Kabanata 30: Ang Pagtanggap
Kabanata 30
“Malapit lang dito iyong nakita kong room for rent, sigurado ako,” makailang ulit na pangungumbinsi ni Georgette Kila Dianna na walang sinasabi upang iwasan na makadagdag sa frustration ng babae.
Pasimple na lang na nakamot ni Dianna ang batok niya habang iginagala ang paningin sa kalsadang tinatahak kung saan magkakasunod na bahay ang mga nakatayo.
“Bakit hindi ka na lang umupa ng condominium, Kye? Iyong maliit na kuwarto sakto para sa isang tao,” suhestyon ni Dennis na hindi itinatago ang pagod na nararamdaman dahil kanina pa sila naglalakad sa ilalim ng mainit na araw.
“Condom––ano?”
“Minuim ba,” natatawang bulalas ni Dennis na nagpakagat labi kay Dianna dahil sa takot na baka magduda ito.
Pero base sa napakalaki nitong pagtawa ay mukhang iba ang inisip nitong ibig sabihin ni Kye kaya nakahinga siya nang maluwag.
“Ano iyon? Kinukumpolan ng mga bata,” pagturong bigla ni Kye sa cotton candy vendor na dinudumog ng hindi lang mga mata kundi maging may edad na rin.
Nagningning naman ang mga mata ni Dianna sa nasilayan. Cotton candy, ang paborito niya.
“Letʼs go,” aya rin sa kanila ni Dennis at nauna sa kanilang lumapit sa vendor at nakisiksik sa mga namimili.
“Iyon,” muling turo ni Kye sa isang malaking cotton candy na mayroong design na Mickey Mouse. “Nakakain din 'yan?”
“Iyong daga nga po, manong,” ngiting wika ni Dianna sa vendor na agad tinanggap ang bayad niya at ibinigay sa kaniya ang binibili niya.
“Daga? Hindi ba, iyon ang nakita natin noon sa kanal?” may pagtataka at puno ng pagiging inosenteng kumpirma sa kaniya ni Kye. “Kamukha nga.”
“Cartoon version kasi iyan, si Mickey Mouse. Hindi mo kilala?” singit ni Georgette sa usapan na nagdesisyong hayaan si Dennis sa pagpili ng bibilhin nilang dalawa.
“Wala kasing TV sa kuwarto ko kaya hindi niya alam kung ano ba ang cartoons,” ang paliwanag naman ni Dianna para kay Kye na huli niya na bago mapagtantong nadulas siya. “Sa kuwarto niya! Ang ibig kong sabihin!”
Kinakabahang napatawa-tawa si Dianna habang kinakabahang binabasa ang magiging rekasyon ni Georgette. “Alam mo naman, nagtatrabaho si Kye para sa sarili niyang gastusin.”
“Wala talagang ipinanganak na perpekto,” ang tanging tugon mula kay Georgette na binigyan ng naaawang tingin si Kye. “Pinagpala ka nga sa itsura pero hindi naman sa buhay.”
“Tara na, humanap muna tayo ng masisilungan at napakainit ng araw,” aya ni Dennis nang makabalik ito sa kanila bitbit ang isang cottom na cupid design.
“Sarap ng boyfriend na may pera––este ang sarap na may boyfriend na mapera,” birong bulong ni Georgette kay Dianna at sinamahan pa ng babae ng pagkindat.
Napabungisngis naman si Dianna dahil sa kalokohan ng kaibigan. Nang maarte at may pitik ang mga baywang itong naglakad pasunod kay Dennis ay nasapo na lang ni Dianna ang sariling noo habang napapailing.
“Kasintahan ang ibig niyang sabihin, tama?” sambit ni Kye sa tabi ni Dianna na hawak ang cotton candy nilang dalawa.
Ngiting tango ang isinagot ni Dianna sa lalake at bumunot mula sa cotton candy saka iyon isinubo. “Gusto ko talagang masubukan mo ito, paborito ko ito.”
“Mag-aaral din akong gumawa nito kung ganoʼn.” Bumunot din si Kye mula sa cotton candy at agad iyong tinikman saka sila nagsimulang humakbang.
Tahimik silang dalawa ni Kye habang sabay ang bilis sa paghakbang na naglalakad. Ninanamnam ang tamis ng kanilang kinakain. Ngunit hindi maitataging naiinitan sila dahil sa temperatura ng klima.
“Tingin mo kaya mong pahupain ang init ng araw?” hirit ni Kye na nagsisimula nang pagpawisan ng butil-butil.
Naalala namang bigla ni Dianna na maaaring hindi sanay si Kye sa ganitong kainit na temperatura dahil buong buhay nito ay sa karagatan ito nakatira habang siya ay kaya niyang tiisin ang init sa araw-araw.
Kaya naman sandaling huminto sa paghakbang si Dianna at ipinikit ang kaniyang mga mata. Nagawa niya na ito nang matagumpay kagabi, kailangan niya lang piliin ang tamang mga salita para sa kaniyang dasal at pagbibigyan siya ng kalangitan.
At nang muli siyang magmulat ay nakita niya si Kye maging sina Dennis at Georgette na nakatingin sa kaniya. Ang dalawang walang ideya sa kung ano ang ginagawa niya ay may nagtatakang ekspresyon sa mga mukha.
Ngunit hindi si Kye na nasasabik malaman kung ano ang resulta. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid, tinitignan kung may pagbabago ba sa klima na animo ay makikita niya iyon sa sariling mga mata.
“Hiniling ko lang na sana ay hindi huminto ang pag-ihip ng hangin para kahit papa’no, maaliwalas sa pakiramdam,” paliwanag ni Dianna at muling nagpatuloy sa paglalakad.
“Akala ko, hihilingin mong umulan,” hirit pa ni Kye na nilalanghap ang sariwang hangin habang pinakikiramdaman ang malamig na simoy ng hanging nagsimulang umihip.
“Hindi ko siguro nasabi pero, ayaw ko sa ulan.” Sa sariling mga sinabi ni Dianna ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pait sa kaniyang dila. “Hindi ko rin gusto ang apelyido ko noon na Masalanta dahil tampulan ako ng tukso t’wing umuulan. Na ako ang rason kaya nagluluksa ang langin, dahil dala ko ang salanta.”
“Hindi totoo ‘yan,” mabilis na tutol ni Kye at binigyan siya ng tingin nakasisiguro ito sa mga sinasabi. “Ikaw ang nagdadala ng kapayapaan at pag-asa sa mga dalubyong nangyayari. Bumaha man, binibigyan mo ng liwanang ang bawa’t isa. Pag-asa na hindi sa sakuna matatapos ang lahat.”
“Magaling ka nang magsalita ngayon, ano?” paglilihis ni Dianna sa usapan habang pilit na itinatago ang kumakawalang matamis na ngiti sa dulo ng mga labi niya.
Ngayon lang. Ngayon lang siya nakaramdam na mayroong nakakaintindi sa kaniya ng lubos. Ngayon lang niya narasang may sumuporta sa kaniya, iyong suportang walang halong pagdududa.
Lahat nang matagal niya nang gusto maramdaman ay naibigay ni Kye. Itong nilalang pa na hindi naman tao. At mas lalong hindi nanggaling sa kaniyang mundo.
Itong sirena na ipinaranas sa kaniya ang iba’t ibang gandang itinatago ng mundo. Itong lalakeng ito na nagdala sa kaniya sa iba’t ibang lugar na hindi niya inakalang nabubuhay pala sa mundo.
Lahat iyon ay samalat kay Kye
Mas matapang na siya ngayon. Mas matatag at may lakas na ng loob. Tapos na ang mga araw na may dududa siya sa kaniyang sarili. Tapos na ang mga araw na itinatanggi niya ang sarili.
“Pero alam mo, Kye? Ngayon, t’wing uulan. Ang tangi ko na lang inaalala ay paano ang ibang tao na walang masisilungan? Ligtas ba ang lahat?” Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Dianna. “At higit sa lahat, kumusta na kaya si mama? Nasaan siya ngayon?”
Walang salita ang makapagpapaliwanag kung gaano kasaya ngayon si Dianna. Kung gaano kagaan ang nararamdaman niya ngayong pinakawalan niya na lahat ng hinanakit sa kaniyang puso.
Pero bilang na lang pala ang mga araw na magagawa pa nilang makangiti. Walang nakaisip na darating ang araw kung kailan bubuhos nang malakas ang bigat na naipon sa ilalim ng mga ulap.
“Naaalala kita, ikaw iyong napaglaruan namin para patayin ang anak ni Apolaki. Tama ba, Dianna?”
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro