Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39. Shattered Hearts

"We cannot change yesterday and we cannot predict tomorrow. Just like the truth, we cannot predict or change the way we want it used to be."

🌻🌻🌻

Buong tapang kong hinarap ang lahat. Hindi pa din ako masatisfiy sa mga sinabi nila. At ngayon, wala ng makakapigil sa akin.

Gusto ko magkaroon ng DNA test.

At kung si Violet man ang totoo kong nanay, I won't mind it this time. Ang importante, malaman ko ang katotohanan.

"Are you ready?" tanong sa'kin ni Violet. Tumango na lamang ako.

Linggo na ang makalipas simula nang ipinagtapat ko sa kanya na ako ang tunay niyang anak. Buti na lamang at wala si Red sa bahay nila noong mga oras na 'yon, kaya naging mas kalmado ako.

Ewan ko ba, kinakabahan kasi ako na malaman niya na magpinsan nga kaming dalawa. Kahit na karapatan niya naman ito matunghayan, ayaw ko sabihin.

Masasaktan lang kasi ako.

At naduduwag akong tanggapin sa sarili ko na hindi kami pwede. Kasi nga, magpinsan kami. At kung patuloy na magkakaroon kami ng relasyon, isang mabigat na kasalanan 'yon sa Diyos.

Kinuhanan nila ako ng dugo. Same with Violet. Pumutol sila ng ilang strands sa buhok ko. Bale ngayon, malalaman namin ang resulta makalipas ng apat na linggo.

Sumakay kami ni Violet sa kotse. Katabi ko siya na seryosong nagdadrive ngayon.

"Kung anak nga kita, paano ang pamangkin ko?" natanong niya bigla. Napatingin tuloy ako sa kanya.

'Yan ang mga tanong na pilit kong iniiwasan. Somehow, umaasa pa din ako na sana ay hindi si Violet ang tunay kong ina. Na sana ay ibang tao na lang.

"Hindi ko po alam."

Ang bigat sa puso. Hindi ko akalain na hahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon. Kasi kung ako ang tatanungin? Hindi ko hihiwalayan si Red. I will stay beside him no matter what. I'll always be her baby. And I will fight for our love.

Pero paano ko siya ipaglalaban kung sa una palang alam ko nang hindi kami mananalo? Na kahit anong talim ng mga armas ko, dehado pa din ako?

Wala akong laban. Hindi ko magagawang kalabanin ang katotohanan. And it hurts like a hell. I'd rather be comforted with a lie than the truth that will always bring sadness to me.

"Hiwalayan mo siya. Hindi maganda kung ipagpapatuloy niyo pa ang relasyon niyo. Dahil parehas lang kayong masasaktan."

Dahil do'n, sunud-sunod na tumulo ang luha ko. Why is this happening to me? Ako na yata ang may pinakamasaklap na buhay sa mundong 'to. Bakit ba kasi gano'n? Ang hirap naman e!

"Mahirap. Sobrang hirap."

Tinapik ako ni mama sa balikat. Hindi ko naman mapigilan na yumakap sa kanya. Hanggang kailan ba ako luluha? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?

"Pwes, kayanin mo. At alam kong makakayanan mo."

"Hindi ko kaya. Hindi 'yon isang simpleng 1+1 na sasagutin mo lang ng 2. Hindi 'yon madali."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin. Tinitigan niya ako, mata sa mata.

"You'll break up with him. At kung ikaw nga si Hannah, titira ka sa bahay. We'll earn memories that we don't have."

🌸🌸🌸

I was really confused right now. Mabilis na lumipas ang apat na linggo. At ang ibigsabihin lang no'n, malalaman na namin ang resulta.

Hindi naman ako pasmado, pero sobrang basa ng kamay ko. Hindi naman ako naiihi o nadudumi, pero parang gano'n ang pakiramdam ko.

Kinakabahan ako.

Matagal ko ng pinaghandaan ang araw na ito. Akala ko, handa na ako. But still, naaapektuhan ako. At siyempre, natatakot na malaman ang katotohanan.

Lahat ng uri ng dasal ay dinasal ko na. Lahat ng salita ng Diyos, ay kinabisado ko na. At hindi ako magsasawang gawin 'yon hanggang sa mamatay ako.

Ang tanging gusto ko lang, tuparin niya ang hiling ko.

Hinihiling kong sana ay negative ang lumabas sa resulta. Na sana ay nagsisinungaling lang si mama.

Kinuha ni Violet ang envelope na binigay ng babae. Binuksan niya 'yon at binasa. Tinignan ko siya pero wala akong mabasa na ekspresyon sa mga mata niya.

Bigla niya akong niyakap. Ito na ba ang sign? Dito na ba magsisimula ang impyerno kong buhay na hindi ko siya kasama?

"Anak.."

Napaluha na ako. Isa lang ang ibigsabihin no'n. Positive ang lumabas sa resulta. Ako ang nawawalang anak ni Violet.

At pinsan ko si Red.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin na hindi ko man lang nasuklian ang yakap niya. Ipinakita niya sa akin ang resulta. At sobra akong nasasaktan.

Napatakbo na lamang ako palayo sa kanya. I need air, hindi ko na kayang huminga.

Napadpad ako sa isang park. Wala ng tao dito dahil malapit na gumabi. But there's one person na nakita ko sa gitna ng dilim. Nakaupo siya sa bench at nakayuko. Sobrang seryoso din ng mukha niya.

"Kite.."

Nilingon niya ako. Umupo naman ako sa tabi niya. Hindi ko din maiwasang mag-alala sa kalagayan niya ngayon. And I'm concern to him.

This time, I'll be the one to comfort him.

Ilang beses na ba akong umiyak sa kanya? At ilang beses na din ba niya akong cinomfort? Sa tingin ko, kailangan niya ng makakausap.

"Something is bothering you?" tanong ko. Tumingin siya sandali sa'kin, at pagkatapos ay yumuko ulit. Malalim din siyang bumuntong hininga.

"I hurt her feelings, Agatha. Angela is mad at me."

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"I can see it on her eyes. She's sad, Agatha. She explained, and I want to help her. I just want to do something for her because she's always there to comfort me."

Nakahawak na si Kite sa buhok niya. Mukhang frustrate siya dahil napaiyak niya si Angela. Firstime ko siyang makitang ganito. Never ko naman siya nakitang maging frustrate sa mga bagay maliban kay Angela.

"Believe her. Don't ask questions if you already know the answer."

"I can't get your point."

I give him a serious look and sighed. "A human heart doesn't speak, Kite. It feels. You should be feeling. And asking annoying questions to her will pressure her."

"What do you mean?"

"She has fallen. If you cannot catch her heart, then atleast save her pride."

🌹🌹🌹

Malalim akong bumuntong hininga. Sapat na siguro ang tatlong buwan na iniwasan ko siya. Tatlong buwan na sinanay ko ang sarili kong wala siya.

Hipokrita ako kapag sinabi kong hindi ko siya namimiss. I missed him damn much! I missed my baby, my Peter Pan.

I thought na kakayanin ko naman siguro ang lahat. Truth hurts, but we must accept it. But I can't deny the fact na nasasaktan ako.

Sino ba namang hindi masasaktan kapag nalaman mong pinsan mo pala ang taong mahal mo?

Kinuha ko ang Iphone ko. At nakakalungkot lang kasi wala man lang akong natanggap na text messages mula sa kanya. Para akong baliw 'no? Paano ba naman, nagpalit ako ng sim card tapos aasahan kong magtetext siya? I'm so crazy.

Mabigat sa loob kong binuksan ang inbox at nagcompose ng message sa kanya.

~~~~~
To: +639987654321

Let's meet at the garden. Now.

~~~~~

I sighed. Kaunting oras na lamang, wala na kami. Wala na kaming relasyon na dalawa. At ang saklap lang kasi malapit na kaming magsix months kung hindi ako makikipaghiwalay sa kanya.

April 22, 2017.

'Yan ang araw na hindi ko makakalimutan. Ang araw na lagi kong iiyakan. Ang araw na masasaktan ko ang damdamin niya.

Naglalakad na ako papalapit sa kanya. Nakaupo lang siya sa bench at nang maramdaman niyang nandito na ako, lumapit agad siya sa'kin.

Nginitian niya ako. Napapikit naman ako para pigilan ang luha ko. Mamimiss ko ang mga ngiti niyang 'yan.

Hindi ko siya nginitian. Sinuklian ko lamang 'yon ng malalamig na tingin. At ngayon ko lang napatunayan na napakagaling kong artista. I am a great pretender.

Binigay ko sa kanya ang papel kung saan nakalagay ang DNA results. Kita ko namang nagkunot ang noo niya.

"Why are you giving me this?"

Seryoso akong tumingin sa kanya. Hindi ako iiyak, pinapangako ko 'yan sa sarili ko.

"DNA results 'yan. Nagmatch ang dugo namin ni Violet."

Napaawang ang bibig niya. Expected ko naman 'yon na magugulat siya.

"I can't understand-"

"Magbreak na tayo."

Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi ko. Pero kailangan kong pigilan. Hindi magawang makapagsalita ni Red. Tumulo na din ang luha mula sa mata niya.

Naiyak na si Red. He's making it hard for me. Nahihirapan na ako.

"You must be kidding-"

"I'm not joking Red. I'm damn serious here, let's break."

I gave him the coldest stare. Akmang tutulo na ang luha mula sa mata ko, kaya mas pinili kong tumalikod sa kanya. Aalis na ako. Lalayo na ako sa kanya.

"Baby.. don't leave me."

Para siyang bata na nakayakap sa'kin. Sobrang lambing ng boses niya. Naririnig ko na din ang paghikbi niya.

"Bitawan mo'ko Red. Ayaw ko na!"

"No, baby. You can't do this to me! Nangako ka, we promise to each other that we'll fight for our love.."

"Kalimutan mo na 'yon! It's just a fuckin' promise! And promises are meant to be broken!"

"Why are you doing these to me? Please, stay baby. I can't afford l-losing you. You're my world, you're my universe, you're my everything.."

Pakiramdam ko, nawawasak ang puso ko. My heart shattered into pieces. Nanghihina ako dahil sa mga sinasabi niya.

"Makakalimutan mo din ako. Magmahal ka nalang ng iba. Do'n ka kay Margarette. Naging kayo naman dati di'ba?"

"The fuck, Agatha! Bakit ka ba ganyan? Ikaw ang mahal ko! Gano'n ba kahirap intindihin 'yon?!" sigaw niya.

"At gano'n din ba kahirap na intindihin na hindi na kita mahal? We're cousins for pete's sake!"

Biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Matalim niya akong tinignan. At kung patuloy niyang gagawin 'yon, gusto kong bawiin ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya.

"H-hindi mo na ako mahal?"

Napayuko ako. Ayaw kong tumingin sa mukha niya. Napapikit ako at binigyan siya ng malamig na tingin.

"Yes. I don't love you anymore. You're just fooling yourself."

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Tignan mo ako, Agatha. Mata sa mata."

Sinunod ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa kanya. Kahit masakit kasi nakikita ko siyang nahihirapan, pinilit ko pa din na magpakatatag.

"Ngayon, sabihin mo sa'kin na hindi mo na ako mahal."

Huminga ako ng malalim. Matalim ko siyang tinignan. "Hindi na kita mahal, Red. Please set me free."

Sorry Red kung nasaktan kita. Sorry kung hindi ako malakas para ipaglaban kita. Talo na tayo, Red. Dehado tayo kasi magpinsan tayo.

Siguro pinagtagpo lang tayo. Pero kahit kailan, hindi tayo ang nakatadhana.

"Congrats, you're free."

Iniwan niya akong tulala sa mga pangyayari. Bawat paghakbang niya palayo sa'kin, pakiramdam ko hindi ko na siya kailanman na makikita. Na mawawala na siya sa'kin.

I love you and goodbye, Red. My baby, my Peter Pan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro