Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2nd Arrow

2nd Arrow

...🍃🍃🍃...

“She was showing too much
skin and she was so loud.
Not my type of woman.”

-Rumi dela Cuesta

...🍃🍃🍃...

Rumi

I parked my car at its usual spot in the school’s parking lot. L’s smirking face welcomed me as soon as I went out the car. He was with Ceyx, Cloud, and Ten and I was somehow relieved that Heaven and Kalidasa weren’t there. Man, L is more than enough to deal with.

My forehead automatically creased when L handed over few neatly folded papers. “Letters for you coming from your dedicated admirers. Binasa ko na rin para sa’yo at dahil sobrang talino ko naalala ko pa lahat. You want me to tell you what’s written in there?” Nakangising tanong ng magaling kong kaibigan.

“I want you to buzz off.” I sternly replied as I secured my car’s alarm and L just chuckled. Man, even his chuckle is teasing me. Annoying.

“Jeez,” l rolled his eyes, “if you only loosen up a bit dude, baka gumwapo ka pa ng one inch sa akin.” Pangangantyaw pa ni L. Inis na napalatak ako na nagpatawa kay Ceyx na aliw na aliw yata sa panonood kung paano pestehin ng ka- trio nitong si L ang umaga ko samantalang pangisi- ngisii lamang sina Ten at Cloud.

Hindi ko na lang pinansin pa si L na patuloy sa pagkwekwento ng kung ano- ano at nakasunod naman sa amin sina Cloud at Ten na tahimik lamang na naguusap. Malapit na naming marating ang building ng College of Education na siyang pinakamalapit sa parking lot nang mapahinto ako dahil sa pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.

“Rumi kong sinta!” Pagtawag pa sa akin ulit ng boses at napapamurang humarap ako sa pangahas na tumatawag sa akin.

What the f*ck!

Nais ko na lang magpanggap na walang narinig at mag- walk out na lang nang makitang halos patakbong palapit sa amin ang wirdong babae kahapon na ginawang dressing room ang kotse ko. Hindi pa ba ito nakukuntento sa perwisyong ginawa nito sa akin kahapon at ngayo’y dinugtungan naman ng kung ano- anong nakadidiring salita ang pangalan ko?

Aalis na sana ako ng mahigpit na hawakan ni L ang balikat ko upang pigilan ako. Nakangisi pa ng nakakaloko ang unggoy kong kaibigan habang nakatingin sa papalapit na babae at gustong- gusto ko na talagang sakalin ito, ipahataw ng bat kay Heaven, isilid sa sako saka itapon sa ilog Pasig.

Damn! Kailan pa ako naging ganoon kabayolente?

“Good morning, Rumi!” The woman was smiling widely as she stopped in front me. My forehead automatically creased in distaste as I check out her clothes—a lose white shirt tucked in a checkered red mini skirt. She was showing too much skin and she was so loud. Not my type of woman.

Hell! Where does that stupid thought come from? I guess a short nap would clear my hazy head.

“Get lost.” I said in a cold flat tone as I turned my back to her and started walking away. Damn, her presence is suffocating me.

“Hey, Rumi!” Tawag sa akin ni L na hindi ko pinansin. Pero nang maramdaman kong hindi nakasunod ang mga kaibigan ko sa akin ay nagtatakang nilingon ko ang likuran. Kumunot muli ang aking noo nang makita si L na masayang kausap ang wirdong babae. Maski sina Ten at Cloud ay tila interesadong nakikinig sa paguusap ng dalawa.

Seriously?! At nang marinig ko ang malakas na pagtawa ng babae sa sinabi ni L ay lalo akong nayamot. An gaga- aga pero sira na ang araw ko. Pero mas masisira pa yata ‘yon ng makita kong patakbong lumapit na naman sa akin ang wirdong babae samantalang si L ay tila nanunuksong kumaway pa sa akin. Napaawang ang labi ko ng sabay- sabay pang tumalikod ang tatlo at naglakad palayo.

This morning is a piece of shit! God, I want to smack my head for the profanities that were flooding my mind. My mom would really kill me if she can hear my thoughts right now. My beautiful mother hates hearing curses and I love her enough to avoid cursing at home.

“Damn!” Hindi ko na napigilang mapamura ng huminto ang babae sa harapan ko. Her clothes were too revealing and I’m really getting distracted at it. She has a small face and goofy eyes with thick lashes. Her long hair was almost all over her face and I clacked my tongue in disgust when she tucked those wild strands of hair behind her ear while acting all cute and naïve.

“Bet mo ba ‘tong outfit ko sinta? Kanina mo pa tinitingnan e.” Makahulugang ngumisi ang manipis na labi nitong nakukulayan ng pula. Kasing- pula yata ng palda niya. I hate woman who wears lipstick.

Great. No one’s asking you, Rumi.’ I sarcastically remarked in my head.

“What’s your problem?” Masungit kong tanong. Nakakapikon, nasasayang ang oras ko dito.

Ngumiti siya, halatang nagapacute. Disgusting.

“Waley nemen, na- mish leng kita e.” Maarteng anito na lalong nagpakunot ng noo ko.

“What the hell are you talking about?!” I irritably snapped and she crinkled her cute nose. Okay, I know that I’d just given her a compliment but my mom taught us to never lie. It’s been mine and Kalidasa’s habit to stay honest all the time.

“Ang slow mo naman, sinta,” She pouted her lips, “Ang sabi ko na- miss kita!”

What the hell!

“Hindi sinta ang pangalan ko.” Yamot kong tugon.

“Kung nagtatagalog ka sana lagi e ‘di na dumudugo ‘tong utak kong i- gets mga sinasabi mo.” Nakangusong anito, “tsaka ‘yong sinta, endearment ko sa’yo ‘yon!” Nagpapa- cute pang dugtong nito sabay hampas sa baba ng balikat ko. Damn, mababaliw ako sa babaeng ‘to!

“’Wag mo na ‘kong kakausapin.” Nawiwirduhang sabi ko rito saka ito tinalikuran pero maski maliit ito ay maliksing namang kumilos. Mabilis itong nakahabol saka hinarangan ang daraanan ko.

“Grabe ka naman, sinta. Ang stingy mo naman.” Tila nagtatampo pang anito at wala akong pakialam. Hindi naman kami close para magtamp. Nakakayamot talaga ang babaeng ‘to!

Naiinis na pumalatak ako at nilampasan na lamang siya. I increased my pace to get away with the woman who swallowed chaos. God! She’s absolutely a walking disaster!

“Rumi!” The woman called and I chose to ignore it.

“Rumi!” Tawag pa nito ulit, hindi ko pa rin pinansin.

“Rumi kong sinta!” Malaks pa ulit na tawag niya at napahinto ako. Napapikit ako sa labis na inis. Nanggigigil na hinarap ko ang direksyon ng makulit at maingay na babae ng muli itong sumigaw, “Gustong gustong gustong gusto kita Rumi kong sinta!” Sigaw nito sabay kindat pa sa akin.

What a f*ckin hell of shit?!

At tila itinulos na lang ako sa kinatatayuan ko ng patakbong tinawid ng babae ang distansyang humihiwalay sa amin. And my eyes dilated as my breathing literally stopped when she halted in front me, tiptoed and carelessly pressed a kiss on my jaw.

“Next time ulit, sinta!” Masayang anito at kumaway kaway pa bago tumakbo palayo sa akin.

I subconsciously lifted my hand to my jaw, still feeling her warm lips on there. At parang gusto ko na lang sumabog sa labis na inis ng makita ang mantsa ng lipstick sa likod ng daliri ko.

...🏹🏹🏹...

Khami

Para akong lumulutang sa alapaap. ‘Yong tipong nagkapakpak ‘yong imitation na Vans old school ko. Paano ba namang hindi kung nakanakaw ako ng halik sa bago kong ultimate crush na si Rumi kong sinta? Nakasakay na nga ako ng libre sa magarang kotse niya kahapon ay nakakupit pa ako ng halik ngayon.

Waaah! Gustong- gusto kong magsisigaw sa tuwa. Grabe, kinikilig talaga ako!

Hindi naman siya ang first kiss ko. May mga naging boyfriend na rin naman ako at hindi ko itatangging nahalikan na nila ako. Pero ‘yong nakupit kong kiss kay Rumi iba. Kahit sa panga lang tumama ‘yon sulit pa rin girl! Sayang nga e, sa cheeks dapat ‘yon pero sa tangkad ba naman niya, kahit tumiklay pa ako ay panga lang talaga ang kaya kong abutin.

Napahagikgik ako ng maalala ang epic na expression ng gwapong niyang mukha. Sigurado akong isinusumpa na niya ako sa utak niya pero mas higit pa akong nae- excite sa mga susunod na encounters namin. Ngayon lang ako nagka- crush sa isang suplado. Pero ‘pag nagsusungit siya, lalo siyang gumagwapo.

Matapos ng huli kong subject ng tanghali ay full of energy akong dumiretso sa Jollibee para sa shift ko. Mamayang alas tres pa ang sunod na klase ko kaya bongga lang mga ‘te! Kaya sinadya ko talagang 18 units muna ang i- enroll ko para may time pa ako sa mga raket ko. Kung hindi ako magtratrabaho ay wala akong ipanga- allowance at maibibili ng mga projects. Puro printed pa naman ang labanan ngayon. Tapos ang mahal pa ‘pag colored.

Sinilip ko ang oras sa mumurahin kong wristwatch. Nasa may parking lot na ako sa harap ng Jollibee. May oras pa naman ako pero tinakbo ko na rin ang papasok para mas marami pa akong oras makipagtsismisan sa mga kasama kong tapos na ang shift.

Pero sa pagmamadali ko, hindi sinasadyang mabunggo ko ang papalabas na babae. Mabilis naman akong humingi ng tawad dito. Mabuti na lang at mabait dahil kung hindi ay singhal ang aabutin ko. Pero natulos ako sa kinatatayuan ng madako ang tingin sa matangkad na lalaking nakaalalay sa nabunggo kong babae. Alalay na alalay ito sa babae na malamang ay girlfriend nito, halatang malakas ang tama sa babae. Nang iangat ng lalaki ang mukha na bahagyang natakpan kanina dahil sa pagyuko ay nanlaki ang mga mata ko.

“Uy, pogi ikaw nga!” ‘Di ko mapigilang mabulalas sabay hampas sa braso nito nang makumpirmang si Rumi nga iyon. Nanigas ito at nagtatakang natigilan naman ang babaeng nabunggo ko. Grabe naman, may girlfriend na pala siya. Medyo masakit huh? Pero hindi naman ako si Khami kung susuko lang ako ng maaga.

Pero sobrang nakaka-hurt na talaga siya! Kung tingnan ako ay parang ngayon lang talaga ako nakikita!

“’Di mo na ako naaalala? Hala, kanina lang nagkita pa tayo e!” Nanunuksong sabi ko pa at napansin ko ang pasimpleng pag- alis ng babae ng kamay ni Rumi na nakaalalay sa balikat nito. Lalo pa akong napangiti samantalang si Rumi ay tila nawiwindang na natatakot na nalilito na ewan. Ibang- iba sa masungit at cold na expressions nito kaninang umaga. Hala, ganyan ba siya kapag kasama ang girlfriend? Nagbabait- baitan?

“Dyosa ko.” Nagaalalang bulong niya sa babae na nanatiling tahimik ngunit bakas ang tensyon sa magandang mukha. Medyo nasaktan ulit ako sa endearment niya sa babae. Hindi ko mapigilang mapasimangot sa loob- loob ko. Kanina ay galit na galit ng tawagin ko siyang sinta samantalang mas wirdo naman ang endearment niya sa girlfriend niya. Hmpf!

Maski nakasuot lang ng simpleng t- shirt at jeans ay sobrang ganda pa rin ng babae. ‘Yong gandang hindi na kailangan ng make- up para mangibabaw. Maliit ang mukha nito at parang sobrang lambot ng abot- balikat na buhok at higit na mas matangkad kaysa sa akin. Completely my opposite. Grabe, napapa- English tuloy ako. Ganyan pala ang tipo niya sa mga babae. Pero sabi nga nila, don’t give up without a fight. Nahalikan ko lang siya kaninang umaga at sisiguruhin kong hindi pa iyon ang huli!

“Girlfriend mo?” Kunawari’y nagmamaang- maangan kong tanong sa kanya sabay turo pa sa babaeng nalulon yata ang dila. Pero maski mukhang naiiyak na ay sobrang ganda pa rin. Naiinsecure na talaga ako. “Hala, akala ko ba single ka?”

Parang gusto kong mag- retreat ng tumapang ang ekspresyon ng magandang mukha ng babae. Parang mananapak anytime. Ang fierce lang mga ‘te! Halata ang pagtitimping hinarap ako ni Rumi.

“Excuse me, miss. Pero baka hindi ako ang tinutukoy mo—“

“Ikaw ‘yon!” I cut him off. Himala, hindi yata siya naka- talking dollars ngayon? Hindi rin nakasinghal! Parang bumait ng kaunti kahit pa mukhang nayayamot na sa akin.

“Di ba kahapon nga sa kotse mo pa nga ako nagbihis ng uniform kasi mali- late na ako sa shift ko?” Pagpapatuloy ko, “Tapos ‘di ka pa nga umangal ng magpahatid ako sa’yo rito. Grabe, ang gara ng kotse mo, brad! Amoy dollars!”

“Teka lang, miss, you are mistaking me from someone else.” Natatarantang sansala ni Rumi saka nagsusumamong humarap sa babae na nakakuyom na ang mga palad, “Dyosa ko, hindi ako ‘yon.” Malambing ang boses nito. Wait, hindi gano’n magsalita si Rumi. Baka nagpapanggap lang para hindi i- break ng girlfriend. Hmf! Mapagpanggap!

“Wow! Ang taray ng endearment o!” Hindi ako nagpaawat. Naiinis ako sa pagbabalat kayo ng lalaking ito sa harapan ng girlfriend, “Dyosa ko? E ano namang tawag mo sa kanya, girl? Diyos ko?” Nakatawang tukso ko pa.

“Miss, will you please stop?!” Rumi snapped in gritted teeth and my jaw dropped when I saw his dangerous eyes. Si Rumi nga ito. Confirmed!

“Uy! Ba’t ka galit? Ang nice nice mo lang kahapon e. Pinaniwala mo pa akong wala kang girlfriend.” Nakaingos kong sabi.

Sasagot pa sana si Rumi ng walang salitang nag- walk out ang girlfiend niya. Napamura ito ng malakas at frustrated na dinaanan ng mga daliri ang buhok.

“Miss, ano bang problema mo?!” Yamot na sita nito sa akin. Nangiinis akong ngumiti. Wala akong pakialam kung pinagtitiningan na kami. Kailangan kong kaiahon ang nasira kong dangal— dangal ng pagkaka crush sa kanya!

“Mapagpanggap ka!” Asik ko din.

“Damn!” Muli siyang napamura ng malakas, “I have no time to argue with you, miss. Get lost!” Galit na asik niya sa akin saka hinila pabukas ng pintuan ngunit mabilis ko siyang napigilan sa braso.

“Grabe ka huh! Hindi porke’s hinalikan kita kanina pwede mo na ‘kong i- get lost ng two times!” Naiinis na sabi ko sa kanya.

“WHAT?!” Nawiwindang na tanong niya sa nanlalaking mga mata.

Maka- what naman si kuya. Minarkahan ko pa nga ng lipstick ang panga e! Mapagpanggap talaga!

Marahas niyang binawi ang braso sa pagkakahawak ko nang may tumawag sa kanya.

“Boy! Anong nangyayari?” Tanong ng papalapit na lalaki. May isa pang lalaking nakasunod dito.

“O, Kalidasa. Nasaan na ‘yong girlfriend mo?” Tanong naman ng isa at wait— ano daw?! Kalidasa? Tinawag nitong Kalidasa si Rumi?!

Nalilitong napatingin ako kay Rumi na tnawag na Kalidasa. Mukhang aburidong- aburido ito.

“Orix, kayo ng bahala rito.” Nagmamadaling ani Rumi saka hinila ang pintuan at patakbong umalis.

Awang ang mga labing humarap ako sa dalawang lalaki.

“A- Anong itinawag niyo sa kanya?”

Ngumiti ang singkit na lalaki, ‘yong tinawag na Orix ni Rumi. “Kalidasa.”

“Siya si Rumi ‘di ba?!” Mas diin ko kaysa tanong. Napatawa ang dalawang lalaki.

“A, bago ka siguro sa school noh?”

“Paano mo nalamang pareho tayo ng school?” Nagdududang tanong ko habang yakap ang sarili, “stalker kita noh!?” Bulalas ko pa. Transferee lang naman kasi talaga ako. Sa probinsya ako nag- aral ng first year. Isa pa’y hindi naman ako madalas tumambay sa school sa dami ng mga raket ko kaya hindi ako masyadong aware sa mga ganap doon.

Natawa naman ito saka itinuro ang lace ng ID ko. May malalaking letra ng HELIX UNIVERSITY na nakatatak doon. Tumikhim ako para takpan ang pagkapahiya. Bwisit.

“Bakit mo nga siya tinawag na Kalidasa?” Pangungulit ko ulit.

“Kasi nga siya naman talaga si Kalidasa.” Pasensosyong paliwanag ng lalaki, “Si Rumi, ‘yon ‘yong kakambal niya.”

Patay tayo d’yan! Maghanap ka na ng lunggang matataguan, Khamila!

🔹🔹🔹🔸

Nosebleed talaga ako sa POV ni Rumi pero kailangang panindigan😅.

🔸

Author: Naku Rumi, magingat-ingat ka. 'Yong mga aloof daw at suplado 'pag nainlove parang Kalidasa.

Rumi: (glares) Get lost!

🔸

At 'yan po ang motto ni Rumi dela Cuesta. 'Til next update😉!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro