Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10: Di Masasabing "Tao"

Kabanata 10

"Dito ka sa loob magpalit," turo ni Dianna sa banyo at binuksan ang pinto para kay Kye. "Ito rin pala ang ipalit mo riyan sa suot mo para mas kumportable ka," dagdag niya pa.

Tinanggap din naman ng lalake ang ibinigay niyang isang malinis at puting oversized t-shirt at maluwag sa kaniyang pajama na may printed design na pomelo. Nahihiya man ay ibinigay niya rin sa lalake ang cycling na ginagamit niya pandoble tuwing magsusuot siya ng palda.

Nang makapasok na ng banyo ang lalake ay isinara niya na ang pinto at halos mapasapo pa sa noo. Mabuti na lang talaga at mayroong sariling banyo ang kuwarto niya.

Sandali ay lumabas muna ng kuwarto si Dianna at bumaba ng hagdan. Nagtungo siya sa ilalim ng hagdan kung saan mayroong kuwarto kung saan natutulog ang papa niya.

Lumapit siya sa pinto at idinikit ang ulo roon upang subukan kung makaririnig ba siya ng ingay mula sa loob. Nang walang marinig maski ingay ng umaandar na electric fan ay nagdesisyon siyang buksan ang pinto.

May pagdadahan ay pinihit niya ang doorknob pabukas at sinilib ang loob mula sa maliit na awang. Wala nang sindi ng ilaw kaya naman madilim sa loob ngunit salamat sa bukas na lampshade sa bedside table ay nagawang maaninag ni Dianna ang bulto ng papa niya na nakahiga sa kama habang nakaharap sa pader.

Iyon lang ang kinailangan niyang kumpormahin at isinara niya nang muli ang pinto nang may pag-iingat. Naglakad na siya paalis at aakyat na sanang muli ng hagdan nang matigilan siya nang makaapak siya ng basa.

Napababa siya ng tingin sa kaniyang paa at napangiwi pa dahil nakadidiri sa pakiramdam ang mga basa sa sahig. Ngunit hindi siya makapagreklamo dahil kagagawan nilang dalawa iyon ni Kye nang pumasok sila.

Sa huli ay naglampaso muna siya ng sahig at tinuyong maigi ang mga bakas ng malalaking paa ni Kye. Nang matapos ay tuluyan na siyang umakyat at bumalik ng kuwarto niya.

Nang makapasok ay naabutan niya si Kye na tahimik na naghihintay sa kaniyang makabalik. Para itong napakabait na bata habang nakaupo sa paanan ng kama niya. Ang kanang kamay pa nito ay humihimas sa malambot na kumot.

"Gusto mo bang sa kama na matulog?" tanong niya sa lalake at lumapit sa kaniyang closet upang maghanap ng mga damit pantulog upang makapagpalit na siya at magmula kahapon pa ang suot niya.

Sandali niya namang dinukot ang mga bulsa ng pantalon niya upang masiguro na walang mga nakatago doon na hindi puwedeng mabasa bago niya ilagay sa laundry ang mga pinagsuotan niya. Hanggang sa makita niyang muli ang poster na kinuha niya kanina.

Binuklat niya iyon sa pagkakatupi saka lumingon kay Kye at tinawag ang atensyon nito. Nakaturo sa isang taong may suot na pekeng mermaid tail ay nagsalita siya, "sa tingin mo ba ay kaya mong gawin ang trabahong ito?"

"Ipakikita ko sa mga tao ang tunay kong anyo?" may pagtatakang pagkumpirma ni Kye sa tinutukoy niya kaya naman umiling siya at naglakad papalapit sa lalake.

"Itong nasa litrato ay isang tao na nagsuot ng pekenf buntot ng sirena, ginagawa nila ito bilang pang-aliw sa mga tao kapalit ng pera," panimulang paliwanag niya. "Ang hinahanap nilang tao ay iyong marunong lumangoy at hindi takot sa tubig. Perpekto ito para saʼyo dahil kaya mong magtagal sa ilalim ng tubig nang hindi nauubusan ng hining."

Sandaling natahimik si Kye, tila pinag-iisipan ang kaniyang mga sinabi. Makaraan ang ilang segundo ay tumango ito bilang pagpayag. "Kung makakatulong ako saʼyo kapag ginawa ko iyan, hindi ako tatanggi."

Sa narinig na sagot ng lalake ay napangiti nang malaki si Dianna. Nagpapasalamat dahil sa pagpayag ni Kye ay binigyan niya ito ng thumbs up. Nakita niya namang nakunot ang noo ng lalake dahil hindi nito alam ang ibig sabihin niyon.

"Gayahin mo ako, thumbs up ka rin," utos niya at puwersahang ipinangat ang kamay ng lalake saka ito tinuruan kung paano gumawa ng thumbs up sa mga daliri. "Halika, gagawan kita ng resume mo," nasasabik niya pang wika.

Nang maglakad siya patungo sa study table niya ay sumunod din sa kaniya si Kye. Naupo siya sa gaming chair at agad na binuksan ang power ng laptop upang simulan nga ang resume ng lalake na ipapasa nila upang makuha ang trabahong pinupuntirya nila.

"Kailangan ko pala ng picture mo," pagkausap ni Dianna sa sarili nang sa wakas ay makahanap siya nang pinakamaganda at mas maayos na resume template na gusto niya.

Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng table at hinanap ang camera niya. Nang makita ay tumayo siya sa upuan at ipinaupo roon si Kye na tahimik siyang pinanonood sa ginagawa niya.

Sa harapan ng lalake lalake ay pumwesto siya ng tayo habang initutuok dito ang lense ng camera. Pinanatili ang focus sa mukha ni Kye at handa nang kumuha ng isang shot ngunit bago pa man pindutin ni Dianna ang shutter ay ibinababa niya ang camera.

"Nasaan ba ang suklay ko?" kausap niya sa sarili at muling hinalukay ang drawer ngunit nauubusan na lang siya ng pasensya ngunit hindi niya pa rin makita ang nag-iisa niyang suklay.

Sumusuko ay napagdesisyunan niyang gamitin na lang ang sariling mga daliri upang suklayin at ayusin ang buhok ng lalake. Nang hagurin nga niya ang hubok nitong hanggang leeg ang haba ay mahagya pa siyang nagulat nang maramdaman kung gaano kadulas at kagaan ang bawat hibla niyon sa daliri niya.

"Ang lambot pala talaga nang buhok mo? Akala ko sa itsura lang dahil sobrang tuwid ng bawa't strand," komento niya at ipinagpatuloy ang pagsuklay at paghagod sa buhok ng lalake.

Hindi niya pa nga maiwasang ngumiti dahil ang sarap sa pakiramdam ng buhok ng lalake dahil sa sobrang ninipis ng mga hibla niyon. Umabot sa punto na parang pinaglalaruan niya na lang ang ulo ng lalake ngunit nahinto siya nang bigla ay igalaw ni Kye ang sariling ulo upang salubungin ang haplos ng mga palad niya.

Sa pagkabigla ay nahugot ni Dianna ang kaniyang hininga at naestatwa sa kinatatayuan niya. At kung hindi pa iyon ang pinakamalalang magagawa ng lalake upang pawian siya ng ulirat ay inabot ni Kye ang kaniyang kamay.

Animo isang alagang aso o pusa na gustong magpalambing sa amo nito ay iminuwestro ni Kye ang mga kamay ni Dianna upang patuloy na haplusin ang buhok nito. Nananatili si Dianna sa kaniyang puwesto, hinahayaan si Kye sa ginagawa nito, habang pinanonood niya ang mukha ng lalake.

Pikit ang mga mata at para bang makatutulog na anumang saglit, may maliit na ngiti sa dulo ng mga labi ng lalake dulot ng ginhawang nararamdaman mula sa mga magagaang haplos ng dalaga.

"G-Gusto mo bang matulog na?" ang sa wakas ay sambit ni Dianna na nagpahinto kay Kye at tila nagpabalik din sa lalake sa katinuan nito.

Hindi magawang makatingin sa isa't isa nang matuwid ay nagdesisyon silang magpahinga na para ngayong gabi. Naglabas si Dianna ng kutson, ilang unan, at kumot at inilatag ang mga iyon sa sahig katabi ng kaniyang kama.

Agad namang nahiga roon si Kye na wala nang sinasabi, basta ay agad nang ibinalot ang sarili sa kumot at dumiretso sa pagtulog. Nahihirapang lumunok sa sariling laway ay hindi magawang magdesisyon ni Dianna kung mas maigi bang patayin na ang ilaw sa kuwarto o iwan iyong bukas.

Ngunit dahil mas nakakatulog lang siya kapag hindi gaano kaliwanag ang paligid ay pinatay niya na lang din ang sindi ng ilaw sa huli. Nagtatakbo siya palapit ng kama at nagmamadali pang ibinalot ang sarili sa kumot hanggang sa hindi na siya makagalaw na para siyang naging palaman sa lumpia.

Mariin siyang napapikit at humarap sa kabilang direksyon ng kwarto at isiniksik ang sarili sa dulo ng kama. Kakaiba ang tibok ng puso niya ngayong gabi, hindi iyon mabilis bagkus ay ramdam niya kung gaano kabagal ang bawa't tibok nito na tila ba nasasaktan na ang dibdib niya.

Hindi niya alam. Hindi niya maintindihan. Sa loob nang dalawampu at isang taon sa buhay niya ay ngayon lang siya nagkaroon nang ganitong karanasan sa lalake. At higit sa lahat ay sa hindi pa masasabing tao.

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro