Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22. Sportsfest Week (Part 7/8)

"Harsh words hurt feelings but silence breaks hearts."

🌻🌻🌻

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyon ko ngayon. Wala na yatang mas sasakit sa mga sinabi niya sa akin.

Layuan? Hindi ko yata kayang gawin 'yon.

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Umalis na din ang mga estudyanteng nakasaksi sa pagkakapahiya niya sa akin.

Napatingin pa nga sa akin si Angela. Nakangisi siya at kitang-kita sa mata niya ang panghuhusga.

Lumapit siya sa akin. Napayuko naman ako. Tinulak pa niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa semento.

"Kawawa ka naman. 'Wag mo na kasing ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Pinagpustahan ka lang naman namin e."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Anong pustahan ang sinasabi niya?

"Pinagpustahan ka lang ng tropa, Agatha. And later on, ako na ulit ang magiging Queen ng Legendary Five."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko din alam ang mga ikikilos ko. Hindi ako naniniwala kay Angela. Mahal ako ni Red. Hindi niya ako magagawang lokohin. Hindi niya magagawang pagpustahan ako.

Hindi niya magagawang saktan ako.

"Kahit anong sabihin mo, hindi ako maniniwala sa'yo!"

Napatawa ng sobrang lakas si Angela. Halos hindi na nga siya makahinga dahil sa kakatawa niya.

"Tanga ka ba talaga Agatha? Sa tingin mo, kung mahal ka niya. Sasaktan ka ba niya ng ganyan? Lalayuan ka ba niya? Tapos na ang dare. And I think, he won kasi nahulog ka sa kanya."

Hindi ko napigilang umiyak. Sunud-sunod na tumulo ang luha ko. Mabait si Red, hindi niya kayang saktan ako.

Sabi niya, mahal niya ako. At habang hindi nanggaling sa kanya ang mga salitang 'yon, hindi ako maniniwala sa kanila.

Mahal ko si Red. At alam kong mahal din niya ako.

Tumakbo ako palayo kay Angela. Kahit pinaniniwala ko sa sarili ko na hindi totoo ang sinabi niya, hindi ko maiwasang masaktan.

Kakatakbo ko, napadpad ako sa garden. Napahinto ako sa pagtakbo at piniling umupo muna sa lilim ng puno.

At do'n na nagsimulang pumatak ang mga luha galing sa mga mata ko. Hanggang kailan pa ba ako luluha? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Napadako ang tingin ko kay Red. Mula sa kalayuan, tanaw ko ang pwesto niya.

Masaya si Red. Nakangiti. At hindi ako ang dahilan ng mga ngiting 'yon.

Kasama niya si Megan. Kitang-kita ko sa mukha niya 'yong kasiyahan. Ngayon ko nga lang nakita si Red na ngumiti na abot hanggang tainga e.

"Para silang magkasintahan," mahina kong bulong sa sarili ko.

Sila na kaya? Kaya ba niya ako nilayuan kasi kasintahan niya na si Megan? Kaya ba niya ako nilayuan kasi tapos na 'yong dare? Na nahulog na ang loob ko sa kanya?

May biglang tumabi sa akin. Babae siya. Tinapik pa nga niya ako sa balikat e.

"'Wag mong isipin 'yon, mahal ka ni Red."

Napapunas naman ako ng luha ko bigla. Mahal pa ba talaga niya ako?

"Paano kung hindi? Paano kung napagod na siya sa'kin? Paano kung hindi na niya talaga ako mahal?"

Nagtaka naman ako nang tumawa siya bigla. At bakit naman siya tumatawa? Nakakainsulto ha.

"Baliw ka ba? Sa tingin mo ba mag-eeffort siya ng gano'n kung hindi ka niya mahal? You're impossible!"

Napabuntong-hininga naman ako dahil sa sinabi niya. Sana nga mahal ako ni Red. Kasi habang tumatagal, nawawala na 'yong katiting kong pag-asa na meron pa. Na kaya pang isalba ang lahat. Na pwede pang mabalik ang dati.

"Kung alam mo lang kung gaano siya nag-effort. Halos mahilo nga ako kasi hindi siya mapakali sa pagpapagwapo niya. At ito pa, gumawa 'yon ng maraming paper cranes. Tapos may surprise pa nga yata siya sa'yo e. Kinikilig pa ang kupal kasi ngiting-ngiti siya."

Hindi ko tuloy maiwasang maguilty. Grabe pala ang effort na ginawa ni Red. At nakakalungkot lang kasi nasayang lang ang lahat ng ginawa niya para sa akin.

Sobrang sama ko. Wala akong kwentang tao.

"Nagtaka nga ako kasi pagkabalik sa niya sa bahay, hindi ka niya kasama. As in, sobrang nakalukot na 'yong mukha niya. Ilang oras pa nga siyang naghintay na baka dumating ka e. Kahit umuulan na, hinintay ka pa din niya. 'Yan tuloy, lagnat ang abot niya."

Sobrang bigat sa pakiramdam. Nakakakonsensya lang kasi 'yong kapatid pa mismo ni Red ang nagsabi sa akin. Oo, kausap ko ngayon si Pink.

"Alam mo ba kung bakit ako iniiwasan ni Red? Kung bakit ang lamig ng pakikitungo niya sa akin?"

Napakibit balikat naman siya. Bumuntong hininga naman ako. Ano ba talaga ang dahilan Red at bigla mo na lang akong iniwasan?

"Hindi ko alam e. Pero napansin ko, simula nang may makita siyang pictures sobrang nakasimangot siya. Idagdag mo pa 'yong nasa black na envelope na binasa niya. Basta gano'n. May mood swings kasi 'yon e."

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Pink. Siguro ang tinutukoy niya na pictures ay 'yong kuha namin ni Kite na nagsasayaw. E ano kaya 'yong sinasabi niya na black envelope na nabasa ni Red?

Ewan ko pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga sinabi niya.

"Don't lose hope, Agatha. Ngayon ko lang nakita si Red na mag-effort sa isang babae, kaya sigurado akong mahal ka niya."

🌸🌸🌸

Napagdesisyunan ko ng umuwi. Wala din naman kasi akong mapapala kung magtatagal pa ako dito sa school. Makikita ko lang naman kasi si Red at Megan na magkasama.

Mag-isa akong binabaybay ang madilim na daan. Naglalakad ako ngayon kasi nakalimutan kong magpalagay ng gas sa bigbike ko. Kaya heto, magcocommute ako ngayon.

"Bakit mag-isa ka lang?"

Nagulat ako kasi biglang sumulpot sa harapan ko si Kite. Medyo na-awkward din ako kasi feeling ko sobra ko siyang nasaktan dahil sa pagrereject ko sa kanya.

I mean, gano'n nalang ba 'yon? Matapos ko siyang sabihan ng masasakit na salita, ganito pa din ang trato niya sa akin? 'Di ba dapat nagagalit siya kagaya ng ginawa ni Red. Dapat iniiwasan at itinataboy niya ako.

"Hindi ka ba galit sa'kin?" tanong ko sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko kaya napayuko ako.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

Nanatili akong tahimik. Ewan ko, nahihiya kasi talaga ako sa kanya.

"Hindi ko magagawang magalit sa'yo Honey. I love you so much, always remember that."

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Nakokonsensya ako kasi sobra talaga akong mahal ni Kite. Nakakalungkot lang kasi hindi ko masuklian 'yong pagmamahal na binibigay niya sa akin.

Kaibigan lang kasi talaga ang tingin ko sa kanya.

"Sorry Kite ha? Kung pwede nga lang talaga turuan ang puso, matagal ko ng ginawa. Sana ikaw nalang ang minahal ko, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito."

Nakita ko namang ngumiti sa akin si Kite. Pero alam kong peke lang 'yon kasi nababakas ko sa mga mata niya na nasasaktan siya sa mga sinasabi ko.

Para sa akin, mas mabuti na din 'yong sinabi ko sa kanya ang pagtingin ko. Ayaw kong umasa siya sa akin habang buhay. Marami pang ibang babae ang deserving sa pagmamahal niya. At hindi ako ang babaeng nararapat kay Kite.

"Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal. Ang mahalaga, mahal kita."

Hindi na kami nagsalita pa. Kapwa kaming tahimik habang magkasabay na naglalakad.

"Gusto mo ng fishball?"

Napatingin ako sa kanya. Bigla namang kumulo ang tiyan ko dahil sa sinabi niya.

"Oo naman, basta libre mo."

Hinila niya ang kamay ko at napadpad kami sa isang stall na nagtitinda ng iba't ibang street foods. Hindi ko tuloy maiwasang matakam kasi matagal na din akong hindi nakakain ng ganito.

Inabot niya sa akin 'yong stick ng fishball kaya sinawsaw ko na ito sa mga sauce. Para nga akong baliw kasi pinaghalu-halo ko ang maanghang, matamis at suka sa pagkain ko.

"Salamat nga pala sa libre, Kite."

Nginitian ko siya kaya ngumiti din siya sa akin. Nakaupo kami ngayon sa isang bench, habang ang ilaw na lamang sa poste ang nagsisilbing liwanag sa amin.

"Wala 'yon. Gusto mo lagi kitang ilibre ng ganyan, okay lang sa akin."

Biglang nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Shems, gusto ko 'yon! Lagi akong may fishball galing sa kanya. Yummy!

"Salamat talaga Kite! Shems, excited tuloy akong lagi kang kasabay."

"Ahm, yayain sana kitang maging partner sa darating na Acquaintance Party. Kung okay lang sa'yo?"

Natigilan ako sa pagsasalita. Oo nga pala, pagkatapos ng Ms. and Mr. Sportsfest ay Acquaintance Party na namin. Nawala sa isip ko kasi lately, laging si Red nalang ang iniintindi ko.

"Sige, ikaw nalang ang partner ko."

Marami pa kaming napagkuwentuhan ni Kite. Medyo napasarap nga ang pag-uusap namin at hindi ko namalayan ang oras na kasama siya.

Hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi na. Nauna na ako sa unit ko. Nag-iba kasi si Kite ng dadaanan kasi may pupuntahan pa daw siya. Bale ako nalang mag-isa ang naglalakad ngayon.

Tahimik ang buong paligid habang naglalakad ako. Hindi ko maiwasang kabahan kasi hindi ko dala ang shurikens ko. Takte, pakiramdam ko kasi talaga ay may sumusunod sa akin.

Mas binilisan ko ang lakad ko. Ramdam ko namang bumibilis din ang yabag ng mga paa ng sumusunod sa akin.

Sinubukan kong lumingon. Wala akong nakitang tao, pero may nakita akong anino ng isang lalaking nagtatago sa likod ng puno.

Sino naman kaya ang sumusunod sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro