Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4. Death Note

"My silence spoke a thousand words, but you never heard them."

🌻🌻🌻

Umalis na ako sa bahay tutal wala namang lugar ang mga taong kagaya ko do'n.

Tsk. Ni hindi man lang nga niya ako sinundan. Well, sino ba naman ako? Kahit kailan naman, wala siyang pakialam sa'kin e.

Sobrang bilis nang pagpapatakbo ko sa aking bigbike. Ewan ko pero hindi ko ito makontrol. Siguro dahil sobrang nagagalit ako sa mga pangyayari.

Bakit kasi sa lahat ng tao ay sa akin pa ito mangyayari? Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang Diyos. Kung ito ang plano niya para sa buhay ko, mas gugustuhin ko na lamang na mamamatay.

Habang nasa daan ako, biglang may nakakuha ng aking atensyon. Nasa bandang street light kasi sila, kaya kitang-kita ko kung ano ang nangyayari.

Lima silang lalaki. Meron silang binubugbog, pero hindi ko naman makita ang mukha ng binubugbog nila. May parte sa buong pagkatao ko na gusto kong tumulong. Kaya naman, sinuot ko na 'yong mask ko na may nakaukit na Death Note.

Death Note ang pangalan ko sa Assasin World. Hindi nila alam ang pangalan ko, kaya gumawa nalang ako ng code name. Inaamin ko, marami na akong napatay na tao. Masama man o hindi, wala akong sinasanto.

Well, ito kasi ang trabaho ko e. Ganito talaga kapag isa kang assasin. Kapag naman kasi hindi mo sinunod ang utos ng amo mo, ikaw ang kanilang papatayin.

Hindi ko naman kasi talagang binalak na maging assasin ako. Nangyari lang ito kasi may nagligtas sa aking buhay. At iyon si Mr. M.

🌸🌸🌸

Flashback 5 years ago..

"Papa, 'wag niyo po akong iiwan! Paano na ako? Lumaban po kayo!"

Ang sakit. Si Papa, nasa ospital ngayon. Lumala na ang kanyang sakit. Kumalat na sa buong katawan niya ang infection. Ayaw kong mamatay si papa. Siya nalang ang meron ako.

Siya nalang ang tanging lakas ko. Siya lang ang dahilan kung bakit ko gugustuhing mabuhay pa sa mundo, dahil siya lang naman ang naniniwala sa kakayahan ko.

Naiinis ako. Ayaw nila akong papasukin sa loob, bawal daw kasi ang bata. Bakit ba kasi ayaw nila ako papasukin? Baka hindi lumaban si papa kapag hindi niya narinig na umiiyak ako.

Gusto ko lumaban siya. Kahit alam kong hindi niya na kaya, gusto ko labanan niya 'yong sakit niya. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang aking papa. Kaya sana, 'wag niya muna itong kunin sa akin.

Biglang lumabas 'yong doktor. Kinakabahan ako sa kanyang sasabihin, "Sorry, but he didn't make it."

Hindi ako nakahinga ng mga oras na iyon. Pinipigilan kong pumatak ang luha mula sa aking mga mata.

"Nagbibiro ka lang 'di ba doc?" tanong ko sa kanya habang pinipilit kong tumawa.

Pero nang hindi siya sumagot, doon na ako naghagulgol ng iyak. Bakit siya pa? Bakit kinuha agad siya sa akin?

Hindi ko alam pero bigla akong nagtatakbo palabas sa lugar na 'yon. Ayoko na! Sawang-sawa na ako sa buhay na 'to. Kung mamamatay lang din naman si papa, magpapakamatay na lamang ako!

May nakita akong tulay. Umakyat ako doon at handa ng tumalon. Kitang-kita ko sa ibaba ang malalim na ilog. Inihakbang ko na ang isa kong paa.

Paalam sa lahat. Nandito na ako papa, susundan kita.

Tatalon na sana ako nang biglang may humigit sa akin at kinarga ako. Tinignan ko siya ng matalim. Sino ba siya? Isa lamang siyang hadlang sa aking plano!

"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko. Nginisian niya ako kaya sobra akong nainis do'n. Sinuntok ko ng sobrang lakas 'yong labi niya.

Nabitawan niya ako. Hawak-hawak niya ang kanyang labi at sobrang gulat siyang tumingin sa akin.

Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi. Humakbang siya papalapit sa akin kaya umatras ako. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Patay! Nacorner niya na ako!

"Para sa isang bata na kagaya mo, ang lakas mong sumuntok."

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong karapatan niya para maliitin ang kakayahan ng isang bata? Sa sobrang inis ko, sinubukan ko siyang suntukin ulit. Pero bigo lamang ako.

Hinaharangan niya ang bawat suntok ko. Hanggang sa nakuha niya ang isa kong kamay at inipit 'yon patalikod.

"Bitawan mo ako! Ano bang kailangan mo sa akin? Lagi mo nalang akong kinukulit!"

Nakakainis na talaga siya. Ang hilig niya akong kulitin. Sabing ayaw ko nga! Kahit kailan napaka-epal ng Mr. M na 'to.

"Bakit ka magpapakamatay?"

Inirapan ko siya. Ano bang pakialam niya?

"Maging isa ka sa agent ko."

Tsk, sabi na nga ba e. Lagi niya nalang 'yang sinasabi. Nakakainis na talaga!

"At bakit naman ako susunod sa'yo?" bwisit na sabi ko. Nginisian na naman niya ako.

"Dahil utang mo ang buhay mo sa akin. Iniligtas kita mula sa kapahamakan. Sa tingin mo ba, nagugustuhan ng papa mo ang ginagawa mo ngayon?"

Hindi ako nagsalita. Sinamaan ko pa din siya ng tingin. Tama kasi siya. Hindi magugustuhan ni papa ang ginagawa ko ngayon. At dahil wala naman na akong kawala, tumango na lamang ako.

"Sige, payag na ako."

"Pero ano ba ang pangalan mo?"

Napaisip ako. Bigla may pumasok sa isip ko kaya 'yon na lamang ang sinabi ko.

"Death Note. 'Yon ang pangalan ko."

End of flashback..

🌹🌹🌹

Mapait akong napangiti. Ang hirap pa din tanggapin na wala na si papa. Pero ang ala-ala niya ay mananatili sa puso ko.

Napagpasyahan kong tulungan 'yong binubugbog nila. May binato akong kunai para makuha ang kanilang atensyon. Tumama iyon sa sumbrero ng lalaki- na sa tingin ko ay pinuno nila.

"Sinong gumawa no'n?!" galit na galit na sabi ng lalaki. Napangisi ako, "Edi ako."

Napatingin siya sa kinaroroonan ko. Bakas sa mukha niya ang takot. Mas lalo akong napangisi.

"D-Death note.."

Lahat sila lumuhod sa'kin at nagbigay pugay. Pero tinadyakan ko lamang sila sa kanilang ulo. Nagdugo agad ang mga iyon.

Takot na takot pa din sila. Binigyan ko sila ng matalim na titig.

"'Wag niyo siyang papatayin."

Tumango-tango na lamang sila. Hindi sila nakapagsalita dahil sa takot. May napaihi pa nga sa salawal. Psh, mga gangster ba talaga ang mga ito?

"Anong pangalan ng gang niyo?" ma-otiridad kong pahayag.

"Dark K-Kings po.."

Binigyan ko sila ng matatalim na mga titig. Mabilis kong binato sa kanila ang apat na shurikens ko. Sapul 'yon sa gitna ng kanilang noo. At bago sila mamatay, pinaunlakan ko sila ng huling salita.

"Walang sino man ang pwedeng gumalaw sa aking pag-aari. Ako lang ang may karapatang patayin siya, at wala na kayo doon."

Napatingin ako kay Red na hinang-hina. Halos magdugo na ang ulo niya, pumutok din ang gilid ng kanyang labi.

Bigla siyang nagdilat ng mata. Habang ako naman, matalim pa din ang titig sa kanya.

"S-Salamat Death Note.."

Hinila ko ang buhok niya pataas at inilapit siya sa mukha ko.

"'Wag kang magpasalamat sa akin. Dahil papatayin din naman kita."

Binagsak ko ang ulo niya at naglakad na paalis. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong lingunin siya.

"Ayusin mo ang sarili mo, Red Delavin. Dahil sa oras na magtagpo ang landas natin, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."

🍁🍁🍁

Nandito ako ngayon sa hide out. Kahit papaano, may silbi rin pala ang Mr. M na iyon. Akala ko puro nalang siya utos.

Sa ngayon, nandito ako ngayon sa couch. Nakaupo lang at wala ng balak pang pumasok. Ano naman kasing gagawin ko kung papasok ako 'di ba? Para namang magkakaroon ako ng top kung mangyayari man iyon.

Kain lang ako ng kain dito sa unit ko. Yeah, may binigay na condo sa akin si Mr. M, regalo niya daw sa akin.

Birthday ko na kasi bukas.

Buti pa talaga siya, naalala ang birthday ko. Si mama, hindi man lang naalala. Tapos sasalubong pa sa akin 'yong balitang i-fixed marrage daw ako.

Ayos lang ha? Nakakainis. Bakit of all people kasi, ako pa? Bakit hindi nalang 'yong Angela na 'yon?

Bwisit na buhay 'to.

Out of the sudden, may nagdoorbell sa may pinto. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Tsk, marami akong ginagawa. Maghuhugas pa nga ako ng plato.

*DING DONG*

Okay, hinahon. 'Wag mo nalang pansinin, Agatha. Titigil din 'yan.

*DING DONG*

Agatha, hinahon lang. Maghugas ka nalang ng plato.

*DING--*

"What's your fuckin' problem?!"

Nainis na ako kaya pinagbuksan ko na lamang siya ng pinto. Pero halos mapanganga ako dahil sa nakita ko.

"Hello, neighbor!"

May inabot siya sa aking lunch box. Inis ko lang na tinitigan iyon at hindi tinanggap.

"Neighbor, hindi mo ba kukunin 'yong food na binigay ko?"

Tinitigan ko siya ng masama.

"What are you doing here?!"

Psh, seriously? He's such an idiot to disturb me!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro