Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

43. Jelly Ace

"People only realize what they had after they lose it so hold on what you have and never ever let it go."

🌻🌻🌻

Patuloy lang akong nakatingin sa Iphone ko. Hindi ko magawang magtype ng message para sa kanya. Nanghihina ako, lalo na ng magsend ulit siya ng message.

~~~~~~
I still love you.
Seen 7:34PM ✔

~~~~~~

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Aba, ayos lang siya ha? Matapos niya akong sabihang sana nawala nalang ako? Tapos ngayon magchachat siya na mahal niya pa din ako?

Utot mo, Red. Pinsan tayo, lol.

~~~~~~
Ikaw pa din e. Mahal pa din kita.
Seen 7:34PM ✔

~~~~~~

Napangisi na lamang ako. Masama ba akong tao kung sasabihin kong tigilan niya na ako?

Hindi na ulit ako magpapakatanga sa'yo, Red.

~~~~~~
Ako miss mo? Miss mo lang akong saktan e. At pwede ba? 'Wag mo na ako guluhin. Masaya na ako Red. So get lost.
Seen 7:36PM ✔

~~~~~~~

Napasabunot na lamang ako ng buhok dahil sa kanya. Nakakainis siya! I hate him very much! Bakit ba niya ako kinukulit? Wala ba si Margarette at ako ang pinepeste niya?

~~~~~~~
Paano ako? Paano naman ako magiging masaya? The fuck! Nasasaktan din ako! Kahit alam kong hindi pwede dahil magpinsan tayo!
Seen 7:38PM ✔

~~~~~~~

At siya pa talaga ang may ganang magalit ha? Sa inis ko, tinapon ko lang sa kung saan ang Iphone ko.

Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, masaya sa piling ng mga kaibigan ko.

Okay, speaking of them. Tinatawag na nila ako para kumain.

"Wow! Mukhang masarap ang ulam natin ngayon ha."

Grabe! Ang bango ng amoy. Ano kayang pangalan ng pagkain na 'to?

"So yuck! Why there is mata ng frog!"

Ano daw? Mata ng frog? Don't tell me, palaka 'tong ulam namin!

"Ano na namang pakulo 'to Kite? Ikaw nalang kumain niya'n."

Halos masuka ako noong kinuha ko 'yong paa ng palaka. Ano naman kayang lasa ni'to?

Di bale na nga, nagugutom na talaga ako e.

Kumagat ako ng ilang part at pagkatapos ay nginuya ito. Dahan-dahan lang ang pagnguya ko at halos nanlaki ang mata ko dahil sa lasa.

Shemay, sobrang sarap!

"Hala! Bakit mo 'yan kinain? Baka magkaroon ka ng kulugo!" nag-aalalang tugon ni sissy. Nginitian ko naman siya ng abot tainga.

"Sissy, tikman mo kaya. Kayo din! Promise, super sarap. Mas masarap pa siya kaysa sa fried chicken!" ngiting-ngiti kong sabi sa kanila. Napatingin ako bigla kay Kite. Gano'n din siya sa'kin.

"Ang kalat mo talaga kumain."

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang gilid ng labi ko. What the? Bakit kinabahan ako? At takte, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Yiiieeeeee! Dahil sa palaka nagka-inlovan na!"

"Omg! Love na kaya this?"

"Pre, masyado mong ginalingan. Hahaha!"

Ayan na naman po sila, nang-aasar na naman. At ang mga loko, kumuha pa ng tig-isang paa ng palaka at nagcheers!

"Para sa pag-iibigan ni Kite at Agatha!"

"Cheers!"

Sabay-sabay nilang kinain ito. Si Haley naman, sumabit pa sa ngipin niya 'yong pagkain.

Boom dugyot!

"Kadiri ka Hale! Hahaha!"

"Anong trip 'yan bespren?" natatawa kong sambit. Buset! Benta talaga sa'kin e.

"Shabu pa Haley!"

"Baby, saan ako nagkulang sa'yo? Nasobrahan ka na yata sa pagmamahal ko."

At mas lalo pa kaming natawa nang makita si Haley na halos nakabusangot na. Hindi kasi matanggal 'yong palaka sa ngipin niya, hahaha!

"What kind of pagkain is this? I swear, sinusumpa ko ang frogs to the whole universe!"

🌸🌸🌸

It's been a week since noong nag-exam kami. And ngayon? It's our Christmas Ball! Yeah, sa wakas tapos na din ang madugo kong pagrereview.

"Tara na Hale, malalate na tayo!" sigaw ni Angela sa kanya. E kasi naman, ang bagal niya kumilos. Kahit kailan talaga 'tong si Haley.

"You're so kulit naman Ange. My lips is not dark pa nga e!" maktol naman ni Haley.

Napakamot naman ako ng batok. Si Haley 'yan e. Baka magwala 'yan kapag hindi maayos ang kanyang make-up.

"Maganda ka na, baby. Kahit wala ka pang make up," pagpapakilig ni Mau. Aba, ang electric fan na 'to bumabanat.

"Gosh! Talaga Mauro Hanabishi?" kinikilig na tanong naman ni Haley. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako. Takte naman kasing apelyido 'yan! Bakit kasi Hanabishi? Hahaha!

"Yes, Haley Asaki Santiago. So, let's go before it's too late."

At dahil dyan, umalis na kami. Si Mau lang pala ang makakapilit kay bestfriend e.

Ilang oras lamang, nakadating na kami sa party. Shemay, ang masasabi ko lang ang ganda! At halos nanlaki nga ang mata ko dahil sa isang christmas tree na napakalaki. As in wow lang talaga. Idagdag mo pa 'yong christmas lights na nagpa-elegante ng lugar.

"Mga guyth, let's take a groufie!" excited na wika ni Haley. Kaya naman nagpicture kami na magbabarkada.

Hindi rin naman kami nainip kasi nagsimula agad. As usual, may mga games na ginanap. May pagkain din siyempre. And ngayon, ang pinakahihintay ng lahat. Ang exchange gifts.

"In this school, Fordham University, we have a legend. And it states that the name you picked for the said activity, will be your destiny."

Napataas na lamang ako ng kilay dahil do'n. Pauso ha? Porket nabunot, siya agad ang makakatuluyan? Kalokohan.

Nagsimula na sila magbigayan ng mga regalo. Kaya naman, ganoon na din ang ginawa ko. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Nakatalikod siya sa'kin kaya kinalabit ko siya.

"Kite.."

"Bakit? Dedede ka?"

Nahampas ko siya bigla. Parang baliw kasi! Ano pa bang aasahan ko sa kanya? Abnormal 'tong saranggolang 'to.

"Fuck you. O, regalo mo."

"Ako ang nabunot mo?"

"Hindi ba obvious?" pagtataray ko sa kanya. Nakakatanga naman kasi ang tanong niya e.

"Paano ba 'yan? Ako pala ang destiny mo e."

Halos maubo ako dahil sa sinabi niya. Excuse me! Siya? Destiny ko? Hell no.

"Abnormal ka talaga 'no?"

"Sa'yo lang naman e."

Napaangat ang kanan kong kilay dahil sa sinabi niya. Ang hilig niyang bumanat. Kung banatan ko kaya siya?

"Alam mo Kite, 'wag ako. For sure naman kasi, pinagtitripan mo lang ako. Ganyan naman kasi kayong mga lalaki di'ba? Ang hilig manakit ng damdamin ng babae. Tapos kapag nawala, sasabihing mahal pa din. Kalokohan."

"'Wag mo akong igaya sa kanya. Iba ako sa kanya. At sa bilyong lalaki sa mundo, manloloko man ako. Nanakit man ako ng feelings ng babae. Ikaw lang ang hindi ko sasaktan. Mahalin mo lang ako Agatha, magbabago ako para sa'yo."

Nginisian ko siya. Wow! Hindi ko akalain na makata pala siya? Pwede na sumali sa balagtasan!

"Marami pang ibang babae dyan. Katulad niya," sabay tinuro ko sa kanya ang babaeng nakadress na kulay pink. "Siya si Fretzie Young. Maganda, matalino, mabait at sexy. 'Yan dapat ang mga babaeng gini-girlfriend mo."

Nag-iba ang reaksyon ng mukha niya. Bahagya naman akong kinabahan dahil sa kanya.

"Talaga bang magiging masaya ka kapag naging girlfriend ko siya?" tanong niya sa'kin. Kita din ang lungkot mula sa mga mata niya.

"Oo naman Kite!"

Bumuntong hininga siya. Ako naman, nakatingin pa din sa kanya.

"Ikaw nga pala ang nabunot ko. Regalo mo pala."

Binigay niya sa'kin ang kulay pink na gift. At pagkatapos niyang gawin 'yon, tumakbo siya papuntang stage. Kinuha niya ang mic at nagsalita.

"No one will ever touch my property! Cause from now on, I declare, Fretzie Young is my gilfriend."

Napanganga na lamang ako dahil sa ginawa niya. I just can't believe na gagawin niya 'yon!

Maraming naghiyawan na mga estudyante dahil sa sinabi niya. Si Fretzie lang naman kasi ang pinakasikat na cheerleader sa school. Marami nga'ng nagkakacrush sa kanya dahil ang bait niya. And by the way, she's my idol!

Magaling kasi siya magdrawing.

Bumaba mula sa stage si Kite at pumunta sa kinaroroonan ni Fretzie. Pero ang hindi ko lang maintindihan, hindi ko magawang makita siya na kasama ang babaeng 'yon.

Hay buhay, parang life.

🌹🌹🌹

Ang daming nangyari sa mga sumunod na araw. Napagdesisyunan kasi namin na dito na sa New York mag-celebrate ng Christmas and New Year. It's our first time na mapalayo sa mga mahal namin sa buhay. And we missed them a lot.

Kakatapos ko lang makipag-skype kay mommy. Si mama naman, nakausap na din namin siya ni Angela kanina sa skype.

Imbes na makisaya sa labas, mas pinili kong mahiga na lamang sa higaan ko. Nakakainis naman kasi! Dumating lang si Fretzie, parang nakalimutan na nila ako.

Okay, nagtatampo lang ako.

Simula kasi nang sabihin ni Kite sa buong school na girlfriend niya na ang Fretzie na 'yon, naging feeling close na siya. Ang bilis niyang makasundo si Haley, Angela, Mau at lalo na si Kite!

Don't get me wrong, pakiramdam ko lang kasi inaagaw niya sa'kin ang mga kaibigan ko.

Akin kasi sila! Nang-aagaw siya ng friends. Atsaka, bakit ba siya dumidikit sa'min? Nasaan ang mga alalay niya?

Basta, hindi ko na siya idol.

May biglang kumatok sa kwarto ko. Base sa katok niya, alam ko na kung sino siya.

"Haley, come in."

Binuksan niya ang pintuan at agad na sinarado ito. Tumabi siya sa'kin habang ako, deadma lang sa kanya.

Doon na siya kay Fretzie makipagkuwentuhan.

"Beshie! Labas ka naman, you're not naboboring ba here?"

Sandali ko lang siya tinignan, at balik na ulit ang focus ko sa Iphone ko.

"Mas okay na maboring kaysa ma-out of place," malamig na sabi ko sa kanya.

"Are you galit ba beshie?"

"Sa tingin mo?"

Mukhang paiyak na siya. Pero bahala siya dyan. Mukhang masaya naman na sila e.

Ang sarap tuloy lumayas, kainis.

"You're galit e. I'm sorry agad for what I've done, beshie."

Tumulo na ang luha mula sa mga mata niya. Ako naman, nanatiling tahimik lang. Ayaw ko magsalita. Baka masabihan ko lang siya ng masakit na salita.

"Beshie naman e! Ayaw kong ganito tayo. Beshie, mamansin ka naman o."

"Just live me alone. Magpakasaya kayo kasama ang Fretzie na 'yon, psh."

Tinalikuran ko na lamang siya at nagtakip ng sarili ko ng kumot. Dahil sa ginawa ko, umalis na siya at sinarhan ang pintuan.

At ang luha kong kanina ko pang pinipigilan, tuluyan ng kumawala mula sa mga mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro