45. Realize
"The hardest thing I have done is acting like I hate you, when really I love you more than you will ever think."
🌻🌻🌻
"Honey, wake up."
"Five minutes please?"
"Male-late tayo sa graduation."
Agad kong minulat ang mata ko nang marinig ko ang salitang graduation. Shemay, oo nga pala! Graduate na ako! Shems, ang saya-saya naman.
"Oo nga 'no? Shemay, magka-college na tayo!"
Sa sobrang saya, niyakap ko siya. Niyakap naman niya ako pabalik. Kinilig naman ako sa ginawa ng abnormal na 'to.
"Yuck, magtoothbrush ka nga muna. Ang baho ng hininga mo, hahaha!" pang-aasar niya sa'kin. Takte talagang saranggola 'to.
Pasalamat talaga siya at mahal ko siya.
"Mabaho pala ang hininga ko ha, akala mo dyan! 'Di kita sasagutin!" pambawi ko naman sa kanya.
E kasi naman, nanliligaw na siya sa'kin.
Two months na ang nagdaan simula nang ligawan niya ako. At sa mga nakalipas na buwan, bumalik na ulit ang pagkakaibigan naming lahat.
At first, hindi maiiwasang hindi magkaroon ng ilangan. Pero dahil na din siguro kay Kite, nagkaayos na kaming lahat. Nagsorry sila sa'kin sa lahat ng masasakit na salitang binitawan nila at siyempre, gano'n din naman ako sa kanila.
"Kay aga-aga, ang sweet ng mga love birds!" kantsaw ni Angela.
"Pre, easyhan mo lang ha? 'Wag mo masyadong galingan, baka mabigla! Hahaha!" pang-aasar naman ni Mau. Ang electric fan talagang 'to kahit kailan.
"Is this true ba talaga? Kinikilig is me!" dagdag pa ni bestfriend.
Napangiti na lamang ako sa mga nangyayari. Kahit ako, hindi din makapaniwala. Who would have thought na mamahalin ko ang abnormal na saranggolang 'to?
Sa hinaba-haba ng mga taon, I've realized something. Si Kite lang ang taong hindi sumuko sa'kin. He's been always there kahit ilang ulit ko na siyang tinaboy at sinabihan ng hindi ko siya mahal.
Lagi lang siyang nasa tabi ko. Siya ang taong nagco-comfort sa'kin kapag nasasaktan ako. Siya ang taong nasasandalan ko kapag may problema.
At 'yon ay walang iba kung hindi ang abnormal na saranggolang mahal ko na ngayon.
"Ako hindi mo sasagutin? Okay lang. Nagawa ko nga'ng hintayin ka ng halos apat na taon, ngayon pa ba ako susuko?" tanong niya habang nakangiti pa ng abot tainga.
Pakshet, bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Nagpapakilig na naman siya! And I hate myself dahil kinikilig ako sa corny na banat niya.
"Ang corny mo talaga!"
"I love you too, honey."
Naghiyawan ulit ang mga kaibigan ko. Shemay, makaligo na nga lang. Nagmadali akong mag-ayos ng sarili. Mabilis lang naman ako natapos kaya heto, magkasama kami ni Haley sa kwarto ko. Inaayusan niya kasi ako.
"Beshie, mahal mo ba talaga si Kite?" tanong niya sa'kin na mas lalo kong ikinagulat.
"Oo naman. Mahal na mahal ko siya, beshie."
Totoo 'yon. Mahal ko talaga si Kite. Simula kasi nang makita ko siya kasama ang Fretzie na 'yon, parang hindi ko kinaya. Sa t'wing ngingiti siya do'n, pakiramdam ko napupunit ang puso ko.
Then reality hits me, hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.
"Teka, ba't mo naman natanong?"
"'Wag mong mamasamain ha? Baka lang kasi nakikita mo si Red sa kanya kaya sinasabi mong mahal mo siya."
Sa halip na mainis, nginitian ko na lamang siya. Now, I can say is nagmature na talaga ako. Kasi kung ako pa 'yong Agatha na childish, naku po. Siguradong nagtatampo na agad ako kay Haley.
"Kite is unique in his own ways. Kahit kailan, hindi ko nakita sa kanya ang katauhan ni Red. They are not even the same, Haley."
"How can you say so?" pahabol na tanong pa niya.
"Kasi si Red, sinaktan ako. At si Kite? Wala siyang ibang ginawa kung hindi mahalin ako."
🌸🌸🌸
Ang bilis talaga ng araw. Parang kailan lang, nahihirapan pa ako mag-adjust sa mga kaklase ko, tapos ngayon ay graduate na ako. Ang saya ko lang kasi napaka-espesyal ng araw na 'to sa'kin. Hindi lang kasi graduation ang ikinasasaya ko, kung hindi ngayon ko kasi balak sagutin si Kite.
March 30, 2018.
Magkakatabi kami ngayong magkakaibigan. Ito namang si Kite, halos ayaw bitawan ang kamay ko. Nililigawan niya ako, pero parang kami na.
"Kite, may tanong ako."
"Ano 'yon?"
"Bakit mo ako minahal? I mean, di'ba dati ilang ulit ko nang sinabi na wala akong feelings para sa'yo. Bakit hindi ka sumuko sa'kin?"
I've been asking that question to myself. Ewan ko ba sa sarili ko. Gusto ko lang kasi malaman.
"Never ask why I love you. Just accept that I do and that I will for the rest of my life."
He kissed my hand. Naramdaman ko na naman ang malambot niyang labi. I can't help but to smile.
"Ako din may tanong sa'yo."
"What is it?" sagot ko sa kanya.
"Bakit mo din ako mahal?"
Bigla ko siyang nahampas sa braso niya, pero mahina lang naman. Magtatanong na nga lang, kaparehas pa ng sa'kin. Hahaha!
"Inulit mo lang 'yong tanong ko e," natatawa kong pahayag sa kanya.
"Just answer it."
I smiled to him. Pinisil ko ang pisngi niya kasi ang gwapo niya. Lalo na 'pag nakakunot 'yong noo niya at super seryoso.
"Why do I love you? Because I finally learned what the word means and you were the one who showed me."
All words I've said, totoo ang lahat ng 'yon. And in that moment, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nakatitig na naman siya sa'kin.
"'Yan ka na naman, nakatingin ka na naman sa mata ko," pabiro kong sabi sa kanya. Panigurado kasing namumula na naman ang pisngi ko.
Kite Astrid Fuerte, what spell did you cast on me?
"When I looked into your eyes I didnt see just you. I saw my today, my tomorrow, and my future for the rest of my life."
I can't utter any word. Basta no'ng mga oras na 'yon, hindi ako makagalaw. I think I finally found what I'm looking for. I finally found love on him.
🌹🌹🌹
Mahigpit kong hawak ang kamay niya. Nakatakip kasi ng blindfold ang mata ko ngayon. May surprise daw kasi siya para sa'kin.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Surprise nga e. Kapag sinabi ko sa'yo, edi hindi na surprise?" pang-aasar niya.
Napa-pout nalang ako. Ayaw niya kasi sabihin e. Kaya tahimik nalang ako.
"Konting lakad nalang makikita mo na."
"Malapit na tayo? Excited na ako makita!" nakangiti kong pahayag.
"Nandito na tayo!"
Agad ko namang tinanggal ang panyo na nakatakip sa mata ko. Medyo nag-aadjust pa ako bago tuluyang makakita. At halos nanlaki ang mata ko dahil sa kung nasaan kami ngayon.
"Beach?"
Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko ngayon. Ang ganda ng tubig. Kulay pink siya at umiilaw. Ang buhangin din, maliwanag. May mga roses din akong nakita na nakaform ng heart shaped. At sa pinakagitna no'n, may isang table na kung saan do'n kami kakain.
"Do you like it?" tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.
"I just don't like it, I love it Kite. Just like you, I love you."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Lumakad kami papunta sa table habang hawak niya ang baywang ko.
This place is perfect for us. It's beyond romantic.
Ipinaghila niya ako ng upuan. At pagkatapos, may isang waiter na naghain ng pagkain sa'min. Tinikman ko ito at may napagtanto ako habang nginunguya ito.
"Ikaw ba ang nagluto ni'to?"
He smiled whole-heartedly. No'ng mga oras na 'yon, parang natunaw ang puso ko.
"Yes. I've cooked all of that just for you, honey."
Napangiti na lamang ako. Shemay, ang effort ng lalaking 'to! 'Yan tuloy, mukha na naman akong kamatis na napakapula ang mukha.
Tahimik kaming kumain na dalawa. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. But the silence between us makes me feel that I'm in heaven.
Peaceful but yet, awesome moment with him.
Pagkatapos naming kumain, inalalayan niya akong sumakay sa isang bangka. Napanganga na lamang ako habang pinagmamasdan ang kalangitan.
Ang daming flying lanterns.
"Ang ganda."
Napatingin ako sa kanya. At napagtanto ko na kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.
Dejavu.
Pakiramdam ko, nangyari na ito dati. Then suddenly, a memory in the past flashed in my mind. The day we know each other. Sa amusement park, nanonood ako ng fireworks. Napatingin din ako sa kanya noon at saktong nakatingin din siya sa'kin.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. The place is perfect. The time is perfect. And my feelings for him is beyond perfect.
"You are the sun in my day, the wind in my sky, the waves in my ocean, and the beat in my heart. And If I could chose between loving you and breathing, I would use my last breath to say I love you."
May kinuha siya mula sa bulsa niya. Halos maiyak ako nang makita ko ang bagay na 'yon.
Isang singsing.
"I love you, Heaven Agatha Samonte. Will you please be mine?"
"I'm yours, honey."
Sinuot niya sa'kin ang isang infinity ring. Lumapit siya sa'kin. Nararamdaman ko na din sa mukha ko ang paghinga niya. Hanggang sa halikan niya ako.
A soft and gentle kiss.
Napapikit ako habang ginagawa niya 'yon. My heart can't stop beating fast while kissing me. I've totally fallen for him, and there is no way out to escape this feelings. I just love him and every little thing about what he do.
Our lips parted. But his eyes are still focus on my face.
"I love you Kite."
"I love you all the way to the moon and back until eternity, Agatha."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro