42. Change
"All you need to change is will."
🌻🌻🌻
Six months.
It's been six months simula nang tumira ako dito sa New York. At first, siyempre naging mahirap para sa'kin na maki-fit in sa mga tao. New lives, new environment.
Well, ang masasabi ko lang naman sa lugar kung nasaan ako ngayon, masyadong may sariling mundo ang mga tao dito. Kahit yata maglakad ka sa street na nakahubad, walang papansin sa'yo. And I think, this is the perfect place for me.
A place were judgemental people don't exist.
Sa loob ng buwan na 'yon, pakiramdam ko naho-home sick ako. Alam mo 'yon? Iba kasi kapag nasa sariling bansa ka e. Unlike kasi sa Pilipinas, sobrang lamig dito. And gosh! Pakiramdam ko nasa America ako kasi nga hindi uso dito ang kanin. Puro tinapay! Buti nalang nandiyan si Kite na chef kuno namin pagdating sa mga food dishes ng Pinoy.
At siyempre, nagpapasalamat ako kasi nandito sila. Na-appreciate ko ang pagsunod nila dito. Walang iba kung hindi ang sissy at bestfriend ko na si Angela at Haley. Papahuli ba naman si Kite? Well, sa katunayan nga ay sinama niya pa si Mauro. Oo, nandito na din sa New York si Mau- 'yong boyfriend ni Haley.
Si Angela naman, tuluyan nang kinalimutan ang feelings para kay Kite. Mukhang nag-usap na yata sila tungkol sa unresolved issues between them, kaya masasabi kong okay na sila. You know, wala ng awkward moments. Pero 'wag ka, nakabingwit ng pogi 'tong si sissy! Grabe di'ba? Ang asenso nila sa lovelife ngayon.
Samantalang kami ni Kite, forever single pa din.
May mga nanliligaw naman sa'kin, pero basted kaagad. Natatakot na kasi akong pumasok sa isang relasyon e. Palagay ko, hindi pa kaya ng puso ko na sumugal sa pagmamahal na 'yan. Basta for now, aral muna ang aatupagin ko.
I'm fourth year na kaya! Kailangan ko nang paghusayan ngayong grading 'no.
"Guys, kain na!" narinig kong tawag ni Kite sa amin.
Nasa isang apartment nga pala kami nakatirang lahat. Actually, ang laki nga e. Buti at nagkikita pa kaming magkakaibigan dahil sa laki ni'to.
"Oh my gosh! What's the ulam ba? I'm so excited na matikman ang foods!"
"So conyo as ever Haley. Ayusin mo naman ang pagsasalita mo."
Nagpout si Haley dahil sa sinabi ni Angela. Napatawa na lang ako dahil sa mga inasal nila. Kahit kailan, para talaga silang mga bata.
"Hey, 'wag mong awayin ang baby ko Angela!" sigaw ni Mau na isa pang isip bata.
But at some point, may biglang pumasok sa isip ko. Takte, sa lahat naman kasi ng endearment ni Haley at Mau, baby pa talaga?
May naaalala ako sa pesteng sanggol na 'yan e.
"Tse! Bagay nga kayong dalawa, isip bata. Halimaw! Hahaha!"
Nagtawanan kaming lahat dahil do'n. Ganyan kami dito, puro tawanan lang. Minsan, nagkakaroon ng tampuhan pero nalulutas naman agad.
"Ewan ko sa'yo Ange! Palibhasa, you're not nililigawan pa ni Gab."
"Ikaw Haley porket may Mau ka na, ganyan ka na sa lovelife ko."
"Oo naman, I'm proud kaya na I have a boyfriend like Mauro. Kami lang kasi ang may forever."
Nabilaukan ako sa kinakain kong adobo. Teka, ano daw ang sabi niya? Forever? Walang gano'n.
"Walang forever!"
Nagulat ako nang sabay pala naming sinabi 'yon ni Kite. Napatingin ako sa kanya, gano'n din siya sa'kin. At pagkatapos, tumawa nalang kaming dalawa.
"Ang bitter niyong dalawa. Bagay kayo, hahaha!" nang-aasar na pahayag ni Mau. Takteng electric fan na 'to.
"Oo nga beshie. Single naman kayo parehas e."
"I agree. Mas boto ako sa kanya, bunso."
Napailing naman ako sa sinabi nila. Si Kite? Kaming dalawa? Ewan ko. Atsaka, porket ba single kami parehas kami na agad? As in 'yong term na relasyon?
"Hay nako. Gutom lang 'yan guys."
Dinaan ko nalang sa kain ang lahat. Napatingin silang lahat sa'kin, lalo na si Kite.
Pero dinedma ko na lamang sila lahat.
🌸🌸🌸
Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan? I mean, nakaranas naman na ako magkaroon ng kaibigan at si Haley and Kite 'yon. But I've never imagine in my entire life na magiging apat ang friends ko.
Haley, Kite, Angela and Mau.
Sila ang kasama ko sa lahat ng bagay. Sabay sabay na din kami nag-enroll dito sa Fordham University. Nakakapanibago parin sa pakiramdam kahit ang tagal na namin dito. You know, sanay kasi ako na maraming tsismosa kapag napasok sa Campbridge e.
Pero ngayon, ang tahimik.
Malaki ang school na pinapasukan namin ngayon. Isa 'to sa mga sikat na paaralan dito sa New York. Wala din akong masabi sa room and facilities ng Fordham, kasi ang ganda! Pangmayaman talaga ang dating.
Ang pangit lang sa ibang bansa, masyadong liberated. Gaya ngayon, naglalakad kaming barkada sa corridor. Umagang-umaga, makakasalubong namin ang isang babaeng halos makita na ang kaluluwa niya. Paano ba naman, ang ikli ng damit! Sana hindi nalang siya nagdamit di'ba?
"Gosh, kailan kaya mauubos ang mga prosti sa school natin?" dismayadong wika ni Angela.
"They don't have fashion sense ba? It's kadiri, kaya."
Nagkibit balikat nalang ako. Sana kasi kung gano'n ang susuotin nila, sa bar dapat sila pumasok.
"Okay lang naman ang suot nila e, so sexy and hot."
Nabatukan ko naman ng wala sa oras si Kite. Kahit kailan talaga, ang saranggolang 'to! Napakalibog, nakakainis.
"Sexy ba 'yang tawag dyan? Ang low class ng panlasa mo ha," mataray na sabi ko. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako nagsusungit sa kanya.
"Selos ka naman. 'Wag ka na magselos honey, sexy lang sila. Ikaw, mahal kita."
"Nice one dude!"
"Yiiieee, ikaw Kite gumaganyan ka na ha!"
"Kilig much me!"
Napa-poker face nalang ako. Ganyan 'yan sila, sanay na ako na asarin nila kay Kite.
Nang matapos na nilang magkantsawan, sa wakas ay nakadating na din kami sa room. As usual, invisible lang kami. Walang pumapansin kasi nga, kanya-kanya ang mga tao dito.
Dumating na si Ma'am Marishka. Kami lang yata ang bumati sa kanya ng magandang umaga e. At ang mga kaklase namin? Walang pakialam.
"Sit down, my fave students."
Napatawa kami dahil sa sinabi niya. Asus, nagjo-joke lang naman 'yan siya. Hays, bigla ko tuloy naalala si Ms. Fugita. Biruin mo nga naman, nakakamiss pala ang matandang terror na 'yon?
"I'm just here to announce that on Monday, there will be no classes because of your exams. Then after that will be the Christmas Ball."
Talaga? Hindi ko akalain na may ganyan din palang activity dito sa Fordham. Expect ko kasi, wala e. May kinuha si Ma'am na isang kahon at pinabunot kami doon.
Gusto ko, babae ang mabunot ko.
Nang tapos na sila makabunot, it's my turn now. Kumuha ako sa may bandang ilalim. Agad ko namang binuksan ang papel at nanlaki ang mata ko sa pangalan ng nabunot ko.
Kite Astrid Fuerte.
"Beshie, who's nabunot mo?"
Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap ng regalo. Kung bakit pa kasi nabunot ko siya!
Kung condom nalang kaya ang iregalo ko sa kanya?
🌹🌹🌹
"Beshie! Sabihin mo na kasi kung sino ang nabunot mo. So daya as ever!"
Napatakip na lamang ako ng tainga dahil sa sigaw ni Haley. Grabe ang babaeng 'to, ang tinis ng boses! Promise, ang sakit niya sa eardrums.
Nandito kami ngayon sa mall. Naghahanap na kasi kami ng pwedeng iregalo e. Magiging busy na din kasi kami sa mga susunod na araw, siyempre magrereview para sa exams.
Natatawa na nga lang ako sa mga trip nila dahil nagsasabihan na sila kung sino ang nabunot nila. Well, except kay Kite na ayaw din sabihin kagaya ko.
"Pakihinaan naman ang volume ng boses mo Hale. Grabe, ang daming tao nasigaw ka dyan."
"Ange, nasa liberated country naman tayo. Kahit maghubad pa ako ng clothes, they don't care naman."
Nagpatuloy ang pagpapatalo nilang dalawa. Lagi silang aso't pusa. Kaya nga, tahimik nalang kami ni Kite at Mau.
Pumunta na kaming gift shop. Siyempre ako, pasimple na nagmamasid kay Kite. Baka kasi may magustuhan siya e.
"Look Kite! Bagay sa'yo. Dogtag na may nakaukit na saranggola."
Pumunta ako sa kinaroroonan nila. Titignan ko siyempre kung magkano. Aba, be practical. Madaming batang nagugutom.
Edi ako na ang kuripot.
"Oo nga, bagay kay Kite. Mukha naman siyang aso, hahaha!" pang-aasar ni Mau kay Kite.
Grabe sila! Porket dogtag, mukhang aso na agad? Hahaha!
"Aso mo 'to."
Okay, pikon na siya. But wait, ang cute niya pala kapag napipikon. Mukha siyang si mongmong.
Shemay, namimiss ko tuloy ang pusa na 'yon. Pero alam ko namang inaalagaan siya ng mabuti ni mommy e.
"Boom! Na-toilet flush ka tuloy baby. Sabi ko sa'yo, shut up ka nalang e."
Naglibot pa kami sa mall. Nakakapagod nga e, kaya kumain nalang muna kami sa resto. Tapos, gala ulit at pumuntang arcade. Mawawala ba naman ang shopping ni Haley at Angela? Siyempre, hindi.
Magkavibes talaga sila kapag kaartehan ang pag-uusapan.
At nang makita namin na malapit ng gumabi, sumakay na kami sa kotse ni Mau papuntang apartment. Rich kid kasi ang boyfriend ni Haley e.
Pagkadating namin, agad akong sumalampak sa kwarto ko. Ipopost ko pa kasi sa facebook ang pictures na kasama ko sila.
Ilang minuto ko pa nga lang napopost, 1000 likes agad. Tapos, 2500 love. Ang famous talaga ng mga kasama ko!
Magla-log out na sana ako, nang biglang tumunog ang Iphone ko. Binuksan ko ang messenger at may nakita akong message niya.
Si Red, online siya. At nagchat siya sa'kin.
Medyo nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang message niya or papabayaan ko nalang. Ang totoo kasi niya'n, kinakabahan ako.
Pero hindi ko hahayaan na lamunin ako ng kaba. Buong tapang kong binuksan ang message niya.
~~~~
I miss you Agatha.
Seen 7:30PM ✔
~~~~
Napangisi na lamang ako dahil sa sinabi niya. Namimiss niya daw ako? Lol. Tatawa na ba ako?
Namimiss niya lang siguro ako saktan.
~~~~~~
Please comeback.
Seen 7:32PM ✔
~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro