49. Decision
"Decisions are the hardest move to make. Especially when its a choice between your past and present."
🌻🌻🌻
"'W-Wag mo silang p-papatayin. P-Please, a-ako nalang."
Ako nalang ang patayin mo. 'Wag sila, please.
"Hindi ka pwedeng mamatay, Agatha! Hindi ako ang patayin mo. Ako nalang, 'wag siya!"
No Kite, dapat kang mabuhay. You'll not going to die. Ako dapat.
"Pa, 'wag sila! Ako nalang po, patayin niyo nalang ako."
Red is important to me. Masyado siyang nasaktan, and he don't deserve na mamatay.
"Hahaha! Gusto ko 'yan, magmakaawa kayo! Ano Agatha, sino ang pipiliin mo?" tanong niya.
Hindi ako nagsalita. Ang ginawa ko ay umiyak nalang. Wala na akong maisip na paraan kung paano malulusutan ang mga pangyayari.
I need to die.
"Mr. M, ako nalang po ang patayin niyo. 'Wag sila, mahalaga sila sa'kin. Tinatanggap ko naman ang parusa e. Na kailangan kong mamatay kasi hindi ko pinatay si Red. Please, ako nalang po.."
Ang hirap ng huminga. Ang sakit sa dibdib.
"Akala mo ba gano'n na lang kadali 'yon? Hindi lang basta laro ang pinasok mo, Agatha. Pumayag ka, pumirma ka sa kontrata! Nakalagay ang lahat ng rules do'n pero 'di mo sinunod!"
Napatahimik nalang ako dahil sa sinabi niya. Dehado ako, wala akong panama. Ano pa bang gusto niya? Patayin niya nalang kasi ako. Hindi 'yong pinapahirapan niya ako.
"Ngayon, pagbibigyan kita para i-tama ang pagkakamali mo. Barilin mo si Red, sa mismong harap ko," seryosong utos niya sa'kin.
"Anak mo siya, Mr. M. Bakit mo siya gustong ipapatay?" nanghihinang sambit ko.
"Wala ka na do'n! Kapag hindi mo pinatay si Red, papatayin ko 'tong Kite na 'to!" pahayag niya at tinapat na ang baril sa ulo ni Kite.
Ayoko na. Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng 'to?
"'Wag mo siyang papatayin, Mr. M. 'Wag ang taong mahal ko," pagmamakaawa ko sa kanya. Pero tumawa lang siya ng sobrang lakas.
"Wala akong pakialam sa pagmamahalan niyo. Papatayin mo si Red o papatayin ko si Kite?" nakangisi niyang wika sa'kin.
Napatingin ako kay Red. No, Agatha. 'Wag mo siyang papatayin. Pero paano si Kite?
Naiiyak na talaga ako. Ang hirap hirap naman e!
"Ako nalang ang patayin mo, Agatha. Patayin mo na ako para matigil na ang pangyayari na 'to. You need to be happy. At alam kong magiging masaya ka lang kapag nakasama mo siya."
"Ayoko Red. Sobra ka nang nasaktan. The scars from your heart need to heal. Dapat ka pang mabuhay. Kailangan mong makahanap ng babaeng magmamahal sa'yo. Kung sino man ang dapat mamatay, ako dapat 'yon."
Tumahimik silang lahat. Nakita kong binaba na din ni Mr. M ang baril na nakatutok sa ulo ni Kite.
"Haley, bago ako mamatay. Gusto kong sabihin sa'yo na naging mabuti kang kaibigan. Mahal na mahal kita, beshie. Sorry kung minsan childish ako ha? Mamimiss ko 'yong pagiging conyo mo. Tandaan mo, nakabantay lang ako sa'yo. At ikaw lang ang forever bestfriend ko."
Nadurog ang puso ko nang makita ko si Haley na umiiyak.
"You're not going to die pa. You will be ninang ng child ko, right? You promise me, beshie.."
No, Haley. I need to die. Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to.
"Hoy, electric fan! Alagaan mo ng mabuti ang beshie ko ha? Salamat sa malupit mong payo. Oo, nalaman ko na kung sino ang pinili ng puso ko. Isa ka sa nagpasaya sa buhay ko. Salamat sa pagiging mabuti mong kaibigan.."
Kagaya ni Haley, umiiyak na din siya.
"Agatha naman! 'Di ba matapang ka? Labanan mo sila! Paano kami? Hindi namin kaya na mawalan ng isang kaibigan na gaya mo!"
Hindi ko na kaya pang lumaban, Mau. Mahina na ako, sobrang hina.
"Ate, mahal kita. Salamat dim dahil sa mga araw na pakiramdam ko ay nag-iisa ako, nandiyan ka para sa'kin. At pakisabi na din kay mommy at mama, na mahal na mahal ko sila."
"Bunso.."
'Yan lang ang tanging katagang nasabi niya. Hindi na din siya makapagsalita kakaiyak.
"Kite.."
Mas lalo akong naiyak. Mahal na mahal kita Kite. Sobra kitang mahal. Ayaw ko man na mamatay pero kailangan.
"Agatha.."
Naiiyak na din siya. Mas lalo akong naiyak nang makita ko siyang lumuluha.
Lumuluha siya dahil sa'kin.
"Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, Kite. Sorry kung nahuli mo kami ni Red na naghahalikan. Hindi ko naman ginusto 'yon e. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang gusto kong makasama habambuhay. Gusto kong i-suot ang gown ko sa harap ng groom ko, at ikaw 'yon. Sa pagkamatay ko, gusto kong humanap ka ng babaeng para sa'yo. Humanap ka ng babaeng hindi ka sasaktan, hindi kagaya ko na sinaktan ka lang. Mahal na mahal kita, I will always love you Kite Astrid Fuerte.."
At kahit mamatay man ako, ikaw lang ang tanging mamahalin ko.
"Hindi ka pwedeng mamatay! Kung mamamatay ka, parang pinatay mo na din ako. You are my life, Heaven Agatha Samonte. Binabawi ko na ang engagement, hindi na kita sisigawan. Hindi na din ako lalayo sa'yo. Please, ikakasal pa tayo 'di ba? Lumaban ka, Agatha. 'Wag kang magpapatalo sa nararamdaman mo. Lumaban ka para sa'tin.."
God knows how much I want ro fight for us, Kite.
Pero mahina na ako. Mukhang babagsak na ang katawan ko at kaunting minuto nalang, mawawala na ako sa mundo.
"Ang daming satsat! Tangna, ikaw na nga lang ang papatayin ko Agatha!"
Tinutok niya na ang baril sa'kin. Nakita kong pinindot niya ang gatilyo kaya pumikit nalang ako at nagdasal.
Lord handa na po ako. Gusto ko na po kayong makapiling.
May narinig akong malakas na tunog ng baril. Hinihintay ko nalang na tumama ang bala sa katawan ko, pero ilang minuto na ang tinagal ay wala pa din akong naramdaman.
Minulat ko ang mata ko. At ang bumungad sa'kin?
Si Megan na duguan.
Niligtas ni Megan ang buhay ko. Siya ang dating bestfriend ko. Nanghina ako sa aking nakita. Nakangiti siya sa'kin habang binabawian siya ng buhay.
Hindi ko alam kung anong kakaibang lakas ang sumapi sa pagkatao ko, at sa isang iglap ay nakawala ang paa't kamay ko sa mga kadena.
"M-Megan.."
Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko din siya sa mukha para itabi ang buhok sa gilid ng tainga niya.
"S-Sorry bestfriend.."
"Oo, m-matagal na kitang pinatawad. Please, kayanin mo.."
"Thank you kasi n-naging parte ka ng buhay ko. Bestfriend, I love you.."
Sunud-sunod na tumulo ang luha ko nang pumikit na siya. Pinakiramdaman ko ang pulso niya.
Patay na ang bestfriend ko.
Napatingin ako kay Mr. M. Nagulat ako nang itapon niya lang sa kung saan ang baril. Lumapit siya kay Megan at do'n ay umiyak.
"A-Anak ko? Anak, 'di ko sinasadyang mapatay ka. Anak, gumising ka!"
Anak ni Mr. M si Megan? Kung anak niya nga ito, ibigsabihin ay magkapatid si Red at Megan?
"Megan, anak! Gumising ka!"
Umiiyak si Mr. M. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi.
Hindi na ako nagsayang ng oras at pinilit kong lumakad sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Mabilis ko namang napatumba ang tauhan ni Mr. M kaya wala na akong dapat alalahanin.
Pinakawalan ko si Haley. Tinulungan niya naman akong magkalas ng kadena ng iba naming kasamahan.
Pumunta ako sa kinaroroonan ni Red at pinakawalan siya. Pagkatapos ay mabilis akong pumunta kay Kite at tinanggal ang kadena niya.
"Agatha!"
Agad niya akong niyakap. Yumakap din ako pabalik. Akala ko, hindi ko na siya mayayakap ng ganitong kahigpit.
"Kite, sorry.."
Naiiyak na naman ako, takte.
"Okay lang. Ang mahalaga, ligtas ka."
Mas lalong humigpit ang yakap namin sa isa't isa.
"Ikaw! Agatha, kasalanan mo ang lahat ng 'to! Kasalanan mo kung bakit namatay ang anak ko!"
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Kite. Agad ko naman siyang hinarap.
Palagay ko, nabawi ko na ang lakas ko.
"'Wag mong isisi sa iba ang kasalanan mo. Ikaw ang pumatay sa sarili mong anak. Ikaw lang."
Galit niya akong tinignan. Agad naman siyang tumakbo. Matagal bago nagproseso ang utak ko at do'n ko napagtanto na kaya pala siya tumakbo ay para kunin ang baril na tinapon niya kanina.
"Mamatay ka na, Agatha!" sigaw niya at pinindot ang gatilyo.
Nanlaki naman ang mata ko nang bigla akong yakapin ni Kite at siya na ang sumalo ng bala.
Sinalo ni Kite ang bala para sa'kin.
Nanlilisik ang mata ko nang tignan ko siya. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya.
Pinutukan niya ako ng baril, pero hindi 'yon tumama sa akin kasi pinitik ko papunta sa kanya ang bala.
Tumama ang bala sa may braso niya. Agad ko naman siyang pina-ulanan ng suntok hanggang sa manghina ang katawan niya.
May nakita akong lagari sa gilid.
Kinuha ko 'yon at walang pag-aalinlangang pinutol ang dalawang binti niya.
"Aray ko, fuck!" daing niya.
Akmang kukunin niya pa ang baril sa kanyang gilid para patayin ako, kaya naman sinipa ko ang baril papalayo sa kanya.
Serves you right, Mr. M.
"Beshie, halika na dito! Si Kite," naiiyak na sambit niya. Agad naman akong tumakbo sa kanyang kinaroroonan at nilagay siya sa mga binti ko.
Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Hoy, Kite! Kayanin mong mabuhay, magpapakasal pa tayo 'di ba?"
Nahihirapan akong makita siya sa gano'ng kalagayan. Palagay ko, 'di ko kaya.
"H-Heaven A-Agatha, mahal na mahal k-kita.."
Nagsimula nang pumikit ang mga mata niya. No Kite! 'Wag mo 'kong iwan!
Niyugyog ko ang katawan niya, pero hindi na siya gumalaw. Hanggang sa isang ala-ala ang bumalik sa aking isipan.
'You are the sun in my day, the wind in my sky, the waves in my ocean and the beat in my heart. And If I could chose between breathing and loving you, I would use my last breath to say I love you.'
Naiyak na lamang ako. Ginawa nga ni Kite. Ginawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro