments. Mapa- essay man iyon, reports at lalo na ang mathematical equations, si Giro ang gumagawa lahat. Nasanay akong may tagagawa ako ng assignments at projects kaya ngayon ay hindi ko alam kung paano ko isu- survive ang unang sem ng taon.

"Sorry, natagalan ako." Agad kong itinago sa bag ang hawak na tablet nang dumating si Selene Astraea Madrid at hinila ang upuan sa harapan ko kung saan siya naupo.

Our professors post our assignments online but the output should be submitted in hard copies. So kailangan ko pa rin talagang magsulat at ang problema wala naman akong maisulat dahil hindi ko naman alam sagutan iyon.

"Did you wait long?" Nahihiya pa nitong tanong.

"I didn't notice the time so I'm not really aware if I've waited long." Sagot ko. She gave me a shy smile making her look like an angel. Kung may matatanggap man akong mas maganda sa akin ay si Selene iyon, ang school beauty queen at kaisa- isang nagpapatibok ng puso ng tagapagmana ng pinakamalaking Media Broadcasting Company sa bansa na si Ceyx Iadanza, the Poseidon of Helix U's swimming team.

"Anyway, I've already prepared the pictures and saved it in a separate flash disk card. Pasensya na talaga sa abala. May urgent matter kasi ako mamayang gabi kaya hindi ko mai- a- upload on time ang pictures sa forum natin. So I'm so thankful that you're willing to do it for me." Selene said humbly and I smiled. We're not that close but we treat each other well. One more thing, I couldn't see any bad air on her that would make me hate her. She is always nice and smiling. Para sa isang malditang tulad ko, si Selene 'yong tipong hindi ko magawang kainisan kahit inaamin kong mas maganda siya sa akin.

"This is for the organization so it's okay." Nakangiti kong sagot saka kinuha ang iniabot nitong flash disk. We're sisterhoods in the largest sorority here in school and we have a fundraising project for an indigenous group somewhere in Pampanga. The task is to post the pictures of the indigenous group from the said place taken personally by Selene and it will serve as some sort of documentation for our organization. If the School board will approve, they might help us raising more funds for the indigenous group.

"The report is already saved in the disk. Paki- attach na lang together with the pictures. I really owe you, Oreo." Sabi pa niya na tila ba'y hiyang- hiya. Mukhang ako nga yata ang dapat mahiya sa kanya dahil unang beses akong inatasan ng isa sa mga leader ng sorority namin ng isang task na hindi ko alam kung magagawa ko ng maayos.

Well, it's just posting and attaching documents. Para lang sigurong facebook iyon.

I smiled at her, "Don't worry. I'll do my best."

Isa namang matamis na ngiti ang isinukli niya at pareho kaming napalingon sa pamilyar na lalaking sumulpot sa likuran niya.

"Love." Ceyx lovingly called his girlfriend, his hands on her shoulders.

"Love, you're here." Selene was obviously delighted as he stared at her boyfriend. They look at each other as if there was no other person around. Aw, they're so in love and it's really cute. Giro and I used to be like them.

"Love, Oreo's with me?" She informed him. This time ay halos nakayakap na ang kamay ni Ceyx sa mga balikat ni Selene. Gosh! 'Di sila na ang sweet!

"Heaven's cousin." He smiled and I did the same. "So, you've already met Mang Kepweng?" May halong kapilyuhang anito at nakaramdam ako ng inis ngunit agad ding nawala iyon ng maalala ko ang nickname na ibinigay sa akin ni Vitto. Para sa kanya ako daw si bunny. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilang mapangiti. Pero ang nakapagtataka ay hindi ko pa siya nakikita mula kanina. Pinuntahan ko siya kanina sa may botanical garden pero wala siya doon. Hahanapin ko sana siya pero bigla naman akong tinawagan ni Selene. Dito na nga rin sa café ko nabasa ang posted na assignment namin sa Math.

Bumalik ang atensyon ko sa lovers sa harapan ko. Mukhang wala yata itong balak maupo dahil nageenjoy na ito sa pagyakap kay Selene mula sa likuran samantalang si Selene naman ay nakahawak na ang kamay sa braso ni Ceyx na nakayakap sa kanya. Nasa gitnang bahagi kami ng café at high stools ang gamit namin dahil mataas din ang mesa. Kaya nga walang kahirap- hirap na lumingkis si Ceyx kay Selene mula sa likuran. They were even given the title as King and Queen of Helix U.

"You're calling names again, love." Nakakunot ang noong saway ni Selene sa nobyo.

"Oops," Ceyx looked like a child caught stealing cookies, "sorry, love." He kissed the top of Selene's head. I wanted to roll my eyes. Kung walang ka-romance- romance sa katawan ang pinsan kong si Heaven, itong kabigan niyang si Ceyx ay gawa yata sa asukal ang buong pagkatao! And looking at them, I wonder why I suddenly miss a specific person right now. I should go find him.

"Uhm, excuse me Selene, Ceyx. Pero I need to go. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko habang inilalagay sa bag ang flash disk.

"Okay. Mag- iingat ka." Malambing na sabi ni Selene. I genuinely smiled at her.

"Thanks!" Bumaba ako sa kinauupuan at isinukbit ang strap ng Prada ko. "Bye, Ceyx! Tell my cousin I said hello!" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagmamadaling humakbang na paalis. Saktong paglabas ko ng café ay nasalubong ko ang isa sa mga kasama ni Vitto sa lab the other day, 'yong kaisa- isang girl among the three na hindi nagsusungit kay Vitto. Dahil nasa loob lang naman ng campus ang café ay napakalaki talaga ang possibility na magkrus ang landas namin doon so this is just a very lucky day!

"Miss!" Agaw ko sa atensyon nito at nagtataka itong tumingin sa akin, "You're Vitto's groupmate, right?"

Saglit na nag- isip ang babae kapagkuwa'y tumango.

"He's not there sa lab kanina. Have you seen him somewhere?" Tanong ko.

"S- Si Blake Vitto?" Tila naninigurong tanong nito.

"Oo, si carrots—I mean si Vitto."

"Uhm, hindi siya nakapasok today. He's sick." Tila nahihiya pang sagot ng babae.

"What?! He's sick?!" Gulat na tanong ko at inirapan ko lang ang dumaan na nagparinig sa aking maingay daw ako. Gosh! Sick daw si carrots! Wait, paano niya nalaman? Close ba sila? Tinaasan ko ng kilay ang babae. "How do you know that he's sick?"

"He called me. Mukhang may colds siya." Sagot naman nito na nagpanganga sa akin. Really?! The call each other? E ni hindi ko nga alam ang phone number ni Vitto! He's so unfair! I kept on nagging him about his phone number yesterday but he just shrugged me off. Tapos malalaman kong may katawagan siyang isang girl?

Napahinto ako at ininspeksyon ng tingin ang babae from her plain sandals to her timid face. Gosh! She looked like she's going to faint the moment I snap on her. Nakakaramdam ako ng bad aura sa kanya. Same bad aura na nararamdaman ko sa mangaagaw na Rosenda Rosales na iyon!

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko na may cute pink case saka iyon iniabot sa kanya. Nakaawang ang labing nakatingin siya sa akin, nagtataka.

"I just changed my phone and lost all my contacts." Pagsisinungaling ko, "Give me his number." Utos ko pa.

"H- Huh?"

"Bilis na. Give me his number." Halos ipagdikdikan ko na sa kanya ang hawak na cellphone. Tila natatarantang kinuha niya naman iyon. Napaawang ang labi ko ng mai- save niya ang number ni Vitto na hindi man lang iyon chini- check sa phone niya.

Ibinalik niya sa akin ang phone pero hindi koi yon tinanggap. "How are you sure that you saved the right number?" Nagdududang tanong ko.

Tila lalo pang nataranta ang babae at dahil maputi ay namula ang buong mukha. Gosh! I hate her! "I—I memorized it."

Inis na hinablot ko ang cellphone mula sa kanya. Bakit niya naman ime- memorize ang number ni Vitto?!

"Thanks." Labas sa ilong na pahayag ko saka siya nilampasan. Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ay medyo lumayo muna ako sa café saka pinalitan ang ipinangalan ng babaeng Blake Vitto sa Carrots. Napangisi ako.Titiyakin kong makukunan ko siya ng stolen shot para may ipang- contact photo sa number niya. Pero agad ding nawala ang ngisi ko nang maalala ang sinabi ng babae. Carrots has colds daw e nag- ice cream lang kami kahapon.

I decided to dial his number and I was surprisingly hanging my breath while waiting for him to pick up. It just rang and rang 'til I heard a recorded voice message. Naiinis na nag- dial ako ulit at naghintay hanggang sa muling marinig ang nakaiiritang recorded voice message na iyon. Naiinis na ipinadyak ko ang aking mga paa. Bakit ba hindi siya sumasagot? Bakit kapag 'yong mukhang walang dugong babaeng 'yon ay tinatawagan niya pa?!

I hastily opened my messaging app and texted him saying to pick up because it's his bunny who's calling. Naghintay ako ng ilang segundo bago nag- dial ulit. I impatiently tapped my foot as I waited for him to pick up. My chest felt like it expanded and erupted when I heard slight screeches on the background.

"Carrots!" I beamed as I slighted jumped up in excitement.

"What is it again that you want?" He groaned in a raspy voice but why the hell did it still sound sexy?!

Get a grip, Oreo! You're crazy! Crazy!

I blinked and woke up from my trances. "Uhm, are you sick?" Tanong ko at tumahimik ang kabilang linya, "Carrots! Sick ka ba talaga? Pupuntahan kita." I worriedly said.

"Huwag na." He was obviously trying to sound firm despite the weakness in his voice.

"Tell me your address. Dadalhan kitang food—"

"Don't ever think about it! I still want to live longer." He hissed making me pout as if he can see it.

"Bad ka. Concerned na nga ako sa'yo e." Bahagya kong isinipa- sipa ang paa sa maliliit na batong nasa lupa.

I heard him groaned, "Concern yourself with your studies. I'm getting tired seeing your failing marks." Narinig ko ang mahinang pag- ubo niya. Marahil ay inilayo ang cellphone para hindi ko mapansin iyon. I was really getting worried.

"Tell me your address na, please." Pakiusap ko pa sa kanya.

"Huwag ng makulit, Oreo." He sounded impatient yet my heart leaped when he said my name for the very first time. Gosh! There is seriously wrong with me!

"I'm hanging up."

That broke from my trances but Vitto had already ended the call. I bit my lower lip as I stared at my phone's screen. There must be something wrong with me to feel this. Pero siguro ay na- excite lang ako dahil matapos ng katakot- takot na pagtataboy at pagsusungit sa akin ni Vitto ay nakakausap ko na siya ng normal ngayon. And I feel closer to him most especially now that he already call me by my name.

Right. Maybe this feeling is just a sense of achievement. Itinago ko sa bag ang cellphone at huminga ng malalim.

If you don't want to tell your address, then I will make a way for me to know it.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

"Carrots!" Masiglang pagbati ko nang bumukas ang pintuan at napaawang ang aking mga labi nang iluwa no'n si Vitto na nakasuot ng maluwag na puting long sleeves at gray na cotton jogger pants. Nakalitaw din ang silver na kwintas niya na may pendant na silver ring. Magulo ang buhok niya, 'yong tipong bedroom hair at ang labi'y natatakpan ng puting mask. Pero ang dahilan talaga ng pag- awang ng mga labi ko ay wala siyang suot na salamin! Sa katunayan ay nakayapak lamang siya at kitang- kita ko ang mala- labanos na mga paa niya. Why? He looked different... and sexy. Gosh! Did I just say sexy?

I'm a pervert! A pervert! I'm really going crazy as in crazy- crazy! Never did once that I even thought of Giro as sexy. Bakit naiisip ko 'yon sa ibang lalaki? At sa nerd na si Vitto pa! Pero hindi talaga siya mukhang nerd ngayon. He looked like someone who just finished working out! What happened to my carrots?!

"What the heck are you doing here?!" Nakakunot ang noong bulalas niya. His right hand was still holding the knob while the other was against the door frame like he really doesn't want me to enter his unit. It's in a cost- effective condo somewhere near Helix U. Kung kotse ang gagamitin, kulang sampung minuto lang ay makakarating na agad. Nasabi kong cost- effective dahil hindi kasing gara ng mga mamahaling condo ang buong building.

"Dinadalaw kita." I replied after waking up from reverie.

"Hindi pa ako patay kaya 'wag ka munang dumalaw." Iritableng aniya at isasara na sana ang pintuan ngunit mabilis na lumusot ako sa maliit na space sa pagitan niya at ng hamba at nagmamadaling pumasok. "Ugh! Woman!" Nanggigigil niyang bulalas ngunit wala na siyang nagawa pa nang tuluyan akong makapasok sa loob.Narinig ko ang pagsara ng pintuan.

I was welcomed with rich aromatic scent of lavender and citrus. My eyes roamed the whole place with awe. It was all white and brown and green. Sobrang gaan ng kulay kaya maaliwalas sa mata. The unit was small but everything was in the right places making it looked so neatly organized and looked spacious.

There were ornamental plants in each corner of the room and even the tiny chandelier was of intricate leaf shapes. There was a huge white sofa with four brown throw pillows in the living room in front a 60- inch flat screen. In between was a coffee table made of wood and on the floor was a dark brown carpet. There's a large tulip- shaped lamp towering the left side of the sofa. Napangiwi ako ng makita ang mga aklat na nakakalat sa coffee table at nakabuklat ang isa doon. Maski may sakit ay nakukuha pa rin talaga niyang magbasa.

Nakangiting humarap ako sa kanya, "Look! I brought you fruits!" Masayang sabi ko at iniangat pa ang dala kong fruit basket. "Dalhin ko na sa kitchen mo, huh?"

Bago pa siya makapagreklamo'y naglakad na ako patungo sa maliit niyang kitchen na madali lang naman mahanap dahil bukod sa hindi naman maluwang ang unit ay isang puting shelf na puno ng mga aklat ang nagsisilbing dibisyon ng maliit na sala sa maliit na kitchen.

Bilib naman talaga ako sa pagiging environmentalist niya dahil hanggang sa kusina ay may mga halaman akong nakikita. There was also a dark brown carpet on the floor. The built- in kitchen cabinets, which was actually connected to the sink, were all white. Walang mesa doon pero mayroong island counter kung nasaan ang lutuan at ang kalahati no'n ay marahil na nagsisilbing dining table niya.

"Stop gaping at my kitchen like a total stalker and leave." Vitto's ice- cold voice cut me off from my trances and I realized that my mouth was slightly wide open in awe. He was lazily leaning against the side of the book shelve with his arms crossed against his chest. So kapag nagkakasakit pala ang mga nerds may tendency na magtransform sila at maging hot.

I mentally slapped my mouth. What's with me today that's keeping on spouting these censored words? Sexy and hot? And Vitto?! In one sentence?!

Jeez! What am I thinking? Hot man o hindi ay 'di maitatangging nerd pa rin si Vitto... at sobrang sungit!

I immediately composed myself and smiled sweetly at him as I headed towards the sink.

"I'll wash the fruits and put them in your fridge." Sabi ko pero mabilis siyang nakalapit sa akin saka inagaw ang ilalapag ko palang sanang basket ng prutas sa counter.

"I'll take it from here. Go home." Aniya. Lumapit siya sa island counter at inilapag ang basket doon.

"I just arrived pero pinaaalis mo na ako?" Naiinis at nagtatampong tanong ko. Nang lapitan ko siya'y mabilis siyang umatras palayo sa akin. Lalo akong napasimangot.

"How do you know that I live here?" Tanong niya.

I smirked proudly, "I have sources, carrots."

"Rich people." He groaned irritably and headed towards the living room. Sinundan ko naman siya ngunit napahinto ako sa gitna ng sala nang buksan niya ang pintuan.

"Leave." Malamig na aniya habang nakatingin sa akin.

Napanguso ako sa inis. "Ayaw!"

"Alis na." Madiin na utos niya.

"Ayaw!" Sagot ko saka nagmamadaling hinubad ang sandals at tumakbo paikot sa sofa upang isiksik ang sarili doon at kinipkip ang isang throw pillow. The sofa was really soft and comfy. Amoy Vitto.

Narinig ko pa ang nayayamot niyang pag- ungol kasunod ng pagsara ng pintuan. Napangiti ako. Akala niya, huh? Hindi niya ako basta- bastang matataboy noh. Sanay na yata ako sa kasungitan niya.

Pumapalatak pa itong lumapit kung saan ko iniwan ang sandals ko at maayos na iniligpit iyon sa rack. Naglakad siya patungo sa isang rack at pagbalik ay inihagis sa harapan ko ang pares ng brown na panlalaking tsinelas. Malawak ang ngiting isninuot koi yon habang yakap pa rin ang throw pillow.

"Thanks!" Masaya kong sagot pero irap lang ang itinugon niya sa akin. "I'll open the TV huh?" Sabi ko pa saka inabot sa coffee table ang remote. Mabilis kong hinanap ang channel ng Disney.

"Mamayang paggising ko dapat wala ka na. " Mailap na sabi pa niya saka tinungo ang kaisa- isang pintuan na nasa sulok. Malamang ay pintuan ng kwarto niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko pero hindi siya sumagot bagkus ay pumasok sa silid saka isinara ang pintuan. Naiinis na napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa nakapinid na pintuan. Ang sungit- sungit! Akon a nga 'tong concern ako pa ang susungitan niya. Kainis!

Tumayo ako at iniwang bukas ang TV. I cannot a place without hearing any noise. Napangiti ako habang nakatingin sa tsinelas ni Vitto na suot ko. Bagay ang kulay sa kulay gold kong nail polish. Nagtungo ako sa kitchen para hugasan ang mga dinalang prutas. Matapos ilagay ang iba sa ref ay pinagbalat ko si Vitto ng orange at apple. Ayoko ng magmarunong magluto dahil baka masunog ko pa ang cute na kitchen niya. Mago- order na lang siguro ako later. For now, mayble apples and oranges will do.

Ii- slice ko na sana ang kalahati ng apple nang biglang dumulas iyon sa kamay ko at sa halip ay nag- land iyon sa index finger ko.

"Ouch!" Daing ko sabay bitaw ng hawak kong knife na nakagawa ng ingay ng tumama sa babasaging saucer na kinalalagyan ng nahimay ko ng oranges. As if on cue, I heard a slamming of a door and Vitto came rushing towards the kitchen.

"What the heck!" Paos na bulalas niya nang bumaba ang tingin sa nagdurugo kong kamay. Mabilis siyang nakalapit at hinila ako sa sink upang itapat ang nagdurugo kong daliri sa binuksan na faucet. At sa halip na magalala sa sugat ay mas nagalala ako sa hindi normal na bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya. Kahit pa malamig ang tubig na nanggagaling sa gripo ay ramdam ko pa rin ang init ng balat niya. Doon ako bumalik sa huwisyo.

"Nilalagnat ka!" Nagaalalang sabi ko at iniangat ang kamay upang sapuhin ang kanyang noo. Tila napapasong umiwas siya sa akin.

Mabilis kong pinatay ang faucet. "Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita bagkus ay humarap sa isa pang cabinet at binuksan iyon saka naglabas ng malinis na towel na ipinamunas sa kamay ko. Natigilan ako sa ginawa niya ngunit ramdam ko pa rin ang init na sumisingaw mula sa kanyang katawan bukod pa sa malalalim niyang paghinga. At dahil wala na siyang suot na face mask ay kitang- kita ko ang pamumula ng mga pisngi niya dahil sa lagnat.

I was still a bit disoriented and silent when he let go of my hand and opened another cabinet to get a first- aid kit. Sinimulan niyang linisan ang sugat ko kapagkuwa'y binalutan iyon ng band- aid.

Nang matapos iyon ay mabilis akong kumuha ng tubig saka iyon ibinigay sa kanya. Kinua niya naman iyon at ininuman ngunit 'di pa nangangalahati ay inilapag na niya sa counter ang baso.

"Go home." Napansin ko ang pasimpleng paglayo niya sa akin.

"Hindi ka pa kumakain."

"I can take care of myself." Iwas niya. Muli niya akong tinalikuran saka bumalik sa kwarto niya. Mabilis akong naghanap ng paracetamol sa first aid kit at muling kumuha ng isang basong tubig. Nilagay ko ang mga 'yon sa isang tray kasama ng orange na nabalatan ko at kalahati ng mansanan na nagawa kong i- slice. Maingat ang bawat hakbang na tinungo ko ang kwarto niya. Malamang ay nakalimutan niya itong isara dahil bahagyang nakaawang iyon kaya naman walang hirap akong nakapasok sa loob.

"Carrots." Mahina kong pagtawag at gaya ng inaasahan ay hindi siya sumagot. Nakita kong nakatagilid siya sa kama at nakabalot ng kumot. Lumapit ako sa nightstand upang ilapag doon ang dalang tray.

He has a small bed with white mattress, brown pillows and white comforter. There was also a huge tulip- shaped lamp towering the side of his table. On a corner was a counter connected to the wall that served as his study table where his computer and other school stuffs were. Brown carpet was laid on the floor. On the sides of the large mirror paneled wall covered with blinds were ornamental plants. There were three guitars hanging on the wall and a keyboard on the corner. So, he plays music.

His room smelled so much like him and I like it.

"Vitto... carrots, kumain ka muna tapos inom ka ng medicine." Mahinang sabi ko ngunit nanatili siyang nakapikit at malalim ang paghinga. "Carrots..." Untag ko pang muli ngunit hindi siya sumasagot. Kinakabahang naupo na ako sa gilid ng kama at sinapo ang noo niya.Grabe, sobrang init niya!

Natatarantang lumabas ako ng silid upang dalhin na ang buong first- aid kit niya. Naghanda na rin ako ng tubig na may alcohol sa isang basin at malinis na towel.Ito ang mga nakikita kong ginagawa ng characters sa drama kapag nagaalaga sila ng may lagnat. Dala- dala ang mga iyon na bumalik ako sa silid ni Vitto.

Inilapit ko ang thermometer kay Vitto saka pumindot doon. Ganoon ang nakikita kong ginagawa ng nurses sa hospital tuwing naco- confine ako dahil sa lagnat. Halos mawindang ako ng makitang 39 degrees and temperature niya! Kinabahan ako lalo, hindi ko alam ang gagawin!

I immediately long pressed 1 without thinking. Habang naghihintay ng sasagot ay natatarantang dinama kong muli ang noo ni Vitto at halos mapaso ako sa init no'n. Inayos ko ang kumot niya ng mapansin ang malalim niyang paghinga pati na ang panginginig niya. I sighed in relief when someone picked up.

"Oreo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Giro. Shit! Siya pa rin pala ang number 1 sa speed dial ko! But I can't turn my back now, can I? Magiinarte pa ba ako kung matter of life and death na ito?

"Giro, I need your help!" Natataranta kong sabi nang umungol si Vitto na tila kinukumbulsyon na.

"What the hell, Oreo! Nasaan ka? Sinong kasama mo?" Sunod- sunod na tanong nito nang marahil ay marinig ang pag- ungol ni Vitto.

"Inaapoy ng lagnat 'tong friend ko. What should I do?" Nagaalalang tanong ko habang nakatingin sa pulang- pulang mga pisngi ni Vitto na ngayon ay hindi na nakatagilid ng higa. Ibinalot ko ng mabuti ang kumot sa kanya.

"Who's sick? Ricci? Peewee?" Tanong nito na walang kaide-ideya na wala na dito sa Manila ang mga binanggit niya. Mukha ngang wala na itong pakialam sa akin dahil 'di na nito alam ang mga ganap sa buhay ko. But do I have a time to sulk right now? Ayokong mamatay sa kombulsyon si Vitto!

"39 degrees and temperature niya! Giro, what should I do? Kinakabahan na ako!" Bahagyang tumaas ang boses ko sa kaba. Biglang naubo si Vitto at tila ba'y hirap na hirap siya sa paghinga. Parang tinatambol na ang dibdib ko sa takot. "Giro!" Untag ko pa rito ng manatili itong tahimik sa kabilang linya. Naiinis na papatayin ko na sana ang tawag para tawagan na lang si Heaven nang bigla itong magsalita.

"First you have to wipe his body with a clean and cold towel. That would help lessen the temperature."

"I have the towel and the cold water with me. What about the food? What food should I serve him?"

"So it's really a him, huh?" Tila nanunuyang anito. I irritably rolled my eyes.

"If you don't want to help then I'm hanging up—"

"A porridge will do." Biglang sagot niya kapagkuwa'y tumikhim, "But can you cook? I mean— I know that you can cook but—"

"I will make a way to make it edible." I rolled my eyes. He's starting with those white lies again.

"Thanks, Giro!" And with that I ended the call. Inilapag ko sa night stand ang cellphone saka inumpisahang dampian ng malamig na towel ang mukha ni Vitto. His lips were slightly opened and I can feel his hot and minty breath. Ngayon ay problema ko kung paano pupunasan ang katawan niya. And I immediately flustered with the thought of stripping him.

Gosh! Ako naman yata ang kokumbulsyunin 'pag nagkataon!

Napatingin ako sa mukha ni Vitto na maski may sakit ay maaliwalas dahil hindi nakatabing ang buhok niya sa mga mata. Ang cute talaga ng ilong at lips niya na lalo pang namula dahil sa lagnat. At kung tititigan ng mabuti... hala, gwapo pala si Vitto!

Gosh! Ipinilig ko ang ulo upang alisin ang kung ano- anong naiisip. I soaked the towel on the cold water and squeezed it. Hindi na lang ako titingin. Pipikit na lang ako habang pinupunasan ang katawan niya.

Dahan- dahang inalis ko ang kumot at narinig ko ang pag- ungol niya. Inililis ko ang manggas ng long sleeves niya saka pinunasan ang mga braso niya. Lean yet firm muscles were on the right places. Isusunod ko sa may bahaging collarbones at balikat niya kaya iniiwas ko ang tingin at ipinasok ang kamay na may hawak na towel sa may bandang taas ng damit niya. Ramdam ko ang mainit na singaw ng katawan niya ngunit patag nang paghinga niya. Malamang ay nakatutulong ang ginagawa ko para maginhawaan siya.

Kaya nga nang matapos ako sa itaas na bahagi ng katawan niya ay napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa bandang tyan niya.

'Lord, please help me.' Piping usal ko. I'm not a pervert! There's no way that I will become one! Gagawin ko lang naman 'to sa ngalan ng pagtulong sa isang kaibigan.Tsaka hindi ko naman titingnan e. I soaked the towel again in the water and squeezed it. I then looked away from his body as my hand crawled underneath the hem of his long-sleeve shirt.

I nervously cleared my throat a couple of times as I felt the tiny hard bumps on his tummy. Really?! As in seriously?! May abs si Vitto! ABS! Hindi ko man nakikita pero alam kong abs iyon. Why? How!? Nagwo- work out ba siya? When?! E madalas ay mga halaman at libro lang naman ang kaharap niya!

Nanginginig ang mga kamay na tinapos ko ang ginagawa saka siya pinalitan ng damit pantaas. Doon ko na nga nakumpirma na abs nga ang itinatago niya sa likod ng mga baduy na button downs na isinusuot niya. Vitto was certainly hiding something other than his looks and it was making me both giddy and afraid. At pakiramdam ko ay ako naman ang susunod na lalagnatin!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro