48. Unsolved Puzzle
"There are two kinds of secrets. Those we keep from others. And those we hide from ourselves."
🌻🌻🌻
Nagising ako na masakit ang ulo. Anong nangyari? Tumingin ako sa paligid. Nandito ako sa kwarto namin ni Kite. Si Kite? Panaginip lang ba ang lahat? Hindi ba nangyari 'yon?
Nandito pa din ba si Kite?
"Gising ka na pala."
"N-Nasa'n si Kite?" tanong ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko. Panaginip lang iyon, 'di ba?
"Umalis na siya beshie."
Namalayan ko na lamang na tumutulo ang mga luha ko. So totoo 'yong nangyari?
"Si Kite.. pinutol na niya ang engagement," pahayag ko habang umiiyak. Niyakap ako ni sissy Angela.
"'Wag ka nang umiyak, bunso."
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Everything will be alright, beshie. Hindi ka matitiis no'n, babalik rin 'yon sa'yo."
Sana nga Haley, sana nga.
"Mahal mo pa ba si Red?" seryosong tanong ni Mau.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako." Nakakatanga lang 'yong sagot ko. Pero kasi no'ng niyakap ako ni Red, bumalik lahat ng sakit e and at the same time parang naguluhan ako nang halikan niya ako.
Pero no'ng nakita ko naman si Kite na lumalakad palayo sa'kin? Feeling ko mamamatay ako sa sakit. Feeling ko hindi ko kakayanin 'pag nawala siya.
"Agatha, don't be selfish. You need to chose between them, dahil may dalawang pusong nasasaktan nang dahil sa'yo."
May inabot sa'kin si Haley na isang malaking box. Napatingin naman ako sa kanya.
"Pinabibigay 'yan ni Kite kanina," sambit niya.
Agad ko naman itong binuksan. At ang laman? Ang gown na pinili ko para sana sa kasal naming dalawa.
Napaiyak na naman ako. May nakita akong sulat niya at agad ko itong binasa.
~~~~
Nadala ko 'yan kanina habang nag-iimpake ako. Agatha, I'm sorry kung nasaktan man kita. Siguro, kailangan muna nating lumayo sa isa't isa. Both of us needs space. Masyado na kasing masakit e. Gusto ko munang mapag-isa.
'Yang gown, binabalik ko na sa'yo. Gamitin mo 'yan para ma-ikasal sa taong mahal mo talaga. I will always love you Heaven Agatha Samonte. You will always be the part of my life.
I love you and goodbye, honey.
~~~~
Bumuhos ng sunud-sunod ang luha ko. Wala na talaga, Agatha. Hindi na pwede maisalba.
Dahil palagay ko, sumuko na siya.
🌸🌸🌸
"Kite.."
Kinuha ko ang panyo ko at pinunas ang luha mula sa mga mata ko. Nandito ako ngayon sa park, nag-iisa.
At sobrang miss na miss na siya.
Simula ng mangyari 'yon, hindi na kami ulit nabigyan ng pagkakataon para makapag-usap. We need space daw. Pero mukhang hindi naman nakakatulong ang space na sinasabi niya.
Mas lalo ko lang kasi siyang namimiss.
"Agatha.."
Umangat ang tingin ko at nakita ko siya. Ang lalaking dahilan ng lahat. Kung bakit miserable ang buhay ko ngayon.
Tumabi siya sa'kin. Hindi ko nalang pinansin kasi nga hanggang ngayon ay naiinis pa din ako sa kanya. At siyempre, sa sarili ko dahil pumayag pa akong makipag-usap sa kanya.
"Wala na ba talagang pag-asa? Siya na ba talaga ang mahal mo?" tanong niya sa'kin.
Napatingin ako sa kanya. Pero hindi pa din ako nagsasalita. Lumuhod siya sa harapan ko. May hawak siyang singsing habang nakatingin sa'kin.
"Agatha, please marry me. Wala ng hadlang sa pagmamahalan natin. Hindi na kita pinsan at wala na din si Margarette."
Hindi ko magawang makapagsalita. Ano bang dapat sabihin ko? Ano ba dapat ang maramdaman ko?
'Don't worry. Hindi ko na itutuloy ang engagement.'
May biglang pumasok sa isip ko. Si Kite. Tumayo ako sa kinauupuan ko at iniwan nalang siya. Pero laking gulat ko nang yakapin niya ako mula sa likod.
"Agatha, I'm begging you. Plese comeback to me. Just give me one last chance, and you'll never ever cry."
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa'kin. Mali 'tong ginagawa niya. Ano 'yon? Pagkatapos niya akong saktan ay babalik siya na parang walang nangyari?
"Binigyan na kita ng chance dati, Red. But you wasted it. Naaalala mo ba? 'Yong araw na may Ms. and Mr. Sportsfest? Sabi mo, hindi mo na ako sasaktan. You also promised me na ipaglalaban mo ako. Pero may nangyari ba, Red?"
Narinig ko na ang paghikbi niya. 'Yong pag-iyak niya na dumudurog sa puso ko, kagaya nang sinabi niya na sana ay mawala na lang ako.
Lumuhod siya at hinawakan ang paa ko.
"Hindi ako perpekto, Agatha. Tao lang din ako, nagkakamali. I just love you damn much! 'Yon lang ang alam ko sa ngayon. Ako naman kasi talaga ang mahal mo 'di ba? You also promised, Agatha. At ako din. We said na hihintayin natin ang isa't isa. You said that you'll fight for us. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Ako din, Agatha. So you better understand me."
Napaluha na naman ako. Red naman e! Tumigil ka na please?
"Marami nang nagbago, Red. People change, there is no permanent in this world. At 'yong pangako na sinasabi mo? Ikaw nalang ang umaasa na matutupad pa 'yon."
Tumayo siya mula sa pagkaluhod at mahigpit ulit akong niyakap. Pinipilit kong humiwalay sa kanya pero mas malakas siya.
"Agatha.. ako nalang ulit."
"I'm sorry Red. Hindi ako makakapayag sa gusto mo."
Hindi naman siya agad natauhan sa sinabi ko. Unti-unti ay kumalas siya sa pagkakayakap. Tinignan niya ako ng maigi. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga puting likido mula sa mata niya.
Tumalikod na ako. Sigurado ako sa desisyon ko. Nakapili na ako at hindi ako nagsisisi na pinili ko siya.
Si Kite Astrid Fuerte.
Naglakad na ako palayo sa kanya. Aalis na dapat ako nang biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. Bahagyang umikot ang paningin ko dahil do'n.
At ang tanging alam ko nalang, nawalan na ako ng malay.
🌹🌹🌹
"Ito ang bayad niyo."
"Salamat boss! Astig talaga kayo."
"Mas do-doblehin ko pa 'yan kapag ginawa niyo ng mas maayos ang pinapagawa ko. Makakalis na kayo."
"Sige boss."
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko sa aking pisngi ang isang malutong na sampal. Napamulat agad ako ng mata dahil do'n.
Medyo malabo pa ang mata ko at nag-aadjust pa sa liwanag. At no'ng tumagal na, tuluyan na akong nakakita ng maayos.
Nakita ko si Mr. M na nakatingin sa mukha ko ng malapit. Bakas ang galit sa mata niya at parang gusto na akong patayin. Babatuhin ko sana siya ng shuriken nang mapagtanto ko na nakagapos ang kamay ko ng kadena sa upuan. Pati din ang paa ko ay nakagapos.
"Long time no see, my favorite assasin."
Dinuraan ko ang mukha niya. Boom, sapul sa ilong! Hahaha!
"Fuck you! Pakawalan mo 'ko ditong hayop ka!"
Pinunasan niya ang dura ko sa ilong niya. Mukhang nandidiri pa siya ha.
He should be honor dahil nalagyan ng laway ko ang pangit niyang mukha.
"Ginagalit mo talaga ako ha! Bugbugin niyo 'to, ngayon na!"
Biglang lumabas ang mga taong nakasuot ng kulay itim. Nakatakip din ang mukha nila ng maskara na puti. May hawak silang baseball bat, tubo at kahoy.
Napalunok naman ako sa gagawin nila.
Fuck! Wala akong laban, nakagapos ang paa't kamay ko. He should be fair!
Sinimulan nilang hampasin ang likod ko. Agad akong napakagat sa ibaba kong labi dahil sa sakit.
Bawat paghampas ng mga bagay na 'yon sa katawan ko, tuluyan na akong nanghihina. Nalalasahan ko na din ang sarili kong dugo.
"Ugh! Fuck!" daing ko. Pinilit kong magmakaawa na sa kanila pero hindi pa din nila tinitigilan.
Hanggang sa may humampas sa bandang ulo ko na matigas na bagay kaya umikot ang paningin ko. Nararamdaman ko na ding umaagos ang dugo sa ulo ko.
Katapusan ko na ba?
"Tigil na! Bakit niyo siya tinamaan sa ulo? Dapat ako ang papatay sa kanya!" galit na sigaw ni Mr. M.
Hindi nalang ako nagsalita. Nahihilo na talaga ako, pero pilit akong lumalaban. Sobra na akong nanghihina. Palagay ko, hindi ko na talaga kaya.
"B-Bakit mo 'to gi-ginagawa?" hirap na tanong ko sa kanya. Naninikip na ang paghinga ko.
Sobrang hirap huminga.
"Natatandaan mo ba ang rule number one sa Assasin World? Ang kung sino man ang lumabag sa utos ng amo, ay kailangang patayin."
Napayuko na lang ako. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Inuutusan niya ako na patayin si Red, pero hindi ko 'yon sinunod.
Ito na ba ang parusa ko?
"B-Bakit mo p-pinapapatay si Red? Anak mo siya, Mr. M."
Napaubo ako dahil sa hirap na akong huminga. Lumabas do'n ang dugo habang umuubo ako.
Ano na ba ang nangyayari sa'kin?
"Si Red? Anak ko? Paano ko siya magiging anak, e Delavin ang apelyido niya. Hindi Brant."
Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko na talaga kaya. Sinampal niya ulit ako ng malakas kaya medyo nahilo ako.
"Iniinis mo lang ako e! Ipasok na nga ang mga 'yan!" rinig kong sigaw niya.
Napaharap ako sa pintuan. Do'n ko nasilayan sina Haley, Mau, Angela, Red, Kite at teka— si Ms. Fugita? Lahat sila nakagapos ang kamay at mukhang pati sila ay binugbog.
Kasalanan ko 'tong lahat e.
"Dahil ikaw ang paborito kong assasin, pagbibigyan kita. Babarilin ko ang isa sa kanila, at makakalaya ka na't mabubuhay ka pa."
Tinapat na ni Mr. M ang baril sa kanila at para pang namimili kung sino ang uunahin na patayin. Kahit nahihirapan, pinilit kong sumigaw.
"'W-Wag! Ako nalang, 'wag mo na silang idamay!"
Nakita kong ngumisi pa lalo si Mr. M. Si Haley naman, naiiyak na.
"'Wag niyo pong patayin ang beshie ko. Ako nalang po please, 'wag siya," pagmamakaawa ni Haley. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"Hindi Haley, you will not die! Ako nalang ang patayin niyo, 'wag sila!" sigaw naman ni Mau. Nagpumiglas naman si Kite at bakas sa mukha niyang sobra na siyang nagagalit.
"Wala kang papatayin sa kahit sino man na kaibigan ko! Ako nalang patayin mo para matapos na!" galit na sigaw niya.
Napaiyak ako lalo. Hindi ka pwedeng mamatay Kite. Hindi, ayaw ko!
"Ako nalang po. Patayin niyo nalang po ako, papa."
Napatingin ako kay Red nang sabihin niya 'yon. Lumapit sa kanya si Mr. M at tinignan siya ng mabuti.
"Talaga bang anak kita?" tanong niya.
"Ako po ang anak niyo. Maniwala kayo sa'kin, pa."
"Hahaha! Sa tingin mo mapapaniwala ako sa palabas mo? Style mo bulok, gago!"
Sinuntok ni Mr. M si Red at palagay ko ay sobrang lakas no'n.
"Vin! Itigil mo na 'to!" sigaw ni Ms. Fugita. Anong sabi niya? Vin? Teka magkakilala ba sila para tawagin si Mr. M ng gano'n?
Bumaling ang atensyon niya kay Ms. Fugita. Medyo nakalukot pa ang mukha ni'to pero hindi naglaon, ngumiti ito ng sobrang lawak.
"Isa lang ang taong tumatawag ng ganyan sa'kin. Ikaw ba talaga 'yan Yam? Mahal kong Yamashita Fujin?"
Yinakap niya ito at agad na pinakawalan. Ipinagkatiwala niya ito sa mga tauhan niya at tinakpan ng panyo ang bibig ni'to.
Wait, magkakilala ba si Mr. M at si Ms. Fugita?
"Akala niyo siguro hindi matutuloy ang plano ko? Nagkakamali kayong lahat! Sisihin niyo ang pesteng kaibigan niyong si Heaven Agatha kasi dahil sa kanya kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to!"
Napasigaw ang lahat ng barilin ni Mr. M ang kisame. Lord please, tulungan niyo po ako.
Gusto ko na po 'to matapos.
"Nagbago na ang isip ko. Agatha, sino ang gusto mong patayin sa dalawa? Si Kite o si Red?"
Napalunok na lamang ako dahil sa sinabi niya. Ano ang gagawin ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro