25. Acquaintance Party (Part 2/2)
"Memory is a way of holding onto the things you love, the things you never want to lose ever."
🌻🌻🌻
Magkasama kami ni Kite na lumakad sa red carpet. Sumalubong naman sa amin ang nakakasilaw na mga cameras pagdating namin. Wews, para naman ang famous ko di'ba?
Well, except si Kite. Famous kasi siya e.
At dahil kunwari ay famous kami, inisnob lang namin sila sa t'wing nagtatanong 'yong mga tao.
"Pagkatapos natin magparty, nood tayo ng Finding Dora," rinig kong bulong ni Kite. Napataas naman ang kanan kong kilay. Meron bang Finding Dora? Alam ko Finding Dory 'yon.
"Baliw ka Kite? Wala naman kayang gano'n."
"Oo nga, wala. Parang tayo."
"Ha?"
Nakita ko namang namula ang tainga ni Kite. Kumamot pa siya sa batok at inakbayan ako.
"Wala. Ang sabi ko, ang ganda mo."
And this time, ako naman ang namula. Hindi ko kasi alam kung nagbibiro siya o hindi e. Knowing si Kite, super joker.
"Ikaw din, ang gwapo mo."
"Paano 'yan? Maganda ka at gwapo ako. Bagay tayo."
Tinaas-baba naman niya ang kilay niya. Bigla tuloy akong natawa. Hays, ang cassanova talaga ni Kite. Akala niya siguro, madadaan niya ako sa ganyan niya.
"'Wag ako Kite. Iba nalang."
"Ikaw ang gusto ko e."
Napaikot naman ako ng eyeballs ko. Anong trip niya at ako ang kinukulit? Atsaka, parang baliw lang. Nagpapacute pa sa harapan ko.
"Tigil-tigilan mo'ko Kite. Para kang baliw dyan," natatawa kong sambit sa kanya.
Nagpout naman si Kite sa harapan ko. Wews, mukha siyang bangus.
"Bakit kasi sa lahat ng babae, sa'yo pa ako nainlove? Bakit ba kasi hindi ka tinatablan ng charms ko?"
Nginisian ko naman siya. "Ako kasi ang karma mo. Ang hilig mo kasing manakit ng babae."
"Hindi kaya ako nanakit. Sinasabi ko na nga sa kanila na fling lang pero sineseryoso na nila. Kasalanan na nila 'yon 'no."
Napapoker face naman ako sa sinabi niya. Anong klaseng dahilan 'yon? Magpapalusot na nga lang siya, hindi pa kapani-paniwala.
"Nagbibigay ka kasi ng motibo kaya sila umaasa. Kaya kung ako sa'yo Kite, tigilan mo na ang pagiging babaero mo."
Umupo na kami sa upuan na nakalaan para sa'min. Hindi pa din kasi nagsisimula ang event kaya medyo nakakaboring.
"Hindi naman ako magiging babaero kung hindi dahil sa kanya e."
Biglang nagbago ang itsura niya. Mula sa pagiging masaya, bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. Sino naman kaya ang dahilan kung bakit naging ganito si Kite?
"Sino ba kasi 'yon at sasapakin ko," pagbibiro ko. Pansamantalang ngumiti naman siya sa sinabi ko at lumungkot ulit ang mukha niya.
"Si Margarette."
Nagsalubong na naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nakakainis ha, sino ba kasi ang Margarette na 'yan at napakaepal niya sa kwento ko? Takte, una kay Red. Then ngayon kay Kite.
Don't get me wrong. Concern lang talaga ako sa kanya because he's like a brother to me.
"Lagi naman kasing gano'n. Si Margarette, pinag-agawan din namin siya ni Red. No'ng una, ako ang pinili niya. Sobrang saya ko kasi pakiramdam ko, ako na ang pinakamayaman sa buong mundo dahil ako lang naman ang naging boyfriend ni Margarette Penafiel."
Ngumingiti siya habang kinukwento ang mga bagay na 'yan. Pero panandalian lamang 'yon kasi lumungkot ulit ang mukha niya. Nakikita ko na din sa mata niya ang luhang nagbabadyang tumulo.
"Pero, nagbreak din kami. At ang dahilan niya? Si Red daw pala ang mahal niya. Ang sakit lang kasi pakiramdam ko, pinaglaruan niya ako. Kaya simula no'n, sabi ko sa sarili ko na wala na akong seseryosohing babae. Paglalaruan ko lamang sila."
Sa hindi malamang dahilan, yinakap ko si Kite. Tinatapik ko din ang likod niya para patigilin siya sa pag-iyak.
"Agatha, ang sakit. Paano niya nagawa sa'kin 'to? Ano ba'ng mali sa akin at hindi ako ang pinipili ng taong mahal ko?"
Napalunok na lang ako dahil sa sinabi niya. Kumalas na din ako ng pagkakayakap dahil sa pagkagulat. Hindi ko alam pero nakonsensya ako. Isa kasi ako sa mga taong hindi siya ang pinili.
"Walang mali sa'yo Kite. Sadyang hindi pa dumadating ang taong nakatadhana sa'yo."
Bumuntong hininga naman siya. Pinilit naman niyang ngumiti kahit nasasaktan siya.
Kite is a tough man.
Hindi siya duwag para itago ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon, I understand him. Pero hindi din naman kasi tama na porket nasaktan siya ay mananakit na din siya ng ibang tao.
"Salamat, honey ha? Gumaan tuloy ang pakiramdam ko dahil sa'yo."
"Paano na 'yan? Hindi ka na ba mambabae?"
Ngumisi naman sa akin si Kite. Napapoker face na lang ako dahil sa ginawa niya.
"Hindi pa din. Kapag nambababae kasi ako, pakiramdam ko nakakaganti ako kay Margarette."
This time, ako naman ang napangisi. Tinapik ko ang balikat niya at huminga ng malalim.
"Acceptance is the best revenge, Kite. Always remember that."
🌸🌸🌸
Hindi nagtagal, nagsimula na ang event. Hindi ko na masyadong inintindi ang ceremony, pagkain lang naman kasi ang habol ko dito.
Nasa table ako ngayon ng mga pagkain. Mukhang masarap kasi ang nakakatakam ang foods. Tapos ang sosyal pa ng mga name ng pagkain. And shems, may chocolate fountain pa!
Siyempre, sinulit ko na 'yong mga pagkain. Pinuno ko ang plato ko ng cream cashew chicken, tuffed mushrooms on a pepper sauce, salted beef in a sizzling barbeque delight and ang pinakafavorite ko sa lahat, ang almond pearl black pork.
Papunta na sana ako sa table namin ni Kite nang biglang may mabangga akong babae. At dahil do'n, natapon sa gown niya 'yong pagkain.
Shems, sayang 'yong pagkain!
"Look what you've done to my dress! Argh, you pathetic ugly bitch!"
Napataas naman ako ng kilay. Who is she? Hindi ba niya alam na ako ang Queen ng Legendary Five?
"I don't give a damn in that fuckin' cheap dress. So if you don't mind, get lost. Go fetch like a dog you are."
Inikutan ko siya ng mata at niflip ang hair ko. Akala niya sa'kin, papatalo ako sa kanya? No fuckin' way.
"Excuse me? My dress is not cheap! Baka 'yong sayo, bitch!"
Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya.
"If I want your opinion, I'll ask you to fill out the necessary forms. And by the way, thanks for calling me bitch."
"What do you mean?"
"BITCH stands for Beautiful, Intelligent, Thoughtful and Charming Humanbeing. Thanks for the compliment, dear."
Kitang-kita sa mukha niya 'yong pagkasuklam niya sa'kin. Akmang susugod siya para sana sampalin ako, pero biglang dumating si Red para protektahan ako.
"Margarette, enough!"
Literal na nanlaki ang mata ko. So, she's Margarette? Ito pala 'yong sinasabi ni Kite at Red. At last, nagkita din kami.
"So mas pinagtatanggol mo siya sa'kin, over me? Makakarating talaga 'to kay tita!"
Padabog na lumayas sa harapan namin si Margarette. Aba, may attitude pala ang babaeng 'yon. How come na nagustuhan siya ni Red at Kite?
Humarap naman sa'kin si Red na puno ng pag-aalala. Hinawakan niya ang balikat ko at bakas sa mga mata niya na nag-aalala siya para sa'kin.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Tell me, malalagot sa akin ang babaeng 'yon."
Umiling na lamang ako sa kanya. Shems, hindi ko kinaya ang kamalditahan ni Margarette. Buti na lang at marami akong alam na maldita lines.
"Don't worry about me, Red. Kay Margarette ka mag-alala at baka mapatay ko siya ng wala sa oras."
Napahagikgik naman siya ng tawa. Hinawakan pa nga niya ang kamay ko at hihilahin sana ako nang biglang may humila din sa kabila kong kamay.
At 'yon ay walang iba kung hindi si Kite.
"Tara na, honey. Pinapapunta tayo ng mama mo sa resto. Importante lang."
"No, sa akin siya sasama. Ako ang nauna kaya bitawan mo siya."
"I will never let her go. Hindi ko gagawin ang ginawa mo sa kanya, Red."
Nakita ko naman ang nag-uusok na ilong ni Red. Kaya out of frustration, binalibag ko ng malakas ang kamay ko at nakawala sa pagkakahawak nila.
"Kite, ako nalang ang mag-isang pupunta sa resto. Red, bukas nalang tayo mag-usap."
At dahil do'n, nilisan ko na ang lugar habang ang lahat ng mga tao ay nakatuon sa'kin. Shems, gano'n pala ang pakiramdam na pinaghihilahan.
Para tuloy akong lubid sa tug-of-
war.
🌹🌹🌹
Maaga naman akong nakadating sa resto na sinasabi ni Kite. Grabe ang traffic pero dahil na din sa diskarte ko kaya nakadating ako ng maayos.
Nadatnan ko ang mama ni Kite at 'yong mama ni Angela sa isang table. Hindi ko na kaya pang tawagin siyang mama kasi hindi ko naman siya tunay na nanay.
Ilang sandali pa ng paghihintay, dumating na si Kite at umupo siya sa tabi ko.
"Ano ba ang kailangan naming malaman? Spill it," naiinis na tanong ko sa kanila. Nahuli kong tumingin sa'kin si Angela kaya tinarayan ko na lamang siya.
"From now on, magkasama na kayo ni Kite sa iisang bahay. Para naman bago kayong ikasal na dalawa ay magkaroon kayo ng closure sa isa't isa."
Napanganga naman ako dahil sa sinabi ng mama ni Kite. Kaming dalawa sa iisang bahay?
Shemay, hindi ko yata kakayanin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro