Kabanata 27: Puksain Ang Demonyo
Kabanata 27
Mapanganib siya.
Isa siyang mapanlinlang at magaling sa pagkontrol ng isipan ng mga biktima niya.
Iyon ang mga katangian ng isang sirena.
Giit pagang na nakuyom ni Kye ang kaniyang mga kamao habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng papa ni Dianna sa harapan mismo ni Dennis.
"Po, ninong?" buong pagtatakang tugon ni Dennis na hindi alam kung ano ang dapat maramdam at kung dapat ba nitong pagkatiwalaan ang mga sinasabi ng matanda.
"Gusto kong ilayo mo si Dianna mula sa lalakeng iyon, hindi siya magandang impluwensya. Nilalason niya ang isipan ng anak ko," may diin na pagbigkas ng matanda sa bawa't salitang iyon.
Kung ganoon ay may nalalaman ito tungkol sa tunay na anyo at katauhan ni Kye. At higit sa lahat ay hindi lingid sa kaalaman nito na matagal na siyang nagtatago sa loob ng bahay na ito.
Hindi ito maganda. Maaari niya itong ikapahamak, lalo na ni Dianna. Kaya tama lang na magdesisyon siyang umupa ng sarili niyang kuwarto.
Pero ano ang gagawin niya? Paniwalaan man ni Dennis o hindi ang pagbibintang ng matanda na isa siyang sirena, maaari pa rin itong magkaroon ng sariling mga ideya.
Ang papa ni Dianna, hindi inasahan ni Kye na ganito ito kalala. Madalas malungkot si Dianna dahol sa papa nito kaya inasahan niya nang hindi ito mabuting ama.
Ngunit hindi sa ganitong punto na ginugulo nito ang isipan ni Dennis sa pagpapaniwala na para sa kapakanan ni Dianna ang iniuutos nito.
Kung ikukumpara silang dalawa ay ito ang mas mapagmanipula. Isa itong makasarili at maitim ang budhi. Wala itong ipinagkaiba sa may itim na salamangkang kumokontrol sa kaniyang uri.
Pareho nilang itinuturing na manikang laruan ang may buhay para sa sarili nilang kagustuhan at kapakanan.
Nang marinig ni Kye ang mga yapak na papalalpit ng pinto ay agad na nagtatakbo si Kye patungo sa likod ng bahay. Nagtago siya likod ng pader ay bahagyang sinilip kung sino ang lumabas ng pinto.
Nakita niya si Dennis na magalang na nagppaalam para makaalis. Pinanood ni Kye na maglakad papalayo si Dennis dahil hindi niya alam kung dapat niya bang sundin ang isipan niyang inuutusan siyang sundan ang lalake.
O ang puso niya na pinipigilan siyang tuluyang ilantad ang katotohanan. Dapat siyang maging matalino. Kailangan na kung may gagawin siyang desisyon, siguruhin niyang hindi siya magsisisi.
Gagamitin niya na ba?
Dapat bang gamitin niya ang kapangyarihan kay Dennis?
Ngunit magkaibigan na ang turingan nilang dalawa.
Pero baka hindi na sila maging magkaibigan dahil magsisimula na itong mag-isip ng ibang bagay sa kaniya.
Bakit ba kasi nangyayari ito at naiipit siya sa napakahirap na pagdedesisyon?
Mula sa malalim na pag-iisip ay napaigtad si Kye sa gulat nang marinig ang tinig ng papa ni Dianna at lalo na ang mga sinabi nito. "Hindi ka pa ba papasok? Hindi ba, rito ka na rin nakatira?"
Alam nito na hindi pa siya nakaaalis. Hindi siya umalis.
"Bakit sinasamantala mo ang anak ko? Dahil ba sa inosente siya at makapangyarihan?"
Ano bang pinagsasabi nito?
Talaga bang hibang ang matandang ito?
Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi natatakot o nasisindak si Dianna sa kaniya kahit sinamantala niya ang babae noong una.
Dahil may kasama siyang baliw sa iisang bahay.
"Mas mabuti pang maghanap ka na lang ng iba mong biktima, isang Diyos ang anak ko at magiging makapangyarihan siya. Siya ang tagapagligtas ng mundo sa pagkawasak nito."
Pero hindi iyon ang gusto ni Dianna para sa sarili.
"Susunod siya sa yapak ng kaniyang ina."
Ngunit dahil sa mali nitong paraan nang pagiging ama, kinamumuhian ni Dianna ang sariling ina na ni minsan ay hindi nito nagawang makita.
"Siya ang pag-asa ko, siya ang susunod na magiging Masalanta. Ang Diyos ng pag-ibig, kabataan, at kapanganakan."
Si Dianna ang magdedesisyon kung ano ang gusto niyang maging, hindi isang matandang may kinababaliwan na pantasya.
"Naniniwala ako sa kaniya, naliligaw lang siya sa ngayon. Mahahanap niya rin kung ano ba ang talagang layunin niya sa mundo––"
"Manahimik ka." Hindi na makayanan ang mga naririnig ay tulutang lumabas si Kye sa kaniyang pinagtataguan at ipinakita ang kaniyang sarili. "Hibang."
Nang tuluyan siyang makita ng matanda ay tumalim ang mga titig nito. Animo nagbabanta ay bumitaw ito ng mga salita, "layuan mo ang anak ko."
Ipinilig lamang ni Kye ang kaniyang ulo habang binibigyan ng isang tingin ang lalake na naghihiwatig na kalokohan ang lahat ng sinabi nito.
"Hindi ako ang demonyo rito." Walang emosyon sa mukha ay maliit na humakbang si Kye papalapit sa lalake. "Kundi ikaw," malalim ang boses na dagdag niya na ikinaatras ng matanda dala ng pagkasindak.
Ilang malilit pang hakbang ang kaniyang ginawa hanggang sa daliri na lang ang distansya nila sa isa't isa. Bahagya siyang yumuko hanggang sa magpantay ang titig nilang dalawa ng matandang lalake.
At sa hindi malamang dahilan ay napangisi si Kye nang malinaw na makita ang natatakot na emosyon sa mga mata ng lalake. Pero hindi ito kumukurap dahil sa pagmamatigas at pilit na pagpapakitang hindi ito naaapektuhan.
"Isa kang demonyo na dapat puksain," iyon ang mga salitang idinugtong ni Kye sa nga huli niyang sinabi bago niyang pinitik ang noo ng matandang lalake.
Sa magaan at hindi nakasasakit na pitik na iyon ay agad na bumagsak ang talukap ng mga mata ng matanda. At ang sumunod na nangyari ay bumagsak ang lalake sa sahig, walang malay ngunit mula ang mga mata.
Ginawa niya.
Hindi makapaniwala si Kye, ginawa niya na talaga.
Pero hindi pa tapos ang kailangan niyang gawin. Dapat niyang siguruhin na tatagal ang epekto ng mahika na ginamit niya sa lalake.
Kaya naman muli niyang ipinitik ang kaniyang mga daliri at dinagdagan ang kaniyang mga sinabi. "Ang isang demonyo ay dapat inilalayo sa mga pinipinsala nito kaya bakit hindi ka magtungo sa malayong lugar?"
Kung may makakakita lamang sa kanila ngayon ay siguradong matatakot ang mga ito sa paraan ng pagngiti ni Kye. Isang nakatatakot at animo nawawal sa katinuaang malaking ngisi na may tagumpay sa mga mata.
Tagumpay para sa masama nitong nagawa.
"At dahil lagi mong pinahihirapan si Dianna, gusto kong layuan mo siya. Lumayo ka at hʼwag magpapakita sa kaniya hanggang hindi niya gusto, naiintindihan mo?"
At kung may nakaririnig lang sana sa kanila ngayon ay masasabi din nilang baka baliw si Kye dahil nakatatakot talaga ang mga ikinikinilos niya ngayon. Napakalayo mula sa pagigong inosente na ipinakikita nito sa harapan ni Dianna.
"Magpakalayo, iyon ang gusto kong gawin mo," patuloy na kausap ni Kye sa hindi naman magagawang makasagot na si Montero. "Hʼwag kang lalabag sa utos ko, Maria."
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro