Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

34. Death Threat

"Always remember, It has to be dark for the stars to appear."

🌻🌻🌻

Hindi ko magawang matulog. Sa t'wing pipikit ako, lagi kong naiisip ang mga sinabi ni Red tungkol kay Margarette.

Ang sakit pala.

No'ng mga oras na 'yon, hindi ko mapigilang lumuha. Pakiramdam ko, napupunit ang puso ko dahil do'n.

Ayaw ko namang sabihin sa kanya kasi baka isipin no'n na sobrang drama ko.

Ewan ko, pero sobrang big deal sa akin no'n. Feeling ko kasi, kinukumpara niya ako kay Margarette. Lalo na 'yong labi niya na wagas kung makangiti habang kinukwento na ang Lukaret na 'yon ang dahilan kung bakit siya kumakain ng mangga at balot.

Siya naman kasi ang nauna. To make it specific, I'm just his option.

Napatingin ako sa Iphone ko na puro missed calls at texts mula sa kanya. Hindi ko 'yon sinagot o nireply'an man lang.

Naduduwag kasi ako. And I hate myself for being afraid when it comes to him.

Pinunasan ko ang luha mula sa aking mata. Nagulat ako kasi biglang pumasok si Kite sa kwarto ko na may bitbit na gatas.

Binigay niya ito sa'kin at tinanggap ko naman. Sa ngayon, katabi ko siya. One word to describe the situation? Awkward.

"Bakit ka umiiyak?" seryoso niyang tanong sa'kin. Napalunok naman ako kasi 'di ako sanay na ganyan siya.

"Wala! Hahaha, nagpapractice lang ako mag-artista. Ano, pwede na ba ako Kite?"

Mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Parang may nakapaligid na cold aura sa kanya kaya napayuko nalang ako.

"I'm damn serious, Heaven Agatha."

Dahil do'n, sunud-sunod na pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napayakap na din ako sa kanya dala ng emosyon.

"Bakit gano'n Kite? Bakit pakiramdam ko hindi pa din siya nakakamove on kay Margarette?"

Ngayon ko lang narealize lahat. Matagal ko na 'tong kinikimkim sa sarili ko, pero kahit anong pigil ko gustong kumawala ng sakit.

Maraming beses ko ng napapansin. Madalas niyang maalala si Margarette. Kapag may tinatanong ako sa kanya, hindi mawawala ang Lukaret na 'yon sa usapan.

Hindi naman kasi ako tanga. Tao lang din ako, nasasaktan.

Marami tuloy doubts sa isip ko. Ang daming tanong na bumabagabag sa'kin. Mahal ba talaga niya ako? O nakikita niya lang si Margarette sa akin?

O baka rebound lang ako?

Pinatahan ako ni Kite. Wala siyang sinabi pero okay na sa'kin 'yong nandito siya. At nang makarecover ako sa nararamdaman ko, kumalas na ako ng pagkakayakap sa kanya.

"Kite, may tanong ako."

Hindi siya sumagot. Pero base sa mukha niya, hinihintay niya ako na sabihin ang tanong ko sa kanya.

"Kwentuhan mo naman ako ng lovestory ni Red at Margarette."

Matalim akong tinignan ni Kite. Ngumisi siya at umiling.

"Baliw ka na ba talaga, Agatha? Gusto mo talagang nasasaktan ka e 'no? Ayaw ko, bahala ka dyan." inis na sabi niya sa'kin. Napatawa na lamang ako dahil sa ginawa niya.

"Ba't ba ayaw mo sabihin sa'kin?"

"Kasi nga masasaktan ka lang!"

"Sa tingin mo ba, hindi ako nasasaktan ngayon?"

Natigilan siya bigla nang sabihin ko 'yon. Ako naman ay tumahimik din. Narinig ko naman siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Kaming tatlo ni Red at Margarette, we are the best of friends. Sa aming tatlo, silang dalawa ang pinakaclose. Kaya hindi na din ako magtataka kung magustuhan nila ang isa't isa."

Walang-wala pala ang pinagsamahan namin ni Red kung ipagkukumpara sa kanila ni Margarette. Ngayon ko lang nalaman na bestfriends pala sila.

"They are the picture perfect couple. 'Yong tipong kikiligin ang lahat kapag magkasama sila. Meron din silang fansclub."

Napayuko na lamang ako habang nagkukwento siya. Lahat ng tao, sinusuportahan sila. Kaya pala no'ng naging kami ni Red, madaming nagalit sa'kin.

"Si Margarette ang kasama ni Red sa panahon na namatay ang nanay niya. Margaarette is his first everything. Alam ko lahat ng 'yan kasi close kami dati ni Red."

Margarette is his first everything. Samantalang ako, pangalawa lang. Anong laban ng pangalawang kagaya ko sa pang-unang kagaya niya?

"But one day, nagulat ang lahat dahil sa break up nilang dalawa. Ang alam ko, umalis si Margarette at pumuntang New York para ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Dahil do'n, naging gangster si Red. Naging cold siyang tao."

With that, tumulo na ang luha ko. Hindi ko man alam ang tunay na dahilan kung bakit sila nagbreak, I think they both deserve the second chance.

Ang sakit lang isipin na pagdating sa pagmamahal ng magulang, pumapangalawa lang ako. Pati ba naman sa puso ni Red, gano'n din? Pangalawa lang? Isang option lang?

"Agatha, mahirap magmahal ng isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Always remember that."

🌸🌸🌸

Nagising ako na may namamagang mata. Dala siguro ito ng pag-iyak ko kagabi. Nag-ayos agad ako ng aking sarili. At pagkatapos, umalis na ako ng bahay at nagtungo sa park para sa meeting place namin.

Nakita kong nag-aabang si Red sa'kin. Nang magtagpo ang mga mata namin, kumaway siya sa'kin. Nginitian ko naman siya na ngayon ay tumatakbo na papalapit sa'kin.

At ang sumunod na nangyari? Niyakap niya ako ng mahigpit.

"You make me worried, baby. Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo."

Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Sa tingin ko, may hindi magandang nangyayari sa amin. And I hate my instinct kasi madalas nagkakatotoo kapag mas lalo ko 'tong iniisip.

Kumalas siya sa pagkakayap. Tinignan niya ako ng seryoso kaya bumiis ang tibok ng puso ko.

"You are something, Heaven Agatha. You're a jigsaw puzzle. Bukod sa arrange marrage niyo ni Kite, ano pa'ng hindi mo sinasabi sa'kin?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol sa'min ni Kite?

"Sinundan kita no'ng pauwi ka na. Nagtaka lang ako kasi sabi mo, sa apartment ka nakatira. But I've found out, sa mansion pala. Curiousity kills me kaya naghire ako ng investigator."

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sinabi niya. I have reasons, and I think it's valid kaya nagawa kong itago 'yon sa kanya.

"I'm not stupid, Agatha. Alam kong nasasaktan kita kapag sinasabi ko ang tungkol kay Margarette. But damn! I'm just doing those things kasi akala ko, sasabihin mo 'yong tungkol kay Kite!"

"I'm sorry, Red. Nagawa ko lang namang itago 'yon kasi kaya ko pa namang i-handle ang lahat."

"I am your boyfriend, Heaven Agatha. And all things about you is my responsibility."

Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi dahil do'n. Ito ang unang beses na nag-away kami.

"May natanggap akong death threat. Natatakot ako kasi ang dami mong sikreto. Natatakot ako baka paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Takot na takot ako pagdating sa'yo, Heaven Agatha."

Sobrang seryoso ng mukha niya. At mas lalo itong sumeryoso nang inabot niya sa'kin ang cellphone niya. Tinignan ko siya sandali at pagkatapos, binasa ko ang nakalagay sa text message.

~~
From: +631234567890

What would be your reaction if I stab her to death? Be aware, Red Delavin. This was just a discern of something inferior than hell.

~~~

Walang lumabas na salita galing sa bibig ko. Isa lang ang alam ko ngayon, kinakabahan ako. Sino naman kaya ang taong may gustong manakit sa akin? And worst, kay Red?

"Kanino galing 'to?"

"Hindi ko alam. Pero kung ano man ang pinaplano niya, hindi ko hahayaang mangyari 'yon."

"Red, natatakot ako.."

Hinawakan niya ang pisngi ko. May binulong siya sa'kin na siyang nagpabalis ng tibok ng puso ko.

"There's no reason to be afraid of. As long as I'm breathing, I will protect you. Kahit buhay ko pa ang nakataya, isasakripisyo ko maprotektahan ka lang."

"You don't have to protect me. Kasama mo ako, Red. We will fight. At mamamatay akong kasama ka."

🌹🌹🌹

Ang gaan lang sa pakiramdam na wala kang tinatago pagdating sa mahal mo. At ang saya lang kasi ayos na ulit kami ni Red.

Ilang oras din ang ginugol namin bago kami nakarating sa dating building ng Campbridge. Ang creepy lang ng itsura ni'to kasi bago kami makapunta sa loob, sumalubong sa'min ang mataas na gate na sa tingin ko ay kinakalawang na.

"Kaya mo bang umakyat?" nag-aalalang tanong niya. Nginisian ko naman siya.

"I'm Death Note, Red. Lahat kaya kong gawin except one."

"Ano naman 'yon?" tanong niya.

"Except na hindi ka mahalin."

Namula naman ang tainga niya dahil sa ginawa ko. Kinikilig ang baby ko, hahaha!

"Tara na nga. Pinapakilig mo na naman ako."

Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi niya. Then, sabay naming inakyat ang mataas na gate.

"Hawakan mo ang kamay ko. 'Wag kang bibitaw ha?"

Tumango naman ako sa sinabi niya. At nang makahanap kami ng tamang tyempo, sabay kaming tumalon pababa.

Perks of having a gangster boyfriend.

"That was fun!" nakangiting sabi ko.

"And cool!" dagdag pa niya.

Napatingin kami sa isa't isa at sabay na tumawa. Para kaming baliw habang nag-uunahan papasok sa loob ng dating building ng Campbrige.

Las Palacios Kwarter, here we come.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro