Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1: Kakaibang Nilalang, Sundan

Kabanata 1

"Write down your first name, middle name, and family name." Wala namang mali sa ipinapagawa ng professor sa students niya.

Ngunit nagtinginan ang buong klase sa isaʼt isa na animo ay pare-parehong may hindi naiintindihan.

"What? You donʼt know what is family name? What surname do you use? Isn't that your family name?" sunod-sunod napagalit na wika ng professor na siyang ikinatawa ng mag-aaral.

"Paano kapag wala kang pamilya?"

"Anong pamilya ba ang wala ka? Physically o emotionally?"

"Okay, apelyido lang pala, Masalanta!" kantyawan ng mga ito na mabilis ikinabusangot ni Dianna dahil apelyido na naman niya ang biglang napagdiskitahan.

Isinulat na lang din ni Dianna ang buo niyang pangalan sa index paper at ipinasa iyon sa professor na nag-iikot upang kolektahin ang kanilang mga index card na gagamitin para ngayong araw sa kanilang recitation.

Saglit siyang napatingin sa mga kaklase niya na binibigyan siya ng nangangasim na itsura dulot ng kaba kaya napangiwi na lang siya bilang tugon dahil maski siya ay nararamdaman ang parehong tensyong iyon.

Malalim siyang napahinga at halumbabang itinungo ang kaniyang ulo at paningin sa bintana sa kaniyang tabi. Nakasara iyon ngunit mula sa salamin ay malinaw pa ring makikita ang mabibigat na patak ng ulan galing sa madilim na langit.

Bagamat nakasara ang bintana ay maririnig pa rin ang malakas na buhos ng ulan kasabay ng maingay na hampas ng hangin.

"Grabe at nagluluksa nang husto ang kalangitan ngayon," dinig niyang ani Dennis na kaniyang katabi sa upuan.

Napalingon siya rito na tulad niya ay nakatanaw din sa labas ng binatana ngunit hindi gaya niya na nakararamdam ng lungkot dahil sa dilim na makikita sa kalangitan.

Para pa itong masayang makita na wala ang pagiging kalmado ng mga ulap. "Alam mo bang mas pipiliin ko ang tag-ulan kaysa tag-araw?"

Bahagyang nangkit ang mga mata ni Dianna dahil sa tinanong sa kaniya ni Dennis ngunit ipinilig din ang kaniyang ulo bilang tanda na gusto niyang marinig kung ano man ang nais nitong sabihin.

"Mas natititigan ko kasi ang mga ulap kapag nakatago ang araw kumpara kapag tirik siya, masyadong nakasisilaw ang liwanag na hindi ko magawang magmulat kapag titingala sa kalangitan."

Marahan siyang napatango nang ilang ulit nang malaman niya ang dahilan ng lalake at binigyan ito ng ngiti.

Naisipan niyang nais niya ring magbigay ng kaniyang palagay bilang tugon sa ibinahagi ng lalake. "May pagkakataong gusto kong iwasan ang ulan, hindi dahil naiinis ako sa pang-aasar sa apelyido ko. Sadyang nalalagay lang sa panatag ang puso ko kapag alam kong walang anumang mangyayaring sakuna."

﹏𓊝﹏𓂁﹏

"Ang tanda ko, bus ang sinakyan natin at hindi submarine?" komento ni Georgette na ikinatawa nila Dianna at Dennis na magkakatabing nagsisiksikan sa pinakalikod na upuan ng bus.

Makikita kasi sa labas ng mga nakasarang bintana ng bus na halos lumubog na sa mataas na baha ang ibang maliliit na mga sasakyan gaya ng mga motor at kotse.

"Kasalanan 'yan ni Dennis, pinuri niya kasi ang ulan kanina. Ayan tuloy, akala mo may gustong patunayan ngayon ang baha," tumatawang pagkuwento ni Dianna sa naging usapan nila kanina ng lalake na mabilis binigyang reaksyon ni Dennis upang dipensahan ang sarili.

"Napakataksil mo, Diann!" umaarteng umiiyak na giit ni Dennis na tinawanan niya lang bago siya tumayo sa kaniyang kinauupuan.

Nagpaalam na siya sa dalawang kaibigan at naglakad palapit sa pinto ng bus. Agad naman siyang nilapitan ng kundoktor upang alalayan sa pagbaba dahil nga sa maatas ang tubig.

"Ano ba ang nasa utak mo, hija? Dito mo pa talaga naisipang bumaba samantalang nakita mo namang napakataas ng tubig!" reklamo ng may edad na lalakeng nakalubog sa tubig ang kalahating bahagi ng katawan.

Galit man ang ipinakita nitong ekspresyon ay malugod pa rin nitong inilahad sa kaniya ang mga braso nito bilang senyales na bubuhatin siya nito. Nang sa ganoon ay maihatid siya sa kabilang kalsada kung saan mataas ang simento at hindi abot ng tubig.

"Nakita ko po kasi na inihahatid niʼyo ang ibang pasahero papunta roon kaya gusto ko po sanang masubukan," ngiting tugong itinuro Dianna ang ibang kalalakihang pasan ang ibang pasahero upang maihatid nang kabilang kalsada.

Ngunit sa sinabi ni Dianna ay nangasim ang mukha ng lalake kaya naman naitikom na lang niya ang kaniyang bibig.

Hindi niya nais magmukhang aroganteng na lahat ng bagay ay itinuturing na parang laro. Totoong naisipan niya nang bumaba ng bus dahil kanina niya pa nakikita ang ginagawa ng mga ito.

Ipinasan na siya ng lalake sa mga balikat nito saka nila sinuong ang baha nang may pag-iingat. Habang mabagal silang umuusad ay sinusubukan abutin ni Dianna ang tubig ngunit tanging dulo lang ng mga daliri niya ang nagagawang maramdaman ang tubig.

“Sayang,” bulong niya pa sa sarili. Napaayos siya nang suwayin siya ng lalake at agad na humingi ng pasensya. 

Nang marating nila ang simentadong kalsada ay tinulungan siya ng isang binata na makaakyat. Pinasalamatan niya naman ito matapos at pasasalamatan din sana ang lalakeng naghatid sa kaniya.

Ngunit mabilis itong tumalikod upang bumalik sa mga bus na marami pang sakay na pasaherong nais nang bumaba. Hahayaan na sana ni Dianna at masyado niya na itong naabala ngunit hindi pa man nakalalayo ang lalake ay bigla itong lumubog sa tubig.

Animo ito hinatak pailalim ng tubig at sa sobrang bilis ay wala silang narinig na ingay maski isa. Marami ang napatingin at nagtaka ngunit wala ni isang nag-abala upang alamin ang nangyari.

Bukod kay Dianna na pilit sinundan ng tingin ng nakita niyang humatak sa lalake pailalim ng tubig. Isang nilalang na may buntot ng isda ngunit may ibabaw na katawang bahagi ng tao.

"Nakita mo rin?" Napatingin si Dianna sa binatang tumulong din sa kaniya. Tulad niya ay nakatanaw ito sa direksyon kung saan dumaan at mabilis na umalis ang nakita niyang nilalang.

"Sundan natin," dagdag pa nito at may maliit na ngiti sa mga labi siyang nilingon.

"Ano?" ang halos bulong sa hangin niyang reaksyon dulot nang magkahalong pagkabigla at pagtataka.

Hindi pa nagagawang iproseso ni Dianna ang lahat ngunit hinawakn na siya ng lalake sa kaniyang balikat. At ang sumunod ay nakita niya na ang sariling pabagsak ng tubig baha.

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro