Kabanata 36: Rason Para Maging Agresibo
Kabanata 36
“Patay ba ‘yan?”
“Anong nangyari sa kaniya?”
“Diyos ko po, kawawa naman.”
“Pinagbabaril ba? Bakit butas-butas ang katawan?”
“Sigurado ba kayong nakita ni'yo itong bangkay na lumulutang sa dagat?”
Nagkatinginan ang matandang si Seno at ang kaniyang kumpareng si Gilbert sa isa't isa bago tumango bilang sa sagot ng mga tao na ngayon ay pinagkakaguluhan ang bangkay ng isang lalake.
Inihubad ni Seno ang suot niyang gloves at napahilamos ng mukha.
Nang magdatingan ang tinawagan nilang tulong upang madispatsya ang katawan ay nagsibalik na rin sila sa kani-kanilang mga ginagawa. Ngunit ganoon pa man ay patuloy na naging usapan ang tungkol sa patay na lalake.
Wala ni isa sa kanilang naninirahan sa Isla Makarintal ang nakakakilala o namumukhaan man lang ang lalake. Sa kadahilanang iyon ay walang pamilya o kamag-anak ang naglibing sa lalake bukod sa mga awtoridad.
“Baka sindikato ang isang ‘yon at maraming kaaway,” hinuha ni Simon habang muli nilang ipinapalaot ang kanilang bangkang pamingwit ng isda
“Nakakatakot na talaga sa panahon ngayon, hindi mo sigurado kung ano ang makikita mo isang umaga,” iiling-iling na lng na wika ni Seno.
Sa hinaba ng taon na nangingisda siya bilang pambuhay sa sarili niya ay hindi ito ang unang pagkakataon na nakaengkuwentro siya ng anyuswal na bagay.
Agad na sumakay si Seno ng bangka na pinatakbo na ng kasamahan niya upang mabilis nilang matuntong ang kalagitaan ng dagat kung saan sila makakukuli ng maraming isdang bebenta nila sa auction.
Habang pumapalaot sila ay nakasabay nila ang ibang barko ng kapwa nila mangingisda na mga nakasakay sa mas magandang sasakyan palaot. Kumpara makupad nilang makina ay mas mabilis na nakaalis ang mga iyon.
“Iba talaga ang diskarte ng kabataan ngayon, biruin mo. Ilang taon na tayong namumuhay sa pangingisda ngunit hindi tayo yumaman para makabili ng mas magandang bangka,” naiingit na pagkuwento Gilbert.
Pagsang-ayon na lang ang nagawa ni Seno dahil hindi naman mali ang sinabi ni Gilbert. Sa katunayaan ay naiinggit din siya dahil ni minsan ay hindi niya nagawang makalabas ng isang ito kung saan siya ipinanganak.
Ganoon pa man ay natutuwa siya para sa kaniyang apo na ngayon ay nararanasan ang magandang buhay malayo sa dagat. Kung saan marami ang populasyon ng tao at maraming bagay na mapagkakaabalahan.
Kumpara sa malaking islang ito na tanging tsimisan ang bumubuhay sa mga taong nababagot sa pang-araw-araw nilang buhay.
“Hʼwag na tayong lumayo, papalubog na rin ang araw at baka abutan tayo ng mataas na tubig.” Tumayo na si Seno upang ibaba ang lambat nila panghuli na puno ng pain.
Naghintay sila nang ilang oras bago nila hinatak paakyat ang lambat upang masiguro nila na marami-rami ang kanilang huli. At gaya nang lagi ay namamangha pa rin sila dahil sa kanilang huli.
Agad nilang ibinuhos sa buong bangka ang mga isda na pumuno sa bawa’t espasyo ng munti nilang sasakyan. Ngunit hindi nila iyon alintana kahit ramdam nila sa kanilang mga paa ang madulas na katawan ng malilikot na isda.
Ngayon ay papalaot na sila pabalik upang agad na madala sa auction ang mga isda habang sariwa pa ang mga ito at bagong huli.
“Mukhang marami rin ang huli niyo, ta’y?!” galak na agaw ng pansin nilang sigaw ng lalake galing mula sa kabilang bangka.
Sea divers ang mga ito base pa lang sa suot ng mga ito na sea goggles.
Kumuha si Seno ng isang isda at inasinta iyon pabato sa kabilang barko, sinisiguradong hindi iyon sa tubig mahuhulog.
“Masaga ngayon ang dagat!” tugon ni Seno nang maghiyawan sa tuwa ang mga kabataan na ngayon ay iwinawagayway sa ere ang kanilang mga huli na sea urchins.
“Hindi nila pwedeng ibato ang mga ‘yon sa’tin pabalik,” biro ng Gilbert habang umiiling pa ito bilang pagtanggi.
Natawa na lang si Seno at agad na bumaba ng barko upang hatakin palayo ng dagat ang kanilang barko. Tinulungan naman siya ni Gilbert niya na ngayon ay inilipat na sa cooler box ang mga isda.
“Magmadali na tayo,” aya sa kaniya ni Gilbert na tinanguan niya rin at binitbit ang ibang container na puno ngayon ng isda.
﹏𓊝﹏𓂁﹏
“Ang sarap ng sarili nating huli, ano?” tuwang puna ni Seno kay Gilbert niya na maganang kumakain sa sarili nitong mangkok.
Nang maluto ang isa pang iniihaw nilang isda ay inilagay niya iyon sa plato ni Gilbert at sinenyasan itong kumain lang nang kumain.
“Nasaan pala ang misis mo? Hindi ba siya sasabay sa’tin kumain?” tanong nitong bigla kaya naman nahinto si Seno sa akmang pagsubo ng pagkain.
“Ayaw niya ng ulam ngayon,” ang kaniyang naging tugon saka tinanaw ang bintana ng kanilang bahay.
“Ay, pagkasarap! Kahit mangingisda tayo, minsan lang natin matikman ang sarili nating huli,” animo nadismaya at umiiling na reaksyon ng lalake na nginitian na lang ni Seno.
Masarap nga ang ulam nila ngayon, seafood. Isa sa mga itinuturing na pagkain ng mayayaman.
Ngunit hindi naman magagawang ipagsabi ni Seno na iniiwasan talaga nila ang pagkain ng isda dahil isang sirena ang pinalaki nilang apo na si Kye.
Sa gitna nang tahimik nilang pagkain ay nabulabog sila Seno ng mga hiyawan na nagmumula sa tabing dagat. Hanggang sa isang kakilala nila ang naghatid sa kanila ng balita tungkol sa nagaganap.
“Rumoronda ako para makita kung may makulit pa ring nangingisda nang ganitong oras hanggang sa nakita ko itong bangka. Lumulutang sa kawalan nang walang sakay.”
Nakiusosyo si Seno sa kumpulan ng mga tao hanggang sa makina niya nang malinaw ang isang yayamaning sasakyan palaot. Ang disenyo niyon ay parehong-pareho sa bangka na gamit ng kabataang sea divers kanina.
“Sea divers ang may-ari nito, baka sumisisid pa sila ng dagat. Bakit mo agad kinumpiska?” galit na pakikipagtalo ni Gilbert sa lalakeng nagsasalita sa harapan ng marami.
Sinang-ayunan ni Seno ang kaibigang si Gilbert dahil iyon din ang nasa isip niya. Ngunit pinatahimik silang lahat ng lalake sa kanilang harap sa sumunod nitong ipinakita.
“Naisip ko na rin ‘yan pero napansin kong puno ng dugo ang loob ng barko kaya naman inakyat ko. Hanggang sa ito ang nakita ko sa loob na pumatay sa mga sea diver.”
Ang lahat ay napasinghap sa pagkagulat nang gumulantang sa kanilang mga harapan ang isang may kahabaang nilalang. Mayroon iyong buntot na kasing kaliskis ng isang isda ngunit ang ibabaw nitong katawan ay para ring sa tao.
“S-Shokoy?!”
Ang lamang dagat na ngayon ay nasa kanilang harapan ay pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakatali ng pareho nilang mga kamay. Nakapulupot ito sa lambat na pilit nitong binubutas sa pamamagitan ng pagkagat doon gamit ang sarili nitong matatalin na pangil.
Puno ng dugo ang mukha ng nasisiguro ni Seno na isang sirena. Parehong-pareho ito sa anyo ni Kye.
Ngunit ano ang dahilan at bakit agresibo ang isang ito? Siguradong may rason.
Ngunit bago ang lahat, hindi dapat itong makita ng mga tao. Ano ang dapat na gawin ni Seno? Magagagawa niya bang itakas ang nilalang at maitago gaya nang nagawa niya noon para kay Kye?
Sa paanong paraan?
Iyon ang tanong ni Seno sa likod ng kaniyang isipan hanggang sa bigla na lang bumuhos ang pagkalakas na ulan. Ni walang pasabi, lahat sila ay nabasa.
“Tara na, pare. Umuulan na,” aya ni Gilbert kay Seno at hinatak na siya nito papalayo.
Dahil hindi rin alam ni Seno kung ano ba ang dapat niyang gawin ay nagpahatak na siya sa kaibigan. Nangangako sa sarili na babalik siya.
Isang pangako na dapat ba niyang ginawa nang mas maaga? Dahil nang dumating ang kinabukasan, muli ay tirik ang init ng araw.
Ngunit hindi iyon alintana ng mga taong nagkukumpulan pa rin sa tabing dagat. Ngunit dahil sa bagong dahilan.
Dahil nasilayan na lang nila ang lalake kagabi na animo nilapa ng mabangis na hayop dahil sa nagkapiraso ang katawan nito. Nilalangaw ang napakaraming dugo na humahalo sa tubig dagat.
“Kagagawan ito ng shokoy kagabi! Nasaan ang hayop na ‘yon? Bakit pinatakas ni’yo?!”
At magmula niyon ay naging sunud-sunod na ang mga pagpatay sa kanilang lugar na pinaniniwalaan ng mga tao na kagagawan ng mga shokoy.
Hanggang isang araw ay bumuhos ang pagkalakas na ulan at tuluyan nang nagpakita sa kanilang mga mata ang bawa’t sirenang naninirahan sa karagatan na wala ni isa sa kanila ang naghinalang nabubuhay pala.
﹏𓊝﹏𓂁﹏
“Asintahin ni'yo sa dibdib!”
“Hʼwag niʼyong hahayaang may makatatakas nang buhay!”
“Patayin ni'yo kung ayaw ni’yong kayo ang mamamatay sa kamay ng mga sirena!”
Nilagpasan ni Seno ang grupo ng mga taong may mga hawak na mga patalim at nagpatuloy sa paglalakad, hindi alintana kahit nababasa na siya ng matinding pag-ulan.
“Ika-trentang pag-ulan na ito para ngayong buwan, hindi nakagugulat na may handa na silang mga armas,” tila naaliw pang sambit ni Gilbert habang mabibilis ang mga paghakbang upang mahabol si Seno na nauuna sa kaniya sa paglalakad. “Umaatake talaga ang mga sirena tuwing uulan dahil tumataas ang tubig ng dagat.”
Patuloy lang na kinakausap ni Gilbert ang sarili dahil nananatiling tahimik si Seno na walang ibang gusto ngayon kundi malaman kung nakakuha na ba ng sasakyan ang mga kasama nila.
Bababa sila ng bundok at manghihingi ng tulong. Hindi na nila matatagalan ang ganito, naaapektuhan ang kanilang pamumuhay at negosyo. Kung hindi sila makakalapit sa dagat dahil sa banta ng mga sirena, wala silang magiging huli.
Ngunit sa daan ay nahinto si Seno sa paglalakad nang may matanaw siyang apat na kabataan mula sa hindi kalayuan.
“Mga turista? Tumatanggap pa rin ba ng bisita ang resort kahit na alam nila ang sitwasyon sa dagat ngayon?” pagalit na singhal ni Gilbert at nagmamadaling sinalubong ang kanilang makakasalubong.
Ngunit nang makilala pa lang ni Seno ang dalawa sa mga batang iyon ay kinain na siya ng pag-aalala.
Ang apo niyang si Kye.
Hindi na dapat ito umuwi pa.
Dahil base pa lang sa madilim na ekspresyon sa mukha ng kaniyang apo, alam na ni Seno na hindi maganda ang mga susunod na mangyayari.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro