Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36. Lola Maria

"Sometimes you cannot believe what you see. You have to believe what you feel."

🌻🌻🌻

Halos hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Pakiramdam ko isang biro lang ang lahat. Totoo ba talaga 'to? Maglola si Red at si Maria?

Or should I say, lola Maria?

Sa ngayon, nasa kotse kami ni Jose. Balak kasi nila na pumunta sa bahay ni Red. Gusto daw makita ni lola ang kanyang anak na si Via Lethia Delavin.

In short, si Violet.

"Ang tagal kitang hinanap, apo. Kayo ng mga anak ko!" natutuwang sambit ni lola.

"Ako din po, lola."

Marami pa silang napagkwentuhan. Habang ako? Hindi ko magawang makapagsalita kasi shock pa din ako hanggang ngayon.

Kusang nagbukas ang gate nang pumasok ang kotse. Hindi ko namalayan na nandito na kami sa bahay ni Red.

Bigla ko tuloy naalala 'yong sagutan namin ng tita niya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Red sa'kin.

"Don't worry about me, baby."

"Are you nervous?"

Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya. He knows me a lot.

"Trust me, baby. I can handle my emotions. Pero 'wag lang talaga sasagarin ni Violet ang pasensiya ko."

Napangiti na lang nang wala sa oras si Red. Nakaakbay siya sa'kin ngayon at nakahawak pa sa may bewang ko.

Ayaw niya talaga akong pakawalan ha?

"Sino sila Red? Bakit may mga basura sa pamamahay ko?" mataray na pahayag ni Violet habang nakatingin sa'kin. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay.

"At sino ang matandang babaeng 'to? Paano siya nakapasok sa bahay ko?"

Napapoker face na lamang ako sa inasal ni Violet. Grabe, ang taray niya. Mukha naman na siyang matanda, pero kung umasta akala mo laging may regla.

Nagulat kaming lahat ng niyakap ni lola si Violet. Bakas naman sa mukha ng bruhildang si barney na naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Anak ko, Via!" tugon ni lola habang naiiyak pa. Sa sandaling 'yon parang natunaw ang puso ko.

"Ina?" hindi makapaniwalang pahayag ni Violet. Mas lalong humigpit ang pagyayakapan nilang dalawa.

"Oo ako nga 'to, Via!"

Kumalas sila sa pagyayakapan. Pinunasan ni lola ang luha na nanggaling sa mata ni Violet.

"Ina, sobrang namiss kita."

Napangiti na lamang ako nang hindi namamalayan. Who would have thought na ang masungit na tita ni Red na si Violet ay umiiyak ngayon?

"Ako din, anak. Hindi ko akalain na magkikita pa tayo. Pangako, hindi na tayo magkakahiwalay pa."

Nagyakap ulit sila sa pangalawang pagkakataon. Napabuntong hininga na lamang ako. Ano kaya ang pakiramdam na may nanay?

At some point, hindi ko maiwasang mainggit.

🌸🌸🌸

Kakatapos lang namin kumain ng pananghalian at heto ako ngayon, nakaupo sa isang bench. Nasa garden kasi ako ngayon at sa kasalukuyang lumalanghap ng sariwang hangin.

Mag-isa lang ako dito ngayon. Pakiramdam ko kasi, out of place ako sa kanila. Paano ba naman, mukha silang nagba-bonding. At nakakainggit kasi ang saya ng pamilya nila.

Gusto ko din ng masayang pamilya. Kahit minsan, hindi ko naranasan 'yon. Hindi ko nga alam kung sino ang nanay ko.

Maganda kaya ang nanay ko? Mabait din kaya siya? Masarap ba siya magluto? Maputi kaya siya? Matangkad? Matalino?

Hinahanap niya kaya ako?

All my life, ang gusto ko lang naman ay maranasan ang pagmamahal ng isang ina. Ang saklap nga lang ng katotohanan dahil kahit kailan, hindi ko na yata mararanasan ang mga bagay na 'yon.

"Bakit ka nandito hija?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si lola Maria. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako sa kanya. Tinabihan niya pa nga ako sa kinauupuan ko.

"Nagpapahangin lang po."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, nabalot na kami ng katahimikan. Hindi ko naman magawang magsalita kasi napapangunahan ako ng hiya.

"Ito na yata marahil ang pinakamasayang araw sa buhay ko."

Napatingin ako kay lola. Bakas sa mukha niya ang tuwa.

"Bakit naman po?" magalang na tanong ko.

"Dahil bago kuhain ng Diyos ang buhay ko, nakita ko ang mga anak ko."

Napatango na lamang ako. Nanatili akong tahimik dahil mukhang nagkukwento siya sa'kin.

"Naalala ko pa noon, sinalanta kami ng bagyong Rosing. Dahil do'n, nagkahiwa-hiwalay na kami ng mga anak kong si Via at Reynato. Ang asawa ko naman na si Helbert Delavin, kasamang namatay dahil sa bagyong 'yon."

Kaya pala gano'n na lamang siya kasaya nang mahanap niya ang anak niya. Ewan ko, pero bigla tuloy ako nagkaroon ng pag-asa na makikita ko pa ang tunay kong ina.

Kung si lola nga, nahanap ang mga anak niya. Ako pa kaya, di'ba?

"Ako man din ay nag-aalala sa mga apo ko. Kaya nga laking tuwa ko dahil nakita ko si Red. Nakakahinayang nga lamang dahil patay na pala ang anak kong si Reynato."

Nanlaki naman ang mga mga mata ko. Patay na pala ang papa ni Red? Kung gano'n, siguro ang lungkot ng pakiramdam na 'yon. Pero maswerte pa din siya dahil may ate siya na nagmamahal sa kanya at tita niyang nag-aalaga sa kanya.

"Pero labis lang akong nagtataka. Sa pagkakatanda ko, tatlo ang aking apo. Si Red, Pink at si Hannah."

"Sino po si Hannah?"

"Siya ang apo ko kay Via," diretsong sagot ni lola.

Shemay, may anak pala si Violet? Kung gano'n, nasaan na ang anak niya?

"Ang sabi ni Red sa'kin, baka daw patay na si Hannah. Dahil simula nang magkaroon ng bagyo, hindi na muling natagpuan ang bata."

Nakakalungkot pala ang nangyari kay Violet. Sigurado akong nangungulila siya sa kanyang anak. Ikaw ba naman hindi na matagpuan ang anak mo e? At wala ka man lang impormasyon tungkol sa anak mo?

Sobrang hirap no'n.

"'Wag po kayong mag-alala, lola. Kung nasaan man si Hannah ngayon, nasa ligtas po siyang lugar. Kasama ng ating Panginoon."

Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Hindi ko naman alam kung anong ikikilos ko. Ang weird ni lola ha.

"Ang ganda mo hija. Bagay kayo ng apo kong si Red. Na sa'yo ang boto ko," nakangiti niyang wika.

Ngunit nabigla naman ako nang tanggalin niya ang kamay niya sa aking pisngi. Nakahawak na ito ngayon sa kanyang dibdib na animo'y nahihirapang huminga.

"T-tulungan mo ako, hija.."

Nataranta naman ako. Anong nangyayari kay lola? Shemay, naiiyak na ako dito.

"Tulungan niyo kami! Tulong!" sigaw ko. Nakuha ko naman ang kanilang atensyon kaya tumakbo sila sa kinaroonan namin.

Pinunasan ko ang luha mula sa aking mata. Panginoon, sana wala pong mangyaring masama sa kanya.

"Anong nangyayari kay lola?!"

"Ina, gumising ka!"

Kinuha ni Red mula sa kamay ko si lola. Binuhat niya ito at bakas sa mata niya ang pag-aalala. Ako man din ay nag-aalala para sa kanya.

"Kailangan nating madala si Maria ngayon na! May Congestive Heart Failure siya, baka nakasama sa puso niya ang nangyayari ngayon!" natatarantang pahayag ni Jose.

Agad naman kaming tumakbo at pumunta sa kotse para makanap ng pinakamalapit na ospital.

🌹🌹🌹

"Kamusta siya doc?" naiiyak na pahayag ni Violet.

Sa awa ng diyos, nadala namin si lola sa ospital. Agad naman siyang inasikaso ng mga nurse. Pero hindi maalis ang pangamba namin.

Hindi sumagot ang doktor. Nakatungo lamang ito kaya tuluyan nang napahagulgol si Violet ng iyak.

"Sumagot ka! Buhay pa si ina. Nangako siya sa akin na hindi kami magkakahiwalay!"

Tuluyan nang nagwala si Violet sa ospital. Napaupo na din siya at pinagsusuntok ang pader. Sinasabunutan niya na din ang kanyang sarili.

Hindi ko tuloy mapigilang maluha sa mga nangyayari.

"Sorry, Ms. Delavin. But she didn't survive. Hindi na kinaya ng puso niya. Marahil ang dahilan ni'to ay ang labis na emosyon kaya nakaapekto ito sa pagtibok ng kanyang puso."

Napalunok na lamang ako pagkatapos sabihin 'yon ng doktor. Ang bigat lang sa pakiramdam dahil humantong siya sa gano'ng kalagayan.

Halos lahat kami walang imik. Sobrang tahimik namin. Si Red, nakatulala lang sa may upuan. Si Jose naman, nakatayo lang. At si Violet, hindi pa din makapaniwala sa mga pangyayari.

Habang ako naman, nagsimula nang lumuha. Kaunting oras pa lamang nang makasama ko siya, pero pakiramdam ko ay sobrang malapit siya sa aking puso.

Ang bigat sa dibdib. Hindi ko matanggap na nawala na siya ng gano'n na lamang. Para kasing ang bilis. Parang kailan lang, nag-usap pa kami kanina. Tapos ngayon, wala na siya.

Wala na si Lola Maria.

At nakakalungkot lang dahil hindi man lang siya nagkaroon ng mas mahaba pang oras para makasama ang kanyang pamilya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro