Kabanata 23: Maligayang Isang Buwan
Kabanata 23
Akmang hahakbang na si Dianna upang magtatakbo patungo sa kabilang kalsada ngunit nabigla siya nang may isang malakas na puwersa ang humatak sa kaniyang braso.
Plinano niyang sumigaw dulot nang pagkabigla ngunit isang pamilyar na tinig ng babae ang mahinhing bumulong sa kaniya na huminahon lang siya.
Hanggang sa nakita niya na lang ang sarili na likod ng cafe shop kung nasaan ang parking lot. Hindi naman siya mukhang nasa panganib dahil ang babaeng biglang dumakip sa kaniya at walang iba kundi si Serissa.
"So," nang magsalita ang isang boses ng lalake ay napalingon dito si Dianna at nakita niya si Rebel. "Did you took an interest on me to use Serissa so you can meet me?"
"H-Ha?" ang tanging naituran ni Dianna sa nakatatakot na pagiging seryoso ng tono ni Rebel.
"Rebel," pagsuway ni Serissa sa lalake dahil sa tono ng pananalita nito. "Let's hear her out first, can we?"
"Sure," pag-ismid ni Rebel at pairap sa hanging namulsa. "Just make sure that I'll like whatever I'm about to hear. I actually don't believe I have to hear her reason––"
"Demigod." Lahat sila ay natigilan sa isang tinig na bigla na lang pumagitna sa kanilang pinag-uusapan. "Kalahating Diyos o Demigod kung tawagin. Demigod din kayo, hindi ba?"
Nang makita nilang lahat si Kye na bitbit pa ang dalawang plastic ng basura ay napangiti si Dianna, nagpapasalamat dahil iniligtas siya ng lalake at ginawang mas madali para sa kaniyang simulan ang gusto niyang pag-usapan nila ni Rebel.
"Kayo rin? Ibig sabihin, Demigods din kayong dalawa?" pagbabalik na tanong ni Serissa at nagtatanong na tumingin kay Dianna.
Marahan namang umiling si Dianna. "Hindi, ako lang. Ang nanay ko ang Diyos at ang pangalan niya ay Dian Masalanta. Ang katunayan kaya ko kayo gustong malapitan dahil nalaman ko na kapatid ni Dian Masalanta si Apolaki, ang tatay ni Rebel."
"Whatta way to adress your mother, hmn?" Napaiwas na lang ng tingin si Dianna sa binanggit ni Rebel. Sa puntong ito ay halata niya na ayaw sa kaniya ni Rebel. Pero posibilidad lang iyon na natatandaan nito ang insidente noong maliit pa lamang sila.
"Coming from someone––ahem!" Tumukhim naman si Serissa nang may sasabihin sana ito na hindi niya na itinuloy. "Kung ikaw lang ang demigod, Dianna. Ang ibig sabihin ba ay si Kye ang protector mo like me? I'm Rebelʼs protector."
"But Serissa's also a Demigod and Idiyanale, the Goddess of Good Deeds and Agriculture is her mother. How about you? What do you know about Apolaki?" Sa sinabing iyon ni Rebel ay bahagyang natunugan ni Dianna na sinusubukan siya ng lalake.
"H-Hindi ko sigurado, pero may gustong pumatay saʼyo," buong tapang na pagsasalita ni Dianna na tila nagpatigila sa parehong si Serissa at Rebel na hindi inaasahan ang lalabas mula sa bibig niya.
"How did you know?" dagdag na tanong ni Rebel na ngayon ay unti-unting tumatalim ang paraan ng pagtingin sa kaniya.
Ramdam ni Dianna na unti-unting naging alistado si Rebel kaya naman kinabahan siya. Kailangan niyang maging maingat sa sasabihin niya.
"Halos dalawang dekada ang nakararaan, may estranghero ang kumontrol sa katawan ko at inutusan akong patayin ang anak ni Apolaki na isang Diyos ng araw at digmaan. . ." Sandaling pinutol ni Dianna ang kaniyang pagsasalita dahil para siyang mauubusan ng hangin sa sobrang kaba.
"Someone took control of your body? Is it Arianna? Does she have silver eyes?" sunud-sunud na untag ni Rebel at napahakbang papalapit kay Dianna na ikinaatras din ni Dianna.
"It's fine," ang bulong na pagpapakalma ni Serissa kay Dianna na hindi bumibitaw ng hawak sa kaniyang mga balikat. Hinimas siya nito sa kaniyang mga braso bilang pagpapagaan ng kaniyang pagiging tensyonado.
"H-Hindi ko alam, hindi ko maalala kung ano bang itsura niya noong araw na nakita ko siya at kinontrol niya ang katawan ko. Nakalimutan ko nang buo ang itsura niya, natakot ako nang husto." Nang matapos sa pagsasalita si Dianna ay ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
Kinakabahan siya.
Natatakot.
"Napapatagal ang usapan niʼyo, hahanapin nila Dennis si Dianna," pagsingit muli ni Kye at ibinaba na ang mga suot ng basurang bitbit niya at lumapit kay Dianna. "Naguguluhan pa si Dianna sa lahat ng bagay dahil hindi niya pa matanggap kung ano mang responsibilidad ang kailangan niyang gampanan sa pagiging anak ni Dian Masalanta."
"Ako ang nagtulak kay Dianna na lumapit sa inyo upang makahingi ng tulong na gabayan siya, sana mapagbigyan niʼyo ang hiling ko." Iyon ang mga huling katagang binitawan ni Kye bago sila muling naghiwalay ng landas nina Serissa at Rebel.
At magmula nang naging usapang iyon ay malalim nang iniisip ni Dianna ang lahat.
Talaga bang hindi kalokohan ang sinasabi sa kaniya ng papa niya?
Kung may iba pang tulad niyang isinilang bilang kalahating Diyos, ibig sabihin ba niyon ay tunay ngang ina niya si Dian Masalanta?
At kung tunay na ina ni Serissa si Idiyanale. Ang ama ni Rebel si Apolaki na parehong Diyos, ibig sabihin ay hindi ilusyon na ginawa lang ng kaniyang ama si Dian Masalanta?
At ang estrangherong may itim na salamangkang nagagawang kumontrol ng ibang nabubuhay na nilalang, siya nga ba si Arianna?
"Normal lang na may makalimutan kang parte ng nakaraan mo." Mula sa pagsubsob ni Dianna sa kisame ng madilim niyang kuwarto ay napalingon siya kay Kye na nakahiga na rin sa nakalatag nitong kutson sa sahig at handa nang matulog.
"Ang daming nangyayari nitong mga araw pero sa palagay ko naman ay unti-unti nating nalulutas ang mga nangyayari," animo words of wisdom na litanya ni Dianna kahit na ang totoo ay sarili niya lang ang kinukumbinsi niya.
"Kailangan lang nating malaman kung sino si Arianna at pahintuin siya sa paglalaro sa mga sirena. Kung inutusan ka niya noong manakit at pumatay ng tao. Hindi malabong mas malupit pa ang ipagagawa niya sa pamilya ko."
"Pero bakit ginagawa niyang laruan ang may mga sariling buhay?" kunot ang noo at naguguluhang tanong ni Dianna at mariing napakapit sa kumot na nakatatabon sa kaniyang katawan.
Sa kabila nang mga hindi maubos na katanungan ni Dianna ay nagawa niyang makatulog nang mahimbing at magising kinabukasan na maaliwalas ang nararamdaman.
Nag-iinat siyang tumayo mula sa kaniyang kama. Tumatagos na ang liwanag ng araw sa nakasaradong bintana kaya inilihis niya ang mga kurtina nang sa ganoon ay tuluyang pumasok ang liwanag sa buong kuwarto.
Nagising naman si Kye nang dahil sa nakasisilaw na liwanag at kusot-mata pang naupo mula sa higaan. Binalikan ni Dianna ang kaniyang kama upang itupi nang maayos ang kumot niya at isinalansan iyon kasama ng mga unan.
"Ano kayang almusal," hikab na sambit ni Kye na tumayo na rin upang iligpit at itupi ang hinigaan nito at itinabi sa loob ng aparador. "Sana masarap."
Sa sumunod na iniusal ni Kye ay mahinang natawa si Dianna at naglakad na palabas ng kuwarto. Bago niya pinihit ang doorknob ay sandali niyang nilingon si Kye at binati ito nang, "maligayang isang buwan na magkasama tayong dalawa, Kye."
Nang makababa ng hagdan si Dianna ay dumiretso siya sa kusina kung saan naabutan niya ang kaniyang papa na naghahanda ng almusal. Sinilip niya ang niluluto nito at nakagat ang kaniyang mga daliri nang makitang dalawang piniritong binasag sa kawaling itlog lang ang ulam.
"May iba ka bang gusto?" tanong ng papa niya na ikinaigtad niya dahil hindi niya inasahang mapapansin nito ang ekspresyong ginawa niya.
"Parang ang unti po kasi ng isang itlog," nahihiyang wika ni Dianna at pinaglaruan pa ang sarili niyang mga daliri na parang bata.
"Bacon?" tipid na tugon ng papa niya habang inilalabas sa loob ng fridge nila ang tupperware ng bacon na madalas nilang nabibili sa supermarket.
"Opo, salamat!" Malaki ang ngiting sinimulang ihanda ni Dianna ang mesa at naglabas ng tigdalawang pares ng plato, mga kubyertos, at tasang inumin.
Ipinagtimpla ni Dianna ang papa niya ng kape at ang sarili niya ng cocoa. Nang handa na ang lahat ng kanilang kakainin ay naupo na si Dianna sa upuan kaharap ng kaniyang papa at agad na sinandukan ng maraming kanin ang plato niya.
"Hindi ka ba aakyat sa kuwarto mo para kumain gaya nang lagi?" biglang tanong ng papa ni Dianna nang akmamg susubo na siya ng pagkain. "Akala ko ay ayaw mo na akong makasabay sa hapag."
"Aakyat din po ako mamaya kapag nakalahati ko na ang pagkain ko, naisip ko lang po na matagal na rin nang huli tayong nakapag-usap nang ganito." Tuluyan nang isinubo ni Dianna ang pagkain sa kaniyang kutsara ay nginuya iyon.
Ngunit hindi gaya kanina na nakangiti, bigla na namang siyang nakaramdam ng kalungkutan. Iyong punto na nasasaktan siya dahil sa paninikip sa kaniyang dibdib.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro