Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30. Officially Yours

"Stop thinking in terms of limitations and start thinking in terms of possibilities."

🌻🌻🌻

Hindi ko magawang makatulog dahil patuloy pa din akong binabagabag ng isip ko. Napatingin ako kay Margarette na seryosong natutulog sa tabi ko. Napatawa na lamang ako dahil sa itsura niya.

Boom! Nganga pa Margarette.

At dahil ang ganda ng pose niya, kinuha ko ang cellphone ko at pinictur'an siya.

Hahaha! May pamblack mail na din ako sa'yo, sa wakas.

Nang masatisfy ako kakatawa, lumabas nalang ako sa tent para magpahangin. Halos lahat ng tao ay natutulog na, samantalang ako ay gising pa din hanggang ngayon.

Makapagala na nga lang.

Madilim ang buong paligid at sobrang mahangin habang naglalakad ako. Buti na lang at naka-jacket ako ngayon.

Kakalakad ko, may nakita akong isang lake. Napanganga na lamang ako dahil sa ganda ng lugar. Maraming mga bulaklak ang nagsilitawan. May kulay violet, pink at yellow. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang lake na napakalinis. Sobrang kintab ni'to at parang may nakahalong dyamante sa lake.

This place is a paradise.

"Do you like it?"

Napalingon ako sa nagsalita. And I've found out na si Red 'yon. Nasa likod ko siya ngayon. Nagulat pa nga ako ng bigla niya akong yakapin.

Binaback-hug niya ako ngayon.

"Yes, I like it. Ikaw ba ang may pakana ni'to?"

Nilagay niya 'yong ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko na din 'yong hininga niya.

"Yes."

Narinig kong bumuntong hininga siya. Naramdaman ko din ang mahigpit niyang yakap.

Noong mga oras na 'yon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Alam mo bang nagselos ako no'ng kasama mo si Kite? Parang gusto ko na talaga siyang patayin no'ng mga oras na kasama mo siya imbes na ako."

Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya. Sobrang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa lake.

"Sorry."

Napayuko ako. Ewan ko kung bakit ako nagsorry. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan e.

"Don't say sorry, wala ka namang kasalanan."

"Edi si destiny nalang ang may kasalanan."

"Yes, siya talaga ang dapat sisihin sa mga nangyayari. Kasi dahil sa kanya, nakilala kita Agatha."

Kumalas siya sa pagkakayakap. Humarap ako sa kanya at nagkatagpo ang aming mga mata.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa balikat niya. Samantalang siya naman ay nakahawak sa bewang ko.

"If you're not the one then why does my soul feel glad today?"

Nanlaki ang mata ko. Nakanta si Red! Halos tumayo ang balahibo ko dahil sa ganda ng boses niya.

"If you're not the one then why does my hand fit yours this way?"

Sinayaw niya ako habang kumakanta siya. Napapikit na lamang ako dahil sa ganda ng boses niya.

"If you are not mine then why does your heart return my call."

Sobrang tahimik ng paligid. Tanging boses niya lang ang naririnig ko. No'ng mga oras na 'yon, hindi ko mapigilang ngumiti.

"If you are not mine would I have the strength to stand at all."

Nagdilat ako ng mata. Sumalubong naman ang napakaamo niyang mukha. Bigla namang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

"I don't want to run away but I can't take it, I don't understand."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Yinakap niya ako ng mahigpit kaya naman halos manlambot ang tuhod ko.

"If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?"

Tumigil siya sa pagkanta. Kasabay no'n ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa'kin.

"To be honest, I don't believe in love. For me, love sucks. Love will only hurt your feelings. But the day I met you in the cemetery, my life starts to be complicated."

Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Sa mga oras na 'yon, hindi ako makapagsalita.

"You make things complicated. My mind gets paranoid when it comes to you. Kung okay ka lang ba, kumain ka na ba, bakit ang sungit mo pagdating sa'kin at kung ano ba ang ginagawa mo."

Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya. Ang bilis na din ng tibok ng puso ko.

"I started to be curious about your life. And I find myself falling for you. Yeah, I've fallen for you Agatha. And that's the best thing happen in my life."

Pumunta siya sa likod ko. Nagulat na lamang ako nang isuot niya sa'kin ang kwintas. Silver ito at may blue heart pendant. Sa gilid ng heart, may nakalagay na moon. Meron din itong silver stars.

Ang ganda.

"I'll give you my heart, my soul and even my life. Be mine, Agatha. Be my Mrs. Delavin."

Sa hindi malamang dahilan, napaluha na lamang ako. Naiyak ako sa sobrang saya.

No word can describe how happy I am.

"You don't have to give me all you've got. Just promise me that you will be here by my side always."

"I promise baby."

"Then yes. I will be yours."

"And you are mine."

🌸🌸🌸

It's been a week simula nang magkaroon kami ng Sportsfest Camp. At 'yon ang araw na hindi ko makakalimutan.

November 22, 2017.

'Yan ang araw na sinagot ko siya. At 'yan ang araw na naging girlfriend niya ako.

Ibang saya pala kapag naging kayo ng minamahal mo? I've never expected na mangyayari ang ganito sa buhay ko. Akala ko kasi puro hinanakit at galit ang buhay ko e.

But he entered in my life, and things started to be complicated.

Pero kahit gano'n, siya ang pinakamagandang complicated na naranasan ko sa buhay ko. At wala akong pinagsisihan na nakilala ko siya.

Napangiti akong bumangon ng kama. Nagulat ako nang biglang tumunog ang Iphone ko. Binuksan ko 'yon and nakita kong nagmessage si Red.

~~~~~~~~
From: Red baby 💞

Goodmorning to the most beautiful girl in the world 😘👧💕. Eatwell baby, okay? Ayaw kong nagkakasakit ka. Take care always, papakasalan pa kita 💑😝😘.

~~~~~~~~~

Halos kiligin ako sa message ni Red. Shemay, ganito pala siya kasweet sa girlfriend niya? Feeling ko tuloy ang swerte ko.

Ni-replay'an ko lang naman ang message niya at pagkatapos ginawa ko na ang dapat kong gawin tuwing umaga. Sa ngayon, pababa na akong hagdanan para magbreakfast.

Naabutan ko naman si Kite na nagluluto sa kusina.

"Goodmorning honey."

Abot tainga naman ang ngiti na binigay ko sa kanya. Ewan ko ba, sobrang saya ko talaga ngayon.

"Goodmorning din."

Pinaglagay naman ako ng pagkain ni Kite. Shems, natatakam ako sa niluto niyang bacon mushrooms and yummy gravy niya!

"Wow, iba yata ang ngiti mo? Blooming e," sambit ni Kite at nagsimula na siyang kumain. Namula tuloy ako sa sinabi niya.

"Gano'n talaga kasi 'pag may lovelife."

Halos masamid naman si Kite dahil sa sinabi ko. Binigay ko naman agad sa kanya ang tubig para 'di siya mabilaukan.

"Kayo na ni Red?!"

Nahihiya akong tumango. Ako lang ba ang na-awkward sa pinag-uusapan namin?

"Well, congratulations. I'm happy for you. Kung saan ka masaya, do'n nalang din ako."

Kita sa mukha ni Kite ang pagiging malungkot. Hays, hindi ko din naman siya masisisi kung gano'n ang nararamdaman niya.

Pero ang puso ko kasi ay para kay Red lang e.

"Thanks Kite," paghingi ko ng pagpapasalamat sa kanya.

"But if he will hurt you, tandaan mo na meron kang Kite Fuerte na babalikan. Kahit talikuran ka na ng buong mundo, mananatili pa din ako sa tabi mo."

🌹🌹🌹

Nasa library ako ngayon. Kainis kasi 'yang si Ms. Fugita, nagpapagawa ng book report sa amin. Wala naman akong mahanap na book na kaya ko namang i-report.

"Beshie, may nahanap ka na?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Ako pa ba? Siyempre meron na."

Napatingin ako sa book na hawak ni Haley. Ang title ng sa kanya ay An Angel Become Demon.

"Buti pa ikaw meron na. Ako wala pa e, kainis!" reklamo ko. Hinampas naman ako ni Haley.

"Tumahimik ka nga. Nasa library tayo, bawal maingay."

Hindi ko nalang siya pinansin. Shems naman kasi, wala pa din akong book! Ayaw ko naman ng almanac at history book dahil nga ang hina ng utak ko.

Marami na din akong nakitang libro pero niisa do'n ay wala akong nagustuhan. Pero may biglang kumuhang atensyon ko.

Isang libro na kasing size ng notebook. Mukhang luma na ito dahil nagkukulay yellow na ang papel.

Agad ko itong kinuha at binuklat. Mukhang ayos pa naman. Kaso ang alikabok nga lang.

Tinanong ko sa librarian 'yong tungkol sa aklat na hawak ko. Pakiramdam ko kasi, naging interesado ako sa aklat na 'to. Aba, tamang-tama ito sa aking book report!

"Ma'am, hihiram sana ako ng libro."

Pinakita ko sa kanya ang hawak ko. Laking pagtataka ko naman nang kumunot ang noo niya.

"Wala kaming librong ganyan. Saan mo ba 'yan nakuha?" tanong niya.

This time, ako naman ang kumunot ang noo. Baliw lang? Sa tingin niya, saan ako kukuha ni'to? Malamang sa library di'ba?

"Nakita ko po ito dyan sa shelf number 5. Atsaka paano niyo po nasabi na wala kayong ganitong libro?"

"Wala kasi talaga kaming ganyan. Naiwan yata 'yan ng dating estudyante ng Campbridge. Kung interesado ka sa libro, sa'yo nalang 'yan."

Napakibit balikat naman ako sa sinabi ng librarian. Kung ayaw niya, 'di 'wag. Akin nalang ang librong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro