Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29. Amazing Race

"Jealous is a feeling that makes your mouth work faster than your mind."

🌻🌻🌻

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming partners. Kasama ko ngayon si Kite. Kapwa kaming nakatayo ngayon, habang ako ay nakatingin kay Red at Margarette.

"Ayiiieee, muling ibalik!"

"They are so bagay talaga."

"A second chance ba 'to?"

Napayuko na lamang ako dahil sa nga kantsawan nila. Hindi naman kasi napagkakaila na bagay talaga sila.

They are picture perfect.

Tinapik naman ako ni Kite sa balikat. Napatingin naman ako sa kanya.

"Selos ka 'no?" tanong niya sa'kin. Pinilit ko namang ngumiti kahit sa loob ko, nasasaktan ako.

"Bakit naman ako magseselos? Wala namang kami e."

Wala naman talaga kasing kami. Walang assurance na official na may relasyon kami. Oo nga't mahal namin ang isa't isa. Pero hindi 'yon sapat kung girlfriend niya ba talaga ako.

Mahirap kasi magselos, kung wala ka namang karapatan.

"Alam mo, ang pagseselos wala naman sa relasyon 'yan. Nasa nararamdaman 'yan, Agatha."

Napalunok na lamang ako sa sinabi ni Kite. Siguro kasi tama siya. Natatamaan ako sa mga sinasabi niya.

"Ikaw Kite? Hindi ka ba nagseselos sa kanila? Kay Margarette?"

Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Konti lang naman."

"Mahal mo pa?" tanong ko.

"Ewan ko."

Nagkibit balikat siya. Hindi ko na lang siya pinansin at binuhos ko na lamang ang atensyon ko kay Ms. Fugita.

"Bawat isa sa inyo ay may mga challenges na kakaharapin. Paunahan lang ang labanan at pagsasamahin lahat ng oras na nakuha niyo sa sampung pagsubok. Ang pinakakonting oras na makuha, ang siyang panalo."

Lahat kami sumunod sa kanya. Ang unang pagsubok- Horseback riding race. Bawat isa sa amin ay may kabayong sasakyan.

Ang lupit nga lang ni tadhana at magkatabi pa ang kabayo namin ni Kite sa kabayo ni Red, kasama si Margarette.

Nagsimula na akong sumakay sa kabayo. Si Margarette naman ay gano'n din. Kaso nga lang, bigla siyang nahulog sa kabayo.

Buti nga sa kanya.

"Ouchy sweetie, my feet hurts."

Tinignan ko si Red. 'Yong mukha niya parang concern kay Margarette.

Psh, hindi na uso ang second chance!

"Ms. Fujin, pwede po bang excempted nalang kami? Mukhang malala po ang pagkakabagsak ni Margarette e."

Ano? Malala ba 'yong nakukuha pang manglandi? Oh my. Naiinis na talaga ako sa Margarette Lukaret na 'to ha.

Nag-iinarte lang naman siya. Wala nga'ng bahid ng sugat at pasa ang paa niya.

"Okay, Mr. Delavin. Mukhang concerned ka sa kanya. Muling ibalik na ba?" nang-aasar na tanong ni Ms. Fugita.

Napaikot na lamang ako ng mata. Hays, kung alam ko lang na mangyayari 'to sana ay hindi na ako sumama.

Muling ibalik my ass.

"Oo nga po! Indenial lang 'yan sila!"

"Yiieee, Popoy at Basha ang peg!"

"Witwew! Kinikilig aketch!"

Sumampa naman si Kite sa kabayo. Bale ang itsura namin ngayon ay nasa likod ko siya. 'Yon bang para niya akong binaback hug? Gano'n.

Napadako ang tingin ko kay Red. Masama ang titig niya sa aming dalawa ni Kite, pero tinarayan ko lang siya.

Magsama silang dalawa sa clinic, kainis.

Nakita ko namang binuhat na pang-bride style si Margarette. Siyempre madaming kinilig, except me. Naiinis kaya ako ng bongga! Tapos 'yong itsura ng Lukaret na 'yon, ngiting-ngiti na parang kinikilig.

"May nagseselos, hindi ko sasabihin," pakanta-kantang sabi ni Kite. Siniko ko naman siya ng malakas sa braso.

"Shut up."

"And dance with me," pagkanta pa niya. Nang-iinis ba siya? Buset, baka kapag ako'y hindi nakapagpigil. Baka sa kanya ko mabuhos ang kabadtrip'an ko.

"Manahimik ka nga dyan. 'Di ka nakakatuwa, Kite."

"May mens ka? Sungit mo."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanya. Nakakainis na ha! Ayaw niya pa di'ng tumahimik.

"Just shut up! Mahirap bang intindihin 'yon? Buset, kapag nagsalita ka pa. Isusunod na talaga kita sa lukaret na 'yon sa mga papatayin ko!"

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nagpout siya. 'Yong parang nagpapacute, gano'n.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa, para kasi siyang bangus.

"Tigilan mo nga 'yan Kite. Para kang baliw."

Hindi niya pa din tinigil ang pagpapatawa niya. Takte, at nag-awra pa siya! Pfftt..

"HAHAHAHAHA!" hindi ko napigilang tumawa. Buset na mukha 'yan! Shemay, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

"Salamat at tumawa ka din. Dapat smile ka lagi, 'di bagay sa'yo nakasimangot."

Binatukan ko naman siya. Grabe, nag-effort pa siya para patawanin ako. Bigla tuloy nawala ang badtrip ko.

🌸🌸🌸

Marami na din naman kaming natapos na challenges ni Kite. And kami din 'yong leading sa scores na magcha-champion kasi ang bilis kaming natatapos.

Sa ngayon, nasa ikasiyam na kami na pagsubok. Ang laro na lalaruin ay sack race.

"Delavin and Penafiel, bakit kayo nandito? Okay na ba ang paa ni Margarette?" biglang tanong ni Ms. Fugita.

Napatingin tuloy ako sa kanilang dalawa. Nakakapit si Margarette sa balikat ni Red. Habang si Red naman ay hawak ang bewang ni Margarette.

Dapat na ba akong magselos?

"My feet doesn't hurts na. And gusto naming ipagpatuloy ang game, for experience na din."

Napaikot naman ako ng eyeballs. Why she is so maarte and conyo?

Pagbuholin ko dila mo dyan e.

Tumabi na sila sa amin ni Kite. Napatingin ako kay Red at sinamaan ko siya ng tingin.

Kainis! Dapat kasi si Red nalang partner ko.

"For the ninth challenge, magkasama ang magpartners sa isang sako. Ang pinakamabilis na makapunta sa finish line ay panalo."

Napatingin ako sa sako na binigay sa amin. Seriously? Sa maliit na sako na 'to kami ni Kite tatalon? Kasya ba kami dito?

"Ready, get set go!"

Tumalon kami ni Kite ng mabilis. Pero takte, lahat ng mga kalaban namin ay mga nakatalon na. Samantalang kaming dalawa, hindi pa din nakakaalis sa pwesto namin!

"Kite, ayusin mo kasi ang pagtalon!"

"Inaayos ko naman! Tanga lang 'yong sako."

"Hay nako! Kapag tayo natalo!"

"Ewan ko sa-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya kasi bigla kaming nahulog na dalawa.

Nakasalampak kami ngayon ni Kite sa semento!

Nasa ibabaw ko siya, at ang awkward ng posisyon namin. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na isang maling galaw lang ay mahahalikan niya na ako.

In that moment, para akong naistatwa sa posisyon ko. Ang ganda ng mata niya. 'Yong ilong niya, ang tangos. Tapos ang lips, sobrang pula!

"Ayiiieee, nagkainlovan na sila!"

"Gosh! I'm so kilig!"

"Waaahh, #TeamHoney!"

"They are so bagay talaga!"

Bigla kaming napatayo ni Kite. Shemay, kasalanan 'to lahat ng sako e! Ang liit kasi kaya tuloy kami naglanding sa semento.

"Are you okay?" tanong niya. Pinagpagan ko naman ang damit ko. Takte, kulay puti pa naman ang t-shirt ko! Ang hirap kaya maglaba, tsk.

"Oo. Ikaw ba? Ayos ka lang?"

Ngumiti siya ng malawak. Tapos nagulat ako ang bigla siyang tumingin sa dibdib ko. What the?!

"Aray! Bakit mo ako sinampal?!" gulat na tanong niya. Buset, ang manyak talaga ng saranggola na 'to.

"Akala mo hindi ko nakita? Buset, ang pervert mo!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko namang bumubulong siya.

"Makapagreact ang OA. Wala namang boobs."

Nanlaki ang mata ko sa binulong ni Kite. Sinamaan ko naman siya ng super duper talim na titig.

"Hehe, joke lang. Peace tayo."

"Kite Fuerte!!"

Tumakbo siya bigla kaya hinabol ko siya ng super bilis. Akala niya siguro hindi ko narinig! How dare him para sabihin na wala akong boobs?! I hate him super much!

Naghabulan kaming dalawa. Para kaming bata na nagpaikot-ikot. Takte, maabutan ko lang talaga siya lagot siya sa'kin!

"Suko na ako, honey."

Nagtaas pa siya ng kamay niya na parang sumusuko na talaga. Kinuha ko naman ang chance na 'yon para batukan siya.

"Suko your face! Buset kang saranggola ka!"

Nang masatisfy na ako sa pagbatok sa kanya, napatingin naman ako sa paligid ko at napansin kong nakatingin pala ang lahat ng estudyante sa aming dalawa ni Kite.

One word to describe the situation? Awkward.

Napadako naman ang tingin ko kay Red. Nakayukom ang kamao niya at ang sama ng titig niya kay Kite. Siguro, nagseselos siya.

One point for me. 'Yan parehas na kaming fair.

🌹🌹🌹

Mabilis na tumakbo ang oras, at ngayon ay kakatapos lang namin magdinner. Sleep time na ngayon kaya papunta na ako sa tent ko.

I mean- sa tent namin ni Margarette. Siya lang naman kasi ang na-assign ni Ms. Fugita na maging katabi ko.

Sobrang swerte ko di'ba? Note the sarcasm.

Pagkapunta ko sa tent, naabutan ko si Margarette na nagpapahid ng lotion niya. Psh, ang arte niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagtungo nalang ako sa bagpack ko. Busy ako sa paghahanap ng aking toothbrush. Shemay, nasaan na ba 'yong toothbrush ko?

"Stay away from us, bitch. Can't you see? Red and I are perfect for each other. So, back-off."

Napalingon ako dahil sa sinabi niya. Ngumiti pa ako ng malademonyo at tinignan siya mula ulo mukha siyang paa.

"Ex ka lang, Margarette. And I'm his present and future. Ikaw ang dapat magback-off."

Kita sa mukha niya ang pagkainis dahil sa sinabi ko. Pero dahil palaban siya, kinalaban pa din niya ako.

"Never heard about everybody deserves a second chance? Kaya kung ako sa'yo, umatras ka nalang. Because, I'll make sure that Red will be mine again."

Nginisian ko naman siya. Hindi talaga siya papatalo 'no?

"Second chances are for the people who are deserving. And in your case, hindi mo deserve na magka-second chance. Wanna know why?" mapanglokong tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makapagsalita.

"Kasi na sa kamay mo na, pinakawalan mo pa. In short, tanga ka. Tapos ngayon babalik ka para kunin ang sa'yo? Walang sa'yo, Margarette. Akin lang si Red Delavin. Always remember that, stupid!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro