Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7: Kundisyon, Tanggapin

Kabanata 7

"Anak ng isang mortal at Diyos?" pag-uulit ni Kye sa mga katagang binitawan ni Dianna kaya naman napatango si Dianna bilang kumpirmasyon. "Tinutukoy mo ba ang sarili mo?" tanong nitong muli at bahagya pang ipinilig ang ulo na animo nagtataka.

Kaya naman naurong ang dila ni Dianna, mukhang nagkamali siya. Hindi siya dapat masyadong nagtapang, ngayon ay may alam na ang estrangerong kaharap niya tungkol sa kaniya samantalang tumatanggi itong magpakilala ng sarili.

"O-Oo. . ." Pero paano kung pangunahan niyang ipakita na sa lalake na handa niya itong pagkatiwalaan? Baka sakali. Baka sakali lang ay magkuwento rito ito sa kaniya kahit na paunti-unti. "Si Dian Masalanta. . .ayon sa mga librong nabasa ko ay Diyos siya ng pagmamahal, kapanganakan, at kapayapaan noong unang panahon. Isinilang noong ikatatlong henerasyon at ang bunso ng pantheon."

"Ayon sa libro?" muli nitong pag-uulit sa kaniyang mga sinasabi kaya naman napalunok siya dahil pakiramdam niya ay hinuhusgahan nito ang bawaʼt sinasabi niya. "Kung sinasabi mong anak ka ng isang Diyos na nagngangalang Dian Masalanta. . .bakit galing sa libro ang mga bagay na alam mo tungkol sa kaniya?"

At sa mga katanungang iyon ay talagang nahugot niya ang kaniyang hininga. Napapikit siyang marihin at sinubukang ikalma ang sarili bago muling nagsalita. "Dahil hindi ko siya nasilayan ni minsan magmula nang magkaroon ako ng isipan."

"Kung mortal ang ama mo ay malamang na pinigilan ang pag-iibigan nilang dalawa ni Dian Masalanta kaya hindi mo siya nakilala bilang ina," tila pag-aanalisa nito sa mga impormasyong nakuha na hindi mapigilan ni Dianna kung hindi ang tanguan bilang pagsang-ayon.

Dahil iyon ang katotohanan, ayon sa alamat ay nagmahal si Dian Masalanta ng isang mortal nang lubusan na ikinagalit ito ng ilan sa kanilang pamilya bilang itinuturing itong sagradong batas. Pinarusahan si Dian at magmula noon ay naglaho na siya sa mundo ng mga mortal. Sa kabila nito ay nanatiling masaya si Dian dahil nagawa niyag makasama ang mga tao na kaniyang minamahal.

"I-Ikaw. . .ano ka ba talaga? Kung hindi tayo pareho, paanong mayroon kang mga binti ng isang tao at buntot ng isang sirena?" ang subok na pagpapalit ni Dianna ng usapin na nagpatahimik kay Kye. Tinitigan siya nito sa mga at mahahalatang nag-iisip nang malalim.

"Hindi ako tao," ang panimula ni Kye at muling humarap sa dagat, humakbang ito papalapit sa tubig hanggang sa mabasa ang mga paa ng lalake ng tubig ng dagat na hinahampas ng hangin patungo sa kanilang direksyon. "Ngunit hindi rin ako immortal."

Nagsimulang unti-unting maglabasan ang kaliskis sa balat ni Kye habang nababasa ito ng tubig dagat. Kinakabahang napalingon si Dianna sa kanilang paligid, nag-aalala na baka may makakita sa nangyayari ngayon sa anyo ng lalake ngunit hindi iyon alintana ni Kye.

"Hindi isinilang ang mga sirena na makapangyarihan," putol na pagpapatuloy nitong magsalita at marahas na inihampas ang sariling mga braso sa hangin hanggang sa maglabasan ang matatalim at nakatatakot sa habang mga kuko nito. "Ngunit may magkakaiba kaming mga kakayahan gaya niʼyong mga tao, gaya na lang nito."

"Baka may makakita saʼyo!" nag-aalalang paalala ni Dianna at hindi napigilan ang mapahakbang papalapit kay Kye nang makita niya nang tumubo ang matalim nitong palikpik na siyang pumunit sa suot nitong damit.

"Anong pangalan mo?" bigla ay tanong nito na nagpatigil kay Dianna sa pagtataka. Nagsimulang humakbang si Kye paatras palayo sa tubig hanggang sa tumama ang likod nito sa mukha ni Dianna saka lang ito huminto. "Hindi ba mahilig ang mga tao sa pakikipagnegosyo?"

"Ang pangalan mo ay Kye, hindi ba? Kye, ang kahulugan ng dagat. Napakaganda ng pangalan mo. Ang pangalan ko naman ay Dianna, walang ibang espesyal bukod sa isinunod sa pangalan ni Dian Masalanta dahil mahal na mahal siya ng aking papa." Marahang itinulak ni Dianna ang likod ni Kye papalyo sa kaniya at tagumpay naman siya kahit pa hindi siya humamit ng pwersa.

"Maganda rin ang pangalan mo, para sa akin ay nagiging espesyal ang pangalan para sa isang taong nagpapahalaga rito." Nang humarap sa kaniya ang lalake ay may mapanloko na itong ngiti at naglaho na ang pangungulila sa mga mata para sa kaniyang tunay na tirahan. "Sa palagay ko nga kapag babanggitin ko ang pangalang Dianna ay mukha mo ang una kong maiisip dahil parang ang pangalang Dianna ay para sa mukhang mayroon ka."

"Hindi ko alam na marunong ka palang magbiro nang ganiyan." Kalokohan pero tunay na natawa at napangiti si Dianna sa mga sinabi ng lalake. Sa sobrang pagkaaliw niya ay nalimutan niyang bigla kung bakit naglakas loob siya na kausapin ito para sa iisang pakay, upang ipaliwanag sa kaniya kung bakit ang ibang sirena ay dumadakip ng mga tao samantalang ito ay inililigtas pa siya.

"Dianna," banggit ni Kye sa kaniyang pangalan kaya naman napatingala siya sa lalake at nagkunot ng noo, nagtataka kung may nais ba itong sabihin. "May hihingiin akong pabor kapalit ng sagot sa katanungan mo."

﹏𓊝﹏𓂁﹏


"May iniligtas ka lang na dalagang nalunod sa dagat ay may nobya ka na agad at iiwan kami ng lola mo para sumama sa kaniya sa syudad," animo nagtatampo na sambit ng matandang lalake habang nakakrus pa ang mga braso na pinanonood silang isakay sa likod ng truck ang isang maliit na maleta ng mga gamit ni Kye.

"Babalik naman po ako, ang pakay ko po roon ay para mag-aral, lolo," mahinahong paliwanag ni Kye sa matandang lalake kahit na hindi ito talaga nakikinig sa kanina niya pang sinasabi.

"Dianna," mula sa panonood kay Kye na magpaalam sa lolo at lola nito ay napalingon siya sa seryosong tinig ni Dennis na tinawag ang pangalan niya. Nang tignan niya ito sa mukha ay makikita ang nagtatanong nitong ekspresyon.

Marahil dahil namumukhaan ni Dennis si Kye bilang ang lalakeng humatak sa kaniya pantalon sa malalim na tubig baha. Hindi malaman kung ano ang ipaliliwanag ay nakamot na lang ni Dianna ang kaniyang batok at binigyan ng naiilang na ngiti ang lalake.

"Hindi pa ba kayo sasakay? Kung mamaya pa tayo babyahe paalis ay aabutin tayo ng dilim sa kalsada!" sigaw na tawag sa kanila ni Georgette mula sa driver's seat ng truck na kanilang sasakyan pauwi na pagmamay-ari pa ng tatay ni Georgette na pick up at deliver driver.

"Mag-uusap tayo oras na makauwi tayo, Dianna," may pagbabantang bulong sa kaniya ni Dennis bago ito sumakay at maupo sa shutgun seat ng mataas na pick up truck. Napangiwi na lamang si Dianna sa kaniyang sarili at tinawag na si Kye.

"Paalam po sa inyo, hʼwag po kayong mag-alala kay Kye. May negosasyon po kaming dalawa kaya hindi ko siya pababayaan," ngiting paalam niya sa matandang mag-asawa at maliit na kumaway saka sumunod kay Kye sa pag-akyat sa likod ng truck.

"Negosasyon?" natatawang pag-uulit ni Kye sa sinabi niya at tinulungan siyang makaakyat sa pamamagitan nang pagbuhat nito sa kaniya sa kaniyang mga kilikili na akala mo ay isa siyang maliit na bata.

"Salamat," aniya at tinulungan ito na isara ang pinto ng truck saka sila naupo dahil naramdaman nilang umandar na ang sasakyan. Binabalot ng dilim ay tahimik silang dalawa habang pinakikiramdaman ang isaʼt isa hanggang sa bumukas ang screen ng bintana at nakita nila ang nagtataray sa taas ng kilay na mukha ni Dennis.

"Akala niʼyo magagawa niʼyo ang gusto niʼyo dahil madilim at walang ibang makakakita sa inyo, ano? Nagkamali kayo!" dinig niyang panunukso ni Georgette na sinuway ni Dennis dahil hindi ito natuwa sa narinig ngunit halakhak lang ang ginawa ng babae.

Nahihiya dahil sa pagiging pilyo ng sariling kaibigan ay nag-iwas na lang ng tingin si Dianna, mabuti na lamang at mukha hindi naiintindihan ni Kye ang ibig sabihin ni Georgette kaya hindi niya na iyon kailangan pang isipin. Pero habang nakikita niya ang lalake sa gilid ng kaniyang mga mata ay naaalala niya ang naging kasunduan nila kaya humantong sila sa sitwasyong ito.

"Pumatay ako ng mga sirena para iligtas ang buhay mo kaya ngayon ay hindi ako makababalik ng dagat nang hindi nagbabayad sa ginawa ko gamit ang sarili ko ring buhay. Pansamantala, kailangan kong lumayo sa dagat. Kung tatanggapin mo ako sa tahanan mo, ibibigay ko ang sagot sa mga tanong mo. Ano sa tingin mo? Tatanggapin mo ba ang kondisyon ko?"

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro