Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17: Sa Malayo, Punta Tayo!

Kabanata 17

"Georgette! Georgette!" Kunwari ay nahihiyang napatakip ng bibig si Georgette upang itago ang malaking ngiti niya dahil sa isinisigaw ng lahat ang pangalan niya nang may pagmamalaki. "Ang astig mo, George! Ang astig mo, George!"

"Guys, kalma!" tili niya pa na akala mo ay inasinang bulate. Sakay-sakay ng ipinagmamalaki niyang sportsbike na matagal niya nang pinapangarap na mabili ay pinaingay niya ang tambutso niyon na siyang umawi ng iba't ibang reaksyon.

"George!" isang napakalakas na sigaw na nagpatigil sa sigawan ng lahat maski kay Georgette. "Georgette!" pag-uulit pa nito na ikinatakang lubos ni Georgette hanggang sa magmulat siya ng mga mata at magising sa madilim niyang kuwarto.

"Georgette! May tao sa pinto! Tignan mo nga 'yon at naiistorbo ang tulog ko!" maowtoridad na sigaw ng papa ni Georgette na natutulog sa kabilang kuwarto.

Malalim naman ang paghinga ni Georgette na hindi pa makapaniwalang nananaginip lang pala siya at hindi totoo na mayroon na siyang sariling motor na ipagyayabang niya sa lahat ng kakilala niya.

"George!"

"Opo! Ito na po, papa!" Naiirita ay padabog na tumayo ng kama si Georgette at hindi na nag-abalang magsuot ng tsinelas. Marahas niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya at mabibigat ang mga yapak na bumaba ng hagdan.

Nang marating niya ang pinto ng bahay ay mag kumakatok niya ngunit ang boses ng tumatawag ng 'tao po' ay napakapamilyar na dali-dali niyang binuksan ang pinto. Doon ay tumambad sa kaniya si Dianna na nakapantulog pa at may bitbit na malaking backpack sa likod.

"Pahatid naman kami ni Kye, George. Please?" ang unang sinabi ni Dianna gamit ang nagmamakaawang boses at hinabaan ang bigkan sa salitang 'please'. Ipinagdikit pa nito ang mga palad na animo talagang nakikiusap.

Lumabas naman sa likod ng pader si Kye na humihikab pa sa antok, nakapantulog din ito ng pink na pajama na nasisiguro niyang pagmamay-ari ni Dianna.

Naniningkit ang mga mata ay napaisip si Georgette. Hating gabi, malaking bag, nakasuot pa ng mga pantulog. Pinag-iisipan niyang mabuti.

"Magtatanan ba kayong dalawa?" mataas ang boses na bulalas niya. "At saan naman kayo pupunta nang ganitong oras-" hindi na naipagpatuloy ni Georgette ang sinasabi niya nang bigla siyang bigyan ni Kye ng isang flyer.

Nang mabasa niya ang pagkalaki-laking 'Mermaid Circus Pod' na text sa flyer ay agad na naalala ni Georgette ang matagal nang sinasabi ni Dianna na trabaho ni Kye.

Mayroong address na nakalagay roon kaya naman tinignan niya rin ngunit nanlaki ang mga butas ng ilong niya. "Ang layo naman?!"

"Mas malayo, mas ligtas!" nangungumbinsing bulalas ni Dianna na ipinagtaka ni Georgette dahil hindi niya maintindihan ang kaibihan. Nakita niya naman kung paanong sikuhin ng mahina ni Kye si Dianna na parang nagsasabi na sekreto lang ang kung anumang ipinahihiwatig ng babae.

Napapailing ay naisip niyang mas mabuting tanggihan ang babae. "Ayaw ko, magagalit sa akin si Dennis. Mas mahal ka niyon kaysa sa akin, ano."

"Pakiusap," ang subok din na pangungumbinsi sa kaniya ni Kye. Magkalapat ang mga labi ng lalake sa isa't isa ay mayroong mga nangungusap na titig sa mga mata. Sa itsurang iyon ng lalake ay parang gusto niyang pumayag na.

Pero. "Alam ba ng papa mo ang tungkol dito?" Kung susuko siya at pagbibigyan ang dalawang bata ay mas maiging masiguro niya ang kaligtasan niya. "At isa pa, may klase tayong pareho mamayang umaga-"

"Papasok ako kung iyan ang kundisyon mo. Basta ba ihahatid mo kami ni Kye sa lugar na 'yan at hindi ako isusumbong kay Dennis," sunud-sunod na kundisyon ni Dianna na halos hingalin na nang matapos ito sa pagsasalita.

Sa nakikita ni Georgette na pagiging desperado ni Dianna ay napabuntong hininga na lang siya at tumango. "Ihahatid kita matapos nang klase but I can't promise that I can keep this a secret from Dennis, alam mo 'yon."

"Okay lang hangga't hindi siya nagtatanong," walang pag-aalinlangang tugon ni Dianna na ngayon ay napakalaki na ng ngiti sa mukha. Hindi naman malaman ni Georgette kung ngingiti siya para sa babae dahil napapangiwi na lang siya.

"Sa ngayon ay matulog muna tayo at inaantok pa ako." Pinaanyayahan ni Georgette sina Dianna at Kye na pumasok ng bahay nila kaysa sa pauwiin pa ang mga ito. "Kasama kitang matutulog sa kuwarto ko, Din. Tiis ka na lang muna rito sa sala Kye at lalake ka."

Hindi naman nagreklamo si Kye kahit saan siya matulog bagkus ay tinulungan pa nito si Georgette na magbaba ng kutson, unan, at kumot. Nang mailatag na nila ang tutulugan ng lalake ay inaya na ni Georgette si Dianna na umakyat sa itaas ng kuwarto.

Sumunod din naman agad sa kaniya ang babae ngunit bago ang lahat ay nahuli niya pa ito at si Kye na nagbibigayan ng thumbs up sa isa't isa na para bang nagtagumpay sila sa kung ano mang quest ang ginagawa nila.

﹏𓊝﹏𓂁﹏

Gaya nang ipinangako ni Dianna kay Georgette, pumasok siya ng mga klase niya. Ngunit noong breaktime ay hindi siya sumama sa dalawa. Hindi para iwasan si Dennis, kundi para maubos niya ang flyers para sa circus.

"Punta po kayo later at twelve o'clock am, two hundred pesos entrance fee. Thank you!" malaki ang ngiting pangungumbinsi ni Dianna sa mga taong tumatanggap ng flyers na ipinamimigay niya.

Dahil lunch break ay nagdadagsaan ang mga tao sa kalsada, karamihan ay galing sa university niya. Hindi niya gustong palampasin ang mga tao na maski mga sasakyan na humihinto sa tabi ay binibigyan niya ng flyers.

"Thank you po, see you later po!" ngiting pasasalamat ni Dianna sa muling tumanggap ng flyer na ipinamimigay niya. Nang makalagpas sa kaniya ang dalawa ay nagpatuloy siya sa ginagagwa hanggang sa isang babae at lalakeng magkasama ang kaniyang makakasalubong.

"Sinasabi ko saʼyo, Rebel!" Ang babaeng animo ay sinesermonan ang kasama nitong matangkad na lalake na ayaw rin magpatalo.

Ito ang parehong babae kung saan niya narinig ang pangalang 'Apolaki'. At ang parehong lalakeng may ginintuang buhok.

"P-Punta po kayo later at twelve o'clock am, two hundred pesos entrance fee. Thank you!" nagdadalawang isip pang alok ni Dianna sa dalawa at nanginginig ang mga kamay na binigyan ang mga ito ng tig-isang flyers.

Bahagya namang nagulat sa kaniya ang babae na hindi napansin ang paglapit niya ngunit malugod nitong tinanggap ang kaniyang iniabot. "Thank you!"

"Thank you din po," magalang na tugon ni Dianna at bahagya pang ibinaba ang kaniyang ulo upang hayaan ang dalawa na lampasan siya.

Nang muli siyang tumayo nang tuwid ay hindi niya sinasadyang nakita ang ginawang paghabol ng tingin sa kaniya ng lalake kaya naman ganoon din ang ginawa niya.

Nagtitigan silang dalawa hanggang sa makalayo sila sa isaʼt isa. Bahagyang nakunot ang noo ni Dianna sa pagtataka ngunit ipinagkibit na lang iyon ng balikat at ipinagpatuloy ang trabahong kaniyang ginagawa.

"Kinakausap kita, kung saan ka nakatingin!"

"Jealous?"

﹏𓊝﹏𓂁﹏

"Saan natin hahanapin si Kye?" tanong ni Georgette habang nagpapalinga-linga sa kalsadang kanilang tinatahak sakay ng kotseng minamaneho nito.

"Sabi niya dito banda lang siya mamimigay ng flyers," nag-aalalang tugon ni Dianna habang nakadungaw sa bukas na bintana. "Ayon!"

Agad na iniliko ni Georgette ang sasakyan sa direksyong tinuri ni Dianna at nakita nga nila si Kye na matiyang ipinamimigay ang flyers na ibinilin ni Dianna na dapat nilang mapaubos. Kahit na minsan ay itinatapon lang din ng ibang pinagbibigyan ni Kye ang flyers sa kung saan.

"Kye!" sigaw na tawag ni Dianna sa pangalan ng lalake. "Tama na 'yan, aalis na tayo!" Doon ay naagaw ni Dianna ang atensyon ng lalake sa wakas.

Mula naman sa driver seat ay hindi maiwasan ni Georgette na makaramdam ng amusement sa kaibigan niya at kay Kye. Dahil kita niya kung paanong umaliwalas ang buong mukha ni Kye oras na makita nito si Dianna.

"Uwi muna tayo sandali, kukuha akong pera," paalam ni Georgette nang makasakay na ng kotse si Kye. Muli niyang pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Sige lang, bilisan na lang natin para tayong makarating doon," maunawain namang tugon ni Dianna kahit na halatang doble na ang nararamdaman nitong kaba dahil sa oras.

Nang marating nila ang bahay nila Georgette ay si Georgette na lang ang bumaba ng sasakyan. Nanatili na lang sina Dianna at Kye sa loob ng kotse upang hintaying makabalik ang babae.

"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong ni Dianna sa katabi niyang si Kye na hindi tulad niya ay hindi mapakali, kalmado lang ito at animo walang pag-aalala para sa gagawin nito mamaya.

"Wala namang masamang mangyayari," balewalang sagot ni Kye na ikinatango na lang ni Dianna.

Hindi alam ni Dianna ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam niya ay may mangyayari. Isang hindi niya inaasahan. Wala sa plano.

Kaya naman panay ang pagsilip niya sa labas ng sasakyan para kay Georgette hanggang sa bumukas ang pinto sa shutgon seat at pumasok saka naupo ang isang lalake. May maiksing tuwid at bagkas na buhok, may suot na salamin, at nakauniporme pa galing eskuwela.

"Oh, nasaan ang driver?" mapanloko pang tanong ng lalake at tinignan si Dianna mula sa rear view mirror.

"May pera na ako!" ang natutuwang boses ni Georgette nang bumukas din ang pinto ng diver seat. Ngunit gaya ni Dianna ay natigilan din ito nang makita si Dennis sa shutgon seat. "H-Hi, babe."

Alanganin ang ngiti ay nilingon ni Georgette si Dianna, nagtatanong kung kasama ba sa plano si Dennis. Ngunit nagkibit balikat lang si Dianna na pareho ang tanong para sa kaibigan. Habang si Kye naman ay walang malay sa mga nangyayari na tahimik lang sa kinauupuan nito.

"Why? Hindi ba ako puwedeng sumama kung saan man ang punta ni'yo?" biglang seryoso ang tono na tanong ni Dennis na parehong tinawanan nina Georgette at Dianna habang tumitikhim.

"Plano ka talaga naming sunduin sa bahay niʼyo, baka gusto mong sumama. Road trip!" palusot ni Georgette at umakto pang nagmamaneho ng motor sa harap ng steering wheel.

"Hindi pa ba tayo magmamadali?" ang inosente at walang pakialam naman na tanong ni Kye na mukhang nag-aalala na rin para sa oras.

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro