Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

46. Crossed Paths

"Strength is looking back and seeing what you have been through and knowing you were strong enough to make it through."

🌻🌻🌻

After five years...

College- it had been one meaningful journey for me. Hindi ko alam kung masasabi kong mature na ako sa mga bagay, dahil wala naman sa edad ang maturity. Ewan ko lang sa iba, pero sa'kin kasi ay dumadating ang tamang pagkakataon para maging matured. Kagaya na lamang ng ginawa ni Haley sa'kin na pagprangka.

I don't owned them. They have their own lives.

Sa tinagal-tagal ng taon, nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan. Masakit, pero kailangang tanggapin. May mga sarili din naman silang mga pangarap na kailangang maabot. At hindi namin matutupad 'yon kung patuloy kaming magiging dependent sa isa't isa.

Ang balita ko nalang ngayon, Haley is with Mau. Mau is a famous musician around the world. Same as my bestfriend na kilala sa larangan ng fashion. And by the way, may sarili na siyang clothing company.

Si Angela? Well, isa na siyang famous actress. Nag-audition kasi siya sa X and Y Entertainment at pinalad siyang makapasok do'n. Nakakaproud lang kasi may artista akong kapatid na gaya niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. I don't regret all those things na pinaggagawa ko noon. 'Yong pagiging miserable ko, pagiging cold sa mga tao and even sa pagmamalimos ng atensyon sa mama ko, which is hindi ko naman talaga tunay na ina.

Kung may isa man akong pinagsisisihan, 'yon ay nang maging assasin ako. Marami akong buhay na sinayang dahil sa pinatay ko sila. And God knows how much I repent for my sins.

'Di ko maiwasang isipin, kamusta na kaya si Mr. M? Wala na akong balitang natanggap sa kanya simula noon pa e.

Looking back, I realized that in spite of having not so many friends and was unlikable. I was happy. And I'll be forever happy because I'm with him.

I'm with my fiancé.

After so many years, hindi pa din kami kasal. Napagdesisyunan kasi namin na ituloy nalang ito pagkatapos naming mag-aral. Dahil na din sa pagsisikap, isa na siyang successful na business man. Habang ako naman ay naging sikat na cover illustrator ng mga magazines. May exhibit din ako at nagbebenta ng mga masterpieces na iginuguhit ko. At heto na nga, ilang weeks nalang ay magiging Fuerte na ang apelyido ko.

"What do you think, hon?" tanong ko sa kanya habang suot ang puting gown na sinusukat ko ngayon.

"Kahit ano namang gown, bagay sa'yo," natatawang sambit niya. Napahampas naman ako sa balikat niya, pero mahina lang naman.

"Kahit kailan talaga, ang hilig mong mambola."

"Hindi 'yon bola 'no, nagsasabi ako ng totoo. Maiinlove ba ako sa'yo kung hindi ka maganda?"

Namula naman agad ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga 'tong si Kite, ang abnormal pa din.

Mas lalo tuloy akong naiinlove kahit na fiancé ko na siya.

Kinuha na namin 'yong gown at binili. Shemay, masyado akong excited. Gusto ko lang kasi ipakita kay Haley at Angela ang magiging gown ko sa kasal.

Biglang tumunog ang Iphone ko. Agad ko naman itong sinagot nang makita ang pangalan ng tumatawag.

"Hello beshie! Nandiyan na ba kayo?" excited kong tanong sa kanya. Simula kasi nang maging sikat siya, sunud-sunod na offers mula sa iba't ibang bansa ang nagagawan niya ng branded clothes.

Nakakalungkot lang kasi hindi siya marunong gumawa ng gowns. Sayang, sa kanya pa naman ako magpapagawa.

"Yes, we're here beshie. So, make sundo na us. Nabobored na kami ni Angela."

"Okay, kitakits tayo mamaya!"

Agad ko namang ibinaba ang tawag. I smiled to him at mukhang alam na niya ang gagawin.

Kilala na talaga niya ako.

🌸🌸🌸

"Beshie, I missed you!"

"Ako din! Grabe nakakamiss kayong lahat!"

Niyakap ko ng mahigpit sina Angela at Haley. Grabe, ilang years din kaming hindi nagkita ha?

"Kamusta na kayo? At ikaw beshie ha, tumataba ka na," wika ko. Agad namang nagpout si Haley sa'kin.

Mukhang alam ko na ang dahilan kung ba't siya nataba.

"Beshie, buntis ka ba?!" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Napansin ko namang namula ang pisngi niya at bahagyang yumuko.

Confirmed, buntis nga siya.

"Kailan pa?"

"E kasi beshie, we're malaki naman na ni Mau. Atsaka, kasal na ako sa kanya."

At kinasal na pala siya kay Mau? Shemay, ang revelations! Nakakagulat ha.

"Girls, sa bahay nalang kayo magkwentuhan. Mukhang pagod din 'tong si Kite at Agatha e," sabi naman ni Mau. Lumapit sa akin si Kite at umakbay.

"Kina Mau muna tayo tutuloy hon?" sabi niya sa'kin.

"Sige lang," sagot ko naman.

Napailing na lamang ako. Sumakay na lamang kami sa kotse. I need to rest.

🌹🌹🌹

Nagising ako sa malambot na kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napatingin ako sa paligid. Ito na yata ang bahay ni Mau. Infairness, maganda siya. 

Maya-maya may naramdaman akong yumakap sa'kin. Napatingin ako sa tabi ko and it's Kite. Napangiti tuloy ako. 

"'Wag mo 'kong titigan. Matunaw ako niyan," nakangiting wika niya.

"I love you, hon."

"I love you more, honey." Unti-unti siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako. I kissed him back. Kahit ilang taon na ang nakalipas, 'di pa rin ako makapaniwala na magiging kami ng abnormal na 'to.

"Are you happy?" He said after he kissed me.

"I'm more than happy, Kite. At dahil sa'yo 'yon. Thank you for staying kahit nakakapagod akong mahalin. I hope na hindi ka mapagod sa pagmamahal sa'kin."

"Matagal kitang hinintay Agatha, ngayon pa ba ako mapapagod na mahalin ka kung kailan minahal mo na rin ako?"

🍁🍁🍁

Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang tagal naman nila. Nag-aasikaso kasi ngayon sina Kite ng reunion sa dati naming kaklase noong nasa Campbridge pa kami. E kaso, nagkecrave ako sa milktea ngayon. May bigla namang tumawag sa phone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang makita kung sino ito.

"Honey, where are you?"

"Miss mo agad ako?"

"Sira!" Napangiti naman ako. Takte, ang galing talaga magpakilig ng saranggolang 'to.

Simula nang dumating kami sa Pilipinas, natuwa ng husto si mommy. Excited na daw siya sa magiging apo niya.

Ako din naman ay excited, hahaha!

Grabe nga e, naghanda talaga siya ng party para sa amin. Ang daming bisita no'n tapos ang dami din na pagkain siyempre.

"Di mo nalang kasi aminin na miss mo na ako e," sabi niya na may halong pang-aasar.

"Hindi kaya! Bilisan mo na nga lang. Baba ko na 'to, ingat sa biyahe!"

Pumila ako sa may cashier para umorder ng favorite kong bubble milk tea.

"Ma'am, your number is 567. Tawagin nalang po kayo 'pag ready na."

"Okay."

Umupo lang ako sa gilid habang naghihintay ng number ko.

"Bubble milktea, large 567."

Woah, 'yon na pala 'yong order ko e. Pumunta na ako agad sa counter para kunin 'yong milktea ko, but as my surprise napatigil ako bigla sa pagsasalita nang ma-realize ko kung sino ang katabi ko ngayon.

"R-red?"

Napatitig ako sa taong nasa harap ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ito.

"Agatha."

After so many years, ano bang dapat na nararamdaman ko ngayon?

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Yeah, Red. Nice meeting you again. I got to go."

Kailangan ko nang makaalis sa lugar na 'to. Agad kong kinuha 'yong milktea ko at nagsimula nang lumakad palayo sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nakahawak siya ngayon sa braso ko. Napatingin naman ako do'n kaya binitawan niya agad.

Napaisip ako. Wala pa naman si Kite, 'di naman siguro masama. Pumayag ako at umupo sa may bakanteng upuan. Sumunod naman siya at umupo sa tapat ko.

I don't know, pero bakit pakiramdam ko ay nagchi-cheat ako kay Kite?

"Kamusta ka na?"

"I'm fine. Ikaw ba?"

Sobrang ramdam ko ang awkward atmosphere sa aming dalawa. Halos hindi ko na nga mainom ang bubble milktea ko.

"Miserable since you left me."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Inayos ko na din ang bag ko para makaalis na.

"I need to go. Hinahanap na kasi ako ng fiancé ko."

Nagulat naman ako nang biglang mabilaukan si Red. Agad kong hinagod ang likod niya.

"Are you okay?"

"Y-yeah, I feel better now," sabi niya. Napansin ko namang malalim siyang bumuntong hininga.

"N-Nabanggit mo kanina about sa fiancé mo.."

Napataas na lamang ako ng kilay. Hindi pa ba niya alam?

"Yeah, what about that?" tanong ko naman.

"Si Kite ba?"

Pansin sa mga mata niya na nalulungkot siya. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang tumunog ang Iphone ko.

Honey calling..

"Excuse me," sabi ko kay Red then pinindot ang answer button.

"Nasa'n ka na ba?" inis kong tanong. Ang tagal niya kasi dumating, may nakita pa tuloy ako.

"I'm on my way," aniyang natatawa.

"Ewan ko sa'yo."

"Basta malapit na 'ko. I love you, papakasal pa tayo," pahayag niya bago binaba ang tawag.

Nagpaalam na ako kay Red pagkatapos tumawag ni Kite. Buti nakaalis na ako doon. Ang awkward pa rin talaga. Ang nakakapagtaka pa, 'di ko alam ang dapat na nararamdaman ko kay Red.

Hays, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro