9. Fireworks
"Everybody needs someone who can make them laugh when they think that they'll never smile again."
🌻🌻🌻
Ako 'yong tipo ng tao na hirap magtiwala sa iba. Kaya nga laking pagtataka ko at pinagkatiwalaan ko si Kite.
Siguro hindi naman siya kagaya ni Megan 'di ba? Hindi niya naman siguro ako tatraydurin.
Sa ngayon, nandito kami sa Star City. Pinag-aawayan naming dalawa kung saan kami sasakay. Nakakainis kasi siya, ang arte. Parang Star Flyer lang naman, naduduwag siya.
"Hehe, ferris wheel nalang tayo? 'Wag na dyan, haba ng pila," wika niya habang nagkakamot pa ng batok.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lahat talaga ng palusot gagawin niya para hindi makasakay sa ride na 'yon.
"Are you kidding me? Look, ang konti nalang kaya ng pila."
Tumingin siya sa akin na parang nagmamakaawa. Psh, bakla ba 'to? Parang Star Flyer lang kinatatakutan niya na.
"E kasi honey, ano e.. ahm."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Honey? Honey my ass. Daming alam e, sarap sapukin. Takot naman sumakay. Duwag!
"You know what, kung ayaw mo, 'wag ka ng maraming dahilan pa dyan. Seriously? Kite, are you a gay?"
Hindi naman maipinta ang itsura niya. Alam mo 'yon? 'Yong mukha niya parang sukang-suka dahil sa sinabi ko.
"Hindi ako bakla. Gusto mo i-kiss kita ngayon para patunayang lalaki ako?"
Namula naman 'yong pisngi ko. Packing tape, kailangan halikan talaga? If I know, dumadamoves lang siya sa akin. Tsk, knowing Kite na super cassanova.
Yeah, cassanova siya. Kadiri nga at ipinagmamalaki niya sa akin na marami na daw siyang naging babae! Yuck, hindi na rin ako magtataka kung hindi na siya virgin.
"Yuck! Stay away from me. Ayaw kong mahawa sa HIV mo."
Lumayo na ako sa kanya at nagdesisyong pumila sa may Star Flyer. Shems, dream come true na talaga ito. Sa wakas at malalagyan ko na din ng check ang isa sa mga bucket list ko.
Unti-unting umusad ang pila. Hanggang sa wakas, makakasakay na ako! I'm excited na talaga.
Umupo ako sa bandang dulo para may thrill. Halos manlaki naman ang mata ko nang makita kung sino ang katabi ko.
"Kite? Why are you here? Akala ko ba ayaw mo sumakay."
Tinarayan niya naman ako. Wews, ang suplado ha. Dinaig pa ang may red alert.
"Hindi kita kayang iwan e, psh."
Napatawa naman ako sa inasal niya. Mukha naman siyang nainis kaya tinigil ko na din agad. Tsk, baka masapak ako e. Naku, subukan niya lang ako sapakin. Hindi ako magdadalawang isip na batuhin siya ng shuriken.
Nagsimula na 'yong ride. Pataas na kami ngayon. Ang saya talaga! Tinataas ko pa 'yong kamay ko at sobrang galaw ko pa sa kinauupuan ko ngayon. Heaven ang feeling!
"Damn! Stop this fuckin' ride!"
Wala akong ginawa kung hindi tumawa ng tumawa. Pfft, bakla talaga siguro 'tong si Kite? Easy nga lang ang Star Flyer e! Parang binabaliktad lang naman ang katawan mo. Easy!
Nang makababa na kami, tumakbo siya papunta sa basurahan at doon nagsuka.
So gross.
"Pwe! Damn Agatha, muntik na akong mamatay sa ride na 'yan!"
Tinawanan ko lang siya. Kanina pa nga siya reklamo ng reklamo e. Pfftt, nababaliw na siguro. Hahaha!
"Tara Kite, do'n naman tayo sa Star Frisbee."
Nagsalubong naman ang kilay niya at tumingin ng masama sa akin. Uh-oh, mukhang nagalit na siya sa akin. Tapos, ang higpit pa ng pagkakahila niya sa kamay ko.
"Hoy Kite, saan tayo pupunta?" tanong ko. Bigla naman kaming huminto sa paglakad. Tapos, katapat pa namin 'yong Dungeon Horror House.
Napatingin ako sa kanya. Shems, nakangisi na siya. Pakiramdam ko tuloy, may masama siyang pinaplano ngayon.
"Tara, horror house tayo."
Pilit naman akong ngumiti sa kanya. Okay, hinga ng malalim. Isa, dalawa, takbo!
Sobra na akong hinihingal, shemay malapit niya na akong maabutan. Huhu, ayaw kong pumunta sa horror house na 'yon. Kahit lahat na ng extreme rides ang ipasakay niya sa akin ng paulit-ulit, basta hindi ako magho-horror house!
"Huli ka!"
"Waahh, bitawan mo ako! Kung gusto mong mamatay ng maaga, ikaw nalang pwede? 'Wag mo na akong idamay!"
Shemay, nakakahiya! Buhat niya ako ngayon na parang sako lang ng bigas. Takte, katapusan ko na talaga ngayon. Tara, iyak.
"'Wag ka nga'ng OA, hindi ka naman kakainin ng horror house! Pfftt.."
Pumalag ako sa kanya, pero wala pa din akong magawa. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao kasi ayaw ko talagang pumasok sa loob. Pero sadyang malakas siya at nahatak niya din ako agad.
Kahit nandidiri ako sa kanya, kumapit nalang ako ng mahigpit sa braso niya. Shemay, kinakabahan talaga ako. Idagdag mo pa 'yong nakakatakot na sound effects.
"BULAGA!"
"WAAAAHHHH!"
Sa sobrang gulat ko, nasuntok ko 'yong mukha ng white lady. Hala, lagot! Hindi ko naman sinasadya. Promise, hindi ko naman gustong masuntok siya.
Biglang nagkagulo sa loob. Tapos umiiyak na din 'yong babaeng nasuntok ko. Napatingin ako sa kasama ko ngayon na halos maiyak na sa kakatawa.
"Baliw ka talaga kahit kailan! Sapakin ba daw 'yong white lady? Pfftt, hahaha!"
Hinila ko kaagad si Kite palabas ng horror house na 'yon. At pagkatapos, tumakas na kaming dalawa palabas. Nakita ko pa nga'ng hinabol kami ng dalawang bodyguard, buti nalang naligaw namin sila.
"Hay grabe, napagod ako do'n ha."
"Tara, kain muna tayo."
Pumunta kami sa isang stall ng siomai. Grabe, nakasampu ako no'n. Tapos uminom na kami ng gulaman.
May nahanap kaming bench kaya umupo na kami doon. Grabe, nakakapagod ang araw na ito. Pero at the same time, ang saya.
"Hindi ka naman pala masungit kagaya ng akala ko," bigla niyang sabi sa akin. Napangiti naman ako bigla.
"Ikaw din. Masarap ka din naman palang kasama," wika ko.
"Hala? Anong masarap sa kama?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Shems, ang maniac niya! Ganito ba talaga kapag cassanova? So pervert!
"Kasama kasi, hindi sa kama! Kadiri ka talaga."
Pinaghahampas-hampas ko naman siya sa braso. Pero yuck! Nakakainis, ang bastos niya.
"Honey, be gentle."
Tss, ang libog pala ni Kite? Shemay, hindi kinaya ng inosente kong utak.
Hindi ko nalang siya pinansin. Napagod na akong hampasin siya e. Hanggang sa biglang nagkaroon ng fireworks sa kalangitan.
Hindi ko tuloy maiwasan na humanga doon.
"Wow, ang ganda!"
Napangiti ako habang umiilaw sa kalangitan ang iba't ibang kulay ng fireworks. Nakakaaliw silang pagmasdan, promise. Parang bumabalik ako sa pagkabata.
"Oo nga, ang ganda."
Napatingin ako bigla kay Kite. Laking gulat ko naman na nakatingin na pala siya sa akin.
Naramdaman kong namula 'yong pisngi ko. Tapos, ang bilis ng tibok ng puso ko.
This can't be happening! No! No! No! Cannot be!
🌸🌸🌸
Saturday. 'Yan ang pinakaboring sa lahat. At para sa akin, 'yan din ang pinakaworst day ever. Ngayon ko kasi makikilala 'yong ipapakasal sa akin.
Tamad akong tumayo atsaka naligo na. Pagkatapos, nagsuot ako ng simpleng t-shirt at denim pants. Nagconverse nalang ako para komportable sa paa.
Time check. 6:30 am.
Mayroon pa akong 30 minutes para makapunta sa aking pupuntahan. Sumakay na ako sa aking bigbike at mabilis itong pinaandar. Buti na lang at walang traffic dahil umaga ngayon.
Maangas akong pumunta sa papasok sa resto. Nang matanaw ko na sila mama at Angela, pumunta na ako sa pwesto nila at umupo katabi 'yong matandang babae.
"Is this your daughter? Heaven Agatha Samonte right?" tanong ng matandang babae. Tumango lang naman si mama at hindi na muling nagsalita pa.
Mukhang hindi talaga siya proud na ako 'yong naging anak niya. Simpleng pagpapakilala lang sa akin, hindi niya pa magawa. Ganoon na ba talaga ako kapanget at ikinahihiya niya ako?
Kinilatis niya ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Nang dumako ang tingin niya sa mukha ko, kitang-kita ko sa mata niya ang panghuhusga niya sa akin.
"Your daughter is, ahm.. beautiful. But it's better kung si Angela nalang 'yong ipapafix marrage mo sa anak ko. She's a goddess!"
Pakiramdam ko, nabiyak ang puso ko dahil sa sinabi niya. Para kasing iniinsulto niya na din ako. Tumingin ako kay Angela ng pasimple.
Hindi ko naman maipagkakaila na maganda talaga siya. Mahaba ang kanyang buhok habang naka headband siya na kulay black. Bumagay din ang floral dress niya dahil sa maputi niyang balat. Tapos, naka make up pa siya.
Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa sarili ko. Kung ikukumpara ako kay Angela, magmumukha talaga akong basahan. Kaya hindi na din ako magtataka kung ininsulto niya ako.
"Mare, where's your son? Late na siya ng 30 minutes," naiinip na pahayag ni mama.
Napangiti naman ako ng palihim. Mabuti nga 'yon at 'wag na siyang dumating. Siguro kagaya ko, ayaw niya din maikasal sa taong hindi naman niya mahal.
"Parating na din 'yon, siguro na-traffic lang."
Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya. Seriously? Ganitong kaaga, may traffic? E ang luwag nga ng kalsada habang pumunta ako dito.
Ilang sandali pa, nakita kong may pumasok sa pintuan. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kung sino iyon. Shems, hindi naman siguro siya 'di ba? Coinsidence lang na nandito din siya sa resto ngayon, right?
Laking pagtataka ko naman nang pumunta siya sa harapan ko. Kagaya ko, bakas din sa mukha niya ang gulat.
"Agatha, I'd like you to meet Kite Fuerte- my son and your soon to be husband."
Spell shock? A-G-A-T-H-A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro