31. The Book
"Always remember, It has to be dark for the stars to appear."
🌻🌻🌻
Pagkakuha namin ng libro sa library para sa book report, bumalik na ulit kami sa room. Grabe nga e! Ang ganda ng mga nakuha nilang libro. Napatingin naman ako sa hawak ko.
Hindi ko alam, pero may something talaga dito.
Wala pa naman si Ms. Fugita, kaya napagdesisyunan kong buklatin ang libro. Nakita ko kung sino ang may-ari ng aklat na 'to.
Corazon Almaro.
Grabe! Bakit naman ganito ang pangalan niya? Ang weird ha. Idagdag mo pa na medyo yellow na din ang pages. Binasa ko ang unang pahina.
~~~~
Agosto 17, 1950
Sinag ng araw ay nakakapaso
Sa isang munting hardin, mag-isa lang ako.
Dinadamdam ang hangin dito
Kahit pakiramdam ko ay may multo.
Ako'y naiinis kay ina at ama
Bakit sila gano'n? Napakamakasarili nila.
Ayaw ko ng mabuhay pa sa ganitong mundo.
Kung hindi naman kami magkakasama ng pinakamamahal kong si Edgardo.
~~~~~
Napanganga na lamang ako habang binabasa ko ito. What the? Isang diary pala ang nakuha ko. At sa tingin ko, meron siyang minamahal na Edgardo ang pangalan.
"Hoy! Ang seryoso mo naman dyan," pangungulit ni Red sa'kin. Pero nakuha ng atensyon ko ang libro na hawak niya.
Kagaya din ng sa'kin. Mukhang niluma din ng panahon.
"Saan mo nakuha 'yan baby?" tanong ko sa kanya. Ewan ko pero hindi pa din ako sanay sa pagtawag ng ganyan sa kanya.
"Sa library. Nakakapagtaka nga at hindi daw sa kanila ang librong 'to. Bakit mo natanong?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. So, parehas pala kami? Goosebumps.
"Patingin nga ng sa'yo."
Kinuha ko mula sa kamay niya 'yong libro. Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi pagkatapos kong mabasa kung sino ang may-ari ng aklat na hawak ko ngayon.
Edgardo San Ruiz.
Binasa ko ang unang pahina sa kwento. Wala lang, medyo interesting kasi.
~~~~~
Agosto 17, 1959
Bakit ba ako pinanganak na mahirap?
Nakakainis lamang dahil batayan ng tao ngayon ay ang may mataas na kalidad sa buhay.
Bakit ayaw sa akin ng magulang ni Cora?
May pangarap naman akong maipagmalalaking talaga.
Si Corazon ang aking buhay
Kung wala siya, ako'y malulumbay.
Sino na ang gagawa sa'kin ng kalamay?
Kung siya'y ilalayo, at kami'y ipaghihiwalay.
~~~~~
Hindi ako makapaniwala dahil sa nabasa ko. Isa lang ang ibigsabihin ni'to. Nakuha ko ang diary ni Corazon, samantalang ang kay Red naman ay kay Edgardo.
"Bakit nasa inyo ang libro na 'yan?!"
Halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil sa pagsigaw ni Ms. Fugita.
Parang baliw kasi, kailangan talagang sumigaw?
"Bakit? Ano ba'ng meron dito?" tanong ko.
"Itapon niyo ang librong 'yan! May sumpa 'yan!" kinakabahan na sabi ni Ms. Fugita at inagaw mula sa kamay ko ang libro. Pero papatalo ba ako? Siyempre nakipaghilahan ako sa kanya at ang resulta ay natumba siya.
"May alam ka ba sa librong 'to, Ms. Fugita? E 'yong kay Red, kukunin niyo din po ba?"
Pinakita ni Red 'yong libro na hawak niya. Mas lalong nanlaki ang mata ni Ms. Fugita.
Totoo sa kanya? Ang oa ng sinasabi niyang sumpa ha.
"Bitawan mo 'yan Red! May sumpa ang librong 'yan!"
Nagkagulo sa buong classroom. Natataranta na ako sa mga pangyayari pero isa lang ang nasa isip ko, at 'yon ay ang protektahan ito mula kay Ms. Fugita.
Tumayo at sumigaw ako ng sobrang lakas para tumahimik ang lahat. Ang ingay at ang gulo kasi. Mukhang effective naman ginawa ko. Hindi na sila nagsalita e.
"Ms. Fugita, magkita-kita tayo nila Red sa office mo. Do'n nalang tayo mag-usap tungkol sa libro."
🌸🌸🌸
Mabilis na lumipas ang oras. Muntik na nga akong hindi makapunta sa office ni Ms. Fugita dahil kay Haley. Hays, napaka-tsismosa talaga ng bestfriend ko na 'yon.
Nandito na kami ngayon ni Red sa office niya. Wala pa siya kaya minabuti muna naming maghintay.
"Ayos ka lang? 'Di ka ba nagugutom?"
Umiling nalang ako sa kanya. Kinilig naman ang love cells ko sa pagiging concern ni baby ko.
"Baby, I love you."
Hinawakan niya 'yong kamay ko at hinigpitan ito. Napatingin naman ako sa kanya at kiniss siya sa cheek.
"I love you more, baby boy."
Marami pa kaming napagkuwentuhang dalawa habang naghihintay. Napag-usapan din naming dalawa 'yong tungkol sa libro.
Okay, speaking of libro ay nandito na din sa wakas si Ms. Fugita. Umupo ito sa swivel chair niya at pagkatapos ay matalim kaming tinignan.
"Sunugin niyo ang mga libro. Kapag nakita 'yan ng may-ari ng Campbridge, siguradong magkakaroon ng delubyo sa paaralan."
Napataas na lamang ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Anong delubyo? Isa lang naman itong libro.
May alam ba si Ms. Fugita na hindi namin alam?
"Hindi namin 'yon gagawin. Kung anumang sinasabi niyong sumpa, papatunayan namin ni Red na mali ang iniisip niyo sa librong 'to."
Hindi ko alam pero may something talaga sa librong hawak ko. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba. Papatunayan kong mali sila.
"Kakalap po kami ng mga impormasyon, Ms. Fujin. Tutal book report naman ang napili niyong project para sa'min, kami na ni Agatha ang bahala," magalang na sabi ni Red.
Napangiti naman ako sa ginawa niya. Kahit papaano, may kakampi pa din pala ako.
"Kung 'yan ang gusto niyo, bahala kayo. Basta ang sa'kin lang, 'wag madamay ang reputasyon ko dito sa Campbridge. Lalo na't kilala ko silang dalawa."
Wait. Hindi ako mali ng pagkakarinig di'ba? Kilala ni Ms. Fugita sina Corazon at Edgardo?
"Kilala niyo po sila?" tanong ni Red. Tumango naman si tanda.
"Saksi ako sa pag-iibigan nila, at ako lamang ang nakakaalam ng lihim ni Cora at Edgar. May golden rule kasi dati ang Campbridge. At 'yon ay ang bawal magkaroon ng relasyon ang mga illustrado sa mga alipin."
Shemay, naiimagine ko palang ay napakatanda na pala ng paaralang Campbridge. At anong golden rule? Ang oa ha.
"Anong illustrado?" interesado kong tanong. Aba, informations din ito para sa book report 'no.
"Ang illustrado ang itinuturing na mahaharlika noong unang panahon. At isa lang naman si Cora sa mga pinakamayayamang estudyante noon."
"Si Edgardo naman, kabilang siya sa mga alipin. Mahirap ang kanilang pamilya, pero dahil matalino siya. Nakapasok siya sa Campbridge."
Seryoso akong nakikinig sa kanya. Hindi ko lubos akalain na may ganito palang pangyayari noon sa aming paaralan.
"Bawal ang kanilang pag-iibigan. Pero tinuloy pa din nila, kahit palihim. Isa ako sa mga taong alam ang sikreto nila. Ngunit umusbong ang katotohanan nang magbunga ang relasyon nila."
Shemay! So, may anak pala si Cora at Edgar? Mala-teleserye ang lovestory nila ha. Sana maging gano'n din kami ni Red.
"Nagtago silang dalawa at hindi na muling nakita pa. Wala akong balita kung buhay pa ba sila o kung nabuhay ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan."
"Bakit po niyo sinasabing may sumpa ang libro? E maganda naman ang kuwento ni Cora at Edgar," sambit ni Red.
Oo nga 'no? Hindi ko naisip 'yon. Sabagay, wala nga pala akong utak dahil ang hina ng brain ko.
"Ang may-ari ng Campbrige na si Madam Theresa, nainlove siya kay Edgar. Nadurog ang puso niya nang malaman na si Cora ang mahal ni'to. Nagrebelde siya. Dahil do'n, muntik ng magsara ang Campbridge."
"Pakiramdam niya, isang malaking sumpa sina Edgar at Cora sa kanyang buhay. Pinatapon niya ang lahat ng bagay na konektado sa magkasintahan. Kaya nga laking pagtataka ko nang makuha niyo ang diary nila."
"May sumpa ang libro na 'yan Agatha at Red. Baka maging kagaya din kayo ni Edgar at Cora."
Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya. Pero isa lang ang pumasok sa utak ko, at 'yon ang sinasabi niya tungkol sa sumpa. Na baka matulad kami kay Cora at Edgar.
"Anong ibig mong sabihin?" naiinis na sambit ni Red at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Isa ako sa fan ng loveteam niyo. Ayaw kong maging bawal ang pag-iibigan ninyong dalawa. Pero kung ipagpapatuloy niyo iyan, naniniwala akong gagawin lahat ng propesiya para 'di kayo magkatuluyan."
At some point, bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pero kaba lang ito. Hindi ko hahayaang matalo ako ng kaba ko.
Kaya ko 'to. Kakayanin namin 'to ni Red.
"Hindi isang libro ang maghihiwalay sa'min, Ms. Fugita. Tandaan mo 'yan."
Hinila ko na si Red at umalis sa lugar na 'yon. Hindi ko na din makayanan ang mga weird na pangyayari sa buhay ko.
But there's one thing I want to do.
Ipagpapatuloy ko ang pangangalap ng impormasyon sa librong 'yon. Aalamin ko ang nangyari kay Cora at Edgar.
And I'll make sure that there's no curse. Because curse is just a bullshit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro