Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5. Her Birthday

"Don't trust too much, don't love too much, don't care too much because that 'too much' will hurt you so much!"

🌻🌻🌻

Nakakainis talaga. Sobra akong nababadtrip ngayong araw na ito. Sa lahat naman talaga ng magiging kapitbahay ko ay siya pa talaga?

Si Kite Fuerte pa talaga?! Argh, kill me now.

"Wow, ang ganda naman ng unit mo neighbor."

Dire-diretso siyang pumasok na parang welcome siya sa condo ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinigawan siya.

"Umalis ka nga dito!" inis na pahayag ko. Bahagya pa siyang nagulat sa inasal ko. Napa-ikot naman ako ng mata sa ginawa niya.

"Bakit mo ba ako pinapaalis? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo."

Napangisi ako sa sinabi niya. Siya? Si Kite Fuerte? Gusto makipagkaibigan sa isang kagaya ko? 'Wag na! Hindi ko kailangan ng kaibigan! Lahat sila hindi mapagkakatiwalaan.

"I don't need a fuckin' friend! So now, leave! Before I punch you hard straight on your face!"

Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko at agad din siyang umalis. Nginitian niya pa nga ako bago siya maglakad papunta sa unit niya. Pero kagaya ng lagi kong ginagawa, tinarayan ko na lamang siya.

Malakas kong sinarado ang pinto ng condo ko. Napahawak ako sa noo ko at hinimas ito. Sobra talaga akong naiinis sa ginawa niya. Psh, kaya siguro gusto niya ako gawing kaibigan dahil inutos sa kanya ng kambal kong magaling.

Lahat naman ng tao may kailangan. Hindi naman kasi sila makikipagkaibigan, kung wala naman silang mapapala sa'yo.

Kagaya na lamang ng ginawa sa akin ni Megan. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Akala ko, isa siya sa taong pinagkakatiwalaan ko. Pero hindi, trinaydor niya lang ako. Ginamit niya lang.

Bestfriend ko siya, pero hindi bestfriend ang tingin niya sa akin.

🌸🌸🌸

Flashback, 2 years ago..

Naiyak ako dito mag-isa sa garden. Nakakainis kasi pinuri na naman nila si Angela. Sinabi nilang ang galing nitong sumayaw at kumanta, samantalang ako wala man daw ni-isang talento.

Iniyak ko na lamang ang lahat. Sobra akong nasasaktan sa mga pangyayari. Okay lang naman na magdrama ako, wala naman kasing makakakita sa akin.

"Gusto mong panyo? Parang basang-basa na 'yang uniform mo kakaiyak e."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng panyo. Nginitian ko siya at pagkatapos tinanggap ko 'yong panyong inaalok niya.

"Salamat pala dito sa panyo ha? Teka, ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko din siya.

"Megan Brant. Pero tawagin mo nalang akong Megs," natatawa niyang sambit. Napatawa din tuloy ako. Nakakadala kasi 'yong pagtawa niya.

"Ahm, hello Megs. Ako naman si Heaven Agatha, pero sanay akong Agatha ang tawag sa akin."

Biglang tumahimik 'yong paligid. Parehas kaming hindi nagsasalita. Nagtagal din 'yong katahimikang namayani sa amin. Hanggang sa nagsalita na si Megs.

"Bakit ka pala naiyak kanina?"

Napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga muna ako bago sagutin ang tanong niya.

"Wala. Kasi bida na naman si Angela. Naiinis lang ako kasi lagi nalang siya 'yong napapansin. Naiinggit ako sa kanya."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Bigla tuloy akong napaiyak sa ginawa niya.

"Hindi ako marunong pagdating sa pagcomfort ng tao. Pero gusto kong yakapin kita para malaman mong nandito ako sa tabi mo mula ngayon."

Naging komportable ako sa kanya. At simula ng araw na iyon, doon ko na siya itinuring na bestfriend.

Halos hindi nga kami magkahiwalay noon. Magkasama kami lagi. Kapag may umaaway sa akin, pinagtatanggol niya ako. Tapos kapag may problema ako, sa kanya ko sinasabi ang lahat.

Lahat ng sikreto ko, sinabi ko na kay Megs. Lahat ng kinaiinisan ko sa kakambal ko, sa kanya ko sinasabi. Pero minsan, nagtataka ako. Kasi ni-isa tungkol sa pagkatao niya, wala akong nalaman. Hindi kasi siya nagsasabi ng sikreto sa akin. Puro ako nalang lagi.

Si Megs, ako lagi 'yong sandalan niya. Naalala ko noon, kapag nagmall kami, kung anu-anong gamit ang ipinabibili niya sa akin. Malimit pa siyang mangutang sa akin, pero dahil kaibigan ko siya. Wala akong pinabayaran na pera sa kanya.

Hanggang sa isang araw, may narinig ako. Papunta sana ako sa girls comfort room nang may marinig akong boses. At sa tingin ko, sina Angela at Megan 'yon.

"Hahaha! Grabe Angela, napakadali niya palang utuin," natatawang sambit ni Megan. Nagtawanan sila ni Angela na parang wala ng bukas.

Medyo nagtaka ako. Akala ko ba galit si Megs kay Angela? Ano itong naririnig ko ngayon? At parang sobrang magkasundo sila.

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Tanga at uto-uto kasi 'yang si Agatha. Pero pansin ko ha, medyo napapalapit na kayong dalawa."

Sobrang nanikip 'yong paghinga ko. Anong sabi niya? Na ang tanga ko? Na uto-uto ako? Sunod-sunod na kumawala sa mata ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Loka ka talaga Angela! 'Wag ka nga'ng magselos sa uto-uto na 'yon. Ginagamit ko lang naman siya para mabili 'yong gusto ko. Atsaka, hindi ako na-inform na galante pala 'yang kambal mo," natatawang pahayag niya. So all this time hindi pala niya ako tinuring na kaibigan? Ginamit lang pala niya ako?

"Yuck, tigilan mo nga 'yang pinagsasabi mong kambal. Like ew! Wala akong kakambal na super bobo at panget. Wala pa nga siya sa kalingkingan ko e, hahaha!"

Hindi na akong nag-atubili pang makinig sa pinag-uusapan nila. Nagpakalayo-layo na ako at tumakbo paalis sa lugar na 'yon.

Wala na yatang mas sasakit sa nangyari ngayon. Trinaydor lang naman kasi ako ng bestfriend ko na si Megan-- na kaibigan pala ng kakambal kong si Angela.

End of flashback..

🌹🌹🌹

Pagkatapos kong malaman 'yong katrayduran na ginawa niya sa akin, nagdesisyon akong layuan siya. Hindi ko na din siya kinausap simula ng araw na iyon. At nang mapansin niyang iniiwasan ko siya, tinigilan niya na ang paglapit sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako habang inaalala ang masakit na pangyayari. Sapat na sigurong dahilan na ayaw kong maging kaibigan si Kite. Natatakot na kasi akong magtiwala sa mga tao e.

Sa ngayon, naghahanda na akong matulog. Pero ewan ko ba kung ano ang nag-udyok sa akin kung bakit pa ako nagfacebook. 'Yan tuloy nasaktan lang ako. Nakita ko kasi 'yong post ni mama.

~~~

Felicity Pena Samonte with Heather Angela Samonte

Happy birthday anak! Gusto kong malaman mong proud ako sa lahat ng achievements mo. Pagpatuloy mo lang 'yan, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Lagi mong tatandaan na love ka ni mama. Love you 'nak!

~~~

Halos hindi ako makahinga dahil sa nabasa ko. Bakit gano'n? Nagawang batiin ni mama si Angela, pero ako hindi man lang niya binati. Birthday ko din naman.

Sa sobrang bigat ng dinadala ko, napagdesisyunan kong ilog-out nalang 'yong facebook ko. Napatingin tuloy ako kung anong oras na sa cellphone ko.

It's exactly 12:00 pm.

Napangiti ako ng mapakla sa sarili ko. Tutal wala namang bumati sa akin, babatiin ko na lamang ang sarili ko.

Happy birthday to me.

🍁🍁🍁

Maaga akong nagising. Pagkadilat ko palang ng mga mata, ginawa ko na agad 'yong morning rituals ko. Nagtoothbrush, naligo at nag-ayos lang ng konti. At pagkatapos, pumunta na ako sa sementeryo. Dadalawin ko kasi si papa, siya 'yong magiging kasama ko para i-celebrate ang birthday ko.

Hindi naman ma-traffic kaya nakadating ako agad. Naglagay ako ng bulaklak sa puntod ni papa at nagsimulang kausapin siya.

"Kamusta na po kayo dyan sa heaven? Miss ko na po kayo. Siguro nagtatampo ka sa'kin kasi madalas nalang kitang mapuntahan dito. Sorry papa ha? Medyo kasi busy 'yong birthday girl e.."

Hindi ko na napigilan at naiyak na ako. Sobrang namimiss ko na kasi si papa. Naalala ko, dati noong buhay pa siya binibilhan niya ako ng cake. Kami lang dalawa 'yong nagse-celebrate ng birthday ko.

Pero paano na ngayon? Sino ng kasama kong magcelebrate ng birthday ko? Sino nang bibili sa akin ng cake?

Ang bigat sa loob. Bakit kasi kinuha siya agad? Ano bang ginawa kong kasalanan bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ng sobra?

Pinunasan ko na 'yong luha sa mata ko. Hinawakan ko 'yong lapida ni papa.

"Happy birthday sa sarili ko! May wish nga pala ako ngayon, ang wish ko sana nandito ka sa tabi ko ngayon papa."

Napahagulgol naman ako ng iyak. Okay lang sa akin kahit umiyak pa ako ng sobrang lakas, wala namang tao dito maliban sa akin e.

"Ang ingay mo! Tss."

Bigla akong napatigil sa pag-iyak. Napatingin ako sa bandang kanan ko at laking gulat ko nang makita ko siya!

"Kanina ka pa ba dyan Red?"

Oo, si Red Delavin lang naman ang nakakita sa pag-iyak ko. Nakaramdam tuloy ako ng inis. Grabe nakakahiya! Nakita niya 'yong pagiging mahina ko!

"Yeah. Can you please shut your mouth? You're too noisy! Psh."

Napaikot naman ako ng eyeballs sa kanya. Pasalamat siya at nasa harapan ako ng puntod ni papa, kasi kung hindi kanina ko pa siya binato ng kunai na dala ko. Mabuti nga 'yon at mamatay na siya. Tutal 'yon naman ang utos sa akin ni Mr. M.

Nabaling sa kanya ang atensyon ko. Tahimik lang naman siyang nakatitig sa puntod na nagngangalang "Marilyn Reyes." Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Sino kaya 'yon? Girlfriend niya kayang namatay na? O baka naman isa sa matalik niyang kaibigan?

"Staring is rude."

Napataas naman ako ng kanan kong kilay, "Ang dami mo na nga'ng alam, assumero ka pa!"

Pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi na ulit siya nagsalita. Tss, mabuti nga 'yon. Kaysa naman kausapin ko ang walang kwentang gangster na 'to.

"Marilyn Reyes is my mother. He killed my mom."

Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko. Paano ba naman kasi, bigla nalang siya nagsalita! At nakakapagtaka lang, ang isang Red Delavin ay naglalabas ng saloobin sa akin? Wow, it's a miracle.

"Who killed her?" interesado kong tanong. Tumingin siya bigla sa akin, tapos yumuko siya.

"Mr. M."

Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya. Napalunok din ako ng laway ng ilang beses. Si Mr. M ang pumatay sa mama ni Red?! Shemay, nakakagulat lang.

Pakshet. Kaya siguro inuutos sa akin ni Mr. M na patayin si Red! Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit parang nakokonsensya ako na patayin siya? At kailan pa ako nakonsensyang pumatay?

Hays, gumulo bigla 'yong sistema ko. Kasalanan ni Red ang lahat e!

"Anong balak mo ngayon?" kinakabahan kong tanong. Buti na lang at hindi ako nautal.

"I want to kill Mr. M. He's going to pay for killing my mother!"

Kitang-kita sa mukha ni Red 'yong galit. 'Yong noo niya sobrang nakakunot. Salubong pa 'yong kilay niya at pagkatapos, 'yong labi niya nakasimangot din.

Dapat ko bang sabihin kay Mr. M ang tungkol sa plano ni Red? Hays, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro