26. About Him
"Life is like the ocean. It can be calm and still or rough and rigid but in the end, it is always beautiful."
🌻🌻🌻
Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa buhay ko. Gusto ko lang namang mamuhay ng isang ordinaryong teenager pero hindi ko na yata mararanasan 'yon.
Malapit na kasi akong ikasal. At ang saklap dahil mapupunta ako sa lalaking hindi ko naman mahal.
Pero hahayaan ko bang mangyari 'yon? Lalaban ako para sa pagmamahalan namin ni Red. I will fight for our love, kahit kalabanin ko pa ang buong mundo.
Napabuntong hininga naman ako. Walang alam si Red tungkol sa arriange marriage namin ni Kite. Kilala ko kasi 'yon, baka hindi siya makapagpigil at pangunahan siya ng mga emosyon niya.
Atsaka, kaya ko pa naman i-handle ang sitwasyon. Hangga't kaya ko pang tiisin ang lahat, hindi ko maaring sabihin kay Red.
Magkasama kami ngayon ni Kite sa isang mansyon. Oo, lumipat na kami ng bahay. Hindi na din ako nakatira sa unit na binigay sa'kin ni Mr. M, kung hindi sa bahay namin na ipinagawa ng mama ni Kite.
Malaki 'yong bahay. Medyo malapit din 'to sa eskwelahan na pinapasukan ko. Nakakalungkot lang kasi namimiss ko na 'yong unit ko. Balak pa naman ni Haley na makishare sa bahay ko.
"Goodmorning, honey," bati sa akin ni Kite nang makita niya akong pababa ng hagdan. Nasa kusina kami ngayon. Ngumiti nalang ako sa kanya as respond.
Topless si Kite ngayon. Tanging apron lang ang bumabalot sa maskulado niyang katawan. Nakaboxers lang din siya kaya medyo naiilang ako.
Ilang beses na din akong napalunok kasi hindi ko maiwasang tumingin sa sexy body niya.
"How's your sleep honey?"
Biglang lumingon si Kite sa'kin nang matapos na ang niluluto niya. Nagulat naman ako kasi baka nalaman niyang nakatingin ako sa kanya.
Shemay, baka isipin ni'to may pagnanasa ako sa kanya!
Inis ko namang tinakpan ang mata ko. Takteng saranggola 'to, alam naman niyang may kasama siyang babae tapos nakaganyan siya.
"Magdamit ka nga Kite! Mukha kang pornstar!"
Narinig ko namang humagikgik si Kite ng tawa. Shems, nararamdaman ko na din ang unti-unti niyang paglapit sa'kin!
"Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?"
Pakiramdam ko, hindi na ako makahinga. Shems, ang lapit niya masyado! Baka may magawa kaming hindi kanais-nais.
Like wtf?! Anong hindi kanais-nais? Erase, erase.
"Kapag ikaw hindi lumayo, babayagan na talaga kita!"
Automatikong napalayo si Kite sa akin. Nakita ko namang tagaktak ang pawis niya sa bandang noo. At pagkatapos, bigla siyang umalis sa harapan ko at pumuntang banyo.
Hala, bakit 'yon pumunta ng banyo?
Ilang sandali pa, may narinig akong ungol sa may banyo. Shems! Anong ginagawa ni Kite? OMG, don't tell me?!
"Ahhh, uhhh.."
"Hoy Kite! Anong nangyayari sa'yo?"
Ayaw kong mag-isip ng kababalaghan kay Kite. Shems, hindi ko 'yon kakayanin. Ang inosente kong tainga ay nababahidan ng lumot! Yuck talaga.
"M-may LBM, ahhh lang ako.."
Napatango na lamang ako sa narinig ko. Hay nako, hindi naman pala siya nag-aano Agatha! May LBM lang pala siya kaya umuungol.
Kawawa naman si Kite, siguro hirap na hirap talaga siyang tumae.
Dahil na din sa kumakalam kong sikmura, nilantakan ko na ang niluto niya na almusal. Wews, marunong pala siya magluto? Kasi ako kapag nagluluto ng hotdog, laging sunog. Kung minsan naman ay hilaw.
Tinikman ko naman ang fried rice na ginawa ni Kite. Nagsunud-sunod naman ang kain ko dahil sa sarap. Shems! I never thought na masarap siya magluto. Akala ko puro pambababae lang ang alam niya e.
Ilang minuto pa ang tinagal, lumabas na din si Kite mula sa banyo. Grabe, pawis na pawis ang buo niyang mukha.
Mas lalo tuloy akong naawa sa kanya.
"Ano Kite? Success ba?" tanong ko. Nakita ko namang namula ang tainga niya. Ay grabe, nahiya pa siya sa'kin. Hindi ko naman naamoy ang tae niya kaya wala siyang dapat ikahiya.
"Okay lang, masarap sa pakiramdam."
Tumabi na siya sa akin. Bale nilantakan naming dalawa ang niluto niya.
"Grabe Kite! Ang sarap ng hotdog mo!"
Napatakip naman ako ng bibig. Shems! Na-misphrase ako! Takte, nakakahiya tuloy kay Kite. Sobrang pula na ng mukha niya!
"Ahm, I mean 'yong niluto mong hotdog. Masarap, hehe!"
Nagpeace sign pa ako sa kanya. Pero 'yong pula sa mukha niya, hindi pa din naaalis.
"Inaakit mo ba ako Agatha? Kasi kung oo, tigilan mo na at baka hindi na ako makapagpigil sa'yo."
This time, ako naman ag namula. Shems! Ito na ang ikinatatakot ko e. Kaya ayaw kong may kasamang lalaki sa bahay. Baka may mangyaring hindi kanais-nais.
Dahil sa sinabi niya, ako na 'yong kusang lumayo. Niligpit ko na ang pinagkainan namin at pumunta na sa lababo para hugasan ang mga plato.
"Agatha, ayaw mo ba talaga sa'kin? Si Red na ba talaga ang gusto mo?"
Sa hindi malamang dahilan, napalingon ako sa kanya. Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.
"'Wag mo ng itanong Kite dahil alam mo naman ang sagot."
Tumayo siya bigla at lumapit sa akin. As in 'yong sobrang lapit. Napatingin naman ako dahil sa ginawa niya.
"Mahirap pala talaga Agatha kapag sa mismong mahal mo nanggaling ang mga masasakit na salita. Hayaan mo, pinapalaya na kita."
🌸🌸🌸
Wala sa sarili akong pumasok sa school. May klase ngayon pero ang utak ko ay sa iba nakatuon.
Anong ibigsabihin niya na pinapalaya niya na ako?
Hay nako. Bigla tuloy akong naguilty sa ginawa ko sa kanya. Another gulo na naman 'to. At panigurado, nasaktan ko si Kite sa mga sinabi ko.
Gusto ko sana siya kausapin, kaso hindi naman siya pumasok.
At some point, napasabunot naman ako ng buhok. These past few days kasi, nalilimit na ang pananakit ko ng feelings ng ibang tao.
And it sucks kasi dati wala naman akong pake sa mga nararamdaman nila.
Natapos na ang klase. Lunch break ngayon at absent si Haley. Kaya naman mag-isa ko ngayong tinutungo ang daan sa cafeteria. Nang biglang may umakbay sa'kin.
"Smile, baby."
Napatingin ako kay Red. Shems, ang lapit ng mukha namin. Siguradong ang pula ng pisngi ko.
"Ayaw kong ngumiti, nakakangalay sa labi. Atsaka bakit naman ako ngingiti?"
Ginulo naman niya ang buhok ko. Pero 'yong braso niya nakaakbay pa din sa'kin. Ay grabe, ang bigat ng kamay niya!
Nakakahiya naman kasi sa height kong ang liit di'ba?
"I love your smile and the way you make me smile. So whether you like it or not, you need to smile."
Nagpout nalang ako sa kanya. At ngayon ko lang napagtanto na ang hirap pala talaga magpigil ng kilig.
Mamaya talaga pagkauwi ko sa bahay, isisigaw ko lahat ng kilig ko.
"May gagawin ka ba mamaya?"
"Wala naman. Bakit?"
"Papakilala na kasi kita kay tita mamaya."
Wews, for real talaga? Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi kasi ako prepared!
"Hindi naman siguro nakakatakot 'yong tita mo di'ba?"
Nginisian niya naman ako. Takte, sa ganitong sitwasyon ay nakukuha niya pang ngumisi? Kita niyang kinakabahan na nga ako e.
"Ikaw si Death Note pero takot ka sa tita ko?" pang-aasar niya sa'kin. Hindi ko tuloy mapigilang magpout.
"Hay, bahala na."
Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napakahigpit no'n kaya hindi ko maiwasang mamula.
"Don't worry too much, baby. As long as I'm here, there's nothing to worry about. Trust me."
🌹🌹🌹
Naiinis ako ngayong araw kasi biglang bumilis ang takbo ng oras. Shemay, ang pinupunto ko lang naman ay sobra akong kinakabahan sa pamilya ni Red!
Shems, ano kayang ugali ng tita niya? Siguro mataray at suplada. Tapos baka mangyari sa'kin 'yong mga nangyayari sa movies! 'Yong tipong paghihiwalayin kami ni Red at hahadlangan ang pag-iibigan namin.
Teka, ano ba'ng nangyayari sa'kin? Nababaliw na ako!
Pagkatapos magdismiss ng klase, agad akong tumungo sa parking lot at pinaandar ng mabilis ang bigbike ko para makauwi na ako agad.
Ayaw ko malate. Bawas ganda points 'yon sa'kin.
Natataranta akong pumasok sa kwarto ko. Buti na lamang at wala si Kite sa bahay namin. Nakakahiya naman kasi kung makita niya ako sa ganitong sitwasyon.
'Yong sobrang aligaga at wala sa sarili.
Sinuot ko na ang dress na binili namin dati ni Haley sa mall. Pinakulot ko 'yong buhok ko sa bandang dulo at naglagay na din ng light make up.
Sobrang thank you talaga kay beshie at tinuruan niya ako kung paano gumamit ng ganito.
Tumingin ako sa salamin. Huminga muna ako ng malalim at pagkatapos ay ngumiti.
"Agatha, maganda ka. Siguradong magugustuhan ka ng tita ni Red."
Nakailang minuto din ang tinagal sa pagkausap ko sa aking sarili. Kailangan hindi ako kabahan. Kailangan ang first impression niya sa'kin ay maganda.
Kailangan kong malamangan si Margarette.
Umalis na ako sa bahay namin at nagsimula nang maglakad papunta sa Collosian's Park. Hindi kasi alam ni Red ang address ko, kaya sabi ko nalang ay magkita kami do'n.
Natanaw ko naman siya na nakatayo sa gilid ng puno. Nakashades siya at naka-red na polo. Simple lang ang porma niya pero para sa'kin, siya ang pinakagwapong nilalang na nakita ko.
"Baby!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at nginitian ako.
"Ano ulit 'yon? Tama ba ang pagkakarinig ko at tinawag mo akong baby?"
Napakagat naman ako sa ibaba kong labi. Takte, bakit baby ang tinawag ko sa kanya? Super nakakahiya!
Lupa, eat me now!
"Wala kaya akong sinasabi. Nabibingi ka yata dyan e."
Nginitian niya naman ako ng nakakaloko. Napayuko tuloy ako ng wala sa oras.
Palusot pa Agatha! Para talaga akong baliw.
"Asus, nahihiya ka pa sa'kin. By the way, ang ganda mo ngayon. Bagay sa'yo 'yong dress mo, parang tayo lang."
Nagpoker face naman ako para itago ang kilig na nararamdaman ko. Kainis! Bakit ba ganito 'yong tiyan ko? Parang may butterflies e.
Kiniliti niya ako sa bandang bewang, "Kunwari ka pa dyan, halata namang kinikilig ka. Ang pula kaya ng mukha mo."
Napahampas naman ako sa braso niya. Kainis na kahihiyan 'to! Mind reader ba 'tong si Red?
"Rosy cheeks lang ako. 'Wag kang feeling. Tara na nga," sabay hila ko sa kamay niya. Okay, ang lambot po ng kamay niya. Hindi ko na naman po maiwasang kiligin. Pero at the same time, kinakabahan na din.
Goodluck nalang talaga sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro