41. Tears
"Sometimes the strongest people in the morning, are the ones that cry themselves to sleep at night."
🌻🌻🌻
Ginawa ko lahat ng aking makakaya makalayo lamang sa kanila. Nakasalubong ko pa nga si Pink e. At ang mas masakit? Nahuli niya pa akong umiiyak.
"Wala kang karapatan na umiyak. Ikaw ang nang-iwan, kaya panindigan mo ang ginawa mo."
Sobrang lamig ng mata ni Pink. Noong mga oras na 'yon, parang hindi ko siya kilala. Halos lahat ng sinabi niya, tumagos sa puso ko.
"Hindi ko ginusto ang lahat. Kahit ayaw ko, pinipilit ko lang kasi kailangan. Magpinsan kami ni Red, Pink. Ikaw din pinsan din kita. Masisisi mo ba ako?"
Hindi ko na napigilan ang mga luha na kumawala sa mata ko. Bakit ba hindi nila maintindihan ang panig ko? Sana naman ay pakinggan nila ang explanations ko.
Lahat ng tao sa school, sobrang galit sa'kin. Sinabihan nila ako ng malandi, pokpok, two timer at kung anu-ano pang masasakit na salita.
At ang mas masakit? Wala man lang ginawa si Red para ipagtanggol ako.
Naalala ko, binubully ako ng mga kaklase ko. Tinignan ko siya para sana humingi ng tulong. Pero wala akong natanggap. Nilagpasan niya lang ako na parang hindi kami magkakilala.
"Alam mo naman palang magpinsan kayo e. Bakit ka nasasaktan dyan? Hayaan mo na siya, Agatha. 'Wag kang selfish, masaya na ang kapatid ko kay Margarette. So, back off."
Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Iniwan niya ako at umastang parang walang nangyari. Ngayon, napaisip ako. Bakit nga ba ako nasasaktan? Bakit pa din ako nagpapakatanga sa kanya?
Hindi ko din alam.
Mismong sarili ko, hindi ko alam ang sagot. Napatayo ako at nagbalak na pumuntang kusina. Kailangan ko ng tubig para mahimasmasan ako.
Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig sa baso. Aalis na sana ako nang biglang nagkabanggaan kami ni Margarette. Natapon ang tubig sa katawan niya kaya halos nanlaki ang mata niya. Kitang-kita din sa mukha niya na naiinis siya sa'kin.
"OMG."
Agad naman akong lumuhod para punasan ang damit niya, ngunit tinabig niya lang ang kamay ko. Napatama 'yong likod ko sa may ref. Dahil do'n, lumapit siya sa'kin at sinabunutan ang buhok ko.
"Ikaw na babae ka, sinadya mo 'yon 'no? Ano, sumagot ka!"
Napahawak ako sa ulo ko. Pakiramdam ko, mawawalan ako ng anit noong mga oras na 'yon. She's really gettin' into my nerves. Kinuha ko ang shurikens ko sa aking bulsa at binato siya sa binti.
"Ouch! My legs! Gosh, you're.. bitch!"
Napasalampak siya sa sahig dahil sa ginawa ko. Nakikita ko na din ang bakas ng dugo dito. Napangiti ako ng mala-demonyo.
Blood, I love blood.
Akmang babatuhin ko ulit si Margarette nang biglang dumating si Red. Hindi ko natuloy ang binabalak ko. Napahinto lang ang mga kamay ko sa ere.
I wasn't able to move.
Pakiramdam ko, naparalyzed ang buong katawan ko. Lalo na nang makita ko si Red na sobrang sama ng tingin sa'kin. Napalunok ako bigla.
Hindi ko alam pero dumako ang tingin ko kay Margarette. Nakangisi siya at noong tumingin na si Red sa kanya para tulungan siyang tumayo. Mula sa mala-demonyong mukha, naging maamo itong pusa.
"Are you okay?"
"My leg hurts, baby boy. Nagmamalasakit lang naman ako sa kanya tapos bigla nalang niya ako tinulak. She even throw me a shuriken!"
Nanikip bigla ang paghinga ko. Mukha kasi siyang nag-aalala e. Parang dati lang, sa'kin lang siya gano'n. Ngayon, pati na din kay Margarette ay ganyan siya. Sino ba naman ako? Ako lang naman ang ex-girlfriend mo slash pinsan.
At siya naman ang ina ng magiging anak mo.
"Why did you throw that shit?"
"'Yan ang nararapat sa kanya! Sinabunutan niya ako kaya binato ko siya ng shuriken."
Bigla niya akong tinulak. Napahiga ako sa sahig. Tumama na naman ang likod ko sa ref.
"She's fuckin' pregnant Agatha! Tanga ka na ba talaga? Palibhasa kasi, wala kang pakialam sa nararamdaman ng isang tao! Napakaselfish mo!"
"Hindi ako tanga, Red. At kung sino man ang tanga sa aming dalawa, si Margarette 'yon. At pakialam ko naman sa babaeng 'yan? Mas magiging masaya pa nga ako kapag namatay 'yang anak ninyo e."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ko. Shemay, hindi ko sinasadya na masabi ang bagay na 'yon! Hindi ko lang talaga makontrol ang nararamdaman ko.
"You! You're a bitch- Ouch! 'Yong baby ko, Red. May dugo! Ang sakit!"
Dumaloy mula sa binti niya ang dugo. Napalunok ako dahil sa nangyari. A-Anong ibigsabihin no'n?
"Tita! Si Margarette!"
Binuhat siya ni Red. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Posible kayang may mangyaring masama sa kanya?
Binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko.
"Diyos ko! Anong nangyari? Bakit siya dinugo?"
"Hindi ko alam. Ang mahalaga, madala na siya sa ospital bago manganib ang bata."
Tumakbo na sila palayo sa'kin. Lahat sila nag-aalala sa batang dinadala ni Margarette. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan ng lahat.
Kapag may nangyaring masama sa baby, paniguradong magagalit sa'kin si Red.
🌸🌸🌸
Dumiretso ako sa ospital nang hindi nila alam. Ayaw kong magpakita sa kanila. Natatakot akong kamuhian nila. Natatakot ako sa sasabihin nila sa'kin.
Lalung-lalo na si Red.
Dumating ang doktor kaya naman ginawa ko ang lahat para makapagtago. Sinigurado kong hindi nila ako makikita, pero sapat na para marinig ang pinag-uusapan nila.
"Kamusta ang mag-ina ko doc?"
"Ginawa na po namin ang lahat."
"What do you mean?"
"The baby didn't survive. We're sorry."
Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ng doktor. Totoo ba talaga ang narinig ko? Hindi ba ako nabibingi?
Nagulat ako nang may biglang sumuntok sa pader. Sunud-sunod na hampas iyon na parang hindi siya nasasaktan.
This is my entire fault.
Bawal mastress si Margarette pero dahil sa'kin nawala ang baby nila. Kung sana hindi ko nalang siya pinatulan, buhay pa sana ang bata.
Aalis na sana ako, nang biglang may bumangga sa'kin. Nakita tuloy nila ako. Lalo na si Red na halos manlisik na ang mata sa'kin.
Ano kaya ang iniisip niya?
"Ang lakas naman ng loob mo para pumunta pa dito."
Papalapit na siya sa akin. Gusto ko ng lumayo, pero hindi ko man lang maihakbang ang mga paa ko.
"I'm sorry Red--"
"Stop that bullshit Heaven! Damn, anak ko 'yon! You ruined everything! Sana ikaw nalang 'yong nawala!"
My tears started falling.
Sana daw ako nalang 'yong nawala. At nakakainis kasi sa mismo pa niyang bibig nanggaling ang mga salitang 'yon.
I hate him. Hindi na siya si Red na minahal ko. He's gone. He turned into a devil. A heartless devil.
Dahil sa hindi mapigilang emosyon, sinampal ko siya. 'Yong sobrang lakas para ipatikim sa kanya ang galit ko.
"Oo, Red! Sana nga ako nalang 'yong nawala! Sana ako nalang ang namatay! Ang sakit mo magsalita ha. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito, ako din Red! Ako din! Kung sino man ang selfish sa ating dalawa? Ikaw 'yon. Akala mo ikaw lang ang nasasaktan. Hindi ako nagsakripisyo para lang sa wala! Hindi mo alam kung gaano ako nagdasal na sana ikaw pa din. Na sana hindi siya. Sana ako lang. Mahal kita Red. Oo, mahal pa din kita. Pero ngayon? Palagay ko biglang naglaho ang lahat."
Humakbang ako palayo sa kanilang lahat. Ang daming hinanakit sa puso ko. Bakit sila gano'n? I hate them very much.
They think that I am the suspect here, when in fact.. I'm also a victim.
Bago ako magpaalam sa kanilang lahat, lumingon ako sa kanya. Starting from now on, kakalimutan na kita Red. I will also forget my feelings for you.
"Ito na ang huling araw na makikita mo pa ako, Red. Sana maging masaya ka sa pagkawala ko, paalam."
🌹🌹🌹
It was really hard for me this past few days. Buti nalang, nandiyan lagi si Kite para umalalay sa'kin.
Simula kasi noon, hindi na ako tumira sa bahay ni mommy. Naintindihan niya naman ako na hindi pa ako ready. Na babalik lang ako sa lugar na 'yon kapag kumpleto na ako. Kapag wala ng basag ang pagkatao ko.
Kapag hindi na ako naapektuhan sa kanya.
Nginitian ako ni Kite, kaya tumango na lamang ako. Ilang days nalang bago ko iwan ang Pilipinas. Alam naman ni Haley at Angela ang tungkol doon sa plano ko. At ang balak nila? Sumunod sa New York para magkakasama kami.
Iba talaga ang nagagawa ng pera.
Inalalayan ako ni Kite na makasakay sa loob ng kotse. Kung sabagay, ang caring niya. Ngayon ko lang napansin kasi dati, puro na kay Red ang attention ko.
Nang makarating kami sa pupuntahan namin, kinawayan ko si mama. Mukhang magaling na siya kasi nabawi na niya ang dati niyang katawan. Hindi na din siya namumutla at masigla na din.
And I am praying na sana, bumuti na ang kondisyon niya ng tuluyan.
"Heaven, anak!" bati ni mama sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi. At pagkatapos, umupo na ako katabi ng upuan niya.
"Si Angela po, nasaan?"
"Kasama si Haley. Inaayos yata ang flight para magkakasama kayo pagpunta sa New York."
"Okay po."
Nandito kami sa restaurant. Katapat ko ang mama ni Kite at katabi ko naman siya.
"So, kamusta kayong dalawa?" kinikilig na tanong ng mommy ni Kite. Or should I say, Tita Therese.
"We're good," sabi ko nalang. Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Kite.
"Yeah, doing great."
Pinisil niya 'yong balikat ko kaya kinurot ko ang tagiliran niya. Anong doing great na sinasabi niya? Pektusan ko siya dyan e.
"It was nice to hear that from all of you. Para din kasi sa kaalaman ninyong dalawa, one year nalang bago kayo ikasal."
Shems, one year nalang? Bakit parang ang bilis naman yata? Hindi pa nga ako nakakapagcollege, may anak na ako.
Shemay, anak agad Agatha? Nahawaan na yata niya ako ng KLV. Kite Libog Virus.
"Yes, isang taon nalang ako magtitiis!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Takte, kahit kailan ang abnormal niya! Binatukan ko nga nang matauhan. Ipagsigawan ba naman?! Shems, nakakahiya talaga!
"Ang libog mo talaga!"
"Sa'yo lang naman! Aray, takte!"
"Buset ka! Ang landi landi mong abnormal na saranggola ka!"
"Oo na, I love you too honey."
Nagtawanan naman sila. Ang galing, pinagtawanan pa kami. Tapos para pa silang kinikilig. Like ew? Kinikilig sila sa saranggolang 'to? Sa malibog na abnormal na 'to talaga?
"You two, look perfectly from each other."
"Oo nga! Hindi na din ako magtataka kung ano ang magiging itsura ng apo ko."
Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Tita Therese. Apo talaga agad? Palagay ko, alam ko na kung saan nagmana ng kalibugan itong si Kite.
Mag-ina nga sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro