40. Pain
"Goodbye with reasons is painful. But the most painful one is when the reasons you heard came from the one you love."
🌻🌻🌻
Hanggang ngayon, hindi pa din maalis ang mukha niya sa isipan ko. Nakikita ko pa din 'yong mukha niya na nasasaktan. 'Yong mga lumalabas na luha mula sa mga mata niya.
Sabi nila, masakit daw maiwan ng taong minamahal nila. Pero sa sitwasyon ko ngayon, napatunayan kong mas masakit ang mang-iwan. Masakit kasi ang hirap na kailangan ko pang pigilan ang nararamdaman ko. Na kailangan pang masaktan ko siya. Na masaktan namin ang isa't isa.
Pero wala e. Ito kasi ang dapat. Ngayon, naiintindihan ko na si Ms. Fugita tungkol sa sinasabi niyang may sumpa ang libro na 'yon. Pakiramdam ko, 'yon ang dahilan ng lahat. Ang propesiya na ang gumawa ng paraan para magkalayo kami.
At 'yon na nga ang nangyari.
Sana kasi hindi ko nalang nakuha ang diary ni Cora! Sana kasi ibang libro nalang ang ginawan ko ng book report. Edi sana hindi ito mangyayari sa amin.
It's not fair! And it fuckin' hurts cause I'm still affected! At kahit ilang araw pa ang lumipas, hindi ko siya makakalimutan. Siya pa din ang gusto ng puso ko kahit alam kong mali kasi pinsan ko siya.
Handa akong maging makasalanan basta tungkol sa kanya.
Bumangon ako sa aking kinahihigaan. Wala na ako sa bahay namin ni Kite. Sinabi ko naman na sa kanya ang dahilan kung bakit ako aalis. Ibigsabihin, alam na niya na pinsan ko si Red.
Nakakapagtaka nga lang kasi ang lawak ng ngiti niya. Tapos ngumingisi din na mag-isa. Kahit kailan, ang abnormal ng saranggola na 'yon.
Isang linggo na ako namamalagi sa mansyon ni Violet. Ang awkward nga lang kasi minsan, nakakasalubong ko siya. Paano ba naman, magkatapat ang kwarto naming dalawa dito sa second floor.
Pinihit ko ang door knob para makalabas sa kwarto. At laking gulat ko naman nang makita ang bubungad sa umaga ko. Siya na naman ang nakita ko.
Totoo sa'yo tadhana? Hanggang kailan mo ipapamukha na hindi kami pwedeng dalawa?
Isa, dalawa, tatlo. Tatlong segundo kaming nagtitigan na dalawa. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong segundo muli bago ako makapagsalita para hindi kami maging awkward.
"Goodmorning?"
Sinubukan kong ngumiti pero kusang sumimangot ako nang tinignan niya lang ako. At pagkatapos, hindi man lang nag-iwan ng salita sa'kin bago man umalis.
Napailing naman ako dahil sa ginawa ko. Ang tanga ko talaga! Sinabi kong hindi ko siya mahal, tapos ngayon aasa ako na sasagutin niya ang tanong ko? Na babalik kaming dalawa sa dati?
Asa ka, Agatha.
Ginawa ko na ang morning rituals ko. Medyo nasanay na din ako na gumising ng maaga para makasabay sa almusal namin. Oo namin kasi parte ako ng pamilya.
Inusog ko ang upuan at pagkatapos ay umupo. Pambihira nga naman, magkatapat pa kami ni Red. Seryoso lang siyang kumakain kaya gano'n nalang din ang ginawa ko.
"Kamusta naman ang studies mo, Hannah?" tanong ni mommy sa'kin.
Hindi pa din ako sanay na tawagin siyang mommy, mas prefer ko kasi ang Violet. Ngunit bilang tanda ng pagrespeto ko sa kanya, pinipilit kong sanayin ang sarili ko na tawagin siya sa gano'ng pangalan.
"Okay naman po, mommy."
Matamis ko siyang nginitian. I never thought na ganito pala ang pakiramdam na may nanay na nag-aalala sa'yo. Na sa bawat araw, ipinapakita niya na mahal ka niya. Somehow, napapalapit na ang loob ko kay mommy.
Nagulat kaming lahat nang biglang kumalampag ang kubyertos sa mesa. Nakita ko naman si Red na masama ang titig sa aming lahat, lalo na sa akin.
"I have to go. I lost my appetite."
Akmang aalis na siya nang biglang magsalita si mommy.
"Where are you going?"
"Susunduin ko pa siya."
"The who?"
"Margarette."
Napayuko ako para itago ang sakit. Aray ko po. 'Yong puso ko, basag na nga mas lalo pang nababasag. Teka, kailan pa naging babasagin ang puso ko?
At nagawa ko pang magbiro para maibsan ang sakit ha? I'm so proud of myself. Pwede na akong bigyan ng award na the great pretender of the year.
"Okay, take care. Ingat sa pagdrive ha?"
"Yes, tita."
Kinuha na niya ang bag niya at sinakbit sa kanyang balikat. Hindi ko maiwasang isipin na okay na silang dalawa ni Margarette. Pakiramdam ko lang naman. Kasi simula nang magbreak kaming dalawa, napalapit na sila sa isa't isa. At nakakainis lang kasi ang bilis niya naman akong palitan sa puso niya.
Samantalang 'yong puso ko, siya pa din ang gusto.
"By the way, malapit ka ng magcollege. Saan mo gusto?" tanong ni mommy sa'kin habang kumakain. Napainom ako bigla ng tubig. To be honest kasi, wala pa akong plano sa college 'no.
"Hindi ko po alam."
"Sa tingin ko, mas maganda kung fourth year palang nasa Fordham University ka na. Balita ko, natanggap sila ng fourth year students na incoming college."
Pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi niya. Sa pagkakaalam ko, sa New York matatagpuan ang school na 'yon. Handa na ba akong lisanin ang Pilipinas?
"Pag-iisipan ko po."
Tumayo na si Pink sa kinauupuan niya. Nagpaalam siya kay Tita. Samantalang sa'kin, wala man lang imik.
Lahat sila malamig ang pakikitungo sa'kin, maliban lang kay mommy.
🌸🌸🌸
"That's our lesson for today. You may now take your lunch."
Napakamot na lamang ako ng ulo. Grabe! 'Yon lang ang lesson niya? Halos mapiga na ang utak ko dahil sa calculations at dapat ipasaulo! Ang hilig talaga nila pahirapan ang estudyante kapag clearance day na.
Niligpit ko lahat ng gamit ko. At pagkatapos, niyaya ako ni Haley at Angela na kumain. Oh yes, kasama na namin siya. Well, masaya din naman pala siya kasama.
"Let's go girls! My tummy hurts na," pag-iinarte ni Haley. Umakbay naman si Angela sa kanya.
"I agree. Agatha! Hanggang anong oras ka pa magtatagal dyan?" nababagot na tanong ni Angela.
"Mauna na kayo. Shemay, ang dami ko pang liligpitin."
Nauna na silang pumuntang cafeteria. Pero ang totoo niyan, ayaw ko lang sila makasabay. Takte, inaagawan kasi nila ako ng pagkain! Tapos hindi ako makarelate sa usapan nila na pangkaartehan. Alam mo na, 'yong kung saan sila magsha-shopping, make-ups nila and lalo na sa mga boys.
Kung tungkol sa baril at katana ang usapan, magiging attentive pa ako.
May nagtakip bigla ng mata ko. Hay nako, ang abnormal niya talaga.
"Hulaan mo kung sino 'to."
"Kite, tanggalin mo nga 'yang kamay mo."
Lumingon ako sa kanya at tama nga ako. Si Kite nga, ang dakilang saranggola na cassanova.
"Lunch tayo."
"May gagawin pa ako e."
"Libre kita."
"Joke lang pala, wala na akong gagawin."
Hinila niya ako kaya muntik na akong madapa. Takte 'tong Kite na 'to. Parang baliw e.
"Dahan-dahan naman! Muntik na akong mahulog o," reklamo ko.
"Handa naman akong saluhin ka e."
"Ha? May sinasabi ka?"
"Maganda nga, bingi naman," bulong niya pero hindi ko naman maintindihan.
"Isa pang bulong mo, pepektusan na kita."
"Tara na nga, honey."
Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papuntang gate. Pinayagan naman kami ng guards kasi pacute ang kasama ko. Akala mo naman talaga, cute siya.
Nasanay na din naman akong kasama si Kite. Kaya nga sa t'wing aakbayan niya ako, wapakels nalang ako.
Tutal, isa naman na siya sa itinuturing kong best friend.
Nilibre niya ako sa McDo. Galante siya di'ba? Kaya gusto kong sumasama sa kanya e! Ang sarap kasi kumain kapag libre, hahaha!
"Para ka talagang bata kung kumain."
"Maganda pa din naman ako."
"Sinong nagsabi na maganda ka?" pang-aasar niya sa'kin.
O di'ba? Ang galing niyang mang-inis! Psh, akala niya hindi ko talaga siya irereto kay Angela.
Sabi niya kasi sa'kin, si Angela daw ang gusto niya. Nagpapalakas lang siya sa'kin para tulungan ko siyang manligaw.
"Sige asarin mo pa ako. Hindi kita tutulungan kay Angela! Di'ba gusto mo siya?" pang-aasar ko din sa kanya.
"Ikaw kaya ang gusto ko. Ang manhid mo talaga."
"Anong binubulong mo diyan ha?" naiirita kong tanong. Ang hilig niya kasing gawin 'yan. Hindi nalang niya sabihin ng diretso sa'kin kaya ako naiinis.
"Wala po, mahal na prinsesa."
"Very good!"
Naubos na namin ang pagkain na walang ginawa kung hindi ang magbangayan. Lagi kasi siyang nang-aasar e. Papayag ba ako na hindi makaganti sa kanya?
"'Wag na kasi tayong magcutting! Bad influence ka talaga kahit kailan."
"Ang kulit mo. Enjoy highschool life!"
"Nagagawa mo pang maging ganyan samantalang hindi pa kumpleto ang clearance ko?"
"Pake ko sa clearance mo? Tapos naman na 'yong sa'kin e."
Nagpogi sign siya at kinindatan ako. Ang daya talaga! Pustahan, nagpacute lang siya sa mga teacher para pirmahan 'yong sa kanya. Life is so unfair!
"Kapag talaga ako hindi nakagraduate, kasalanan mo!"
"Ibabagsak ko lahat ng exams ko kung sakaling 'di ka makagraduate."
Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Ano daw?
"At bakit naman saranggolang abnormal?"
"Lahat gagawin ko, makasama lang kita."
🌹🌹🌹
"Hey, ingat ka ha?"
"Oo naman, papakasalan mo pa ako e."
"Umuwi ka na nga! Chupi."
Pumasok na ako sa bahay nang makita kong papalayo na siya sa'kin. Baliw kasi, hinatid pa ako. Malayo pa tuloy ang lalakarin niya. Wala pa naman siyang dalang sasakyan.
Pagkapasok ko sa bahay, nakita kong nag-uusap sa may garden sina Red, Margarette at si mommy. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila base sa mga mukha nila.
Ano kaya 'yon?
Nagtago ako sa halaman na malaki. Dahan-dahan naman akong umakyat ng puno at saktong malapit pa 'yon sa kinalalagyan nila.
I'm so brilliant.
"Nagpacheck up ka na ba sa doktor, hija?"
Tanong ni mommy kay Margarette Lukaret. At dahil isa siyang dakilang pabebe, si Red na ang sumagot.
"Yes tita. Dapat susunduin ko siya at papunta na sanang school, kaso bigla siyang nahimatay."
"Ano daw sabi ng doktor?"
"Hindi siya kailangan mapagod. Bawal siyang magbuhat ng mabibigat. Less stress daw dapat dahil makakaapekto daw ito sa magiging baby namin."
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Kaya ba laging sinusundo ni Red si Margarette? Kaya ba sobra niyang caring dito? Kasi buntis siya at si Red ang ama?
Wala namang kami, pero hindi ko alam at nasasaktan ako.
"Well, that's good. Dapat lang Red na ganyan ang gawin mo. Magiging tatay ka na. And at the same time, malapit na kayong ikasal."
Nagtawanan silang lahat. Si Red naman, seryoso lang ang mukha. At ikakasal pala sila ha? Nakakainis! Gusto ko silang patayin dahil sa inis!
"Oo nga po, tita e. Nauna na yata ang honeymoon namin. Right, baby boy?"
Psh, ang sabihin mo malandi ka. And what the heck? Wala siyang originality. Baby ang tawag ko kay Red, dinagdagan niya lang ng boy! Nananadya yata siya e.
"Yes, baby girl."
What the fudge! Nasusuka na ako dito sa kinalalagyan ko ngayon. Ang pangit ng endearment nila. Pwe! Pang-low class. Sa sobrang low class, gusto ko na silang batuhin ng shurikens ko.
"I love you, baby boy."
Namutla ang mukha ko nang biglang tumingin si Red sa kinauupuan ko. Shemay, posible kayang nakita niya akong umakyat dito sa puno?
At ngumisi pa talaga siya!
"I love you too, baby girl."
Pakshet. Sagad to the max. Walang forever! I love you pa kayong nalalaman diyan, ang papangit niyo! Mukha kayong unggoy, takte.
Maingat akong bumaba ng puno. Kusa namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Kahit kailan, traydor ang mga luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro